Chapter 21

Chandee's Pov

"Sayang yung pinainit kong tubig panligo mo kanina hindi mo nagamit, pinuno ko pa iyon ng bulaklak at nilagyan ng pabango para guminhawa ang pakiramdam mo at masarap ang tulog mo. Kaso pagbalik ko dito sa kwarto mo ang sarap na ng tulog mo" reklamo ni Glenda habang pinupunasan ang buhok ko. Kakatapos ko lang maligo.

"Pasensiya na nga hindi ko naman alam na makakatulog ako" Sabi ko dito. Ilang ulit narin kasi niyang sinabi sa'kin tungkol sa effort na ginawa niya kanina.

"Nakakainis lang kasi imbes na ikaw yung gumamit noon si Maneng pa ang gumamit" nakasimangot na sabi nito

Si Maneng ay personal na tagapagsilbi ni Anna hindi ko alam na may something sa kanilang dalawa ni Glenda, nalaman ko lang kanina na nag away na dati ang dalawa dahil lang sa damit. Na kwento rin ni Glenda na madamot daw si Maneng at feeling siya si Binibining Anna kung umasta. Marami nga raw naiinis kay Anna dahil sa ugali niya kahit itanong ko pa raw sa iba. Napapangiti nalang ako sa mga sinasabi niya ang cute kasi niya. Kaya siguro nagustuhan siya ni Kapitan.

"Uh. m.. Glenda diba may nobyo ka na? Kumusta naman kayong dalawa?" Nakangiting tanong ko.

Namula ang mga pisngi ni Glenda halatang nahihiya dahil sa tanong ko

"Mabuti naman po kami binibini" sagot nito

"Mag kwento ka naman tungkol sa kanya at paano nagsimula ang pag iibigan ninyo" pilit akong ngumiti na nakatingin sa salamin

"Ano po kasi binibini bago lang po naging kami pero matagal na po akong may pagtingin sa kanya" nahihiyang sagot niya

"Paano pala kayo magkakilala?" Tanong ko pa

"Nagkakilala po kami noong nakaraang taon dito sa tahanan ng Pinuno" mabilis na sagot niya sabay takip sa bibig nito.

Pilit akong ngumiti sa kanya. Ibig sabihin tama ang hinala ko na sila ngang dalawa ni Kapitan.

"Sige na nga hindi na ako magtatanong tungkol sa kanya hihintayin ko nalang na kusang mag kwento ka" Sabi ko at tinignan ang nakangiting sarili sa salamin. Nakangiti kahit nasasaktan. Nasasaktan kasi parang may gusto na ako kay Kapitan. Nasasaktan kasi parang tinatraydor ko si Glenda. Nasasaktan ako para kay Glenda, hindi nito alam ang pinaggagagawa ng boyfriend niya kapag wala siya.

"Ayos ka lang ba binibini?" Pinunasan ko ang mga nakawalang luha sa mga mata ko na hindi ko namalayan.

"Hahaha" pilit akong tumawa "totoo palang maiiyak ka kapag nakipag titigan ka sa sarili mo na hindi kumukurap no? Hahaha" sabi ko

"Naku naman binibini akala ko pa naman kung napaano ka na. Kahit hindi ka tumingin sa sarili mo maiiyak ka parin basta hindi ka kumukurap hahapdi kasi ang mga mata mo at kusang tutulo ang mga luha kapag ganoon" sabi naman niya

"Subukan mo minsan mas mabilis kang maiiyak kung titingin ka sa sarili mo" nakangiting sabi ko

"Noong bata ako lagi nalang akong umiiyak kaya ayoko na talagang umiyak" Sabi nito tsaka malapad na ngumiting tumingin sa'kin. Ngumiti din ako sa kanya at yumakap sa baywang niya "Nagugutom ako" malambing na sabi ko sa kanya "ikukuha kita ng makakain mo binibini" Sabi nito at tumango naman ako.

******

Pagkatapos kong kumain kanina ay naglakad lakad ako hindi ko inaasahan na mapapadpad ako dito sa lugar na ito. Ang ganda dito parang hardin. Ang ganda ng pagkakaayos ng mga halaman at mga bulaklak. Naglakad pa ako para makita ang iba pang mga bulaklak hanggang sa makarating ako sa isang puno. Ang laki ng puno hindi ako sigurado kung anong klaseng puno ito basta ang laki at maraming sanga at mga dahon na nagpapalilim sa ibaba nito. May duyan din doon na nakasabit sa isang malaking sanga nito kaya naman dali dali akong umupo doon.

