Chapter 12

Chandee's Pov

"Binibini gising ka pa ba?" Agad naman akong nagmulat ng marinig ang boses ni Kapitan

"Oo sandali" sagot ko at mabilis na tumayo para buksan ang pintuan

"Nagising ba kita?" Tanong nito ng pagbuksan ko siya ng pinto

"Hindi pa naman ako tulog nagpapa antok pa lang" sagot ko "pasok ka" Aya ko sa kanya

"Huwag na gabi na, pinapasabi mo daw kasi sa'kin na puntahan kita pag dating ko. Ano ba ang maitutulong ko sayo?" Tanong niya

Bumuntong hininga ako sa harapan niya at sumimangot.

"Ngayon ka lang ba nakauwi?" Masungit na tanong ko

"Oo, may problema ba?" Tanong nito na biglang sumeryoso

"Ganitong oras ka ba laging umuuwi?" Di makapaniwalang tanong ko

"Hindi naman, dipende kung may problema na kailangan ako. Ano ba ang sasabihin mo?" Sagot niya

Tumingin ako sa mesa at tinignan ang maruya na nasa platito.

"Nagluto kasi ako kanina ng maruya kaso wala ka" Sabi ko

"Narinig ko nga sa mga sundalo ang sabi nga nila'y masarap nga daw"

"Tinirhan kasi kita kaso kanina pa iyon kaya hindi na masarap. Bibigyan nalang kita kapag gumawa ulit ako" Sabi ko

Sumilip siya sa loob ng kwarto ko.

"Yun ba yung nasa platito?" Tanong niya.

Tumango ako.

"Oo. Hayaan mo kapag gumawa ulit ako at wala ka mag uutos nalang ako para dalhin sayo" Sabi ko

Nakangiting tinignan niya ako at pumasok sa kwarto. Dumiretyo siya sa may mesa at kinuha yung maruya na nasa platito.

"Huwag mo ng kainin yan" utos ko sa kanya

"Hindi na ba pwedeng kainin?" Tanong nito

"Pwede naman kaso kanina pa nga yan di na siya masarap, ibibigay ko nalang sa aso bukas" sagot ko

"Sayang naman" Sabi niya at kinagatan yung maruya "masarap naman ah napaka sarap" Sabi nito na muling kumagat

"Aish! Ang kulit naman e sabi ko naman huwag ng kainin" sabi ko at inagaw sa kanya yung maruya "bibigyan nalang kita ng iba huwag mo ng kainin to" Sabi ko at ibinaba sa mesa yung platitong may maruya

Pumunta ako sa may cabinet kung nasaan ang eco bag ko at inilabas doon ang isang Pringles na garlic parmesan ang flavors at muling bumalik kung nasaan si kapitan.

"Grabe gutom ka ba? Nalingat lang ako sandali naubos mo na yung maruya. Parang hindi ka sinabihan na huwag ng kainin ah" inis na sabi ko at itinulak yung Pringles sa dibdib niya *yan sayo na!" Sabi ko

"Pwede pa naman kasing kainin at masarap siya. Ano ba 'to?" Tanong niya habang tinitignan yung Pringles

"Akin na nga!" Agaw ko sa kanya at binuksan yung takip at tinanggal ang shield. "May ibang flavors pa nito pero puro garlic parmesan lang meron ako dalawa lang nadala ko tig isa tayo" Sabi ko at kumuha ng isang piraso at kinain iyon. "tikman mo kung gusto mo ang lasa, kung ayaw mo akin na lang" Sabi ko at kumuha pa ng isa at isinubo sa kanya "masarap diba?" Sabi ko pa at nginitian siya

"Masarap" tumatangong sabi niya. Sinarado ko naman yung can at binalik sa kanya "sayo na yan" Sabi ko at umupo sa upuan

"Sigurado ka akin na'to? Lahat to?" Tanong pa niya

Tumango ako

"Dalawa nga kasi yan tig isa tayo, nakokonsensiya din kasi ako sa maruya. Dapat pinadalhan nalang kita kaninang nalaman ko na nasa kampo ka tapos naisip ko pa bigla yung tiny tobleron lalo akong na guilty kasi hindi kita nabigyan. Kaya sayo nalang yan" nakangusong sabi ko

