Chapter 26
Chandee's Pov
Inakala yata ng mga residente na may medical mission kami sa lugar nila kaya naman nagsipuntahan ang lahat ng may karamdaman. Wala naman kaming magawa ni Doktor Gilberto kundi tulungan lahat sila. Marami ang dumaing samin na masakit ang tiyan nila at pabalik balik sa palikuran. Tinanong namin sila kung anong dahilan ng pananakit ng mga tiyan nila ngunit wala silang ideya kung saan nila ito nakuha.
Ayon sa aking napansin hindi naman mahirap ang lugar ng Sittio Batuan ngunit hindi rin naman lahat maginhawa ang pamumuhay dito. Magaganda ang mga bahay at maganda rin ang kasuotan at itsura ng karamihan. May ilan lang talaga na hindi na siguro umangat sa pamumuhay ngunit iilan lamang naman ang nakita ko.
"Binibini" napatingin ako kay Agustin. Bahagya pa nga akong nagulat ng makita siya "nasabi ni Ama na nandito ka raw kaya pinuntahan kita" Sabi nito
Tabingi akong napangiti. Siya ba ang tinutukoy ni Ministro na papupuntahin niya upang makatulong sa'min?
"Salamat sa pagpunta, dito umupo ka muna" Alok ko sa mahabang kahoy na upuan sa tabi ko. Lumapit naman siya at umupo
"Nagpadala ako ng mga pagkain at halamang gamot, darating na ang mga yon maya maya, nauna lang akong pumunta dito" Sabi nito
Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Maraming salamat" Sabi ko
"Wala iyon, tungkulin namin ang kaayusan ng Dalya ako nga dapat ang magpasalamat sayo dahil sa tulong na ginagawa mo" Sabi nito
"Diba Ministro ang Ama mo? Ikaw anong katungkulan mo dito sa Dalya?" Tanong ko
"Ako? Wala. Hindi ko naman kailangan may hawakan na posisyon para maging mabuting mamamayan dito sa Dalya. Isa pa kung gusto kong tumulong tutulong ako kahit wala akong posisyon" napabilib naman ako sa sagot niya. Tama naman kasi siya, hindi kailangan may posisyon para tumulong sa kapwa.
****
Unti unting dumami ang mga pasyente, maging yung mga walang sakit kanina na napagtanungan ko ngayon ay masakit narin ang tiyan.
"Hindi po ba't ayos lang kayo kanina bakit biglang sumakit ang tiyan niyo?" Tanong ko sa ginang
"Hindi ko rin alam binibini apat na akong beses nagpabalik balik sa palikuran pero ang sakit pa rin ng tiyan ko" sagot nito
"Ano po ba ang huli niyong kinain?" Tanong ko
"Nagluto ako ng nilagang baboy yun ang huling kinain ko pati yung bagong saing ko rin na bigas" sagot nito
"Ilan po kayong kumain ng niluto niyo? Ikaw lang po ba ang sumakit ang tiyan?" Tanong ko pa
"Kaming dalawa lang ng anak ko pero ayun siya" tinuro nito ang isang babae na nakapila "sumakit din ang tiyan niya pagkatapos naming kumain kanina" sagot nito
Agad ko siyang binigyan ng halamang gamot at sinabi kung gaano katagal pakukuluan iyon. Sinabi ko rin na kumain ng prutas lalo na ang saging kung meron sila at uminom ng maraming tubig.
Sa dami ng nagpapakunsulta ay hindi na kami nakapag tanghalian at nalipasan na ng gutom. Madilim narin ng matapos kami at nagpasyang umuwi. Wala kaming nalaman kung anong sanhi ng sakit nila dahil hindi naman parepareho ang mga kinain nila at yung iba ay hindi naman nakisalamuha sa may mga sakit kaya imposibleng nahawaan lang sila.
"Maraming salamat sa tulong at paghatid sa akin" Sabi ko kay Agustin ng makarating kami sa tapat ng tarangkahan. Gusto ko sana siyang ayain sa loob at dito na sa bahay ng pinuno maghapunan ngunit naalala ko na wala pala ang pinuno ngayon.
"Walang anuman, kung kailangan mo ng tulong huwag kang mangingimi na lumapit sa akin" ngumiti ako at tumango. Ang laking tulong ni Agustin sa'min ngayong araw, akala ko dati puro pagyayabang lang ang alam niya.
"Maraming salamat ulit pasok na ako" paalam ko kay Agustin. Tumango at nginitian naman niya ako
Pumasok na ako sa tarangkahan at muling lumingon pa sa kanya ng nasa loob na ako. Nginitian ko lang siya ulit at tumuloy na ako sa paglalakad.
