Chapter 10

Ewen's Pov

"Mukhang hinahanap hanap mo ang lasa ng mga pagkain namin dito"

Tumingin ako kay Isabelle at nginitian siya.

"Walang duda na masarap naman talaga ang pagkain dito sa inyo" sagot ko sa kanya

"Hindi mo yata kasama si Binibining Chandee?" Tanong nito at tumingin pa sa paligid para kumpirmahin na hindi ko ito kasama

"Galing ako sa daungan kaya hindi ko siya kasama. Tungkol nga pala sa nakita mo kahapon maaari bang humiling sayo na walang pagsabihan?" Pakiusap ko

"Hindi ba siya ang babaeng itinakda? Kung hindi ako dumalo sa salo salo kagabi ay hindi ko malalaman" Sabi nito

"Paumanhin kung hindi namin sinabi sayo kung sino siya kahapon ayoko lang pangunahan si Ama na ipakilala siya" sagot ko

"Sabihin mo sa'kin ang totoo, may namamagitan ba sa inyong dalawa ng babaeng itinakda?" Tanong nito na diretyong nakatingin sa mga mata ko

"Kaya ako nandito ngayon para pakiusapan ka na huwag ipagsabi ang nakita mo" sagot ko naman sa kanya

"Ang tanong ko ay kung magkasintahan ba kayo" Sabi nito

Nakipaglaban ako ng titigan sa kanya habang namumula ang mga mata nito na nakatingin sakin.

Tumango ako.

"Ayaw sana namin malaman ng iba ang relasyon namin" pagsisinungaling ko na hindi inalis ang tingin sa mga mata niya

"Pero kailan mo lang siya nakita napakabilis naman na nagustuhan mo agad siya" pahayag niya

Bumalik naman sa akin noong una kong makita ang binibini. Bumilis ang tibok ng puso ko ng maalala kung paano kami nagkita. Wala akong masabi kung hindi napaka ganda nito kahit may halong takot ang nakikita ko sa mga mata niya.

"Mahirap paniwalaan ngunit sa unang pagkikita palang namin dalawa ay nabihag na agad niya ang puso ko" seryosong sabi ko

"Imposible!" Napatingin sa amin ang ibang kumakain dahil sa pagtaas ng boses niya. Napansin naman niya ito kaya kumalma siya at nginitian ang mga ito "sigurado ako na ginamitan ka niya ng mahika. Baka nga hindi siya ang babaeng itinakda at pinadala lamang siya ng Astor para mag espiya" sabi nito

"Hindi ako naniniwalang isa siyang espiya na mula sa Astor. Marunong akong tumingin at kumilatis ng mga tao kung nagsisinungaling ba ang mga ito. Ilang beses ko ng nabasa ang Alamat at ang lahat ng palatandaan ay nakita ko sa kanya kaya naman nagdesisyon akong dalhin siya sa Pinuno upang kumpirmahin ang hinala ko" Sabi ko

"Nahulog ka na talaga sa mahika ng babaeng iyon" mariin na sabi nito "pinaglalaruan ka lang niya at sigurado ako na pinagtatawanan ka niya ngayon" Sabi pa nito

"Kung iyan ang iniisip mo sa kanya ay wala akong magagawa. Siguro mas mabuting ikaw mismo ang kumilala sa kanya. Bakit hindi mo siya dalawin sa bahay at kaibigan siya? Suguradong matutuwa siya" Sabi ko

Tumingin ito sa ibaba at ngumisi.

"Hindi ba't siya yon?" Turo nito sa ibaba. Hinanap ko naman ang itinuturo niya at nakumpirmang si Binibining Chandee nga iyon at ang tagapagsilbi niya. "Hayaan mo isang araw dadalawin ko siya at ipapaalam sa lahat ang kasinungalingan niya" Sabi nito tsaka siya umalis

Pinagmasdan ko naman ang dalawang babae na Masaya at abala sa pagtingin ng kung ano ano sa mga nadadaanan nila. Napansin ko rin sina Leo at Edgardo na nakasunod sa kanila. Mukhang inutusan sila ni Ama para siguraduhin ang kaligtasan ng mga ito.

