Chapter 11
Ewen's Pov
"Makikiraan po" sabi naman ni Glenda na sumulpot sa dami ng mga tao na nakikiusyoso "bakit ang daming tao dito?" Tanong pa niya "binibini heto na ang pinabili mong asukal anong gagawin ko dito?" Tanong pa ni Glenda
"Mabuti pa sigurong umuwi na tayo binibini" Sabi ko
"Nangako akong tutulong sa pagtitinda sa kanila" sagot nito
"Masyadong maraming tao baka mapano ka, bibilhin ko nalang ang lahat ng paninda nila" Sabi ko
"Pero"
"Kailangan na nating umalis"
Bumuntong hininga naman siya at nakasimangot na tumingin sa'kin.
"Oo na tss!" Suko nito habang nakatingin sa akin
"Mario ikuha mo kami ng kabayo at iuuwi ko na ang binibini" utos ko sa isang sundalo
"Masusunod kapitan!" Sagot nito at mabilis na kumilos.
Hinawi naman ng tatlong natitirang sundalo ang mga taong nakapalibot sa amin
"Nanay Fe Tatay Jose pasensiya na po kung hindi ko kayo matutulungan ngayon. Bibilhin nalang daw po lahat ni kapitan ang saging niyo. Babalik nalang po ako sa ibang araw para tuparin ang pangako ko" Sabi ng binibini sa dalawang matanda
"Naku hindi niyo na kailangan bilhin pa isa pa napakarami nito. Kung nalaman lang namin ng mas maaga na ikaw ang babaeng itinakda mas tinrato ka pa sana namin ng mabuti. Masaya kami at nakakain ka ng niluto namin" sagot ni Aling Fe na tinawag niyang nanay. Gusto ko tuloy malaman kung anong kahulugan ng salitang iyon. Marami rin siyang ibang mga salitang binabanggit na hindi ko maintindihan.
"Bibilhin ko po ang lahat para maaga narin po kayong makapag pahinga. Ipapakuha ko nalang po sa mga sundalo para dalhin sa bahay. Sigurado matutuwa ang mga sundalo kapag inilaga namin ito mamaya para may makain sila habang nagbabantay" Sabi ko naman
"Kung ganoon ay maraming salamat po Kapitan. Totoo nga ang sinasabi ni Pablo na mabait kayo at hindi sila pinapabayaan lalo na sa pagkain" Sabi ni Aling Fe
"Hindi naman po ako mabait kailangan lang talaga nating alagaan ang ating mga sundalo dahil sila ang nagtatanggol sa bayan natin" sagot ko
Pagkarating ni Mario ay sumakay na agad kami sa kabayo ng binibini. Inutusan ko rin na ihatid din si Glenda sa bahay pati na ang mga saging.
*****
Chandee's Pov
"Paano mo nga palang nalaman na nandoon kami? Kung hindi ka dumating hindi nila maiisip na ako ang babaeng itinakda. Edi sana nakatulong pa ako sa kanila" reklamo ko kay Kapitan habang sakay ng kabayo
"Mas napabilis pa nga ang tulong mo dahil dumating ako. Isa pa hindi kana nahirapan tulungan sila sa pagtinda dahil binili ko na lahat ang ititinda nila" sagot nito
"E pang isang araw na tulong lang naman ginawa mo eh!" Sabi ko na pilit lumingon sa kanya habang nagpapatakbo ng kabayo.
Nagkasalubong naman ang tingin naming dalawa at napalunok ng mapansin na napakaliit lang ng pagitan ng mukha naming dalawa. Mabilis na ibinalik ko nalang ang tingin ko sa harapan.
Balak ko sanang sabihin sa kanya na mas mapapakinabangan ng mag asawa kung naituro ko sa mga ito kung paano lutuin ang banana cue. Isa kasi ang banana cue sa mga paborito ng mga pilipino kaya siguradong bibili nun sa kanila kaya siguradong marami ang bibili sa kanila dahil sila ang unang may tindang banana cue kapag nagkataon.
Naramdaman ko naman ang paghapit ni kapitan sa baywang ko pasandal sa kanya at ang pagbilis ng pagtakbo ng sakay naming kabayo. Sumimangot nalang ako at hindi nalang nagreklamo sa kanya. Mas komportable rin naman ako sa pwesto namin ngayon habang malayang tinitignan ang dinadaanan namin.
Nakasimangot akong bumaba sa kabayo ng alalayan ako ni Kapitan ng makarating kami sa kwadra ng mga kabayo. Naalala ko kasi bigla ang mag asawang iniwan ko na hindi ko man lang natulungan.
Inirapan at padabog akong umalis habang nakatingin siya sa'kin at dumiretyo na sa bahay. Hindi naman siguro siya manhid para malaman na pinapakita ko talaga sa kanya na naiinis ako sa kanya.
Naramdaman ko naman ang pagsunod ni kapitan sa likuran ko kaya naman mas nilakihan ko ang mga hakbang ko. Imbes na dumiretyo ako sa kwarto ko ay pumunta ako sa kusina. Paglingon ko naman sa likuran ko ay wala na si Kapitan.
Bumuntong hininga nalang ako at tinuloy ang paglalakad. Hindi naman niya yata ako sinusundan kanina napaka asumera ko. Nakalimutan kong magkalapit nga lang pala ang kwarto naming dalawa.
