Chapter 19
Ewen's Pov
Ang bilis niyang magsalita hindi ko na maintindihan ang ibang sinasabi niya ang alam ko lang galit na naman siya. Nakatingin lang ako sa kanya at pinapakinggan lahat ng mga sinasabi niya. Ang hirap niyang kausap ayaw tumanggap ng paliwanag.
Ang hirap magpaliwanag sa ayaw maniwala kahit nagsasabi ka naman ng totoo.. Heto na naman tatalikuran na naman niya ako. Ayoko ng magpaliwanag.
Nang tatalikod na siya ay kinabig ko ang katawan niya sa katawan ko. Walang abisong pinagdikit ko ang mga labi naming dalawa. Maging ako man ay nabigla sa ginawa ko ngunit hindi ko pagsisisihan ito. Sana lang sapat na'to para malaman niya na siya ang gusto ko at hindi si Isabelle.
Ilang segundo rin nagtagal ang pagkakadikit ng labi naming dalawa bago ko pinasyang alisin na ito. Hindi ko pa tuluyang nalayo ang mukha ko sa mukha niya ay nahimatay ulit ito.
"Binibini!" Tawag ko sa kanya ng ilang beses ngunit nanatiling wala itong malay
Binuhat ko siya at muling dinala sa hinigaan niya kanina. Hindi ko alam ang iisipin ko bakit ngayon pa siya hinimatay pagkatapos ko siyang halikan.
"Binibini" tawag ko ulit sa pangalan niya
"Anong nangyari Kapitan?" Nag aalalang tanong ng isang ginang
"Nawalan po siya ng malay" sagot ko. Tinapik tapik ko ang pisngi niya at tinaas naman ng ginang ang dalawang paa nito. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon pero dahil ata doon kaya bumalik na ang malay ng binibini.
"Binibini ayos ka lang po ba?" Tanong ng ginang sa kanya
Tumingin muna sa akin ang binibini bago ito tumango. "Ayos lang po" sagot nito
"Huwag ka munang tatayo mahiga ka lang, kapitan paki bantayan siya kukuha lang ako ng pampunas niya" Sabi ng ginang.
"Sige ho maraming salamat" sagot ko pa sa kanya "binibini" tawag ko sa kanya. Hindi siya sumagot at tahimik lang habang nakasunod ang tingin sa umalis na ginang. Huminga ako ng malalim bago ulit nagsalita "kung ayaw mo akong makausap ayos lang hindi kita kukulitin basta magpahinga ka lang muna" Sabi ko habang nakatingin sa kanya.
Pareho kaming tahimik hanggang sa bumalik ang ginang na may dalang bimpo at palanggana na may tubig.
"Kumusta ang pakiramdam mo binibini? Masakit ba ang ulo mo?" Tanong ng ginang sa binibini
"Hindi po maayos na po pakiramdam ko" sagot nito na may maliit na ngiti sa labi
"Mabuti naman kung ganoon. Huwag mong pababayaan ang sarili mo paano nalang ang Dalya kung may nangyaring masama sayo" Sabi pa ng ginang habang pinupunasan siya
"Huwag po kayong mag alala ayos lang po ako kulang lang po ako sa tulog"
"Hindi pwedeng hindi kami mag alala sa'yo, bakit ba kasi hindi ka natutulog? Hindi mo naman kami kailangan bantayan buong araw at magdamag. Kung sakaling kailanganin namin ang tulong tatawagan ka naman namin"
"Hayaan niyo po hindi na mauulit matutulog na ako kapag may pagkakataon"
"Ikaw din kapitan matulog ka din hindi dahil bata pa kayo ay aabusuhin niyo ang mga katawan niyo"
"Matutulog po ako pagdating ni Doktor Gilberto bukas, sa ngayon kailangan ko pang bantayan ang binibini at ang halamang gamot na nakasalang ngayon" sagot ko
"Mahimbing pa naman ang tulog ng anak ko kung gusto mong matulog ngayon matulog ka muna ako na ang bahala sa binibini at sa gamot"
Umiling ako.
"Hindi rin po ako makakatulog sa pag aalala, may katigasan po ng ulo ang binibini baka tumayo ulit"
"Tss" rinig kong sabi ng binibini. Napangiti naman ako sa tinuran niya.
"Mahiga ka lang hanggang mawala pagkahilo mo tapos matulog ka na din huwag mong isipin ang gamot ako ang bahala doon" Sabi ko at inabutan siya ng isang basong tubig "uminom ka muna" alok ko sa kanya
"Iwan mo nalang diyan iinumin ko mamaya" sagot nito
"Aalalayan kitang umupo binibini para makainom ka ng tubig tapos ay mahiga ka nalang ulit, makakabuti sa'yo ang pag inom ng tubig" Sabi naman ng ginang
Minasdan ko lang ang binibini habang umiinom ito ng tubig hanggang sa paghiga nito ulit. Masyadong halata din ang pag iwas niya ng tingin sa akin at ayos lang naman basta maayos ang lagay niya.
