CHAPTER 7

DUMATING na ang araw ng cooking show. 2PM na at nakakailang tawag sa akin si Thraizy. Hindi ko muna siya sinsagot. Hindi ko pa kayang kausapin siya. Hindi ko kasi masikmura ang mga nalaman ko. Lahat talaga ng ito ay tumutugma sa kaniya.

Ang bracelet, mayroon siya ng bracelet. Sa monitor, ang dalawang patient ay naghysterical nang makita ang mukha niya roon, at tungkol sa PMH, siya ang isa sa mga investor. Nagdonate pa siya ng malaking halaga. Kung isa kang investor, hindi ka na dapat magdodonate dahil kumikita ka na sa ininvest mo, but she did it. Maaaring ginawa niya ito dahil hindi lang sila avid fan ng T'Zy restaurant, kundi dahil ang kaanak ng mga pasyente nito ay tinulungan siyang maiedit ang cctv footage. Isa pang nagtuturo sa kaniya, naroon siya sa club kung saan nakita ang 6th victim, at maging si Brent na 5th victim, siya ang itinuturo.

"Aish! Darn it!"

Gusto kong magwala sa galit. Dumudugo na ang kamay ko dahil sa ilang ulit kong pagsuntok sa pader. Iniisip ko kung bakit niya gagawin ang mga iyon. Wala akong nakikitang dahilan para gawin niya iyon. Siya ba ang patunay na hindi ka dapat magtiwala sa taong mabuti ang kalooban? Sapagkat marahil ito ang ginagawa niyang paraan para matakpan ang ginagawa niyang kasamaan?

Bakit? Paano! Ano ang motibo! Ilan ito sa katanungang tumatakbo sa isip ko.

Tumawag si Mikee at sinabing may nagpunta sa station para magbigay umano ng ebidensya na makakatulong para sa kaso. Tinanong ko kung sino, si Addam daw ito. Nilagyan ko ng benda ang kamay ko bago tumungo sa station.

Jacorta Police Station

Nagmamadali akong tumungo ng station. Gusto ko sanang makita si Addam, pero sa kasamaang palad nakaalis na pala siya. On leave dapat ako ngayon dahil kasama dapat ako ni Thraizy. Pero uunahin ko na lang muna ang pagsolve sa kaso bago siya. Siya ang main suspect na pinaghihinalaan ko ngayon. Idagdag pang kasaluluya siyang nasa competition ngayon. Ayokong makita niya akong iba sa kaniya. Baka makaapekto pa iyon sa pagluluto niya.

"Naipasa mo na ba sa lab yung item?" tanong ko sa kaniya.

"Opo chief. Ano pong nangyari sa kamay niyo? Saka, bakit po kayo nandito? Isang oras na lang po simula na ng show."

"None of your business. Pupunta muna ako kina Mang Fred ngayon, baka nandoon si Addam. Tama ba itong address na ito?" tanong ko sa kaniya.

"Opo. Tama po iyan."

"Okay sige. Nga pala bago ko makalimutan, kilala mo ba si Officer Keifer Vargaz?"

Nagulat ako ng biglang manlaki ang mga mata ni Mikee at unti-unting namula ang mukha nito. "O-Opo paano niyo po siya nakilala?"

Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa naging reaksyon niya, "May police patola ba tayo rito?"

"Naku hindi po! Hindi po ako patola sir. M-May naalala lang po akong-"

"Okay fine. Nevermind. Sana nga ay hindi ano. Kinikilabutan ako sa iyo kaysa sa shaft-cutter."

Nasa hi-way na ako papunta kina Mang Fred. 30 minutes na lang simula na rin ng show. Ilang beses na ring nagvibrate ang phone ko. Patuloy lang ako sa pag-ignore at deretsong tinahak ang daan papunta sa bahay nina Mang Fred. Nagkataong nastuck ako sa traffic. Mula sa di kalayuan, sa itaas ng building nakita kong nagsimula ng umere ang cooking show. Sobrang tindipa rin ng traffic. Kahit nakasingle na ako, hindi pa rin ako makasingit. May nagkarambola pa lang dalawang truck at ilang van sa intersection. Nakaharang sila sa mismong crossing at wala pa ang hihila sa mga ito.

