Chapter 14
Chandee's Pov
Panibagong umaga panibagong araw na naman. Kagabi ay pinasya kong maging produktibo ngayon ang araw ko. Ilang araw na kasi akong nakakulong lang sa kwarto ko at si Glenda lang ang nakikita ko. Wala kasi si kapitan at ibinilin nito na huwag muna akong lalabas ng bahay. Dahil nangako ako sa kanya na magiging mabait ako at susundin ang gusto niya kaya sumunod ako.
Ang kaso apat na araw na akong walang ginagawa kundi humilata nalang sa kama daig ko pa ang may sakit. Ang bilin lang naman ni kapitan ay huwag akong lumabas ng bahay at hindi niya sinabi na bawal akong magsaya.
Dahil nga gusto kong maging produktibo ang araw ko ngayon kaya naman mabilis akong nagtungo sa kusina para tumulong magluto doon. Hindi ako marunong magluto pero kaya ko naman maghugas at magbalat ng mga gulay.
"Nanay Miranda ano pa po ba ang pwede kong maitulong?" Tanong ko pagkatapos kong mag dikdik ng bawang.
Tinanong din pala niya ako kung ano ang ibig sabihin ng nanay at ng sinabi ko ang kahulugan nito ay natuwa siya. Karangalan daw nito ang matawag na nanay ng babaeng itinakda. Medyo sanay na din naman ako sa pagtawag nila sa'kin ng ganoon.
"Umupo ka nalang diyan binibini kaya na namin mga gawain dito" sagot nito
"Kaya nga po ako nagpunta dito para makatulong e" kandahaba ang ngusong sabi ko
"Manood ka na lang binibini at baka masaktan ka" Sabi pa niya
Mas mabuti namang manood ako sa kanila kaysa bumalik sa kwarto ko at mainip doon.
"Ate Susan ano po yang ginagawa niyo?" Tanong ko dito dahil may ibinabalot siyang karne sa repolyo.
"Ito ba? Ang tawag dito ay pinausukang baboy. Paborito ito ni Anna at nirequest niya ito kagabi" sagot nito
"Ahh.. mukha ngang masarap maaari mo bang dagdagan para matikman ko?" Nakangiting request ko
"Oo naman binibini para sa inyong lahat naman ang iniluluto namin" natatawang sagot niya
"Mukhang madali lang naman pala ibalot pwede ba akong tumulong?" Tanong ko pa
"Kung gusto mo ay pwede naman po" sagot nito
Natuwa naman ako dahil pinayagan niya ako kaya naman kumuha agad ako ng isang dahon ng repolyo at naglagay ng karne doon. Akala ko noong una ay madali lang ang pagbabalot ngunit mahirap din pala. Kailangan kasing itali pa ito sa sinulid upang hindi bumuka. Natatali ko naman yung akin kaso'y nahuhulog parin yung karne.
"Akala ko madali lang pero hindi pala" sambit ko
"Madali lang naman talaga nasa pagtatali lang ang sikreto para hindi bumuka ang dahon" sagot nito
"Pinapanood ko naman kayo paano siya itali kaso nagiging maluwang na kapag ako ang gumagawa. Hindi naman yata pwede at hindi magandang tignan kung ibabalot ko siya sa sinulid para lang hindi bumuka" Sabi ko
Tumawa naman si Ate Susan pati si Ate Roda sa sinabi ko. Pati tuloy ako nahawa kaya nakitawa na din.
"Ate Roda ano yang niluluto mo?" Pangungulit ko naman sa kanya habang pinapanood siyang may hinahalo halo sa kaserola.
"Pinapakuluan ko lang itong balinghoy kapag naluto na siya ay lalagyan ko naman siya ng gata ng niyong at lalagyan din ng asukal para gawing inuming panghimagas" sagot nito
"Ahh" Sabi ko at tumango tango kahit hindi ko naman alam kung ano iyon.
Ang plano kong tumulong sa kanila ay nauwi lang sa panonood ko sa kanila. Ayoko rin naman kasing kulitin sila para matulungan sila, may palagay din kasi ako na imbes na mapadali ko ang trabaho nila ay mapatagal ko pa lalo.