Mahinang inugoy ko ang duyan habang nakapikit. Napaka presko ng hangin nakakagaan sa pakiramdam. Ninamnam ko yung sariwang hangin at inenjoy ang pagsakay sa duyan.

"Nandito ka pala" napahinto ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. "Paano mo nalaman ang lugar na ito, alam mo ba na pinagbabawal ni Ama ang pagpunta ng iba dito maliban lang sa aming pamilya" Sabi pa nito

"Pasensiya na hindi ko alam, aalis nalang ako" bababa na sana ako sa duyan pero pinigilan niya ako at inugoy pa nito ang duyan

"Ilang siglo na ang tanda ng punong ito at Ilang pinuno narin ang dumaan at pinangangalagaan ito" biglang sabi nito. "May kwento din na may diwatang nakatira dito na tumitingin sa buong bayan ng Dalya. Kung aakyat ka sa puno at marating ang tuktok nito ay makikita mo ang buong Dalya" tahimk na nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya "may kwento pa nga noon na kapag narating mo ang tuktok ng puno ay pwede kang humiling sa diwata at tutuparin niya ito. Marami ang sumubok umakyat at nagtagumpay ngunit hindi natupad ang mga hiniling nila kaya sinabing hindi totoo ang kwento dito" kwento niya habang inuugoy ng mahina ang duyan na sinasakyan ko

"Sinubukan mo na bang akyatin ang puno?" Tanong ko na kusang lumabas nalang sa bibig ko

"Oo. Noong bata pa ako lagi akong umaakyat dito minsan sa sanga pa nga ako natutulog. Kapag tinatamad akong mag aral noon ay dito ako pumupunta. Ilang beses ko narin naakyat ang pinaka tuktok at ilang beses narin humiling dito" sagot niya

Napatingin ako sa kanya

"Ilang taon ka noong unang umakyat ka dito? Ang taas ng puno hindi ka natakot umakyat?" Tanong ko pa

Ngumiti ito sa'kin

"Hindi ko na matandaan kung ilang taon ako nagsimulang umakyat sa punong ito ngunit natatandaan ko ang unang beses na nakarating ako sa pinaka tuktok". Sagot niya at tumingin sa itaas ng puno "Sampung taong gulang ako noon at tumakbo papunta dito pagkatapos kong mabasa ang Alamat ng Dalya. Hiniling ko sa diwata na sana ay dumating na ang babaeng itinakda" Sabi niya at muling tumingin sa'kin. "Sinabi ko rin sa diwata noon na oras na dumating siya pakakasalan ko siya" Sambit pa niya habang diretyong nakatingin sa mga mata ko.

Yumuko nalang ako at tumahimik. Ayokong magsalita at magpadalos dalos sa sasabihin ko dahil naghahalo halo na ang nararamdaman ko at mga tanong sa isipan ko. Ayokong ibuka ang bibig ko kahit kaunti dahil hindi ko alam kung ano ang maaaring masabi ko kaya kinagat ko iyon.

"Sa batang edad ko noon kumbinsido na ako na ang babaeng itinakda ang babaeng pakakasalan ko. Kaya ang sabi ni Ama kailangan kong maging malakas para maprotektahan siya. Sa edad na sampu nagsanay na ako kasama ang ibang sundalo upang maging malakas at maprotektahan ang babaeng itinakda pati na ang Dalya"

Tahimik na nakikinig lang ako sa mga kwento niya. Nakakamangha rin naman kasi talaga siya. Naalala ko tuloy noong ten years old pa ako ang iniisip ko lang ay makipaglaro ng piko at chinese garter pagkatapos ng klase ko. Tapos pagkauwi sa bahay ay gagawa ng assignments at manonood na ng tv. Panahon na wala pa akong pakialam sa mundo.

"Heto nga dumating na ang babaeng itinakda dumating ka na. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko noong unang makita ka palang. Noong una palang kitang makita nag iba na agad ang tibok ng puso ko. Lalo na noong may nabuong sagot sa sariling tanong ko kung sino ka ba talaga. Pinilit kong kumalma pero sa totoo lang ay nanginginig ako noong araw na iyon. Gusto kong sumigaw sa tuwa isigaw na sa wakas nandito ka na, na natupad na ang hinihiling ko"

Tumingin ako sa kanya at nakita ang ilang butil ng luha na pumatak galing sa mga mata nito habang nakangiti ito. Itinigil niya ang paggalaw sa duyan at lumuhod paharap sa akin.

