Chapter 20
Chandee's Pov
Maliwanag na ang paligid ng imulat ko ang mga mata ko. Mag uunat sana ako kaso pagtingin ko sa isang kamay ko hawak iyon ni kapitan na ngayon ay nakaubob sa gilid ng higaan ko at natutulog. Nagulat ako ng una at babawiin sana ang kamay ko pero hindi ko na itinuloy ng makita ko ang mukha niya na mahimbing na natutulog.
"Magandang umaga binibini" bati sa'kin ni Glenda na bigla nalang sumulpot kung saan
"Magandang umaga kanina ka pa?" Tanong ko sa kanya
"Opo binibini pagka gising ko ay pumunta na po agad ako dito ngunit natutulog pa po kayo" sagot niya
"Uhm, alam mo paano ako napunta dito? Alam ko kasi nakaupo ako sa damuhan kaninang madaling araw" tanong ko. Hindi ko kasi natatandaan paano ako nakabalik dito sa hinihigaan ko.
"Ang sabi po ni Aling Aurora kanina nakatulog ka daw sa damuhan kaya binuhat ka ni kapitan at inilipat dito" sagot niya
Napatingin naman ako kay Kapitan na mahimbing na natutulog. Gusto ko sanang hilahin ang kamay ko kaso baka magising siya. Hayaan ko nalang muna makatulog siya tutal nandito narin naman si Doktor Gilberto at may dalawang katulong pa siya na kasama.
"Ang gwapo ni Kapitan no binibini? Ang sabi ko sa kanya kanina ako na magbabantay sa'yo at umuwi na siya para matulog sa bahay pero sabi niya mamaya nalang daw. Nakikita ko kasi kanina antok na antok na siya, nahuhuli ko ngang nahuhulog ang ulo niya naaawa ako mabuti nalang nakatulog na siya"
"Huwag mo nalang gisingin kawawa naman, Hindi naman niya trabaho ang tumulong dito pero tumulong parin siya kahit alam niyang pwede siyang mahawa" Sabi ko habang nakatingin kay Kapitan
"Sige po binibini kukunin ko na muna ang almusal niyo at ihahanda ang paghilamos niyo"
"Salamat" nakangiting sabi ko kay Glenda. Umalis naman ito agad para kunin ang almusal ko
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog pero bumalik naman ang sigla ko ang kaso nangangawit na ang kamay ko bakit kasi kailangan pang mahawakan ni kapitan ang kamay ko. Para maibsan ang pangangawit ng isang kamay ko ay tumagilid nalang ako paharap sa kanya. Minasdan ko ang natutulog na si kapitan at napahawak sa mga labi ko ng mapatingin sa mga labi niya. Alam ko galit siya sa akin pero hindi parin tama ang ginawa niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko ng maalala ang nangyari kagabi.
*****
"Binibini nandito na po ang pagkain niyo" Sabi ni Glenda at tumingin sa paligid. Wala kasi siyang pagpapatungan sa pagkaing dala niya. "Gusto niyo po bang doon nalang sa may mesa kumain?" Tanong pa niya
"Dito nalang ayokong maabala si Doktor Gilberto" sabi ko at pilit gumalaw para makaupo. Buti nalang nakaupo ako na hindi tinatanggal pagkakahawak ni kapitan sa kamay ko.
Inilapag ni Glenda yung pagkain sa higaan ko at tinupi ang ginamit kong kumot. "Hindi po ba kayo nahihirapan binibini? Pwede naman po natin gisingin si kapitan para makakain kayo ng maayos" Sabi pa nito
"Ayos lang huwag na natin siyang gisingin ang himbing ng tulog niya e, mukhang bumabawi siya sa ilang araw na pagkapuyat niya" sagot ko
"Pero binibini palagay ko mapapagalitan ako kapag hindi natin siya ginising. Kabilin bilinan niya na huwag kayong hayaang mahirapan sa kahit anong bagay" Sabi ni Glenda habang nakatingin sa mga paa niya
"Hindi naman ako nahihirapan" Sabi ko naman at nagsimulang kumain. Hindi naman ako nahirapan dahil sopas ang almusal ko yun nga lang naiilang ako sa kamay kong hawak ni kapitan dahil ramdam ko na pinagpapawisan ito.
