Chapter 34
Chandee's Pov
Naging maayos na ang lahat pagkatapos naming magtapat ng nararamdaman ni Kapitan. Ang plano niya ay pormal niya akong ipapakilala kay Pinuno bilang kanyang kasintahan mamayang hapunan. Naeexcite na kinakabahan naman ako.
"Gusto kong pumunta sa pagamutan ngayon" Sabi ko sa kanya
Kunot noo na tinitigan naman niya ako
"Mukha naman kahit hindi ako pumayag pupunta ka parin, kung nahuli lang ako ng dating kanina sigurado hindi na kita naabutan" Sabi niya na ikinahaba ng nguso ko.
"Nag aalala kasi ako kay Kuya Aries hindi ko alam kung ano na bang nangyari sa kanya" Sabi ko
"Papayagan naman kitang pumunta doon ang akin lang gusto ko kasama mo'ko. Gusto kong makasigurado na ligtas kang makakarating doon" Sabi nito
"Pwede naman akong magpahatid sa isa sa mga sundalo e" Sabi ko naman
"May tiwala ako sa mga sundalo natin pero mas magiging kampante ako kung ako ang kasama mo. Isa pa masyado kang makulit at padalos dalos" Sabi nito na nagpataas ng Isang kilay ko
"Hindi naman ako makulit at padalos dalos ah!" Tanggi ko sa sinabi niya
"Mahal ko kung hindi ka makulit ano yung binabalak mo kanina na pag alis na hindi ko alam? Sinabi ko naman sayo na huwag kang aalis na hindi ako kasama. Umoo ka pa nga ngunit binalak mo parin pumuslit. Masyado kang padalos dalos paano kung nakaalis ka na hindi ko alam na walang nakakaalam? Edi nalintikan lahat mga tao dito. Ang malala ay kung may nangyaring masama na pala sayo at wala akong kaalam alam" Sabi nito.
Dahil mukhang wala siyang balak tumigil sa kakasermon sa'kin ay tinakpan ko nalang ang bibig niya. Naiintindihan ko naman nag aalala siya hindi ko lang talaga kayang tumunganga nalang at maghintay tapos hindi pa ako sigurado kung may hinihintay nga ako.
"Oo na tama na pumunta nalang tayo sa pagamutan" Sabi ko habang nakatakip parin ang kamay ko sa bibig niya. Tinanggal naman nito ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko.
"Parang wala lang akong sinabi" sabi pa niya kaya naman hinawakan ko ang dalawang pisngi niya at mabilis na dinampihan siya ng halik sa labi.
"Naiintindihan ko na nga po Kapitan" nakangiting sabi ko pa
"Talaga?" Tanong pa nito kaya tumango ako "halikan mo pa ako kung naiintindihan mo nga" Sabi nito na may naglalarong ngiti sa mga labi
"Naiintindihan ko na nga diba? Hindi rin ako uto uto. Kapag hindi ka pa tumayo diyan ako nalang mag isa ang aalis" Sabi ko
"Tignan mo nga hindi mo parin maintindihan" Sabi pa niya
"Bibilang lang ako ng tatlo kapag di ka pa kumilos diyan aalis talaga akong mag isa" pagbabanta ko "isa, dalawa, tatlo" bilang ko. Pagbanggit ko naman ng tatlo ay tumayo na ito.
"Ikaw ang babaeng walang takot" Sabi pa niya at hinawakan na ang kamay ko
Magkahawak kamay kaming lumabas ng silid ko. Hindi naman mawala ang mga ngiti sa mga labi ko habang naglalakad kami.
*****
Pagdating namin sa pagamutan ay agad kong tinanong si Doktor Gilberto kung kumusta na si Kuya Aries. Sinamahan naman niya kami kung saan ito naroroon. Nalaman ko rin na patay na bago makarating yung dalawa pang sundalo na kasama niya at kinuha na ang mga labi ng mga ito ng kanilang pamilya.
"Magandang araw po" bati ko sa matandang babae at dalawa pang kasama nito. Ang sabi ni Doktor Gilberto ay Ina ito ni Kuya Aries at mga kapatid naman ang dalawa
Malapad na ngumiti ang matanda at hinawakan ang dalawang kamay ko sabay ng pagtulo ng kanyang luha
"Maraming salamat binibini sa pagtulong mo sa anak ko, kung hindi dahil sa'yo wala na ang anak ko" umiiyak na sabi ng matanda
"Naku po Nanay wala po iyon ginawa ko lang ang alam ko, kung minalas malas din po baka lalong napalala ko pa ang lagay ng anak niyo" seryosong sabi ko
"Napaka swerte namin at walang duda na ikaw nga ang babaeng itinakda. Itinakda ka ng langit para tulungan kami" sumisinghot singhot na sabi pa nito. Na touch naman ako sa sinabi niya kaya napayakap ako sa kanya.