Pinanood ko ang cooking show mula sa malayo. Nasa audience ang tutok ng camera. Masigabong palakpakan ang binibigay nila tuwing lumalabas ang bawat judge na ipinakilala. May biglang bumisina sa likuran ko. Agad akong tumabi nang makita ko si Chief Velasco. Tinanguhan lang niya ako bago ako nilagpasan at pumunta sa crossing. Kasunod niya si Officer Keifer na nakamotor din, at ilan pang mga tauhan. Naisipan ko na rin sanang sumunod, pero napurnada nang makita ko sa screen ng tv ang kahina-hinalang lalaki na nakita ko sa restaurant maging sa grocery store.

"Anong ginagawa niya sa studio? Imposible nang fan lang siya ni Thraizy."

Nagmadali akong umikot para pumunta sa studio kung nasaan si Thraizy. Isang oras kalahati ang itatagal ng show. Kinakailangan kong makarating agad doon bago pa matapos ang show. Iba ang kutob ko sa lalaking iyon. Baka may gawin itong masama para kay Thraizy. May kalayuan ang studio sa Velacosta. Nasa loob din ito ng isang hotel. Nagkataon ding traffic. Wala akong nagawa kundi ang gamitin ang wangwang ko kahit hindi naman for emergency purposes.

5-Star Hotel, Jacorta City, Jacorta

Halos isang oras din ang biniyahe ko bago ko narating ang hotel. Kaagad akong umakyat sa 15th floor at hinanap doon ang studio. Mabuti na lang at mabilis kong nahanap ang studio dahil may mga guard na nakabantay sa mismong pinto nito. Pagpasok ko roon nalula ako sa dami ng tao. Tiyak na mahihirapan akong hanapin ang lalaki.

Naglakad ako pababa sa unahan. Wala na akong pakialam kahit live pa ang show. Gusto kong mahanap ang lalaki. Nakita ko si SPO2 na nakaupo sa VIP seats. Nang mapansin niya ako tinawag niya ako at pinauupo sa tabi niya. Nagkunwari akong hindi ko siya nakita. Nilibot ko ang mata ko sa audiences, hanggang sa tuluyan ko na ngang nakita kung ang pinaghihinalaan ko. Nasa gitnang bahagi siya. Walang bakanteng upuan sa pwesto niya. Wala ring madadaanan kung pupuntahan ko siya. Kaya kung kakausapin ko siya, wala akong chance dahil makakaabala lang ako sa nanonood.

Nagpatuloy ang show. Gayon na lang ang lapad ng ngiti ni Thraizy nang mapasama siya sa the last three. Nakilala ko rin ang isa sa katunggali niya, ito ang babaeng naencounter namin sa mall last time. Nagawi ang tingin ko sa kutsilyong hawak ni Thraizy na ipinanghihiwa niya sa karne. Hindi ito ang binili namin. Ngunit naroon din sa lamesa niya ang kutsilyong binili namin. Ngayon ko lang nakita ang kutsilyong iyon, kinutuban akong baka iyon ang ginagamit niya tuwing namumutol.

Nailing ko ang ulo ko. Hindi ito ang tamang oras para sa mga hinala ko. Kinakailangan ko munang bantayan ang lalaki, dahil kung si Thraizy nga ang shaft-cutter, maaaring isa ito sa mga nabiktima niya at nagbabalak na maghiganti ngayon. In this kind of situation, overthinking help you to win against crime. Also, it's better for you to always expect the unexpected things.

Nakahanap ako ng mauupuan kung saan tanaw ko pa rin ang lalaki. Nagsimulang tumahimik ang lahat nang magsimula nang gumawa ng dessert sina Thraizy. Seryosong-seryoso ang bawat isa. Lahat sila ay nagfofocus sa bawat niluluto nila. Five million pesos ang mapapanalunan nila. Isama pa ang certificate na katunayang isa na sila sa pinaka-magaling na chef ng buong bansa at ang chance na makasali sa international cooking show. Ito ang pangarap ni Thraizy. Kung kaya ganito na lang din ang pagpupursige niyang manalo.

Mabilis lang na natapos ang pagluluto nila. Nagcommercial ang show habang isa-isang tinitikman ng pannel ang mga dessert ginawa nila. Sobrang ganda ng nagawa nilang lahat, at tingin pa lang, alam kong masarap talaga ang mga ito.

Makalipas ang ilang minuto bumalik na sa ere ang show. Masigabong palakpakan ang ibinigay ng crowd nang muli itong magsimula. Nagsimula na ring magscore at magcritique ang mga judges, hanggang sa matapat na ito kay Thraizy. Kinakabahan ako. Kailangan niya ng perfect 10 para malagpasan ang naunang contestant. Sinasabayan ng drum rolls sa studio ang kabang nararamdaman ko. Ilang sandali lang, lumabas na nga ang score at ito ay perfect 10.