"Heto ka na ngayon nasa harapan ko na, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala.. Ang babaeng sa libro palang ay minahal ko na, ang babaeng pinapangarap kong makasama hanggang sa pagtanda" nakatingin lang ako sa kanya habang pinipigilan ang mapaluha.

Bakit pakiramdam ko sinsero siya sa sinasabi niya? Bakit parang gusto kong maniwala.

Pinunasan ni kapitan ang mga luhang naglandas sa aking mga mata. Hindi ko man lang napansin na may nakatakas na luha sa aking mga mata.

"Binibini iniibig kita" napakagat ako ng ibabang labi ng marinig ito mismo sa bibig niya. Bakit ganito? Bakit ang saya ng puso ko? Siguro nga nasisiraan na ako ng bait ngunit gusto kong pagbigyan ang sarili ko kahit ngayon lang. Kahit alam kong mali, kahit sandali lang.

Dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha ni Kapitan at pumikit. Inilapat ko ang labi ko sa labi niya at tumugon ito sa aking halik. Pinulupot nito ang isang kamay niya sa baywang ko habang ang isang kamay niya ay nasa likuran ng ulo ko.

Namayani ang katahimikan sa aming dalawa habang nakatingin sa isa't isa pagkatapos ng ilang segundong halik na nangyari sa'min. Nakikita ko sa mukha niya ang saya. Nang magtangka itong magsalita ay inunahan ko na siya. Nagsimulang nagtubig ulit ang aking mga mata.

"Nakikiusap ako, huwag mo na akong lalapitan pa lalo na kung hindi naman kailangan. Hindi ko rin matatanggap ang pag ibig mo. Nagmamakaawa ako huwag mo na ulit babanggitin ito" Sabi ko at mabilis na umalis. Halos takbuhin ko ang hardin palabas at iniwan siyang nakatayo lang doon.

Naninikip ang dibdib ko at hindi maiwasan ang hindi mapahagulgol. Lakad takbo ako mabuti nalang at walang tao sa dinadaanan ko. Sigurado kasing mag aalala sila kapag nakita ako sa ganitong sitwasyon.

Inabutan ko si Glenda sa loob ng kwarto ko. Nawala ang ngiti sa mga labi nito at napalitan ng pag aalala ng makita ako. Yumakap ako sa kanya at gumanti rin ito ng yakap sa'kin.

"Binibini anong nangyari bakit ka umiiyak?" Nag aalalang tanong nito habang magkayakap kami.

Hindi ako nagsalita at nagpatuloy lang sa pag iyak hanggang sa kumalma ako. Masakit parin napakasakit parin. Hindi naman naging kami pero bakit ganito kasakit. Tumingin ako kay Glenda na puno parin ng pag aalala ang mukha. Inabutan pa niya ako ng tubig at pinapainom para daw kumalma ako. Napakabuti niya sa'kin, siya ang unang kaibigan ko dito sa mundong ito. Hindi maaatim na saktan siya para lang sa kaligayahan ko.

"Sabihin mo binibini sino ang nagpaiyak sayo sisiguraduhin ko malalagot siya sa'kin!" Galit na sabi nito habang palakad lakad sa harapan ko

"Wala naman hayaan mo na naalala ko lang ang pamilya ko at mga kaibigan ko" pagdadahilan ko. Dahil sa sinabi ko ay naiyak na naman ako. Namimiss ko na sila. Sana lang makauwi na talaga ako.

"Hay naku naman binibini nalulungkot din tuloy ako" Sabi nito na tumabi sa akin at hinilig ang ulo sa balikat ko at niyakap ang isang braso. "Huwag kang masyadong mag alala makakabalik karin sa mundo niyo" Sabi pa nito

"Sana nga makabalik na agad ako" Sabi ko naman

"Kapag ba nakabalik ka na maaalala mo pa rin kaya ako? Sobrang mangungulila ako sayo kapag umalis ka na" malungkot ang mukhang tanong nito sa'kin

Hinawi ko ang mahabang buhok niya at inipit sa tenga niya. "kung pwede nga lang isama kita sa pagbalik ko sa'amin" Sabi ko

"Kung may lagusan sana na pwedeng maglabas masok sa mga mundo natin no? Panigurado araw araw kitang pupuntahan" nakangiting sabi nito

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Nakangiting nakatingin lang ako sa kanya habang nakikinig sa mga sinasabi nito na kung ano ang dadalhin niya sa mundong pinanggalingan ko kung sakaling may lagusan nga na pwedeng maglabas masok doon. Paano ko magagawang saktan siya kung ganito siya sa akin. No. Never. Maraming lalaki sa mundo hindi kami kailangan mag agawan sa iisang lalaki.

*****