Chapter 17
Chandee's Pov
Pagkatapos kong maligo ay kinuha ko yung bag ko at tinignan ang laman nito. Walong piraso nalang ang bioflu na meron ako at isang banig na biogesic na magagamit namin para sa lagnat.
Huminga ako ng malalim at binalik ang mga iyon sa lagayan nila at muling ipinasok sa bag ko. Napatingin naman ako sa may eco bag at naisip ang mga batang walang ganang kumain. Mula sa eco bag ay inilabas ko ang natitirang tobleron na nadala ko. Bahala na kung papaano ko ito maibabahagi sa lahat.
Pagbukas ko ng pintuan ko ay nabangga naman ako sa matigas na bagay. Pagtingin ko ay si Kapitan lang pala.
"Nasaktan ka ba?" Bakas sa boses nito ang pag aalala.
"Ano ba kasing ginagawa mo diyan?" Tanong ko habang hinihimas ang ulo
"Kakatok sana ako kaso biglang bumukas" sagot naman niya
"Ano bang kailangan mo?" Lumabas ako ng silid ko at sinarado ang pintuan. Hindi naman siya sumagot kaya tinignan ko siya "uy! Ano na? Ano kako kailangan mo?" Tanong ko ulit sa kanya
"Wala ka kasi sa bakanteng lote at nalaman ko na nandito ka na, kukumustahin lang sana kita binibini" sagot nito
"Ahh.. naligo lang ako babalik narin doon" sagot ko
"May mga Doktor naman na nandoon magpahinga ka nalang dito" Sabi nito
"Walang dudang mag ama nga kayo ng Pinuno pareho kayo ng sinasabi. Paano ako makakapag pahinga kung may nakikita akong nangangailangan ng tulong na kaya ko naman? Ikaw kaya sa lugar ko paano kung sabihin ko sayo magpahinga ka na lang sa kwarto mo kahit may nakikita kang kaguluhan?" Mahabang lintanya ko
"Ang akin lang magpahinga ka at huwag abusuhin ang sarili mo, kanina ka pang umagang tumutulong sa kanila paano kung ikaw naman ang magkasakit?" Huminto ako sa paglalakad at humarap na naka pamaywang sa kanya.
"Bakit ikaw kanina ka pa sa kung saan at diba kakauwi mo nga lang din? Imbes na sermonan mo'ko bakit hindi ka nalang magpahinga sa kwarto mo?"
"Malakas ang pangangatawan ko kaya kong -"
"So ibig mong sabihin mahina ako? Fyi lang kahit maliit lang ako at walang bato bato sa katawan na katulad ng sayo mas malakas ang resistensiya ko kumpara sa'yo!" Putol ko sa sasabihin pa niya at inirapan siya
Akala mo naman kasi kung sinong malakas tss. Nilakihan ko ang hakbang ko para mas makalayo sa kanya. Ang kulit kasi sumusunod sunod pa.
Pagdating namin sa bakanteng lote na tinayuan ng mga tolda ay agad akong lumapit kung saan naroon ang mga doktor.
"Kumusta po dito?" Tanong ko sa dalawang doktor
"Mas mabuti na binibini kaysa kaninang nasa labas sila ng tarangkahan ng Pinuno. Makikita mong mas komportable na ang mga pasyente ngayon" sagot ni Doktor Almundo
"Ang problema natin ngayon ay mga halamang gamot, tantya ko ay pang dalawang araw lamang ang gamot na nandirito" Sabi naman ni Doktor Gilberto
"Sana lang ay huwag ng madagdagan pa ang mga pasyente" sambit naman ni Doktor Almundo
"Sana nga ngunit sa nakikita ko mukhang madadagdagan pa sila bukas. Ang hirap pa naman ng bunga ng sambucus ngayon na pangunahing sangkap na gamot sa sakit nila"
"Napaka mahal pa naman ng pinatuyong bunga ng sumbucus"
"Ano po ba ang ginagamot ng sambucus?" Tanong ko sa dalawang doktor
"Ang sambucus ay mahalaga at pangunahing sangkap para mapababa at tuluyang mapaalis ang lagnat ng mga pasyente. Kailangang pakuluan ng anim na oras ang pinatuyong bunga ng sambucus, ugat ng balerya, ligaw na nami at dahon ng aspen" sagot ni Doktor Almundo
"Paano kung walang sambucus sa ilulutong gamot?" Usisa ko
"Maaari naman lalo na't mahirap talagang makakita ngayon ng bunga ng sambucus ngunit hindi ganoon kabisa ang gamot"
"Hindi pwedeng doblehin nalang yung dami ng mga sangkap para mas maging mabisa yung gamot?"