Dalawang klaseng ulam ang nailuto nila. Ang isa ay manok na pinakyaw daw ang tawag. Para itong sinigang na manok pero hindi maasim. Yung isa naman ay yung pinausukang baboy. Nung tikman ko ito ay napa wow talaga ako. Ang lambot kasi ng karne at manamis namis. Bakit hindi yata natutunan lutuin ito ng mga pinoy. At yung inuming panghimagas naman na ginawa ni Ate Roda ay masarap din. Katulad lang siya ng sago't gulaman kaso wala itong gulaman at kulay puti ang tubig nito dahil sa gata ng niyog.
Balak ko sanang sumabay nalang kumain kina nanay Miranda ngunit pinatawag ako ng Pinuno para sumabay kumain sa kanila ni Anna. Pagdating ko sa komedor ay nagulat ako ng makitang naroon din pala si Kapitan kasama si Isabelle
"Magandang tanghali binibini kamusta ka? Natutuwa akong makita ka" bati ni Isabelle na may malapad na ngiti
"Magandang tanghali din mabuti naman ako ikaw kumusta?" Bati ko din sa kanya
"Mabuti din lalo na't nakita kita ngayon malaking karangalan para sa'kin ang makasabay kang kumain" Sabi naman nito
Nginitian ko nalang siya at tumingin kay Kapitan. Hindi ko alam na nandito na pala siya at magkasama silang dalawa.
"Magkakilala na pala kayo" sabat naman ng Pinuno tumango ako
"Opo Pinuno bago mo pa siya naipakilala ay nagkita na kami, kumain silang dalawa ni Ewen sa kainan namin" sagot nito kay Pinuno at humawak sa braso ni Kapitan
"Mabuti mabuti hahaha sige umupo na kayo at ng makakain na tayo. Pagdamutan mo na kung hindi kasing sarap ng pagkain niyo ang pagkain namin dito" Sabi ng pinuno
Umupo ako katabi si Anna at umupo naman si Isabelle sa tabi ni Kapitan. Nagsimula naman magtanong ang Pinuno kay Kapitan tungkol sa itinatayong kampo sa may hangganan.
Napansin ko naman si Isabelle sa pagiging masilbi nito kay Kapitan at nagiging touchy narin ang bruha. Dikit siya ng dikit kay Kapitan at mukhang nagugustuhan naman ni Kapitan. Napataas nalang ako ng kilay at mabilis na inubos ang pagkain sa plato ko. Nakakawalang ganang kumain na may kasamang naglalandian sa harapan ko.
"Salamat po sa pagkain mauuna na po ako" paalam ko sa mga kasama ko sa mesa
"Tapos ka na agad? Ang konti lang ng kinain mo" pansin ng pinuno
"Busog pa po kasi ako, mukhang nabusog na po ako sa amoy ng pagkain dahil kasama ako ng mga tagaluto mula kaninang umaga sa kusina" sabi ko at tipid na ngumiti
"Kasama ka ba sa mga nagluto ate?" Tanong naman ni Anna
Nakangiting umiling ako.
"Gusto ko sanang tumulong at sinubukan ko naman ngunit wala talaga akong talento sa pagluluto kaya pinagkatiwala ko nalang lahat sa kanila" sagot ko kay Anna
"Talagang hindi lahat ay may talento sa pagluluto lalo na kung walang nagturo. Minsan kahit mga tinuruan na ay hindi parin masarap ang kinalalabasan ng mga luto niya" Sabi ni Isabelle
Tabinging ngumiti ako at nakipagtitigan kay Isabelle.
"Totoo ang sinabi mo. Kaya nga minsan sa mga kainan kahit hindi naman masarap mga pagkain nila ay iniisip mo nalang na masarap para maubos mo" Sabi ko
"Bakit mo naman uubusin kung hindi naman pala masarap?" Taas kilay na sinalubong nito ang tingin ko
"Sayang kasi ang ibabayad ko kung hindi ko uubusin. Sa hirap ng buhay ngayon kahit isang butil ng kanin mahalaga" sagot ko na hindi humihiwalay ng tingin sa kanya hanggat hindi nito binabawi ang tingin nito. "Pinuno babalik na po ako sa aking silid" muling paalam ko
"Ihahatid na kita binibini" Sabi ni Kapitan na mabilis uminom ng tubig
"Huwag na gusto ko rin kasing mapag isa muna. Isa pa nandito si Isabelle nakakahiya kung iiwanan mo siya dito" Sabi ko at muling nginitian silang lahat
"Siyanga naman Kapitan dito ka na muna sabay nalang nating dalawin si Binibining Chandee mamaya" sabi naman ni Isabelle
Hindi ko na hinintay pa ang isasagot ni kapitan at umalis na agad ako. Gusto ko sanang magtungo sa kwarto ko kaso naalala ko ang bilin ni kapitan na huwag aalis ng bahay hanggat wala siya. So dahil nandito naman siya pwede na akong umalis.