Napatayo ako sa tuwa. Panalo si Thraizy. Biglang sumabog ang confetti at mas lumakas ang sigaw at palakpakan sa crowd. Natapos na rin ang airing nang maibigay na sa team ni Thraizy ang lahat ng reward. Umakyat sa stage si SPO2. Kitang-kita na proud na proud siya para kay Thraizy. Aakyat na rin sana ako ng stage nang makita ko yung lalaking bimabantayan ko na naglalakad na rin pababa. Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad. Kasabay siya ng mga taong bumababa rin patungo sa exit door. Bahagya akong nakaramdam ng relieve sa pag-aakalang lalabas na ito at mali ang hinala ko.

Subalit, ganon na lang ang naging gulat ko nang bigla siyang maglabas ng kutsilyo mula sa bulsa ng jacket niya. Madali akong tumakbo at sumigaw kina Thraizy para makaiwas sila pero huli na. Malakas na sigaw ang narinig ko at pagdating ko sa pwesto nina Thraizy, halos manginig ang tuhod ko nang makita si Sergeant na may tarak ng kutsilyo sa ibabaw ng balikat.

"Sergeant!"

Kaagad na inasikaso ng mga medic na naroon si sergeant. Habang ako naman ay lumabas ng studio para habulin ang suspect. Mabuti na lang at pinaglihi ako sa paa ng kabayo kaya naging madali para sa akin ang hulihin ito.

Nang mahagip ko ang hood ng jacket niya, kaagad kong sinipa ang likod ng tuhod niya dahilan para mapaluhod siya. Sinadya ko ring sipain ang kamay niya para mabitawan niya ang hawak niyang kutsilyo bago ko siya pinadapa.

Nang mapadapa ko na siya sa kalsada, inipit ko ang binti niya at pilit na pinoposas ang isa niya pang kamay. Nakadagan sa likod at hita niya ang dalawang tuhod ko para makasiguromg hindi siya makakawala.

"Kung sino ka mang hayop ka! Wala ka ng kawala ngayon!"

Nagtagumpay akong iposas ang kamay niya. Tumawag na rin ako sa station para puntahan ako at dalhin ang police car. Hinila ko siya patayo at dinala sa kanto ng parking lot. Habang nakatayo kami roon, hinila ko ang suot nitong face mask para makilala ko ito. Ganon na lang ang gulat ko nang makilala ko ang suspect.

"Addam?"

Bigla itong tumawa ng malakas. Nakakatakot ang hitsura nito. Mayroon itong malaking peklat mula sa kanang mata pababa sa kaliwang pisngi. Bakas din ang mga marka stapler na maraaring ginamit panara sa tahi nito. Maputla ang kulay niya at bahagyang namumula ang mga mata.

"Bakit! Bakit mo pinagtangkaan ang buhay ni Thraizy! Ha!" galit na galit kong sabi.

Muli na naman itong tumawa. "Bakit? Hindi pa ba obvious? Para makaganti. Bakit hindi mo ba alam na siya ang shaft-cutter?"

Nakuyom ko ang kamao ko sa sinabi niya. "Pero hindi ba sinabi mo sa aming hindi mo nakikilala ang suspect ang shaft-cutter?"

Tumawa siyang muli. Gusto ko na siyang sapakin dahil sobra ng nakakairita at nakakainsulto ang bawat tawa niya. "Tanga ka ba officer? Hindi mo alam yung salitang trauma? Noong araw na tinanong niyo ako, wala talaga akong maalala. Pero pag-uwi ko sa bahay, doon ko naalala ang lahat. Ang mukha niya, ang maganda niyang katawan, ang boses at ang-"

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Nasuntok ko siya ng malakas dahilan para pumutok ang labi nito. "Hayop ka! Anong kalokohan ang mga pinagsasabi mo!"

Dinura nito ang dugong nangmula sa bibig niya bago muling tumawa. "Nagsasabi ako ng totoo. Bakit? Hindi mo pa ba nasisilayan ang napakagandang katawan ng girlfriend mo?" Mas lumakas ang tawa nito sa akin. "Nakakaawa ka naman!"

