Chapter 24
Chandee's Pov
Tatawagin ko sana si Glenda ng makita ko siya sa may hardin kanina ngunit napaurong ako ng makitang kausap nito si kapitan. Napansin ko na mukhang seryoso ang pinag uusapan nila kaya umiwas nalang ako at bumalik sa kwarto.
Alam ko sa sarili ko na may gusto ako kay kapitan at alam ko rin na magkasintahan sila ni Glenda. Tanggap ko naman na hindi kami para sa isa't isa hindi ko lang talaga maiwasan di masaktan. Darating din siguro ang araw na hindi na masakit kahit makita ko silang magkasama.
"Binibini tikman mo ito" masiglang sabi ni Glenda sabay abot sakin ng isang plato ng nilagang mais at mga kamote.
"Ang tagal ko ng hindi nakakain nito, salamat" Sabi ko at kumuha ng mais
"Bagong pitas yan kaya manamis namis. Si kapitan pa nga mismo ang nagluto ng mga yan kanina bago siya umalis" nakangiting sabi pa nito
Nasamid naman ako ng sabihin nitong si kapitan ang nagluto. Dali dali naman niya akong binigyan ng inuming tubig.
"Bakit hindi nalang niya inutos ipaluto sa kusina? Baka naman para sa'yo lang to nakakahiya kumuha ako" Sabi ko
Mabilis itong umiling na may halong kumpas pa sa mga kamay.
"Binigyan niya din ako kanina para sa'yo talaga mga yan binibini" Sabi nito
Tipid na ngumiti ako
"Salamat" Sabi ko
"Ang sipag sipag talaga ni kapitan no? Hindi nga rin niya alam kung kailan siya uuwi basta ang sabi niya magsabi daw agad ako kapag may nangyari dito"
"Bakit saan ba siya pumunta?"
"Kailangan kasi siya sa hangganan. Ang kwento sa'kin kailangan ng mga sundalong nandoon si kapitan para mamuno sa kanila. Nanganak kasi ang asawa ng namumuno sa mga naiwan na sundalo at kailangan niyang umuwi. May mga ibang mataas na opisyal parin naman ang mga nandoon ngunit iba parin daw kung nandoon si kapitan"
Tumango tango ako sa nalaman. Iba kasi talaga kapag ang namumuno ay ang may mataas na posisyon.
"Mas maganda parin kung dito nalamang siya kahit papaano'y nandito ka maaalagaan mo siya" Sabi ko
"Kung malapit lang ang hangganan pupunta ako doon at ipagluluto sila kahit hindi naman ako masarap magluto. Sabi kasi sa'kin kahit anong luto nalang ginagawa nila ang importante malamnan ang sikmura nila. Nagdala nga kanina ng isang sakong mais at mga kamote si kapitan. Sigurado matutuwa mga sundalo sa dala niya" sabi nito
"Bakit hindi nalang sila kumuha ng kusinera ng may nagluluto ng pagkain nila? Para naman kahit papaano may sustansiya ang kinakain nila"
"Meron naman dati kaso hindi sila nagtatagal. Madalas na nagiging dahilan nila ay nangungulila sila sa mga pamilya nila. Masyado kasing malayo ang hangganan sa bayan para mag uwian sila araw araw. Nagiging problema din nila ang pagkuha ng mga lulutuin nila, kailangan pa kasing mangaso ng mga sundalo at kung ano ang nahuli ng mga sundalo yun yung kakainin nila" paliwanag nito
May mga ideuang pumapasok sa isipan ko tulad ng magdala nalang ng mga stocks sa hangganan para di na nila kailangan maghanap pa ng makakain nila. Imbes kasi nagpapahinga na sila sa nakakapagod na trabaho nila iisipin pa nila ang kakainin nila. Baka pwede din kumuha sila ng mga tagaluto na payag na lingguhan kung umuwi katulad ng mga nagtatrabaho dito sa bahay ng pinuno. Hayaan ko nalang sila mas gusto kong manahinik nalang. Malamang nagawa o sinubukan narin nila ang nasa isip ko hindi nga lang maganda ang kinalabasan.
******
"Ang sarap naman nito binibini! Sayang lang at naubusan tayo ng karne. Pwede bang gawin natin ulit ito bukas?" Sabi ni Ate Susan tinutukoy ang lumpiang shanghai na niluluto namin.
"Oo naman hanggat gusto niyo at kung meron tayong sangkap" natutuwang sabi ko
"Sigurado magugustuhan ng lahat itong lumpiang shanghai at baka hindi pa pansinin ng pinuno ang paborito niyang paksiw na ayungin" Sabi naman ni Ate Mildred
"Sobrang sikat ng lumpiang shanghai sa'min kapag may okasyon di siya pwedeng mawala, una din siyang nauubos sa lahat ng pagkain na nakahapag" natutuwang sabi ko
"Mabuti pa ako na diyan at magpahinga ka na, kumain ka na rin baka maubusan ka namin" Sabi ni Ate Mildred at kinuha ang siyanse sa'kin.
"Baka di na makarating kina pinuno at Binibining Anna itong lumpiang shanghai ah, dito palang sa atin ubos na" Sabi naman ni Ate Helen na may hawak na shanghai sa magkabilang kamay niya
"Tama na yang kakapapak niyo baka nga maubusan ang mga amo natin" saway ni Ate Mildred sa dalawang kasama
"Marami pa naman yan pero maghihiwalay na ako para makasigurado. Mahirap na baka may mapadaan dito at makitikim maubos talaga" sabi naman ni Ate Susan
"Yung tikim lang dapat pero hindi na tumigil kakatikim. Ang mahirap pa magtatawag pa ng kasama hahaha" Sabi naman ni Ate Helen
"Kapag nagustuhan ni Pinuno at Binibining Anna ang lumpiang shanghai sa susunod na magluluto ako sisiguraduhin ko na madami na talaga" Sabi ni Ate Mildred na inaahon ang mga naiprito niyang lumpia.