Nagpasya nalang din akong sumunod sa kanila. Nakumpirma ko naman kina Leo na inutusan nga sila ng Pinuno. Pinauwi ko na sila at sinabing ako nalang ang magbabantay sa dalawa.

"Manong paano po ba ako makakatikim niyan ng hindi nagbabayad?" Napangiti ako sa tanong ng binibini sa tindero ng saging

"Binibini ibibili nalang po kita" Sabi naman ni Glenda

"Bibili ba kayo?" Tanong ng tindero

"Wala po kaming pera kaya ano po ang gagawin namin para makalibre ng tinda niyo?" Sagot ng binibini na ikinakunot ko ng noo. Hindi ba siya binigyan ni Ama ng salapi?

"Napaka gara ng kasuotan mo pero wala kang pera? Kung wala kayong salapi ay umalis kana hindi ko ipinamimigay ang paninda ko" taboy ng tindero sa kanila. Pinagtitinginan narin sila ng tao at pinipilit siya ni Glenda na umalis na.

Lalapit na sana ako para ako na bumili ng piniritong saging pero natigilan ako dahil sa ginawa ng binibini. Pumunta ito sa likuran ng tindero at nagbalat ng mga saging saba..

"May pera naman po ang kasama ko pero gusto ko lang pong tikman ang piniritong saging niyo. Kung tutulungan ko po kaya kayong magluto at magtinda bibigyan niyo ako ng Isang piraso?" Tanong nito

"Ano bang pinagsasasabi mo diyan umalis nalang kayo!" Taboy ulit ng tindero

"Anak mahirap ang buhay ngayon kaya huwag mo sana masamahin kung hindi ka niya bibigyan. Nakakatuwa na humihingi ka at hindi umumit ng paninda niya. Kung gutom ka at gusto mo talaga ng piniritong saging may tinda rin kami ng tulad ng kanya. Kung gusto mo sumama ka at bibigyan ko kayo ng kasama mo. Bayaran niyo nalang ako kapag may pera na kayo" Sabi ng isang matandang babae na nakikiusyoso.

"Talaga po? Maraming salamat po" Sabi ng binibini at nilapitan ang matandang babae "tutulungan ko nalang po kayong magluto at magtinda. Hindi ko po kasi alam kung kailan ako makakabalik dito" Sabi pa nito

"Naku hindi mo na kailangan gawin iyon wala naman gaanong bumibili ngayon at kayang kaya na namin mag asawa iyon" sagot naman ng matandang babae sa kanya

"Mga baliw! Umalis na kayo sa tindahan ko at minamalas ako!" Sigaw ng tinderong lalaki sa kanila

"Pasensiya na po sa abala aalis na po" Sabi naman ng binibini

Umalis na nga sila at sumama sa matandang babae. Masayang nakikipag kwentuhan pa nga ito sa matanda.

Hindi naman pala nagkakalayo ang dalawang tindahan. Ang pagkakaiba lang ay mas malaki yung pwesto ng lalaking tindero kaysa dito sa matandang babae na kasama ang kanyang asawa sa pahtitinda.

"Mahal ko bigyan mo nga ako ng dalawang piniritong saging para sa dalawang binibini" Sabi ng matandang babae sa matandang lalake na nagbabantay sa maliit nilang pwesto

"Sino ba ang dalawang dilag na kasama mo napaka ganda nila" tanong ng lalaki sa asawa

"Magandang araw po ako po pala si Chandee at siya naman po si Glenda" pakilala ni Chandee

"Nakita ko sila doon sa kabilang tindahan at humihingi ng piniritong saging kaso'y ayaw bigyan ni Arnulfo" sumbong ng matandang babae sa asawa

"Sa hirap ng buhay ngayon hindi mo siya masisisi kung hindi na siya nakakatulong sa kapwa niya" sagot ng matanda "heto kumain kayo, kung nagugutom kayo ay pumunta nalang kayo dito at manghingi. Huwag kayong tutulad sa iba na nanguumit ng pagkain balang araw gaganda din ang buhay natin lalo na't dumating na Ang babaeng itinakda sa Dalya" Sabi ng matandang lalaki kina Chandee

"Salamat po napakabuti niyo pong mag asawa" -Chandee

"Mas maganda ang maging mabuti sa kapwa lalo na't sa katulad naming isang kahig isang tuka" -Matandang lalaki

Nanonood lang ako sa isang tabi habang kinakain ng dalawa ang piniritong saging. Napansin ko na walang humihinto para bumili sa dalawang matanda kahit inaalok ng mga ito ang paninda nila. Sabagay kung gusto kong kumain din ng piniritong saging ay doon na ako bibili sa may malaking pwesto na maraming bumibili. Ang paniniwala kasi ay mas masarap ang isang pagkain kung saan maraming tao ang bumibili.