Dahil sa pag aalala na bumangon ulit siya para tignan ang gamot ay pinuntahan ko na ito para tignan. Last na halamang gamot nalang kasi namin ang nakasalang ngayon kaya alam ko na nag aalala ito. Mabuti nalang binalitaan kami ni Doktor Gilberto na nakahanap na ito ng gamot at babalik na bukas.
*****
Chandee's Pov
Pinikit ko ang mga mata ko ngunit hindi ako makatulog. Lumalabas kasi ang imahe ni kapitan at ang ginawa nitong paghalik sa'kin kanina. Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya kung bakit niya ginawa iyon ngunit ayoko din naman malaman. Ayoko ng isipin at ayokong pag usapan.
Ang sakit na ng ulo ko at ang hapdi na ng mga mata ko. Gusto ko na talagang matulog pero anong gagawin ko kung bawat pagpikit ko mukha ni kapitan ang nakikita ko. Nag iinit din ang mukha ko at parang lalagnatin satwing sumasagi siya sa isipan ko. Bumibilis din ang tibok ng puso ko at alam ko sa sarili ko na hindi normal iyon. May hinala na ako kung ano ang nararamdaman ko pero huwag naman sana.
Muling tumibok ng mabilis ang puso ko ng makita ko si kapitan na naglalakad palapit sa pwesto ko. Mabilis kong iniwas ang tingin ko at pumikit, ayokong magkaroon siya ng pagkakataon na makausap ako.
Nagmulat ako at nilagay ang kanang kamay sa tapat ng dibdib ko. Nag inhale exhale ako para kumalma ngunit naririnig ko parin ang lakas ng pagtibok ng puso ko.
"Pwede ba lumayo ka sa'kin? Dun ka sa lugar na hindi ko makikita pwede ba?" Sabi ko habang nakahiga at nakatalikod kay Kapitan
"Naiintindihan ko pero mangako ka muna na matutulog ka na" sagot nito
"Hindi ko kailangan mangako sa'yo" may katarayan na sabi ko
"Kung ganoon hindi ako aalis dito sa kinakaupuan ko at mananatili na malapit sa'yo"
Hindi ko napigilan ang sarili ko na tumingin sa kanya at umupo. Galit na tinignan ko siya at sinalubong niya lang ang tingin ko na parang wala lang.
"Anong tinitingin tingin mo?" Nangigigil na tanong ko
Kumunot naman ang noo niya "tinitignan mo rin naman ako" sagot naman niya
"Huwag mo'kong tignan!" Inis na sabi ko
"Huwag mo akong tignan para hindi mo makitang nakatingin ako sa'yo" literal na napanganga ako sa sinabi niya. Kung kanina nasa 60% lang ang inis ko ngayon umabot na sa 100% mabuti nalang may natitira pang katinuan sa isip ko.
Sa sobrang asar na nararamdaman ko ngayon gusto ko siyang sigawan, sabunutan, sipain, karatehin pero kailangan kong magpigil. Nakakahiya kasi sa mga natutulog at baka magising sila.
Pinalo ko ng malakas ang kamay ni Kapitan ng magtangka itong pigilan ako sa pagtayo. Naglakad ako palayo malayo sa mga tao. Ngunit may makulit talagang nilalang na pilit sumusunod sa akin na tila ba buntot ko.
"Ano ba?! Tigilan mo nga pagsunod sunod mo sa'kin hindi na ako natutuwa sa'yo!" May kalakasang sabi ko.
"Paano kung himatayin ka na naman? Hindi na rin ako natutuwa sa katigasan ng ulo mo" sagot naman niya kaya huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya
"Kapag nahimatay ulit ako pabayaan mo'ko! Kunware wala kang nakita baka sakali kapag namatay ako makabalik na ako sa pinanggalingan ko! Siguro naman matutuwa ka na nu'n sa katigasan ng ulo ko kasi dahil sa katigasan ng ulo ko magiging malaya kana mawawala na ang sakit ng ulo mo!" Malakas at walang prenong sabi ko.
"Sinasadya mo ba talaga akong saktan sa mga sinasabi mo?" Yan lang ang sinabi niya pero ang bigat na ng dating sa'kin.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at muli siyang tinalikuran. Lumakad ulit ako palayo sa kanya at sa pagkakataong ito ay hindi na niya ako sinundan.
Hindi ko alam bakit ako naiiyak. Umupo ako sa damuhan at niyakap ang mga tuhod. Ang lamig ng hangin, napapikit ako habang hinahampas ng malamig na hangin ang mukha ko. Tuluyan ng kumawala ang mga luha sa aking mga mata. Gusto ko ng umuwi, gusto kong yumakap kay Mama, na mimiss ko na sila.
*****