Mabilis kong iniba ang direksyon ng lakad ko patungo sa entrada ng bahay. Ewan ko kung bahay pa ba ang dapat itawag dito o mansion na. Pagdating ko sa may gate ay may dalawang sundalong nagbabantay.
"Saan po ang tungo niyo binibini" tanong ng Isang sundalo
"Diyan lang po sa labas maglalakad lakad" sagot ko
"Kung ganoon nasaan po ang iyong tagapagsilbi para masamahan kayo?"
"Araw ng pahinga ngayon ni Glenda at umuwi muna sa kanila"
"Ako nalang po muna ang sasama sayo" Sabi ng Isang sundalo
"Ano nga kasi pangalan ninyo?" Tanong ko sa dalawa
"Ako po si Nelson"
"Ako naman si Jaime"
"Nelson Jaime huwag na kayong mag alala sa'kin hindi naman ako lalayo gusto ko lang talagang maglakad lakad" sabi ko sa dalawa. Nagkatinginan naman ang dalawang sundalo
"Sige po binibini" pagpayag nila
Nginitian ko sila at nagpasalamat bago naglakad palayo. Mabuti nalang at malamig ang panahon kahit tirik ang araw. Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa may narinig na may mga tumatambol. Dahil sa pagiging marites ko sinundan ko yung tunog at pumasok sa Isang eskenita.
Nagulat ako ng makarating sa isang parang talipapa. May parang ati atihan din na nakamaskara at sumasayaw sa tunog ng tambol. May dalawa ring nakamaskara na tumatawid sa lubid habang nagiikot ikot naman sa mga nanonood ang isang kasama pa nila upang humingi ng donasyon.
Nakakatuwa silang tignan at nakakakaba din dahil may ginagawa yung mga nasa lubid na tila ba mahuhulog sila. Nasa 6ft din kasi yung taas kaya siguradong masasaktan sila pag nahulog sila.
Naglibot pa ako hanggang sa hindi ko na alam kung saan ang daan palabas ng mga pinasukan ko. Nag aalala na ako para sa aking sarili dahil mukhang napalayo pa lalo ako.
"Bata!" Tawag ko sa isang binatilyo na may dalang mga kahoy. Tumingin naman siya sa'kin at huminto
"Bakit po?" Tanong nito.
"Pwede ba akong magtanong ng daan? Naliligaw kasi ako" Sabi ko ng makalapit sa kanya
Minasdan naman nito ang itsura ko mula ulo hanggang paa. Napangiti naman ako ng ngumiti siya sa akin.
"Saan po ba kayo pupunta?" Tanong nito
"Gusto ko sanang makita ang pangunahing daan" Sabi ko
"May alam po ako na daan kung saan mas mapapabilis kayong makalabas dito sa sittio" sagot nito
"Maaari mo bang ituro?"
"Kung gusto niyo'y sumabay nalang po kayo sa akin at ihahatid ko kayo"
"Napakabait mo naman maraming salamat" Sabi ko
Magkasabay kaming naglakad at tinahak ang ilang masisikip na daan. Napansin ko naman na habang lumalayo kami ay pahirap ng pahirap ang nakikita kong pamumuhay ng mga tao.
"Mabuti naman natuto ka na Karlo" Sabi ng isang lalaki na Tantya ko ay kasing edad ko lang. Lumabas naman kung saan yung ilan pang kabataan at pinalibutan kami.