"Binibini ako nga po pala si Roel pwede ko po ba kayong tawaging Ate?" Tanong ng Isang binatilyo "Ako din po gusto kitang maging Ate!" Masiglang sabi naman ng isa pang dalaginding mga sampung taon na siguro ito
Humiwalay ako sa pagkakayakap sa matanda at binaling ang tingin sa dalawang bata .
"Oo naman pwedeng pwede niyo akong tawaging Ate, mas gusto ko nga iyon kaysa sa binibini" nakangiting sabi ko
"Kung ganoon Ate ka na namin?" Tanong ng batang babae
"Oo naman" sagot ko sa kanya
"Kuya! May Ate na tayo may magiging asawa na si Kuya Aries!" Masiglang sabi nito na ikinagulat ko. Ako ba tinutukoy ng bata na magiging asawa ng Kuya niya?
"Talaga Are? Payag kang maging asawa ng Kuya ko?" Masayang tanong naman ni Roel "totoo pala ang sabi nila na hindi lang maganda ang binibini kundi napakabait pa" Sabi pa nito
Naramdaman ko naman ang pag akbay ni Kapitan sa'kin. Kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti naman ito sa mga bata.
"Pasensiya na kung hindi niya maaring maging asawa ng Kuya niyo dahil magkasintahan kami at ako lang ang pakakasalan niya" sabi nito sa mga bata
"Hay naku Kapitan pagpasensiyahan mo na ang mga bata, matagal na kasi nilang kinukulit ang Kuya nila na mag asawa. Pasensiya narin po binibini" Sabi ng matanda
"Wala po iyon nakakatuwa nga po sila e" nakangiting sabi ko
"Hindi ako natutuwa" bulong naman ni Kapitan sa tenga ko "Wala po iyon mukhang nasasabik lang silang magkaroon ng Ate" Sabi naman niya sa matanda
"Pwede niyo naman akong tawaging Ate at maging Ate kahit hindi kami maging mag asawa ng Kuya niyo" Sabi ko sa dalawa
"Pero gusto ko ikaw ang maging asawa niya" Sabi ni Roel
"Ako din! Ikaw nalang ang maging asawa niya" Sabi naman ng batang babae
"Roel Larah tumigil nga kayo nakakahiya sa kanila" saway naman ng nanay nila sa kanila
"Kapitan pwede bang iba nalang ang maging asawa mo at payagan nalang sina Kuya at Ate ang maging mag asawa?" Tanong ni Roel na literal na ikinanganga ko
"Roel!" Saway ulit ng nanay niya
"Hindi pwede kasi tinadhana kami para sa isa't isa. Huwag kang mag alala darating din ang babae para sa Kuya mo" sagot ni Kapitan kay Roel
"Pagpasensiyahan niyo na po talaga sila makukulit lang talaga sila" hinging dispensa ng matandang babae
"Kumusta na nga po pala si Kuya Aries?" Pag iiba ko ng paksa. Namumutla na kasi ang matandang babae sa kahihiyan.
"Mas mabuti na siya kaysa kagabi. Ang sabi ni Doktor Gilberto nalampasan na niya ang kritikal na kondisyon. Ang taas ng lagnat niya kagabi pero ngayon ay normal na ulit ang temperatura niya" sagot ng matanda
Kinuha ko ang upuan ng kabilang higaan at inilapit iyon kay Kuya Aries. Inilabas ko ang pang bp ko at tinignan ang blood pressure niya. Natutulog ito pero nagising dahil siguro sa pang iistorbo ko.
"Pasensiya na Kuya nagising kita" Sabi ko
Umiling ito at kumurba ang sulok ng labi.
"Maraming salamat binibini" Sabi nito mas malinaw na siyang nakakapag salita ngayon kumpara kahapon ng iniwan ko siya.
"Wala iyon titignan ko ang sugat mo para malinisan ko narin ha?" Pag papaalam ko sa kanya
Tumango naman ito.
Ibinaba ko ang kumot niya at tinaas ang damit niya. "Nalinis na po ba kanina ang sugat niya?" Tanong ko sa matanda.
"Hindi po binibini pero kagabi pinalitan po yung gasa" Sagot nito
"Sige po linisin muna natin bago palitan ulit ng gasa" Sabi ko at hinanda mga gagamitin ko. Tinanggal ko yung gasa at nakita ko ang namamagang sugat nito. Kumuha ako ng bulak na may alcohol at nilinis ang paligid nito. Sinunod ko yung betadine solution at tinakpan na ulit ito ng gasa. Ganoon din ang ginawa ko sa ibang parte ng mga sugat ni Kuya Aries.