"Ang sarap po ng piniritong saging niyo pero hindi niyo po ba naisipan lagyan ng twist ang saging niyo?" Tanong ni Binibining Chandee sa matatanda

"Anong twist?" Tanong ng matandang lalake

"Ano po, ang hirap kasing I explain I mean ang ibig kong sabihin nahihirapan akong magpaliwanag. Ang nais ko lang naman pong sabihin ay masarap ang saging niyo pero plain lang siya payak po, kaya mas maganda po lagyan ng twist para mabilis ibenta" sabi ni Binibining Chandee na maging ako'y nahihirapan intindihin ang sinabi niya

"Ang ibig mong sabihin ay may paraan ka para bumenta ang mga saging namin?" Tanong ng matandang babae

Tumango ang binibini at ngumiti

"Imbes na simpleng piniritong saging lang siya bakit hindi natin gagawing banana cue? Pero dahil hindi natin sila itutuhog sa stick hindi ko alam ang itatawag natin sa kanila. Kayo nalang po ang bahalang magbigay ng pangalan" Sagot ng binibini.

Mukhang nalilito naman ang matanda sa sinasabi niya.

"Wala po akong pera na maipambabayad sa inyo pero tutulungan ko po kayo mabenta lahat ng saging niyo dito ngayon" Masiglang sabi ng binibini "mayroon po ba kayong asukal na pula?" Tanong ng binibini sa dalawang matanda

"Wala pero may mabibili naman sa tindahan ni Aling Puring"

"Glenda maaari ka bang bumili ng asukal na pula sa lugar na sinasabi nila?" -Binibini

"Hindi kita pwedeng iwanan dito binibini" -Glenda

"Hindi naman ako nag iisa kasama ko naman sila" tukoy nito ang dalawang matanda

"Kahit na binibini, mapapagalitan ako sa Pinuno kapag iniwan kita dito. Paumanhin pero huwag niyo na po akong pilitin na sundin itong utos niyo" napangiti ako sa sinabi ni Glenda. Mabuti at alam nito ang kanyang ginagawa.

"Sige na Glenda bumili ka na at ako na ang bahala sa binibini" Sabi ko naman na lumabas sa pinagtataguan ko

Halata sa mukha ng apat ang pagkabigla ng makita nila ako.

"Hindi ba't ikaw si Kapitan Ewen? Bakit po kayo nandito kapitan?" Tanong ng matandang lalaki

"Ako nga po kumusta po kayo? Pasensiya na po kung kinukulit po nila kayo" Sabi ko

"Hindi naman kami makulit gusto ko lang naman kumain ng saging at makatulong" mahinang sabi ng binibini pero malinaw kong narinig

"Sige na Glenda sundin mo na ang utos ng binibini" utos ko naman kay Glenda na tahimik lang na katabi ang binibini. Binigyan ko rin si Glenda ng pambili ng asukal na inuutos ng binibini.

"Nakakatuwa naman at napadalaw kayo sa munting tindahan namin kapitan. Hindi niyo po ba kasama ang anak kong si Pablo sa pagiikot ngayon?" Tanong ng matandang babae

"Kayo po ang Ina ni Pablo? Paumanhin po ngayon ko lang nalaman. Ang alam ko'y may pwesto nga dito sa pamilihan ang magulang niya. Nagagalak po akong makita kayo" natutuwang sabi ko. Hindi ko alam na sila pala ang magulang ni Pablo na isang sundalo at kasakasama ko minsan sa pag iikot.

