CHAPTER 8
Froster General Hospital
DINALAW KO sa hospital si sergeant kinabukasan. Nakaupo ito at nagbabasa ng diyaryo. May benda ang kanang braso nito. Napansin ko ring wala roon si Thraizy. Nakahinga ako ng maluwag. Sapagkat hindi pa talaga ako handang makita siya. Lalo pa ngayon na dala ko na ang resulta ng item na ibinigay ni Adam, at ayon sa resultang hawak ko, confirmed nang si Thraizy ang salarin.
Nakatitig si sergeant sa diyaryo. Nang tignan ko ito, nasa pala headline si Thraizy. Ayon sa article, pinagtangkaan daw ng kung sino ang buhay nito dahil sa inggit. May haka-haka ring naisulat na maaari raw na may kung sinong nag-utos sa lalaki para saktan si Thraizy.
Ibinaba niya ang dyaryo. "Nakakasawang makakita ng ganitong klase ng balita. Nagcoconclude kaagad sila kahit hindi pa nila alam ang totoong nangyari, kung ano ang dahilan at motibo." Humarap siya sa akin bago isinuot ang salamin niya. "Nakilala mo na ba ang shaft-cutter?" tanong niya.
Biglang nanubig ang mga mata ko. Itinaas ko ang tingin ko sa kisame para hindi ito tuluyang bumagsak. Iniabot ko sa kaniya ang resulta ng forensic. Dahan-dahan niya itong kinuha at binuksan.
"S-Si Thraizy?" tanong niya sa akin.
Ayokong maniwala. Ayokong maniwala na siya nga talaga ang shaft-cutter. Gusto kong isigaw na hindi totoo ang lahat ng mga nalaman ko pero, malakas na ang ebidensya. Sumisigaw na ito ng malakas sa mukha ko.
"O-Opo sergeant. L-Lahat din po ng nakalap kong impornasyon ay tumutugma sa kaniya." Lakas-loob kong sagot sa kaniya.
"Gaya ng?"
"Siya po ang nagbayad sa mga taong nag-edit ng cctv footage na nakuha namin. Binayaran niya ang mga ito at pinangakuan na ang lahat ng mga kaanak nila na pasyente sa PMH, ay mabibigyan ng tamang gamot at maayos na kwarto."
"Paano ka nakasiguro?"
"Tinanong ko po sila isa-isa." Inilabas ko ang recorder na hawak ko. "Narito po ang mga statement nila."
[Narito na po ang buong footage. Ang ibinigay ko po sa inyo noon ay edited. Patawarin niyo po sana ako. Haharapin ko po ang kasong ipapatong ninyo sa akin. Nagkataon lang po kasi talagang nangailangan po ako ng pera para sa anak ko na nasa ospital. Pero ngayong wala na siya, oras na para linisin ko na ang aking pangalan]
[Papaano niyo po nalamang ito ang kailangan ko sa inyo?]
[Nagpunta po rito sa akin ang taong nag-utos sa akin na iedit ko ang video. Sinabi niya sa akin na maaaring isang araw, dumating ang isang pulis para hanapin ang buong footage ng video, sinabi niya po sa aking ibigay ko na ang buong kopya. Para raw po matapos na po ang kaso.]
[Kung ganoon, siya mismo ang nag-utos sayo na gawin ito?]
[Opo. Ayaw na raw po niya kayong makitang napapagod.]
"Napansin mo rin ba ang tinutukoy ko sayo noong nakaraan?"
"Yung tungkol po ba sa ang lahat ng mga taong nag-edit ng video ay may kaanak na pasyente sa PMH?"
"Oo. Iyon nga. Nabanggit na sa akin iyon ni Keifer. Noong una, ayokong maniwala. Pero unti-unting lumalabas ang ebidensya. Kaya ngayon napakasakit. Napakasakit na malamang siya nga talaga ang shaft-cutter na matagal na nating hinahanap."
"Idadagdag ko na rin po. Si Vienna isa rin po siya sa nagbigay sa akin ng statement. Napag-alaman ko pong biktima siya ni Dela Pueña ng attempted rape noong nakalipas na pitong taon. Ito po ang ika-apat na victim ng shaft-cutter, at nasabi niyang nakita niya ng malapitan ang shaft-cutter na muntik ng mapatay si no. 4. Natandaan niya rin po ang bracelet na suot nito, at ang bracelet na iyon po ay ito."
Ipinakita ko sa kaniya ang picture ng bracelet na ipinasa sa akin ni Vienna.
"Ang bracelet na ito. Ako mismo ang nagbigay sa kaniya ng bracelet na ito." Napayuko na lang si sergeant. Umaalog na ang balikat nito dahil sa labis na iyak. "Hindi! Bakit niya ginawa ito? Wala akong idea kung bakit niya nagawa ang bagay na ito. Wala siyang sinasabi sa akin! Wala rin akong natatandaang nangyari sa kaniya noon! Bakit! Sabihin mo Lucas! Naging masama ba akong tao para maging ganito ang anak ko?"