"Maraming salamat sa panibagong buhay binibini akala ko talaga ay katapusan ko na kahapon" Sabi nito
"Sabi ko naman sayo magpakatatag ka at tiisin ang sakit at gagaling ka" nakangiting sabi ko. Lumapit si Kapitan sa'kin at pumunta sa likuran ko. Hinawakan nito ang dalawang balikat ko at kinamusta si Kuya Aries.
"Kapitan hindi ko alam na nandito karin pala, patawad kung hindi ko nabawi ang mga dinukot na kababaihan kahapon" sabi nito na binalak pang umupo pero pinigilan namin siya ni Kapitan.
"Huwag mong isipin iyon ginawa mo ang kaya mo at nagbuwis kayo ng buhay. Kayo ang tunay na bayani pinagmamalaki namin kayo" Sabi ni Kapitan.
Mangiyak ngiyak naman si Kuya Aries
"Salamat Kapitan" sabi nito hanggang sa may luha ng tumulo sa mga mata niya
"Kami ang dapat magpasalamat sa inyo" Sabi pa ni Kapitan
"Muntik na namin silang maitakas kahapon ngunit nahuli nila kami. Kahit marami sila ay makakaya sana namin sila dahil mahihina at kulang sila sa kaalaman sa pakikipaglaban. Ngunit may isang natatangi sa kanila, magkabilaan ang talim ng espada niya at mabilis itong kumilos. Kahit tatlo na kaming nakikipag sabayan sa kanya ay parang wala lang kami sa kanya. Mag ingat ka sa kanya Kapitan propesyonal siya pagdating sa pakikipaglaban" Sabi ito
Bigla naman akong kinabahan at napahawak ng mahigpit sa kamay ni Kapitan. Hinawakan naman din niya ako na parang sinasabing ayos lang.
"Sabihin mo kung saan mo sila nakita at kung saan sila posibleng dumaan" ramdam ko sa boses ni Kapitan ang pagiging seryoso nito. Nakikita ko rin sa mukha niya na handa itong pumunta para lusubin ang mga taong nasa likod ng pandurukot sa mga kababaihan at pumaslang sa dalawang kasamahan niya.
"Sa may gubat sa ikatlong tipak na bato. May ideya kami kahapon na baka dalhin ang mga babae sa ilog at doon ay ililipat sila gamit ang bangka" Sabi ni Aries
"Kung ganoon ipapatawag ko ang mga sundalo para mapuntahan namin ang nabanggit mong lugar" Sabi ni Kapitan
"Gusto kong sumama ngunit siguradong magiging pabigat lang ako sa inyo. Mag iingat kayo Kapitan halang ang mga kaluluwa nila" paalala ni Kuya Aries
Nag aalalang tumingin ako kay Kapitan. Paano kung makatunggali nga niya ang sinasabi ni Kuya Aries? Paano kung masaktan din siya at matulad kay Kuya Aries?. Ang daming tanong na biglang sunod sunod na nagsulputan sa isip ko.
"Magpagaling ka lang dito at kami na ang bahala" Sabi ni Kapitan kay Kuya Aries at tumayo.
"Sandali, saan ka pupunta?" Hawak ko kay Kapitan
"Pupunta ako sa kampo para makapag plano kami at mapuntahan ang lugar na binanggit ni Aries" sagot nito
"Hindi ba pwedeng dito ka nalang at huwag ng sumama? Hintayin mo na lamang sila dito" nag aalalang sabi ko
Umiling ito. Hinawakan niya ang isang braso ko at tinitigan.
"Ako ang Kapitan ng hukbo at kailangan ako ang manguna at pamunuan ang mga sundalo" sagot niya
"Alam ko pero nag aalala ako" sabi ko sabay ng pagpatak ng luha na kusa nalang tumulo.
Dinikit nito ang noo niya sa noo ko at ilang segundo rin kami na ganoon ang sitwasyon.
"Huwag kang mag alala mag iingat ako babalik ako sayo at magpapakasal pa tayo" Sabi nito at hinalikan ang noo ko at niyakap pagkatapos.
Hindi ko napigilan ang mapa hikbi pero tumango ako. "mag iingat ka" Sabi ko pa bago humiwalay sa kanya
"Babalik ako ng ligtas pangako" huling sabi nito at tumalikod na.
Pinanood ko ang likuran niya habang paalis siya at sakay ng kabayo niya. Pinunasan ko ang mga luhang tumulo sa pisngi ko bago muling humarap sa mga tao na may nakapaskil na ngiti sa mga labi.
****