"Di ba binibini mahilig kang magbasa ng mga libro? May libro kasi ako binigay ng kaibigan kong si Camila ang ganda niya" bakas sa mukha ni Glenda na natutuwa nga siya sa nabanggit na libro
"Akala ko ba hindi ka marunong magbasa?" Nagtatakang tanong ko ng maalalang sinabi nito sa'kin noon na hindi nga daw siya marunong magbasa.
"Hindi po talaga ako marunong magbasa kaya tinitignan ko na lamang yung mga nakaguhit na larawan" paliwanag nito na parang nahihiya
Tumango tango ako. Baka comics yung libro.
"Maging ako man dati ay sa mga larawan lang din bumabase kung ano ang nilalaman ng kwento. Napapanaginipan ko pa nga minsan na ako yung bidang babae" nakangiting sabi ko
Nakita ko naman ang pagningning ng mga mata ni Glenda "ako din binibini minsan napapanaginipan ko ako yung bidang babae na kapares ng gwapong bidang lalake sa kwento" parang kinikilig pa ito habang sinasabi iyon
"Ikaw ah baka mag asawa ka na niyan bigla at iwan mo'ko" pagbibiro ko. Namula ang mga pisngi niya sa sinabi ko
"H-hindi kita iiwanan binibini hindi naman ako nagmamadaling mag asawa" nautal na sagot niya
"Nagbibiro lang naman ako pero may kasintahan ka na ba?" Tanong ko. Lalong namula ang mukha niya.
Mabilis na tumango at umiling ito. "Ibabalik ko lang itong mga pinagkainan sa bahay binibini" mabilis nitong sabi at nagmamadaling umalis
Nakakunot ang noong sinundan ko nalang siya ng tingin. Kahina hinala ang kinilos niya siguro may jowa na siya o kaya nanliligaw sa kanya pero nahihiya siyang sabihin sa'kin.
Taas kilay naman akong napatingin sa lalaking natutulog na may hawak ng kamay ko. Baka naman kaya nahihiya ay dahil si kapitan ang jowa niya o nanliligaw sa kanya?. Marahas kong hinila ang kamay ko na nagpagising kay Kapitan.
"Binibini gising ka na pala" parang nagulat pa ito ng makita niya akong nakaupo. Pa simpleng pinunasan ko naman ang kamay ko sa likod ng damit ko. "Kumusta tulog mo?" Tanong pa nito
"Maayos naman sige umuwi ka na at sa kwarto mo na ikaw magpahinga": Sabi ko na hindi nakatingin sa kanya
Luminga linga pa ito na parang tinitignan ang sitwasyon sa paligid. "Sabay na tayo nandito naman si Doktor Gilberto" Sabi naman niya
"Mauna ka na tutulong muna ako di-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla itong napunta sa harapan ko. "Waaah! Ibaba mo'ko!" Napatakip ako sa bibig ko dahil ang lakas ng boses ko. Napatingin kasi ang mga tao sa paligid namin. Bakit ba niya kasi ako biglang binuhat.
"Doktor iuuwi ko lang po ang binibini para makapag pahinga siya ng maayos" paalam ni kapitan kay doktor Gilberto
"Sige magpahinga kayong mabuti kami na ang bahala dito" sagot naman ng doktor
"Ibaba mo'ko marunong akong maglakad" Sabi ko kay Kapitan habang buhat buhat niya ako na parang prinsesa
"Alam kong marunong kang maglakad binibini at alam ko rin na mabilis kang tumakbo" Sabi nito na ikinakunot ko ng noo. Nakita na ba niya akong tumakbo?