"Kami nga po ang magulang niya ako po si Fe at siya si Jose. Kumain po muna kayo ng piniritong saging" Alok ng mga ito sa'kin

"Hindi po ako tatanggi mukhang masarap nga ang saging niyo" Sabi ko

"Paano niyo po nakilala ang dalawang binibini? Hindi niyo naman sila hinuhuli hindi po ba? Mukha naman silang mabait" Sabi ni Mang Jose

"Kasama po namin siya sa bahay at mabait po talaga kami" sabat ng binibini sa'min

"Ang ibig mong sabihin ay nagtatrabaho kayo ni Glenda sa bahay ng Pinuno?" -Aling Fe

Tumango at umiling naman ang binibini

"Hmm.. bisita lang po nila ako at nagtatrabaho bilang tagapagsilbi si Glenda sa kanila" sagot ng binibini

"Kung ganoon bakit ka nanghihingi ng saging? Samantalang bisita ka pala ng Pinuno" -Aling Fe

"Ang totoo gusto ko lang pong tikman mga pagkain dito sa Dalya. May mga pagkakatulad po kasi yung ibang pagkain natin pero may kulang lang sa lasa yung iba. Yung iba naman hindi pareho ng pagkakaluto at iba rin ang tawag niyo. Tulad po nitong piniritong saging niyo. Mas sasarap po ito kung magiging banana cue" sagot ng binibini

"Huwag mong sabihin ikaw ang babaeng itinakda?" Malakas na sabi ni Aling Fe dahil sa gulat

Nagtigilan naman sa paglalakad ang mga tao at napatingin sa amin. Agad ko naman dinala sa likod ko ang binibini para protektahan siya.

"Nandito ang babaeng itinakda? Imposible!" Sabi ng isang lalaking usisero

"Kaninang umaga lang din may nakita akong babaeng nagpapanggap na siya raw ang babaeng itinakda mabuti nalang may nakakilala sa kanya kung hindi marami siyang naloko" sabi naman ng isang babae

"Huwag kayong maniwala diyan nagpapanggap lang iyan para makakuha ng pera" sigaw naman ng kung sino

"Hindi ako humihingi ng pera!" Sigaw naman ng binibini na sumilip sa likuran ko

"Sus! Hindi ka nga humihingi ng pera humihingi ka naman ng pagkain parang ganoon na din yon" Sabi naman ng isang babae na naka pamaywang pa

"Hindi naman yata siya humingi sayo at hindi mo rin naman binigyan" sabi ni Mang Jose sa babae

"Bakit ko siya bibigyan?! Nagpapakahirap ako para kumita hindi para magkawang gawa. Isa pa dahil sa katulad niyo na malalambot ang puso kaya dumadami ang mga ganyang tao. Umaasa nalang sa paghingi hingi at hindi nagbabanat ng buto!" Sagot naman ng babae

"Sandali lang! Huwag kayong mag away" malakas na sabi ko upang pigilang magkagulo

"Sino ka naman?!" Mataray na tanong naman ng babae

"Hindi niyo ba nakikilala si Kapitan Ewen? Siya ang anak ng Pinuno!" Sagot ni Mang Jose

"Oo nga si Kapitan nga!"

"Anong ginagawa ni Kapitan dito?"

"Hinuhuli niya yata yung babae na nagpapanggap daw na babaeng itinakda"

"Parang hindi naman siya si Kapitan"

"Magkasabwat yata sila"

"Anong kaguluhang ito?!" Tanong ng mga nagpapatrolyang sundalo dahil narin sa dami ng taong nakapalibot sa amin.

"May nagpapanggap na siya raw ang babaeng itinakda at kapitan!" Sagot ng ilan sa mga sundalo

Nang makita naman ng mga sundalo kung sino ako at kung sino ang nasa likuran ko ay nagbigay galang sila.

"Kapitan! Binibini!" Sabay sabay na banggit ng apat na sundalo.

Nagsimulang nagbulungan ang mga tao at mukhang mas marami na ang naniniwala na tunay na ang babaeng itinakda ang nandito ngayon.

"Makikiraan po" sabi naman ni Glenda na sumulpot galing sa kung saan "bakit ang daming tao dito?" Tanong pa niya habang nakatingin sa mga nakatingin samin "binibini heto na ang pinabili mong asukal anong gagawin ko dito?" Tanong pa ni Glenda

*****

Tbc