Chapter 18

Chandee's Pov

Kakatapos lang mananghalian ng mga pasyente at nagpapahinga ngayon. Nagpapakulo naman ako ng mga halamang gamot dahil ubos na yung mga tabletas na dala ko. Mula kagabi ay hindi ko parin pinapansin si Kapitan hindi naman siya nag eeffort kausapin ako, alangan naman ako pa lumapit para makipag usap sa kanya.

Actually lumalapit naman pala siya sa'kin. Lumalapit kapag nagtatanong tungkol sa gamot na ibibigay niya sa mga pasyente. Ilang beses din siyang lumapit sa'kin kagabi pinapatulog ako pero pabebe ako e, di ko siya pinansin. Hindi naman niya ako kinulit para matulog kaya lalo akong naiinis. Sabagay, hindi rin naman kasi ako matutulog kahit kulitin niya ako.

"Mas makakabuti nga po kung sa bahay nalang po siya magpapagaling. Bibigyan ko nalang po kayo ng halamang gamot para may inom po siya ng tuluyan ng mawala ang lagnat niya" Sabi ko sa isang magulang na humihingi ng payo kung pwedeng sa bahay nalang magpagaling ang anak niya.

"Maraming salamat binibini nabawasan na ang aking kaba tungkol sa sakit niya. Susundin ko ang lahat ng sinabi mo para gumaling siya" sagot naman nito

Naglibot ako at tinignan ulit ang mga pasyente. Karamihan sa kanila ay bumaba na ang lagnat at yung iba naman ay nanatiling mataas parin ang mga lagnat.

"Huwag mong kamutin baka magsugat at mag peklat ka" Sabi ko sa batang umiiyak at pilit kinakamot ang mga butlig niya.

Imbes na tumigil siya sa pagkamot ay mas nilakasan pa nito ang pag iyak at marahas na nagkakamot.

"Ang ganda ganda mo pa naman sige ka baka pumangit ka kapag nagjapeklat ka" pananakot ko sa kanya pero walang epekto dahil siguro napaka bata pa niya para intindihin ang sinabi ko.

"Tama na Lilia mas mangangati ka kapag kinamot mo mga yan" saway ng nanay ng bata sa anak nito

"Magpapakuha po ako ng dahon ng balimbing liguan po natin siya ng mawala ang pangangati niya" Sabi ko sa nanay ng bata

"Maaari po ba siyang maligo kahit may lagnat?" Alalang tanong ng Ina

"Opo, malakas naman po ang anak niyo at makakatulong para guminhawa ang pakiramdam niya. Mabilisang ligo lang naman po ang gagawin niya" sagot ko

"Sige po binibini" sagot nito

"Sandali lang po mag uutos lang po akong kumuha ng dahon" paalam ko

Nilibot ko ang paningin ko at naghanap ng taong pwede kong utusan para kumuha ng dahon ng balimbing ngunit puro mga pasyente lang nandito at mga bantay nila. Nagkasalubong naman paningin namin ni kapitan pero inirapan ko lang siya.. Manigas nalang ako kaysa humingi ng tulong sa kanya.

Naglakad ako palabas ng bakanteng lote baka sakaling makakita ako ng sundalo o tagapagsilbi. Si Glenda kasi ay pinakain ko muna ng tanghalian at hindi pa bumabalik.

"Saan ka pupunta?"

"Ay baklang palaka!" Gulat na sabi ko. Paglingon ko nakita ko naman si kapitan "tss" sambit ko at hindi siya pinansin

"Uuwi ka naba? Ihahatid na kita" Sabi nito "Tama yang gagawin mo magpahinga ka na" Sabi pa niya habang patuloy ang pagsunod sa'kin.

Huminto ako sa paglalakad ng maalala ang mga pasyente. Kainis! Bakit kasi sumunod pa siya sa'kin wala tuloy mahihingan ng tulong mga bantay doon. Tinignan ko naman siya ng masama at padabog na bumalik sa bakanteng lote na ngayon ay ginawa naming parang outpatient center pero parang hospital na din. Ay ewan! Basta pagamutan tawag nila.

"Akala ko ba uuwi at magpapahinga ka?" Humarang si kapitan sa nilalakaran ko

"Ikaw lang nagsabi na uuwi at magpapahinga ako. Tumabi ka nga diyan! Walang tao sa pagamutan!" Mataray na sabi ko at tinulak siya. Oo tinulak ko siya pero isang paa lang niya ang napaurong at nanatiling nakatayo sa daraanan ko.