"Hindi maaari binibini dahil baka lalong mas lumalala ang pasyente. May sinusundang sukat ang pagluluto sa mga halamang gamot upang maging mabisa ang mga ito" Sabi naman ni Doktor Gilberto
"Paano kung palitan ng dahon ng lagundi yung sambucus? Maaari po ba iyon?"
Umiling ang dalawang doktor
"Kailangan pang pag aralan kung maaaring magdagdag bawas at gawing alternatibong pamalit ang isang halamang gamot bago ito gamitin"
Nadismaya ako ngunit wala akong magagawa, tama naman talagang hindi pwedeng magbigay ng gamot sa mga pasyente lalo na't hindi pa napag aaralan ng mga dalubhasa.
"Binibini kailangan ko na palang mag paalam" Sabi ni Doktor Almundo.
"Gusto niyo po bang makausap ang Pinuno bago kayo umalis?" Tanong ko
"Huwag na binibini sa ibang araw na lamang" sagot nito
"Kung ganoon po ay mag iingat nalang kayo at maraming salamat sa tulong niyo. Ipapahatid na po namin kayo sa tahanan niyo" magalang na sabi ko
"Walang anuman binibini trabaho ko ang mangagamot pagpasensiyahan niyo na ako kung hanggang dito lang ang kaya kong maitulong" sagot nito
"Napakalaking tulong na po ang naibigay niyo doktor. Maraming salamat po"
Pinahatid na nga namin si Doktor Almundo sa tahanan nila. Naging abala ulit kami sa pagtingin sa mga pasyente at naaawa narin ako kay Doktor Gilberto dahil halatang pagod na ito.
Nagsimula ng dumilim at nagpaalam narin si Doktor Gilberto na kinakatakutan ko. Paano na ang mga pasyente ngayong wala ng doktor na titingin sa kanila.
Tulad ni Doktor Almundo pinahatid narin namin si Doktor Gilberto sa tahanan nila. Lubos ang pasasamat ko rin dito dahil sa tulong niya. Ngayon ako nalang at si Kapitan ang natira na umaasikaso sa mga taong tinatawag kami.
"Magpahinga ka muna at huwag masyadong lumapit sa may mga sakit baka mahawaan ka" Sabi ko kay Kapitan ng bumalik ito sa pwesto namin. Nilabas ko rin ang maliit na alcohol na nasa bag ko at nilagyan ang kamay niya.
"Ang bango nito ano ang tawag dito?" Tanong niya na inamoy amoy pa ang kamay niya
"Alcohol yan" sagot ko
Salubong ang mga kilay na tinignan naman niya ako
"Kaya pala malamig sa kamay pero bakit mabango 'to?" Tanong niya na muling inamoy ang kamay niya
"Hindi ko alam siguro dahil mas makabago na yung panahon na pinanggalingan ko kaya ginawa nilang mabango" sagot ko
"Mukhang maganda talaga sa mundo niyo binibini marami pa sigurong kakaibang bagay na meron kayo"
"Maganda talaga" mahinang sabi ko. "Napaka ganda" nanubig ang mga mata ko ng maalala ko ang pamilya ko at mga kaibigan ko. Sigurado akong sobrang nag aalala na sila.
"Ayos ka lang ba binibini? May masakit ba sa'yo?" Nag aalalang tanong ni Kapitan
Lumuluhang umiling ako at pilit ngumiti.
"Ayos lang ako naalala ko lang magulang ko pati ang kapatid ko. Gusto kong sabihin sa kanila na huwag silang mag alala at okay lang ako pero hindi ko magawa. Namimiss ko narin sila" Sabi ko habang pinupunasan ang aking mukha dahil sa walang patid na pagluha.
Hindi ko naman inaasahan ang ginawa ni Kapitan. Kinabig niya ang katawan ko at niyakap. Nagulat at natigilan ako sa ginawa niya pero imbes na magalit ay gumanti ako ng yakap at umiyak sa balikat niya.
*****
Oras na ng hapunan at pinamahagi namin ang pagkain ng mga pasyente pati na sa mga bantay nila. Magkasalong kumain narin kami ni Kapitan pero hindi ko pa nakakalahati ang pagkain ko ay may tumawag sa'kin.