Sobra ng natatapakan ang pride ko. Pero kailangan kong kumalma. Mali na ang ginagawa ko sa kaniya. "Kung ganon na kilala mo na pala ang shaft-cutter, bakit hindi mo kaagad sinabi sa amin! Dapat sinabi mo na lang sa amin para kami na mismo ang huhuli sa kaniya! Hindi yung-"

"Kaya mo?" Tumawa siyang muli ng malakas. "Makakaya mo kayang hulihin ang pinakamamahal mo?"

Dumating na si Mikee dala ang police car. Kasama nito ang ilan pang tauhan ng Jacorta Police para isecure ang lugar. Natulala ako sa sinabi ni Addam. Hindi ko na namalayan na nakasakay na ako sa kotse at patungo na kami sa Jacorta Police Station.

Tama si Addam. Kahit pa malaman ko na si Thraizy ang totoong shaft-cutter, makakaya ko kaya siyang hulihin? Kung oo makakaya ko kaya siyang makita na nakakulong? Si sergeant, nasisiguro ko ring hindi niya makakayanan kapag nalaman niyang ang anak niya ang hinahanap naming suspect.

Pero ang tanong na totoong nagpapagulo sa akin ay ang dahilan. Ano ang dahilan o motibo ni Thraizy para gawin ang kahindik-hindik na krimen na iyon. Bakit!

Jacorta Police Station

Sinimulan na namin siyang ininterrogate. Kahit wala pang dumadating na abogado, sinimulan na ng interrogator pagtatanong. Gusto ko ng matapos ang lahat ng ito. Kasama ako sa loob para makita mismo ng mga mata ko kung ano ang sasabihin niya.

"Ano ang motibo mo sa krimeng ginawa mo?" unang tanong nito.

Tumatawa ito ng mahina habang nakatingin sa ibaba. "Ano pa! Edi paghihiganti."

"Bakit mo gustong maghiganti?" tanong ng interrogator.

Biglang nawala ang ngiti sa mukha niya. Tumalim ang tingin nito sa nagtatanong. "Dahil malandi siya. Inakit niya akong makipagtalik. Pero noong nasa kalagitnaan na kami bigla siyang nabaliw! Pinutulan niya ako at muntik pang patayin."

Nanliit ang mata ko sa sinagot niya. Inakit? Siya aakitin? Bakit?

"Sino ang tinutukoy mo?" muling tanong interrogator.

"Ang shaft-cutter, meron pa bang iba?" Nakuyom ko ang kamao ko nang tignan niya akong muli sa mga mata ko.

"Buong pangalan?"

"Addam Orlean."

"Hindi. Nung shaft-cutter."

"Hindi ko alam. Bakit hindi mo itanong diyan sa katabi mo. Psst! Ano raw ang buong pangalan ng girlfriend mo."

Tuluyan na akong sumabog nang tawagin niya ako. Tumayo ako at hinawakan ang kwelyo ng suot nitong damit. "Inakit ka? Sinabi mo bang inakit ka? Kasinungalingan! Hinding-hindi aakitin ni Thraizy ang isang kagaya mo!" sigaw ko sa kaniya. Naramdaman ko ang kamay ng interrogator na pumipigil sa akin pero hindi ko na kaya, sumasabog na talaga ako sa galit.

"Hindi? Bakit hindi? Eh noong panahon na iyon, kailangan daw niya ng pera. Nagkataon noon na may kakilala akong mga tao na naghahanap ng maiinvestan na restaurant. Ilang araw lang ang lumipas, nagkausap na sila at nagkasundo. Kaya naman bilang kapalit daw ng itinulong ko sa kaniya, binigay niya sa akin ang tinatawag na kaligayahan. Pero hindi buong kaligayahan ang natamo ko! Pagdurusa! Na maging si Papa, dinamay niya!"

Biglang umiyak si Addam. Nagkatinginan kami ng interrogator. Pabagsak akong umupo muli sa kinauupuan ko. Sobrang sakit para sa akin na malaman ang mga ito. Tama siya, nang dahil sa shaft-cutter, nagawa ni Mang Fred na hostagin si Vienna at dahil sa nangyari, nabaril siya at nanganib ang buhay. Marami na ang nadadamay. Ngayon, maging si sergeant ay nasaktan. Gusto ko ng makumpirma kay Thraizy ang katotohanan pero hindi ako makahanap ng lakas ng loob para makausap siya ng masinsinsinan.

Tama ba? Siya na nga ba talaga ang shaft-cutter? Kung oo, bakit? Bakit! Ano ang dahilan mo Ixie?