"Umuwi ka muna at magpahinga ako na magbabantay doon" Sabi nito. Taas kilay ko naman sinalubong ang tingin niya.

"Huwag na salamat na lang!" Masungit na sabi ko at nilagpasan siya "alam naman niya kaming dalawa lang ang nagbabantay dun umalis pa siya" mahinang sabi ko. Sabagay di naman niya trabaho ang magbantay doon.

*****

Malalim na ang gabi at karamihan ay natutulog na. Umubob ako sa mesa para umidlip sana pero bago ko pa napikit ang mga mata ko ay naalala ko na kailangan ko palang magpakulo ng gamot.

Tumayo agad ako at kumuha ng mga gamot na pakukuluan ko. "Bat ba kasi nakalimutan ko" usap ko sa sarili ko. Dapat kasi kanina ko pa ginawa.

Dahil kailangan bantayan ang apoy sa pinapakuluan kong gamot hindi na ako nagtangkang umidlip pa. Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagtingin ng mga bituin na bihira ko lang makita sa Manila.

"Gusto mo?" Buhat sa likuran ko ay sumulpot si Kapitan

"Ayoko salamat nalang" masungit na sabi ko

"Masarap to bagong luto" offer pa nito sa kamote. Gusto ko sanang kumuha ng isa pero pabebe ako e mamatay na ang kukuha.

"Edi kainin mo masarap pala e" pagsusungit ko

"Tig isa tayo dalawa naman to" pangungulit niya

"Ano ba?! Kung gusto mong kainin yan kainin mo nalang okay?!" Inis na sabi ko at lumayo sa kanya. "Nakakainis! Bibigyan ako ng pagkain tapos gagawing big deal na naman! Mas mabuti pang huwag nalang niya akong bigyan" sambit ko habang naglalakad at nakasimangot.

Umupo ako sa may damuhan malayo sa mga tao. Tumingala ako at pinanood ulit ang mga nagkikislapang mga bituin. Gusto kong mag trace ng star kaso wala akong alam sa star constellation maliban dun sa parang rosary. Hindi ko nga alam kung ano ang tawag doon o may ganun ba talaga sa constellation.

Napapikit ako at taimtim na humiling ng makakita ng shooting star. Sabi kasi nila kapag may nakita kang bulalakaw mag wish ka at magkakatotoo. Wish ko lang talaga na sana nga magkatotoo. Namimiss at nag aalala na kasi ako sa pamilya ko. Makabalik na sana ako.

Bumalik ako sa pinakukuluan kong halamang gamot at tinignan ang apoy. Nagdagdag ako ng panggatong para ma mentina yung lakas ng apoy. Pagtayo ko para bumalik sana sa kinakaupuan ko kanina ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Hindi ko nalang pinansin at tinuloy ang paglalakad ko habang minamasahe ang ulo ko hanggang sa umikot na talaga ang paningin ko at nawalan ng balanse. Bago pa ako bumagsak sa lupa ay nakita ko pa si Kapitan na patakbong lumapit sa akin.

*****

"Mabuti't gising ka na pinag alala mo ako ng husto" Sabi ni Kapitan na namulatan ko "kumusta pakiramdam mo?" Tanong nito na mukhang nag aalala talaga

Hindi ako sumagot bagkus ay tinignan ko ang paligid ko. Nakahiga ako sa isa sa mga higaan ng mga pasyente. Napatingin naman ako sa Isang kamay ko na hawak ni kapitan. Gusto ko sanang sungitan siya pero parang naubusan ako ng lakas.

Napahawak ako sa ulo ko ng maalala ang pinakukuluan ko. Titignan ko sana kaso pinigilan akong umupo ni kapitan.

"Diyan ka lang magpahinga ka muna" Sabi nito

"Yung mga halamang gamot" sambit ko

"Kalalagay ko lang ng panggatong huwag kang mag alala ako ang bahala" sagot nito

"Pasensiya na nakatulog ako, pahinga lang ako ng konti tapos matulog ka na" Sabi ko

"Hindi ka nakatulog nahimatay ka. Sinabi ko naman sayo na matulog ka muna na magpahinga ka pero hindi ka nakikinig at minamasama mo pa ang sinasabi ko. Napaka tigas ng ulo mo" sermon nito

"Hindi ko minamasama sinasabi mo wala lang akong pagpipilian dahil ako lang naman ang nagbabantay dito! Kung aalis ako sino makakasama nila? Walang maiiwan sa kanila kasi maging ikaw aalis din sa susunod sa akin. Isa pa Hindi mo naman trabaho ang pagsama sakin dito mas mabuti nga kung huwag ka ng pumunta dito dahil baka mahawa ka pa. Mas maganda kung si Isabelle nalang ang sundan sundan mo sigurado sasaya pa iyon" sagot ko sa kanya kahit nahihilo parin ako.