"Nakain ko naman yung maruya ah" nakangiting sabi nito

"Ewan ko sayo bakit kinain mo pa!" Inirapan ko siya "Iba na lasa niya hindi katulad kapag bagong luto, crispy pa yung balat at soft ang loob" mahinang sabi ko

"Hindi naman mahalaga kung bagong luto o hindi, ang mas nagpapasarap sa pagkain ay yung alam mo na yung pagkain na yon ay pinaghirapan lutuin at nakalaan para sa'yo"

"Hoy! Hindi ko naman niluto yon para sa'yo! Niluto ko yon para sa lahat!" Reaksyon ko sa sinabi niya

Sa unang pagkakataon ay narinig ko siyang tumawa. Literal na napatulala ako habang tumatawa siya. Nagtaasan din ang mga balahibo ko kahit hindi naman nakakatakot ang tawa niya.

"Paumanhin binibini ang ibig kong sabihin ay yung naisipan mo akong tirhan at ipagtabi ng niluto mo" paliwanag nito

Nagkatitigan kami ng ilang segundo pero agad ko rin iniwas ang tingin ko sa kanya.

"O siya sige na pumunta ka na sa silid mo para makapag pahinga ka na" Sabi ko

"Matutulog ka na ba?" Tanong pa niya

Tinaasan ko siya ng isang kilay

"Kung aalis ka na matutulog na'ko, bakit may sasabihin ka pa ba?" Tanong ko

"May gusto lang akong sabihin tungkol kay Isabelle" napalunok naman ako ng marinig ko ang pangalan ni Isabelle

"Sige ano iyon?" Kinakabahan na tanong ko

"Nagkita kami kanina sa kainan nila at napag usapan ka namin at yung nakita niya" simula nito

"Oh tapos?" Tanong ko

"Sinabi ko sa kanya na may relasyon tayong dalawa"

"Ha?! Bakit mo sinabi yon?!" Medyo tumaas ang boses ko at napatayo

"Pakinggan mo muna ako" Sabi niya kaya hinayaan ko siyang magsalita

Sinabi nito ang dahilan niya kung bakit niya sinabing may relasyon kaming dalawa at naiintindihan ko naman siya. Dapat pa nga akong magpasalamat sa ginawa niya dahil nakaligtas ako sa parusang pwedeng ipataw sakin.

"Magpapanggap lang naman tayo kapag kaharap siya diba? Paano kung kung kumalat na may relasyon tayong dalawa ano ang gagawin natin?" Nag aalalang tanong ko

"Kung sakaling kumalat ang balita wala tayong magagawa kung hindi magkunwari sa lahat" sagot niya

"O-okay lang ba sa'yo? Kapag nagawa ko na misyon ko dito ay babalik na ako sa amin paano ka na nun? Mapaparusahan ka parin ba? Pwede ka pa bang mag asawa?" Nautal na tanong ko

"Huwag mo'kong alalahanin ang importante ay huwag tayong mabuko na hindi totoo ang relasyon natin" sagot nito

Napakagat ako ng labi at parang pusang hindi maanak sa kakalakad.

"Pasensiya na dahil sa'kin napahamak kita, hindi ko naman kasi alam na may patakaran kayong ganoon dito. Samin kasi walang pakialam yung mga tao kahit maglampungan pa sila sa tabi mag sasana all pa sila" sabi ko

Nagkatinginan naman kami at nakakunot ang noo niya. Mukhang hindi niya gets sinabi ko bahala siya.

"Huwag kang mag alala binibini hanggat nandito ako walang mangyayaring masama sa'yo" Sabi nito

Lalo akong nagiguilty sa sinasabi niya. Ako na nga may kasalanan at nagdala sa kanya sa kapahamakan pero ako pa kinocomfort niya.

"Pangako magiging mabait na ako sa'yo susundin ko lahat ng gusto mo" seryosong sabi ko habang nakataas pa ang kanang kamay at nangangako

Ngumiti siya.