"Ibaba mo na nga ako nakakahiya sa mga nakakakita baka isipin pa nila nagiinarte ako nagpapabuhat pa ako sa'yo"
"Pabayaan mo sila sa gusto nilang isipin lalo na kung hindi naman totoo"
"Siraulo ka ba? Bakit ko hahayaan pag isipan nila akong hindi maganda kung hindi naman totoo! Hahayaan ko lang kahit harap harapan na akong inagtsitsismisan ganoon?!" Nah-high blood na sabi ko
Huminto ito sa paglalakad at tumingin sa'kin "Ang ingay mo binibini" sabi nito. Binuka ko iyong bibig ko para magsalita sana ulit pero parang bigla akong nawalan ng boses. Tinuloy na nito ang paglalakad ng hindi ko na siya sinagot
Nakakawit ang mga kamay ko sa leegan niya para hindi ako mahulog habang naglalakad kami. Minamasdan ko rin ang mukha niya at naalala yung bidang lalake sa comics dati na nabasa ko at napanaginipan ko pa. Ang gwapo ni Kapitan para siyang ginuhit sa comics at walang maipipintas sa kanya. Bigla nalang pumasok sa isip ko si Glenda, may relasyon kaya sila? Yung paghanga ko kay Kapitan kanina ay napalitan ng pagkainis. Wala kaming kibuan hanggang makarating kami sa bahay.
"Gusto mo bang ihanda ko muna ang pagligo mo binibini bago matulog?" Tanong ni Glenda ng ibaba ako ni Kapitan sa tapat ng pinto ng kwarto ko
"Sige maliligo muna ako" sagot ko kay Glenda at tinignan silang dalawa ni Kapitan.
Wala naman akong nakitang kahina hinala pero siyempre hindi naman talaga sila magpapahalata sa'kin lalo na kung itinatago nila ang relasyon nilang dalawa.
"Aalis na rin ako utusan mo nalang si Glenda na tawagan ako kung may nais kang ipag utos" Sabi ni Kapitan
"Sige salamat" sabi ko. Nag thank you ako kasi hinatid niya ako kahit ayoko. Turo kasi ng magulang ko na magpasalamat sa malaki o maliit man na bagay na ibinigay na pabor sa'kin.
"Walang anuman mag usap tayo mamaya" Sabi nito na ikinakunot ng noo ko na tumingin sa kanya
"Bakit? Anong pag uusapan natin?" Tanong ko sa kanya
"Tungkol sa'tin" diretyong sagot nito habang nakatingin sa mga mata ko "magpahinga ka muna mamaya mag uusap tayo" wika pa nito. Ako naman itong si gaga napatango nalang sa kanya.
*****
Kinakabahan ako at hindi mapakaling palakad lakad sa loob ng kwarto ko. Ano ba kasing gustong sabihin ni Kapitan bakit hindi pa sinabi kanina. Ang tanga ko rin kasi dapat sinabi ko na na sabihin na niya. Mabuti pa siguro puntahan ko nalang si Glenda sa paliguan.
Habang naglalakad papunta kung saan ang paliguan may nakita akong dalawang pigura ng tao. Lumapit pa ako para makilala kung sino ang mga iyon at nakita ko sina Kapitan at Glenda na nasa tapat ng balon at nag iigib.
Huminto ako sa paglalakad at pinanood silang dalawa. Ang lapad ng ngiti ni Glenda ibig bang sabihin tama ang hinala ko? Nanlambot ako bigla buti nalang ay nakasandal ako sa pader. Hindi ko makita ang mukha ni Kapitan pero dahil sa masayang mukha ni Glenda sigurado akong masaya din siya.
Bumalik nalang ako sa kwarto ko at dumiretyo sa higaan ko at nahiga. Nakatulog naman ako kanina pero hindi ko mapigilan ang sarili kong mahiga ng makita ko ang komportableng higaan ko. Niyakap ko ang isang unan at pumikit.
*******