"Bakit Rona ayaw mo ba ng gulay?" Tanong ko sa bata pagkalapit ko sa kanila ng nanay niya Umiling naman siya "may isda ako doon gusto mo ba?" Umiling ulit ito
"Wala po siyang ganang kumain at puro tulog lang siya" Sabi ng Ina nito
"Hala! Paano ka gagaling niyan kung hindi ka kakain?" Sabi ko dito "alam ko na, bibigyan kita ng tsokolate ko pero dapat kumain ka"
"Ano po yung tsokolate?" Tanong ng bata
"Ang tsokolate ay matamis na pagkain na nagpapasaya ng mga tao" sagot ko sa kanya
"Magiging masaya po ako kahit may sakit ako?"
"Oo naman, basta kumain ka lang at inumin ang gamot mo tiyak gagaling ka agad. Huwag mo rin isipin na may sakit ka, kasi kapag iniisip mo na may sakit ka lalo kang manghihina"
"Kakain na po ako para gumaling na agad ako at hindi na umiyak si Ina"
"Tama yan. Kapag tapos ka ng kumain bibigyan kita ng gamot at tsokolate para mapabilis lalo ang paggaling mo" nakangiting sabi ko
"Maraming salamat po magandang binibini" pilit itong ngumiti sa akin
"Binibini! Gusto ko din po ng tsokolate" Sabi naman ng isang bata sa kabilang higaan
"Bibigyan kita kung kakain ka at makikinig ka sa iyong Ina" Sabi ko
"Pangako po uubusin ko ang pagkain ko" sagot nito
"Ako din po kakain ako" Sabi naman ng isa pang bata
"Sige ganito nalang" nakangiting sabi ko "lahat ng makakaubos ng pagkain nila bibigyan ko ng tsokolate"
Natuwa naman ang mga bata pati narin ang mga magulang na nagbabantay sa kanila. Kailangan ko nalang gawin ay hatiin yung mga tsokolate para magkasya sa lahat.
Bumalik na ako sa mesa kung saan kami kumakain ni Kapitan at tinuloy ang pagkain ko.
"Akala ko ba wala ka ng tsokolate?" Tanong nito habang nakatingin sa plato niya at pinaglalaruan ang sitaw sa kutsara niya.
"Ubos na yung mga tiny tobleron pero meron pa akong isang tobleron na 360grams" sagot ko
"Ahh" tipid na sagot niya at muling inasikaso ang pagkain niya.
Nang matapos kaming kumain ay kinuha ko na yung tsokolate sa bag ko. Pinagpasyahan kong gawing tatlong hiwa nalang kada cross section para mabigyan ang lahat.
"Gusto mo?" Tanong ko kay Kapitan na mukhang natatakam sa mga tsokolate
Umiling naman siya. Sus! Kunwari pa siya halata naman na gusto niya. Tinuloy ko lang paghati hanggang matapos ako. Mabuti nalang hindi matigas kaya madaling nahati at hindi rin naman sobrang lambot.
Bitbit ang mga gamot at mga tsokolate inisa isa kong puntahan ang mga bata para painumin ng gamot at bigyan ng tsokolate. Natuwa rin ang mga magulang ng binigyan ko sila. Humingi rin ako ng pasensiya kung maliit na parte lang naibigay ko dahil pinagkasya ko lang.
Dahil may tira pa sa mga nahiwa ko na tsokolate sinadya kong ipakita kay Kapitan ang pagkuha ko ng isa at pagsubo dito. Tulad ng inaasahan ko nakatingin nga ito sa akin pero inalis din agad ang tingin ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Hindi nalang ako nagpahalatang natawa.
"Kapitan" tawag ko. Paglingon niya ay isinubo ko sa kanya yung tsokolateng muntik ng mag melt sa daliri ko "aist! Natunaw na sa kamay ko" Sabi ko pa at dinilaan ang dalawang daliri na nalagyan ng tsokolate
"Anong ginagawa mo?" Tanong nito
"Binigyan lang kita ng tsokolate ayaw mo ba talaga? Ibibigay ko na kasi yung natira sa mga sundalo sa labas" sagot ko sa kanya
"Bakit mo dinilaan ang daliri mo pagkatapos mo akong subuan?" Tanong ulit niya
"Huwag mong sabihin big deal na naman pagsubo ko sa'yo ng tsokolate? Bakit si Isabelle lang ba dapat magsubo sayo ng pagkain niya? Iluwa mo nalang ang tsokolate hayaan mo di na mauulit!" Inis na sabi ko at tinalikuran siya.
Ang arte arte para yun lang naman. Edi iluwa niya kung ayaw niya! Kasalanan ko pa ngayon na binigyan siya. Buset!.
******