"Binibini!" Tumatakbong lumapit sa akin si Glenda "bakit ngayon ka lang sino yung naghatid sayo?" Tanong pa niya
"Bakit may nangyari ba? Si Agustin yon anak ni Ministro Romulo" sagot ko sa kanya
"Diba siya yung sumusulat at laging nag aanyaya sayong lumabas?" Tanong pa niya
"Oo pero ano bang nangyari?" Tanong ko
Tumingin naman siya sa may bandang likuran niya at sinundan ko naman ang tingin niya. Nasa di kalayuan si kapitan at nakatingin sa amin.
"Sigurado ako hindi ka pa kumain ipaghahanda ko muna kayo ng hapunan ni Kapitan" sabi nito
"Diba nasa hangganan siya bakit nandito siya?" Hindi makapaniwalang tanong ko
"Tara na po binibini si kapitan na lamang po ang tanungin niyo" sagot nito hanggang makalapit kami kay Kapitan
"Magandang gabi kapitan" bati ko. Alam ko na sinabihan ko siya na huwag akong pansinin at magpansinan, ngunit hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na batiin siya. Sana maintindihan nalang niya.
Nang hindi niya ako binati pabalik ay tutuloy na sana ako sa paglalakad ngunit nagulat ako ng bigla nitong pigilan ang isang kamay ko. Namilog ang mga mata ko sa pagkabigla at mariin na hinawakan ko naman ang Isang kamay ni Glenda na nagpatigil din sa kanya.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni kapitan sa'kin
"A-ayos naman ako" nautal pa na sagot ko
Naramdaman ko naman ang pagtanggal ni Glenda sa mga kamay ko na nakahawak sa kamay niya. Kaya napatingin ako sa kanya.
"Maiwan ko muna kayo binibini ihahanda ko lang ang pagkain niyo sa loob" Sabi ni Glenda at mabilis na naglakad paalis
Lalo naman akong nagulat ng biglang kabigin ako ni Kapitan at niyakap ng mahigpit. Para akong estatwa na hindi makagalaw, hindi ko nga alam kung humihinga pa ako. Ang lakas din ng kabog ng dibdib ko.
"Nag alala ako sayo lalo na ng hindi kita datnan dito sa bahay" Sabi ni kapitan.
Kumurap kurap ako. Hindi ko alam kung ano ang reaksyon na gagawin ko. Bigla ko naman naalala si Glenda na baka nasa paligid lamang kaya bigla ko siyang tinulak.
"M-maraming salamat sa pag aalala mabuti naman ang lagay ko, alalahanin mo nalang si Glenda" Sabi ko at tinalikuran na siya at mabilis naglakad palayo sa kanya.
Pagdating ko sa silid ko ay walang tao doon. Agad kong sinara ang pinto at sumandal sa likuran nito. Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Napapikit nalang ako at pinakalma ang sarili ng ilang minuto bago umalis sa pagkakasandal doon.
Ilang sandali lang ay kumatok si Glenda at pumasok siya. Sinabi nito na nakagayak na ang hapunan namin ni kapitan.
"Wala akong ganang kumain matutulog na ako" Sabi ko kay Glenda kahit gutom na gutom ako dahil sa wala pa talaga akong kinain mula kaninang umaga.
"Hala! Kumain ka muna binibini kahit kaunti lang" sabi pa niya.
"Hindi na huwag na ikaw na lang" Sabi ko na tipid na ngumiti
Wala naman itong nagawa kaya lumabas na ulit ito sa aking kwarto. Siguro sasabyan na lang niyang kumain si Kapitan. Niyakap ko nalang ang isang kumot ko at pumikit.
Ilang minuto lang nakalipas ay muling bumukas ang silid ko. Ayokong imulat ang mga mata ko sigurado akong si Glenda lang iyon.
"Alam ko gising ka pa, bumangon ka muna at kumain" napabalikwas ako mula sa pagkakahiga ng marinig ko ang boses ni Kapitan.
"Binibini dito nalang daw kayo sa silid niyo kakain ni kapitan" Sabi naman ni Glenda pero ang mga mata ko ay nakatitig kay Kapitan
"Hindi mo ba sinabi kay Kapitan na hindi ako kakain?" Tanong ko ngunit ang mga mata ay naiwan parin kay kapitan
"Sinabi ko po pero.. mas mabuti pa iwanan ko nalang muna kayo. Balikan ko nalang kayo mamaya kapag tapos na kayong kumain. Tawagin mo nalang ako binibini sa labas kapag kailangan mo ako kakausapin ko lang ang aking nobyo" mabilis na sabi ni Glenda na ikinatingin ko sa kanya. Mabilis naman itong lumabas ng kwarto ko
Naguguluhang tinignan ko naman si kapitan. Kung marunong siyang magbasa ng isip sigurado alam niya ang tumatakbo sa isip ko ngayon na kung bakit nandito pa siya at hindi sinundan si Glenda sa labas upang magkausap sila.