Natahimik ako sa sinabi ni sergeant. Napaupo na lang ako sa katabi nitong upuan. Hindi ko na rin napigilan pa ang luha ko. Bilang ama, napakahirap na malamang ang hinahanap naming suspect ay ang sarili mong anak. Sobrang sakit din naman sa side ko na malamang nagagawa ni Thraizy na ipakita sa iba ang kabuuan niya samantalang sa akin kahit kailan hindi siya nagtangka.
Isa pa sa kinasasama ng loob ko, kasama lang pala namin ang hinahanap namint suspect. Matinding pagod at stress ang inabot ko sa paghahanap sa taong nasa tabi ko lang pala palagi. Rumerehistro sa isip ko ang mga ala-ala namin ni Thraizy. Ang mga masasaya niyang mga ngiti, ang mahihigpit niyang mga yakap at halik. Napakasakit isipin na sa kabila ng magaganda nitong mga ngiti ay naroon at nakatago ang isang kriminal.
Umuwi ako sa bahay matapos kong maisaayos ang affidavit at ipinasa ito sa mahistrado. Habang ginagawa ko iyon ay parang dinudurog ang puso ko. Hindi ko matanggap ang nangyayari ngayon. Hindi ko rin alam kung papaano ko haharapin si Thraizy. Gusto kong malaman ang katotohanan. Dahil bawat kasamaang nagagawa ng isang kriminal ay palaging mayroong malalim na dahilan.
Pinagmasdan ko ang ginawa kong chart.
1. Addam Jones Orlean 25,
November 8, 2021
Crime scene: J & J Club, Ozaka
Statements: Body built and unrecognized face
2. Gary Neil Orlan Ricafrente 28
December 21, 2021
Crime scene: 347 TZE Pajero Grand Parriot Hi-Way, La Costa
Confined at Peters Mental Hospital
Statements: None
Date of death: March 28, 2022
3. James Hermoso Balbegoso 32
January 25, 2022
Crime scene: J & J Club, Ozaka
Statements: unclear
4. Vergel Fuentes Dela Pueña 47
March 23, 2022
Crime scene: Blk 7 Lot 21, Vercundi Homes, Jacorta
Statements: None
Date of Death: March 23, 2022
5. Brent Laurence Dela Cruz, 30
March 29, 2022
Crime scene: J & J Club, Ozaka
6. Abraham Faulkenstein 55
March 29, 2022
Crime scene: J & J Club, Ozaka
Date of death: March 29, 2022
Inalala ko isa-isa kung nasaan kami ni Thraizy sa bawat date kung kailan nakita ang suspect. "November 8. Palagay ng November 7. Ang pagkakaalam ko busy nga siya para sa pagpapaganda ng restaurant pero ang sabi niya sa akin, okay na at wala ng problema? Pero sinabi ni Adam na namomroblema siya para sa pera. Ibig sabihin bago pa mangyari ang krimen matagal ng magkakilala ang dalawa."
Nakuyom ko ang kamao ko. Anim na buwan ang itinagal bago muling binuksan ang T'Zy restaurant. Lumalabas na dalawang buwan bago maganap ang krimen, magkakilala na sina Addam at Thraizy. "Tama, naaalala ko na. Nang gabing iyon, tinawagan ako ni Thraizy dahil may investors na raw ang restaurant. Kung ganoon, nang araw na iyon, nakagawa na siya ng krimen pero parang wala lang para sa kaniya?"
Muli kong tinignan ang mga petsa. "Kay suspect no. 2 at 3 naman, wala akong matandaang kakaiba. Kay no. 4 naman, ito ang araw ng Grand Opening. Papaano niya nagagawang ngumiti at humarap sa lahat ng tao gayong kagagawa lang niya ng kasamaan!"
Bigla kong nasuntok ang white board na nasa harapan ko. May nabasag na kung ako mula sa likod nito dahilan para muli na namang dumugo ang mga sugat ko na binendahan ko. Matinding galit ang nararamdaman ko tuwing naiisip ko ang mga pangyayari.
Biglang tumunog ang cellphone ko. Nakuyom ko ang kamao ko nang makita kong si Thraizy ang tumatawag. Sinagot ko ito pero hindi ako nagsalita. Pinakinggan ko lang muna lahat ng sasabihin niya.
[Hon? Nasaan ka? Pwede mo ba akong samahan na bumili ng kotse.]
Unti-unting bumuhos ang luha sa mga mata ko. Ngayon ang araw na bibili siya ng kotse. Muling matutupad ang isa sa mga pinapangarap niya. Gusto kong sigawan siya, gusto kong saktan siya pero ngayong naririnig ko ang boses niya, bigla akong nakaramdam ng panghihina. Pumasok sa isip ko na kinakailangan ko munang malaman ang bawat dahilan, bago ko siya husgahan.
"N-Nasaan ka?" Hinihingal kong sagot.
[Nandito pa ako sa u-I mean sa bahay. Okay lang ba kung pupunta na ako sa shop, then doon na lang tayo magkita? After that we can go anywhere you want.]
"S-Sure, send me the location."
[Okay ka lang ba? Bakit parang hinihingal ka?]