"Kunin niyo nalang ang pera niya at hatian ako. Huwag niyo rin siyang saktan mukhang mabait naman" Sabi ng batang may pangalang Karlo
"Ibibigay ko ang parte mo huwag ka ng makialam" Sabi ng lalaking mukhang leader nila at lumapit sa'kin "kung ayaw mong masaktan ibigay mo na sa'kin ang pera mo" Sabi nito
"Wala akong pera" sagot ko
"Ibibigay mo ba o bubutasin ko ang tagiliran mo?" Nakangising sabi nito at inilabas ang isang maliit na kutsilyo
"Wa-wala talaga akong pera" nautal na sabi ko sa takot lalo na ng idinikit nito ang patalim sa tagiliran ko
"Akin na nga ang pera mo kung hindi tuluyan kita!" Sigaw nito sa'kin naramdaman ko naman yung pagtusok ng kutsilyo sa tiyan ko
"Ma-maniwala ka wala talaga akong pera" naiiyak ng sabi ko
"Matigas talaga ang ulo mo ha?!" Sigaw nito
Pumikit na ako at hinihintay ang katapusan ko pero walang kung ano mang bagay ang tumusok sa akin. Bagkus ay nawala pa ang patalim na nasa tagiliran ko kanina. Pagmulat ko ng mga mata ay nandoon parin ang mga bata at tinitignan ako.
"Tss! Sige umalis kana! Wala ka palang pera!" Sabi ng leader ng grupo
"Naku naman sayang" Sabi naman ng ilang kabataan naroon. Unti unting nagsi alisan sila na bagsak ang mga balikat pati narin si Karlo.
"Kuya!" Sigaw ng isang batang babae na tumatakbo palapit sa amin
"Wala na si Ina" umiiyak na sabi ng batang babae
"A-anong ibig mong sabihin?" Nag aalalang tanong ng batang lalaki sa kapatid ngunit tanging iyak lang ang sagot ng batang babae. Mabilis na tumakbo ang batang lalaki at sumunod naman ang kapatid nito sa kanya.
"Si Klara" Malakas na sambit naman ni Karlo at tumakbo rin.
Nalilito man ako sa nangyayari ay tumakbo nalang rin ako at sumunod kay Karlo. Halos ibalibag nito ang mga dalang kahoy at pumasok sa isang bahay.
Napahinto naman ako at nag isip kung susunod pa rin ba sa kanya. Nakita ko naman sa di kalayuan na may mga tao na umuusyoso sa isang bahay. Lakas loob na lumapit ako dun sa bahay at narinig ko ang pag iyak ng mga taong nasa loob. Narinig ko rin ang bulungan ng mga tao na natatakot na baka mahawaan.
"Ano po ba ang nangyari?" Tanong ko sa isang ginang na naroon
"Binawian na ng buhay si Nida kawawa ang mga anak niya ang liliit pa ng mga to" sagot nito sa'kin
"Ano po ba ang nangyari?" Paguusisa ko. Lumapit naman ang isang babae sa amin
"Kawawa naman ang mga bata hindi pa naman maaasahan ang ama nila" Sabi ng babaeng bagong dating
"Mabuti pa siguro lumayo tayo at baka mahawaan tayo kahit wala naman tayo sa loob ng bahay nila" Sabi ng kausap ko kanina.
Lalayo na sana din ako pero naisipan kong pumasok nalang din sa loob kahit nangangamba ako sa mga bulungan na nakakahawa ang sakit ng namatay.
Napatingin sa'kin ang mag aama na nagtatangis habang nasa gitna nila ang isang babaeng wala ng buhay. Lumapit ako at may napansin na kakaiba sa babae. Lumuhod ako at pinulsuhan ang babae at nakumpirma ko na wala na talaga ito.
"Anong ginagawa mo doktor ka ba?" Tanong ng lalaki sa'kin
Umiling ako "ako nga po pala si Chandee nakikiramay po ako sa pagkawala ng asawa ninyo" Sabi ko
"Hindi ka ba natatakot na baka mahawa ka sa sakit ng asawa ko?" Tanong nito na parang nagulat pa ng hawakan at tignan ko ang mga sugat ng asawa niya
Umiling ulit ako. Nagkaroon na ako ng ganitong sakit noon at nabakunahan narin.
"Bakit hindi niyo po siya dinala sa pagamutan buntis pa naman siya" Sabi ko
"Dinala ko siya sa pagamutan ngunit tinanggihan kami dahil wala akong pambayad sa kanila" may hinanakit na sabi nito
Tinignan ko ang dalawang bata na patuloy parin ang pagtangis. Napaka bata pa nga nila wala pa yata sa sampung taong gulang ang batang lalaki at nasa anim na taon naman ang batang babae.
****
Tbc