"Tatayo ka ba o bubuhatin kita?" Tanong ni Kapitan na nagpabalikwas sa'kin sa pagkakaupo at tumayo. Naglakad na ito papunta kung saan naroon ang mga pagkain habang nakasunod lang ako sa likuran niya at nag isip. Anong oras ba niya balak paghintayin si Glenda sa labas.
Nagulat ako ng bigla akong nabunggo. Pag angat ko ng ulo ay nakita ko si kapitan na nasa harapan ko. Huminto na pala siya sa paglalakad at sa sobrang pag iisip nabunggo na ako sa kanya. Napahawak ako sa noo ko na hindi naman nasaktan.
"S-sorry pasensiya na" nahihiya ko pang sabi
Tinanggal naman ni kapitan ang kamay ko na nakahawak sa noo ko at tinignan niya ito at hinaplos
"Maaari bang huwag mo muna siyang isipin kapag ako ang kasama mo?" Sabi nito na nagpaangat ang tingin ko sa kanya.
Nagkasalubong ang tingin naming dalawa. Mukhang hindi magandang ideya ang tignan siya diretyo sa mata. Ang bilis na naman kasi ng tibok ng puso ko.
"A-anong sinasabi mo?" Nautal na tanong ko sa kanya habang pigil ang pagpatak ng namumuong tubig sa aking mga mata. Ganito ba talaga ka insensitive si kapitan? Paano nito nasasabi na huwag isipin ang nobya ngayong nasa labas lang ito ng pintuan.
"Kumain na muna tayo at isipin mo nalang siya mamaya bago ka matulog" Sabi nito tsaka niya ako tinalikuran
Mariin akong napapikit. Huminga ako ng malalim at bumilang ng sampung beses para kumalma. Pagmulat ko ng mata ay muling nagkasalubong ang paningin naming dalawa. Umiwas nalang ako ng tingin at umupo sa silya na nakaharap sa kanya.
Walang salitang lumabas sa boses ko at sumandok nalang ng pagkain sa plato ko. Ayokong magsalita at ayokong tignan siya baka kasi ano pa ang masabi ko. Bibilisan ko nalang ang pagkain ko ng matapos na ang parusang ito.
Habang kumakain kami ay todo serbisyo naman ni kapitan sa akin. Pinaghihimay niya ako ng hipon na pikit matang tinatanggap ko nalang at nilalagyan pa niya ng kanin at gulay ang plato ko.
"Pakiusap tama na" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumingin sa kanya. Pabagsak ko rin binaba ang mga kubyertos ko sa mesa. "tumigil ka na" Sabi ko pa habang diretyong nakatingin sa mga mata niya.
Umiling siya na ikinagalit ko. Gusto ko siyang sigawan, saktan at sipain palabas ng kwarto ko ngunit inaalala ko si Glenda. Tumayo nalang ako at pupunta sana sa higaan ko ngunit tulad kanina pinigilan nito ang isang kamay ko.
"Sinubukan ko naman binibini ngunit hindi ko pala kaya. Ayokong magsisi kaya ipaglalaban at ipipilit ko ang pag ibig ko sa'yo kahit ayaw mo" Sabi nito
Marahas akong tumingin sa kanya kasabay ng isang malutong na sampal at pagpatak ng kanina ko pa pinipigilan na pagluha.
"Ang kapal ng mukha mo para sabihin sa akin yan ngayong alam mo na magkaibigan kami ni Glenda" mariin na sabi ko. Gusto ko rin ipaalala sa kanya na nasa labas ang nobya niya kaya tinuro ko ang pintuan
"Alam ko magkaibigan kayo, dahil lang ba sa dahilang iyon kaya nagagalit ka at ayaw mo akong kausapin? Bakit?" Naguguluhang tanong nito
"Sa sobrang kakapalan ng mukha mo at bilib sa sarili hindi mo na alam kung bakit, hindi ka kasi makuntento sa isang babae lang. Hindi ko na isasali dito si Isabelle pero ang tuhugin mo kaming dalawa ni Glenda na alam mong magkaibigan kami ay sobrang kapal mo na. Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? May nobya ka na naghihintay sa labas para makausap ka pero nandito ka at kung ano anong walang saysay ang sinasabi mo ngayon". Tuloy tuloy na sabi ko tsaka marahas na pinahid ang mga luhang kumawala sa mga mata ko
Nakatingin lang ito sa akin na parang natuklaw ng ahas.. Siguro naisip na nito na alam ko na ang sikreto niya. May palagay kasi akong ayaw niyang ipagsabi at malaman ng Ina na kasintahan niya si Glenda. Tinalikuran ko siya at iniwan sa kinakatayuan niya. Nahiga ako sa higaan ko at nagtalukbong ng kumot at doon tahimik na umiyak.
******