Chapter 23

Chandee's Pov

"Dapat pala nagmasa na tayo ng marami kanina" Sabi ko kay Mang Isko habang tinutulungan siya sa pagmamasa ng dough

"Napakarami na niyan kanina binibini hindi lang namin sukat maisip na magkukulangan pa pala" nakangiting sagot nito

"Nakakatuwa nga po eh marami ang bumibili" malapad ang ngiting sabi ko

"Dahil sayo" Sabi naman niya

"Hindi po, dahil masarap po talaga ang donut na binebenta natin" totoong sabi ko. Ang bilis natutunan ni Lilibeth ang paggawa at pagluto ng donuts. Mas masarap at mas fluffy pa nga ang kanya kaysa sa itinuro ko

"Ang totoo niyan ay kinakabahan kami kanina bago pumunta dito. Nangutang lang kami ng pandagdag puhunan at ibinuhos dito ang lahat ng pera namin" Sabi pa niya

"Huwag kang mag alala ama mukhang makakabayad agad tayo ng utang, ganito sana lagi karami ang bumibili sa atin" Sabi ni Kiko na tumutulong naman sa Ate niya sa panunukli.

"Mag dilang anghel ka sana" Sabi ni Mang Isko sa anak

"Sigurado yan ama magtiwala lang" sagot naman ni Kiko

Abala ang buong pamilya ni Mang Isko, hindi nila alintana ang hapdi sa balat dahil sa sikat ng araw. Wala kasing bubungan ang pwesto nila buti nalang nakasilong ang pwesto namin ni Mang Isko.

Kinuha ni Mabel ang mga nakatabing dough na pwede ng iluto at binigay sa ate Lilibeth niya. Si Juancho naman ang nag shishake ng mga nailuto na sa isang lalagyan para mabalutan ng asukal. Habang si Ella naman ang nag aayos sa mga dinidisplay na donuts at nagbebenta narin kapag may iniluluto pa ang ate niya. Tumutulong din si Glenda sa pagtitinda, nagtatawag siya ng mga kostumer at sinasabi pa nito na ako ang nagturo sa paggawa ng donuts. Mukhang epektibo naman dahil ang dami ngang bumibili at nangungumusta sa'kin ng makita ako.

Alas onse na ng magpaalam kami ni Glenda kina Mang Isko. Kailangan na kasi namin umuwi dahil nakapangako ako kay Anna na sabay kaming kakain ng tanghalian. Nangako din ako na tuturuan siyang gumawa ng diy paper crafts. Natuwa kasi siya ng gumawa ako ng pinadalhan ko siya ng iba't ibang klaseng papel na bulaklak.

"Dapat pala nagdala ako ng payong kanina, ilang araw ng mainit at maalinsangan" Sabi ni Glenda habang sakay kami ng kargo pauwi sa tahanan ng pinuno.

"Napansin ko nga rin na iba ang init ngayong araw, mainit nga noong mga nakaraan ngunit hindi naman ganito" puna ko

"Parang nung nakaraang taon lang din na sa sobrang init nagbitak ang mga lupa, Hindi makapag tanim ang mga magsasaka kaya tumaas ang bigas at mga gulay" Sabi naman ni Glenda

"Dahil yon sa El Nino, naging problema din sa'min yan noong nakaraang taon. Isa pa ang heat stroke, maraming nahihimatay dahil sa sobrang init at kakulangan ng tubig sa katawan. Kaya kung wala din gagawin sa labas magpirmi nalang sa loob ng bahay" Sabi ko

*****

Pagdating namin sa bahay ay dumiretyo ako sa kwarto ko at inayos ang sarili. Nakakahiya kasing humarap kay Anna na madungis at amoy araw ako. Lagi kasi siyang malinis at mabango. Ewan ko ba sa batang iyon kahit nakikipaglaro siya sa labas at pinagpapawisan mukhang mabango parin. Naalala ko tuloy noong bata ako lagi akong napapagalitan ni Mama dahil mukha raw akong batang hamog pag umuuwi ako sa bahay after ko makipaglaro.

Nang maayos ko ang sarili ko ay inaya ko na si Glenda sa silid ni Anna. Nakasimangot nga ito dahil ayaw niyang makita si Maneng. Mukhang nagka alitan na naman sila.

"Ate Chandee halika pasok akala ko nakalimutan mo na ang pangako mong sabay tayong kakain ngayon, papupintahin ko na nga sana sa silid mo si Maneng para sunduin ka" Salubong sa'kin ni Anna ng makita niya ako

"Kanina mo pa ba ako hinihintay? Patawad akala ko'y maaga pa" Sabi ko at ibinigay sa kanya ang dala kong dalawang pirasong donut.