"Aasahan ko yan binibini" Sabi nito at tinapik ang ulo ko "salamat pala dito" pakita nito sa Pringles "matulog ka na aalis na ako" dagdag pang sabi niya

"Mm sige goodnight" sabi ko na may kasamang pagtango. Kumunot ulit ang noo niya pero saglit lang at tumango din sa'kin.

Hinatid ko siya hanggang sa may pinto at ng makalabas siya ay sinarado at nilock ko na ulit yung pintuan. Bumalik narin ako sa higaan ko at nahiga. Sana lang talaga huwag ipagkalat ni Isabelle yung nakita niya, hindi pa naman ako marunong umakting baka mabuko kami lagot kami ni kapitan.

*****

Ewen's Pov

Pagkatapos kong maglinis ng katawan ay dumiretyo na ako sa higaan ko upang magpahinga. Napakahaba ng araw ngayon ang daming nangyari na kinailangan ako. Nang sabihin din ni Garry na puntahan ko ang binibini pag uwi ko ay nag alala ako. Gusto ko sanang umuwi na ng mga oras na iyon kaso'y hindi pa maaari. Malalim na ang gabi ng makauwi ako at nagdadalawang isip kung kakatukin ang binibini sa silid niya o hindi, sa huli pinili ko ang gusto ko at kumatok sa pintuan niya. Pagkabukas palang niya ng pinto at makita siya ay parang milagrong nawala ang pagod ko.

Nakangiting nakatingin ako sa binigay niya at pilit binasa ang nakasulat doon. Nag aral ako at binigyan ng mataas na marka ng aking mga guro ngunit nahirapan akong basahin ang mga nakasulat sa lagayan ng paboritong pagkain ng binibini. Isa pang aking napuna sa binibini ay may nakakalitong salita siya na naiintindihan ko naman ngunit may mga ibang salita din siya na hindi ko talaga maintindihan. Kaya kapag naghahalo ang mga sinasabi niya ay natitigilan nalang ako at tinitignan siya, baka sakaling maintindihan ko kung mababasa ko sa mukha niya.

Matutulog na sana ako at papatayin ang ilaw ng may narinig akong kaluskos. Abot sa langit ang kaba ko ng biglang may narinig akong sumigaw. Hindi ako pwedeng magkamali galing ang sigaw sa silid ng binibini.

Dali dali akong lumabas at pumunta sa silid ng binibini at pwersahang binuksan ito. Natigilan naman ang lalaking naka itim ngayon ay hindi alam ang gagawin. Nagsidatingan naman ang ilan pang mga sundalo at pinalibutan siya.

"Ayos ka lang ba binibini?" Mahigpit na yumakap siya sa'kin habang nanginginig."Huwag kang mag alala hindi ako papayag may manakit sa'yo" sabi ko at ginantihan siya ng yakap

"Huwag niyo akong sasaktan gusto ko lang naman kausapin ang binibini wala akong balak na masama sa kanya" Sabi ng lalaking naka itim na nakataas ang dalawang kamay sa ere at nakaluhod.

"Ilabas niyo siya" utos ko sa mga sundalo

Sumunod ang mga sundalo sa utos ko at binitbit palabas ang lalaking nahuli. Pumasok naman sa silid niya ang kanyang tagapagsilbi at ilan pang mga babaeng tagapagsilbi. Nasa silid narin ang Pinuno at halatang nag aalala sa binibini na ngayon ay umiiyak at nanginginig sa takot.

"Tahan na" tanging nasabi ko habang nakatiim bagang at iniisip ang lalaki na naging dahilan kung bakit nanginginig sa takot ngayon ang binibini. "Glenda ikaw na muna ang bahala sa binibini huwag mo siyang iiwan" utos ko sa tagapagsilbi niya

"Opo kapitan masusunod" sagot naman nito kaya naman inalis ko na ang pagkakayakap sa akin ng binibini.