"Mukhang hindi ka nangawit kanina sa pagbabalot at gusto mo pa ah" pagbibiro ko kay Ate Mildred
"Ang sakit nga sa likod at batok pero kung dahil naman sa lumpiang shanghai ay ayos lang" sagot nito
"May alam pa po akong dalawang klaseng lumpia pa na pwede nating gawin. Masarap din po mga yon, kapag may togue po tayo sabihin niyo para makagawa tayo ng lumpiang gulay" Sabi ko
"Maraming munggo dito gaano ba karaming toge ang kailangan binibini ng makapag babad na ako" Sabi ni Ate Helen
"Marami po ang kailangan eh, kailangan din ng carrots, repolyo, singkamas at hipon. Yung ibang natitirang kailangan na sangkap mukhang meron naman lahat dito ngayon" Sabi ko habang nililibot ang mga mata ko sa mga stocks nila
"Hindi panahon ng mga singkamas ngayon sayang naman, marami pa naman munggo dito na pwedeng gawing togue" nanghihinayang na sabi ni Ate Helen
"Ayos lang naman po kahit walang singkamas pero mas masarap po kasi kung meron siya" Sabi ko
"Marami kailangan na karot at repolyo?" Tanong naman ni Ate Susan
"Dipende po sa dami ng togue" sagot ko
"Sapat na ba ang isang salop ng munggo para gawing togue?" Tanong pa niya
Napakamot ako ng ulo. Hindi ko kasi alam kung gaano karami ang isang salop. Isang tabo ba yon? Pero alam ko magkaiba yon e.
"Hindi ko po kasi alam kung gaano karami ang isang salop pero mukhang marami na po yon" Sabi ko
"Gawin mo ng dalawa para makasigurado tayo. Sigurado naman na mauubos kahit gaano pa yan karami, pagkakaguluhan pa yan dahil si Binibining Chandee ang magluluto" Sabi naman ni Ate Mildred
"Sabagay, lahat naman basta niluluto ni Binibining Chandee pinagkakaguluhan" Sang ayon ni Ate Helen
Medyo lumalaki ang ulo ko sa papuri nila. Kung tutuusin kahit alam kong gawin at lutuin ang mga ginagawa ko hindi parin ganoon kasarap. Feeling ko nga binobola lang nila ako.
*****
Tapos na akong mananghalian at nagpapahinga na ng ipatawag ako ni Pinuno. Minsan lang ako ipatawag ng Pinuno kaya kinakabahan ako.
Nasa likuran ko si Glenda at tahimik kaming naglalakad patungo sa tanggapan ng mga bisita. Maging siya ay hindi alam kung bakit ako pinapatawag.
Pagkarating namin sa may sala ay agad kong nakita si Pinunong Oscar. Tinaas nito ang mukha at malapad na ngumiti ng makita ako. Nawala naman ang kaba ko ng makita siyang nakangiti.
"Halika umupo ka" anyaya ng Pinuno sa'kin
Umupo ako sa mahabang sofa na nandoon at umupo naman siya paharap sa akin. Nilagyan niya ng orange juice ang isa sa mga basong naroon at inabot sa akin na siya namang kinuha ko.
"Nalaman ko nagpamalas ka na naman ng husay sa pagluluto at nakagawa ng bagong putahe. Natikman ko ang lumpiang shanghai at talaga naman napakasarap. Nag unahan pa kami ni Anna sa isang natira kanina sa plato ngunit iba talaga kapag bata mabilis kumilos hahaha" Sabi nito na tumawa pa
"Masaya po akong nagustuhan niyo" nakangiting sabi ko
"Aba'y oo! Napakasarap ng niluto mo. Sa katunayan nga kaya kita pinatawag ay dahil may pabor akong hihilingin sa iyo" Sabi nito
Pilit akong ngumiti. Mukhang alam ko na ang pabor na sasabihin niya. Gusto nitong magpaluto ng lumpiang shanghai.
"Ano po ba iyon?" Tanong ko na kunwari hindi ko pa alam ang pabor na sinasabi niya
"Kung maaari mo sana akong ipagluto ulit ng lumpiang shanghai bukas, aalis kasi ako at balak kong gawing pasalubong sa Bayan ng Liwayway" Sabi nito
"Wala pong problema sasabihin ko nalang sa mga taga kusina para maagang maihanda ang mga gagamitin naming sangkap" Sabi ko
"May isa pa akong problema, maaga akong aalis bukas. Maari kayang mailuto mo na ang mga ito bago mag alas tress ng madaling araw bago ako umalis?" Sabi niya
Napatulala ako kay pinuno dahil sa sinabi niya. Oo nga madali lang gawin ang lumpiang shanghai pero matagal itong balutin.
"Mga gaano karami po ba ang dadalhin niyo?" Tanong ko. Para alam ko kung gaano katagal aabutin ko sa pagbabalot. Sana lang matulungan ako ni Ate Mildred at ng iba pa.
"Maaari na siguro ang isang bilao" sagot nito
Malapad akong ngumiti sa kanya at tumango.
"Wala pong problema" Sabi ko
Agad nagpatawag si pinuno ng tauhan para bilhin ang mga kailangan bilhin. Nag paalam narin ako sa pinuno na babalik na sa silid ko.
******