"Kung hindi mo minamasama bakit iniiwasan mo'ko? Bakit ka nagagalit sa'kin?. Ang problema sayo hindi ka nagsasabi, nag aalala ako sayo kaya sinusundan kita at trabaho ko ang protektahan ka" sagot nito

"Hindi kita iniiwasan at hindi ako galit sayo huwag mo nalang akong pansinin at kausapin. Isipin mo na ang gusto mong isipin bahala ka sa buhay mo!" Pilit akong tumayo kahit nahihilo parin. Sinubukan niya akong pigilan pero hello walang makakapigil sa'kin.

"Hindi ka galit pero ganyan mo'ko kausapin? Nag aalala lang naman ako sayo bakit ang tigas ng ulo mo" Sabi pa nito habang sumusunod sa akin

"E sa ganito ako magsalita e pati ba pagsasalita ko palalakihin mo? Pasensiya na ha ganito ako e! Hindi ako katulad ni Isabelle na malambing magsalita malayong malayo talaga ako sa kanya sa lahat ng bagay kaya mabuti pa sa kanya ka nalang mag alala. Hindi ko naman kasi kailangan pag aalala mo dahil kaya ko naman ang sarili ko, kung may bagay man akong hindi kaya marami akong mahihingan ng tulong"

"Bakit ka hihingi ng tulong sa iba kung nandito naman ako? Hindi mo nga kailangan pag aalala ko pero nag aalala parin ako. Napansin ko rin bakit mo ba laging binabanggit si Isabelle na wala naman alam sa nangyayari?"

"Edi sabihin mo sa kanya ikwento mo sa kanya gaano katigas ang ulo ko. Puntahan mo na mukhang namimiss mo naman siya"

"Ano bang nangyayari sa'yo? Anong namimiss?"

Humarap ako sa kanya at pinaningkitan siya ng mga mata.

"Ang sabi ko mag sumbong ka dun kay Isabelle! Mahilig ka rin magpalaki ng isyu kaya dagdagan mo narin wala akong pake! Mukhang sabik na sabik ka din naman sa lambing niya kaya dun ka sa babae mo wala kang mapapala sa'kin dito!" Sabi ko na pigil lakasan ang boses at inirapan siya

"Wala kaming relasyon ni Isabelle at wala akong naramdaman sa kanya" mabilis na sagot nito

"Sus! Ako pa lolokohin mo e buking na kita. Sinama mo pa nga siya sa bahay nung isang araw. Napaisip tuloy ako kung nasa hangganan ka ba talaga at sinasanay ang mga sundalo o kasama mo lang si Isabelle at nag eenjoy. Sabagay kahit ano pang gawin mo wala naman akong pake buhay mo yan" Sabi ko

"Saan mo napulot ang ganyang pag iisip?" Tanong nito pero tinakpan ko ang dalawang tenga ko at naglakad palayo. Ayoko ng marinig ang sasabihin pa niya nabibwiset lang ako. "Nasa hangganan talaga ako at nagsasanay kasama ang mga sundalo" Sabi pa nito habang sumusunod sa'kin "nagkataon lang ng umuwi ako nagkita kami ni Isabelle sa labas ng bahay hindi kami magkasama" paliwanag pa nito.

Nakamaywang na humarap ako sa kanya. "Anong gusto mo ngayon? Tulungan pa kitang ligawan siya? Ahh! Pasensiya kana alam nga pala niya na magkasintahan tayong dalawa. Gusto mo ipaliwanag ko sa kanya na hindi totoo yon at nagsinungaling lang tayo kasi ayaw natin maparusahan?. Palagay ko kapag umamin tayo hindi naman yun magsusumbong kasi mukhang may gusto din naman siya sayo. Ang lambing niyo nga nung kumakain tayo e sigurado mapapasagot mo siya agad" pinaikot ko eyeballs ko at muling tatalikuran sana siya pero bigla niyang kinabig ang katawan ko.

Namilog ang mga mata ko ng maramdaman ang labi niya sa labi ko. Teka, ano bang nangyayari? Hinahalikan ako ni Kapitan? Ang lambot ng labi niya. Nang tanggalin nito ang pagkakadikit sa mga labi namin ay bigla akong nawalan ulit ng malay.

*****