Tinignan ko naman ang mukha ng binibini at hinawi ang mga buhok na tumatakip sa mukha niya. "Tahan na binibini nandito lang ako poprotektahan kita" Sabi ko. Pinilit naman niyang tumahan at pinunasan ko ang mukha niya. "Babalik ako" sabi ko pa at tumingin kay Glenda upang palitan ako sa pwesto ko.

"Ama" sambit ko ng magkatinginan kami ng Pinuno. Tumango lang ito at alam ko na ito yung hudyat para gawin ko kung ano ang dapat. Naiwan ito sa silid ng binibini kasama ng ilan pang tagapagsilbi at mga sundalo.

Paglabas ko ng silid ay nagtungo agad ako kung saan dinala ang lalaking pumasok sa silid ng binibini. Nakita ko naman agad sila at nakitang nakaluhod ito at duguan. Nilapitan ko naman siya at tinaas ang mukha para makita ito. Nagulat pa ako ng una dahil isa siya sa mga sundalo na nagbabantay dito sa bahay.

"Kapitan patawarin niyo po ako wala po talaga akong balak gawan ng masama ang binibini nais ko lang po kumuha ng ilan sa mga gamit na dala niya" pag amin nito

"Sino ang may hawak sa kanya?" Tanong ko at tinignan ang mga sundalong nakapalibot sa amin. Humakbang naman palapit si Hektor.

"Ako po Kapitan" sagot nito. Kilala ko si Hektor bilang instriktong opisyal ng mga sundalo. Ako mismo ang nagtalaga sa kanya sa pangangasiwa ng ika-apat na hukbo.

"Anong masasabi mo sa ginawa niya?" Seryosong tanong ko kay Hektor

"Patawad Kapitan hindi ko sila naturuan ng mabuti nararapat lang akong parusahan" lumuhod na sagot nito

"Ano sa palagay mo ang nararapat na parusa sa inyong dalawa?" Pigil ang galit na tanong ko

"Kamatayan kapitan" sagot ni Hektor

"Kapitan! Wala pong kasalanan si kumander Hektor ako lang po ang nakaisip nito wala po siyang alam sa binalak kong gawin. Nasilaw lang ako sa kayamanan dahil sa kahirapan!" Umiiyak na sigaw ng nahuling sundalo

"Ang trabaho natin ay bantayan ang seguridad ng mga mamamayan ng Dalya! Trabaho din natin ang iligtas sila sa anomang kapahamakan! Mahirap at malaking responsibilidad ang trabaho natin ngunit binabayaran nila tayo ng tama. Kung palagay ninyo ay hindi sapat ang ibinabayad sa inyo, ngayon palang ay magbitiw na kayo sa tungkulin niyo" malakas na sabi ko sa lahat

"Nakalimot ako sa sinumpaang tungkulin patawad Kapitan hindi na po ito mauulit" umiiyak na sabi ng sundalong nahuli

"Alam mo kung gaano kahalaga sa Dalya ang babaeng itinakda kung magdedesisyon ako ngayon kung anong nararapat na parusa sa'yo ay gusto kong pugutan ang ulo mo at iparada sa buong bayan upang hindi ka pamarisan" sagot ko sa kanya

"Huwag naman po Kapitan! May pamilya po ako!" Umiiyak na sigaw nito

"Sana naisip mo sila bago mo ginawa ang binalak mo sa binibini!" Sigaw ko sa kanya

"Patawad Kapitan hindi na po mauulit patawarin niyo ako" nakaluhod na lumapit ito sa akin habang umiiyak

"Sa binibini ka humingi ng kapatawaran nasa kamay ng binibini ang iyong buhay" mahigpit na nakasara ang mga kamao na sagot ko sa kanya.

Muli akong tumingin kay Hektor at nilapitan siya. Tinapik ko ng tatlong beses ang balikat nito.

"Dalhin niyo na siya at ikulong, bukas malalaman natin kung anong hatol sa kanya ng Pinuno" utos ko kay Hektor

"Opo kapitan!" Sagot ni Hektor

Mabilis naman kumilos ang mga ito at itinali ang lalaki. Gusto ko sanang sumama sa kanila ngunit mas nag aalala ako ngayon sa kalagayan ng binibini.

*****

Tbc