"Ahm, yeah, okay lang ako. Katatapos ko lang maggym kaya hinihingal pa ako. Fix yourself. Pumunta ka na sa shop, susunod ako."
Naputol na ang tawag. Napaupo na lang ako sa sahig at muling ibinuhos ang mga natitirang luha sa mga mata ko. Thraizy is an angel. I can't believe that she's is a devil. A gorgeous and generous evil.
Pilit kong inayos ang sarili ko bago pumunta sa shop. Pagdating ko roon naroon na nga si Thraizy na kausap ang isa sa mga salesman. Kaagad niyang napansin ang kamay kong may benda.
"What happened hon? Napaaway ka ba?"
Umiling ako at pilit na ngumiti, "Nope. Naaksidente kasi ako sa gym kanina. Don't worry, I'm fine. Nakapili ka na ba ng sasakyan?" Pag-iiba ko sa topic.
Ngumiti siya sa akin bago ako hinila papunta sa harap ng isang kotse. "Ito, ito sana ang gusto ko."
Toyota Vios - Sedan | VIOS 1. 5 G CVT ·
₱ 985, 000
Ngumiti ako sa kaniya. "Sure! Get it now!"
After na masettle ang lahat sumakay na kami sa kotse ko at tumungo kung sa tabing dagat. Wala kaming imik pareho habang nilalanghap ang masarap na simoy ng hangin. Nasa ilalim kami ng puno ng niyog at maswerteng mangilan-ngilan lang din ang tao.
Marami akong tanong pero wala akong mabanggit kahit na isa. Napakaraming tumatakbo sa isip ko pero ni isa walang nagtangkang bumaba sa bibig ko para sabihin ito sa kaniya. Tinignan ko si Thraizy. Maaliwalas ang mukha niya na tila ba wala siyang kahit na anong problema. Hindi ko lubos maisip na sa kabila ng napakaganda at napakaamo niyang mukha, may itinatago pala siyang karumal-dumal na gawain.
"Natupad ko na ang mga pangarap ko hon. Magandang restaurant, manalo sa pinakasikat na cooking show, maging milyonaryo at ngayon ang magkaroon ng maganda at sariling kotse. Oras naman ngayon para pangarap mo ang tuparin ko."
Tila hinaplos ng anghel ang kalooban ko sa sinabi ni Thraizy. Biglang umagos ang luha sa mga mata ko. Pilit kong iniwas ang mukha ko sa kaniya para hindi niya makitang umiiyak ako.
Habang pinagmamasdan niya ang mga alon sa dagat ay muli siyang nagsalita. "Hindi ba hon sabi mo noon, gusto mong magkaroon ng anak na babae? Kung sakaling magkakaroon ka, anong pangalan ang gusto mo para sa kaniya?" tanong niya bigla sa akin.
Pinunasan ko ang luha ko sa mga mata ko. Ilang ulit akong tumikhim para maiayos ko ang boses ko. "Anak? Anak kaagad, eh ayaw mo pa nga akong pagbigyan. Paano naman matutupad iyon kung first step pa lang ayaw mo na?"
Bigla niyang hinawakan ang braso ko. "Sorry na hon. Pero seryoso, may pangalan ka na bang naiisip?"
Nilingon ko siya bago ako ngumiti. "Kung sakaling magkakaroon? Simple lang ang gusto kong maging pangalan niya."
"Ano?"
"Carryle Raize."
"Carryle Raize?"
"Yeah, Carryle mula sa sa pangalan kong Carlo, Raize mula sayo, Thraizy. Carryle Raize."
Bumitaw siya sa akin at ngumit ng mas malapad. "Napakasarap naman noon pakinggan, Carryle Raize Ambrosio Steinford. Pero mas masarap sana pakinggan kung ako muna ang magiging Steinford no?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "A-Ano nga ulit ang sinabi mo?"
Tumawa siya ng mahina. "Bakit? Hindi ba noon pa naman natin talaga balak na magpakasal, pero hindi lang natin magawa kasi ayaw ni Dad. Pero kung tutuusin, legal age na naman na tayo. Hindi na natin need ang permission ni Dad."
"Pero-"
Agad niyang pinutol ang sinasabi ko. "Pero mas magiging maayos ang pamumuhay natin kung mayroon tayong basbas ng Dad mo. Iyon ang sasabihin mo hindi ba?" Tumawa siya sa akin bago ako hinawakan sa magkabilang pisngi. "Pero hon, matutupad pa kaya natin ang mga iyon?"
Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Anong sinasabi niya? Alam na kaya niya na alam ko na?
"W-What do you mean?"
"Nevermind hon. Nagugutom ako. Tara kain tayo. Treat ko, ako naman ang magbabayad ngayon. Then kung okay lang mamaya dalawin mo si Dad sa ospital."
"Sure. Let's go."
Sa mga salitang sinabi niya kanina, kinutuban ako ng hindi maganda. Maaari kayang alam na niyang malapit nang bumaba ang warrant para sa kaniya? Kung oo, makakaya ko nga bang iposas at hulihin siya? Kung ngayon ako sasagot, sa tingin ko hindi ko kaya.