"Binibini" bati sakin ng mga nagdaang nagtatrabaho sa bahay. Nginitian ko naman sila at nagpatuloy sa paglalakad hanggang makarating sa kusina at sumilip doon
"Binibini" sambit ng isang babae na mukhang nagulat ng makita ako. Ngumiti ako at lumapit sa kanya
"Ano po ang ginagawa niyo?" Tanong ko sa kanya. Nakatingin naman samin ang dalawang kasama pa nito
"Inihahanda lang po namin ang mga gagamiting sangkap mamaya sa lulutuin namin" sagot nito
"Nagugutom po ba kayo binibini? Ipaghahanda po namin kayo ng pagkain" Sabi naman ng isa pa
"Hindi po busog pa po ako, naiinip lang ako at napadpad dito. Nakakaabala po ba ako?" Tanong ko sa kanila
"Naku hindi po binibini nakakatuwa nga at dito kayo napunta" nakangiting sagot naman ng isang babae
"Mukha nga pong masarap tumambay dito dahil maraming pagkain" humahagilgik pa na sabi ko
"Totoo po yan binibini makikita naman sa katawan namin kung gaano kasarap dito sa kusina"
"Maraming salamat nga po pala sa ibinigay mong tsokolate. Ayoko sanang buksan at tikman pero hindi ko napigilan ang sarili ko na kainin na iyon ng sabihin ng mga kasama ko kung gaano kasarap iyon" Sabi naman ng isa
"Yung akin naman ay itinabi ko para pag umuwi ako sa susunod na araw ay matikman din ng mga anak ko" Sabi pa ng isa
"Sayang kaunti lang ang nadala ko pero may isang malaki pa naman akong natira kaso kulang parin iyon para ibahagi sa lahat" nalulungkot na sabi ko "ganito nalang po, ipagluluto ko nalang kayo ng saging. Alam niyo po ba yung maruya?" Tanong ko sa kanila
Sabay sabay na umiling sila
"Pagdating po ni Glenda ipagluluto ko kayo ng maruya! Masarap po iyon at paborito ng aking Ina" Sabi ko
"Tutulungan ka namin binibini nasasabik na kaming matikman ang luto mo at kung ano ang lasa ng pagkain galing sa ibang mundo"
"Kanina pa tayo nag uusap pero hindi ko man lang naitanong mga pangalan niyo" nahihiyang sabi ko
Natawa naman ang mga ito at sinabi ang mga pangalan nila.
"Ako po si Miranda binibini" pakilala nung unang babaeng nakausap at nilapitan ko
"Ako po si Rhodora pero Roda nalang po ang itawag niyo" pakilala ng mukhang pinaka bata sa tatlo
"Ako naman po si Susan" pakilala ng panghuli
"Ako naman po si Chandee pwede niyo po akong tawagin sa pangalan ko nalang" nakangiting sabi ko
Nagtinginan naman ang tatlo at sabay sabay na umiling. Okay gets ko na ayaw nila akong tawagin sa pangalan ko.
Nagkwentuhan kami at nagpatulong narin sa kanila para sa batter na gagawin ko sa maruya. Nahirapan lang akong maghanap ng baking powder dahil hindi ko alam ang tagalog nito. Mabuti nalang na explain ko sa kanila kung ano ang itsura at kung saan ginagamit. Sabay sabay pa nga sila ng sumagot na "ahh! Pampaalsa" buti nga naalala ko na ang tagalog ng cornstarch ay gawgaw. Sa kabutihang palad lahat ng sangkap na gagamitin namin ay mayroon sa imbakan.
Ilang minuto pa ang hinintay ko at dumating na ang mga saging. Hindi kasama ng mga sundalong naghatid sa mga saging si Glenda kaya sinabi ko sa mga ito na sabihan si Glenda na nandito ako. Baka kasi mag alala yun kapag hindi niya ako nakita sa kwarto.
Sinimulan na naming balatan ang mga saging at ginaya ang paghiwa ko sa mga ito. Nagpainit narin ako ng mantika sa kawali at pinirito na yung mga nababad ko na sa mixture.
Pumunta rin sa kusina si Glenda at tumulong samin. Dahil madali naman lutuin at mabilis maluto ang maruya ay natapos agad kami. Iba rin kasi kapag maraming tumutulong napapadali ang trabaho.
"Ang sarap binibini!" Tuwang tuwang sabi ni Roda ng tikman nito ang niluto namin. Natuwa naman ako dahil nagustuhan niya
"Ang sarap nga nito! Ngayon lang ako nakatikim ng ganito" Sabi naman ni Miranda
"Ganito pala ang ginagawa niyong luto sa saging sa ibang mundo. Malutong ang labas pero malambot ang sa loob ng nakabalot sa saging" Sabi naman ni Susan
"Ito ba yung gusto mong iluto kanina sa pamilihan binibini? Napakasarap nga nito siguradong pipilahan sila ng mga tao kapag nagkataon" Sabi naman ni Glenda
"Pangkaraniwang pagkain lang naman yan sa amin tsaka nakakaumay din yan. Baka magsawa agad kayo" Sabi ko at kumuha ng isa para tikman. Masaya naman ako sa naging resulta nito.
Pagkatapos kong magpadala ng maruya sa Pinuno at kay Anna ay tumulong narin ako sa pagbibigay sa iba pa na nagtatrabaho dito sa bahay. Lahat naman sila ay nagustuhan ito at pinuri ang luto ko. Mukha naman silang sincere sa sinasabi nila kaya natutuwa ako.
Kahit naiinis ako kay Kapitan ay hindi ko naman nakalimutan na tirhan siya. Hindi ko na nga siya nabigyan ng tiny tobleron hindi ko parin ba siya bibigyan ng maruya? Nakaka konsensiya lang kasi talaga.
Iniwan ko muna yung maruya sa kwarto ko at nagpahanda ng panligo kay Glenda, wala naman kasi si kapitan kaya mamaya ko na lang ibibigay. Ang sabi may hinuling grupo ulit ng mga tao na tumakas galing sa Astor at nagpunta dito sa Dalya.
******