"Hindi naman, hindi lang ako makapag hintay at nasasabik na makita ka at maka kwentuhan ka" nakangiting sabi nito "ano nga pala ito?" Tanong pa niya at binuksan ang lalagyang may laman na donuts

"Donut ang tawag diyan, naisip ko kasi kanina na dalhan ka ng pasalubong pagpunta ko dito"

"Mukhang masarap! Ikaw ba ang nagluto nito?" Natutuwang tanong niya

Umiling ako

"Hindi pero ako ang nagturo sa nagtitinda niyan kung paano yan gawin" sagot ko

"Alam mo ba ate buhat ng dumating ka malaki na ang pinagbago ng Dalya. Ang dami naming natutunan sa'yo" Sabi nito tsaka tumingin sa mga donuts "pwede ko na ba itong kainin?" Tanong niya

"Pwede naman pero mamayang meryenda nalang siguro, malapit ng mananghalian kahit maliit at malambot kasi ang mga yan mabigat parin sa tiyan" Sabi ko

"Gusto ko tuloy hilahin ang oras para mag meryenda na" nakangiting sabi nito "Ang mabuti pa siguro ipakuha ko na ang pagkain natin. Saan mo pala gustong kumain?" Tanong niya

"Kahit saan ay ayos lang, tayong dalawa lang ba?" Tanong ko

"Gusto mo ba tanungin ko si Kuya kung gusto niyang sumabay sa atin? Tanong nito. Napatigil naman ako at napatulala sa kanya "ate?" Tawag nito sa pansin ko

Ngumiti naman ako sa kanya at umiwas ng tingin "ayos lang naman sa'kin kaso parang abala ata si kapitan?" Patanong na sagot ko sa kanya

"Kahit gaano siya ka abala kailangan parin niyang kumain" Sabi nito tsaka tumingin sa kanyang tagapagsilbi "Maneng paki puntahan si Kuya at sabihin gusto namin siyang makasabay kumain ni Ate Chandee" utos nito

Nang makabalik ang tagapagsilbi ay sinabi nito na tumanggi si kapitan. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, nalulungkot ako na nakahinga ng maluwang sa sinabi ni Maneng.

"Siguro nga'y marami siyang ginagawa, tayo nalang munang dalawa at yayayain nalang ulit natin siya sa susunod" Sabi ni Anna at inutusan na si Maneng na kunin ang pagkain namin at dalhin sa may patio ang mga ito.

Pumunta na nga kami sa may patio na napapalibutan ng mga halaman at bulaklak. Ilang buwan narin akong nakatira dito pero ngayon ko lang na appreciate ang ganda ng patio. Naglakad pa kami sa tulay na kahoy papunta sa gitna ng pond kung saan mayroon kubo. Mukhang doon kami kakain.

Napatitig ako kay Anna, napaka bata pa niya pero alam na nito ang magagandang lugar. Pakiramdam ko pinili niya ang lugar na ito dahil alam niyang mainit ang panahon. Kumpara kasi sa loob ng bahay ay mas presko dito. Napapalibutan kasi kami ng tubig at kahit papaano'y may hangin.

Nagsimula na kaming kumain habang nagkukwentuhan. Gustong gusto niya ang mga kwento ko tungkol sa mundong pinanggalingan ko. Pinapa drawing pa nga niya ang mga bagay bagay tulad ng eroplano at kung ano pang gamit sa bahay at kung ano ang itsura ng mga buildings. Hindi lang talaga ako kagaling pagdating sa pag do drawing kaya medyo palpak. Buti nalang malawak ang imagination niya. Sana nga daw magkaroon din ng katulad ng sa mundo ko ang Dalya.

Nang matapos kami ay iniligpit na ni Maneng at Glenda ang pinagkainan namin. Nagpasya din kami na dito ko nalang siya turuan ng mga diy paper crafts mas presko kasi dito kumpara sa mga silid namin.

Madali namang nakasunod si Anna sa mga tinuturo ko kung paano itupi ang mga papel para maging mga bulaklak. Sa dami ng papel na hinanda niya kanina ay naubos namin yung lahat. Inayos niya lahat ng mga nagawa namin at gagawin daw niya itong palamuti sa kanyang silid.

******

Habang naglalakad pabalik sa aking silid ay nag unat unat ako. Madali lang naman gumawa ng paper crafts pero nakakapangawit rin. Nag enjoy din ako kaninang turuan si Anna at napakadali nitong turuan. Maging si Maneng at Glenda ay tuwang tuwa ng makagawa sila ng kanila.

"Kapag sumahod ako bibili ako ng mga papel at gagawin kong bulaklak" Sabi ni Glenda habang hawak hawak at tinitignan ang papel na rosas na siya ang may gawa.

"Ano naman gagawin mo sa mga papel na bulaklak?" Tanong ko sa kanya

"Bibigyan ko si Ina at ang aking minamahal" sagot nito na nag blush p

"Baliktad yata? Dapat ikaw ang bigyan ng bulaklak ng iyong nobyo" Sabi ko

"Hindi naman siya marunong gumawa ng papel na bulaklak na katulad nito binibini. Isa pa mas gusto ko ang papel na bulaklak dahil hindi ito nalalanta. Parang pagmamahal namin sa isa't isa walang hangganan" sagot nito

Ngumiti ako sa kanya at minasdan siya. Maganda si Glenda at may morenang balat. Kulot ang mahabang buhok nito at may pares na biloy sa magkabilang pisngi na lalong nagpapaganda sa kanya. Hindi nakapagtataka nabighani si kapitan sa kanya.

"Sana may mga bagay ka pang maituro samin binibini. Nakakatuwa kasi ang mga nalalaman namin sa'yo" Sabi pa nito

"Sana nga" nakangiting sabi ko

******