CHAPTER 2

No. 4

NAME: Vergel Fuentes Dela Pueña

BIRTHDAY: Dec. 2, 1975 47 MALE

DEATH: March 23, 2022

ADDRESS: Block 7 Lot 21, Vercundi Homes, Jacorta.

POSITION: CEO of Grand Hotel, Jacorta

"Justice was served, Vienna."

- Shaft-cutter

7:00 AM | Peters Mental Hospital

"WE CONDEMN RAPE.

CHOP OFF, HANG UP, AND STAND UP!

WE ARE WOMEN, NOT A TOY.

FIGHT FOR WOMEN!"

Sinalubong kami ng mga doctors, nurses at matataas na official ng Peters Mental Hospital. Kasama sina Thraizy, ambassadors at iba pang member ng Fight for Women club, masaya naming isinagawa ang pamamahagi ng tulong sa pamilya ng mga pasyente. Naglagay din ako ng mga police na tutulong sa amin para masecure ang lugar. Magdodonate rin ngayon sina Thraizy at Vienna ng half a million pesos bilang pasasalamat dahil avid customers nila sa T'Zy restaurant lahat ng staffs ng PMH.

Sa tulong ng members ng FFW club, mabilis ang naging pamamahagi. Matapos ito pinapasok na ang lahat at pinaupo sa harap ng stage. While Thraizy and others are busy talking about business and other girl stuffs, I grabbed this chance para pumunta sa information lobby ng hospital. Tinawagan ko si Mikee para malaman kung nasaan siya. Pagdating ko sa lobby nakita ko kaagad doon si Mikee hawak ang file ng hinahanap namin.

"Chief," he gave me a hand salute.

"Nakilala mo na ba sila?" tanong ko sa kaniya.

Inabot niya sa akin ang dalawang makapal na file. "Ito po ang file nila rito. Malala po pala ang kundisyon ng dalawa sir. Mukhang wala tayong mahihita sa kanila."

"Nakausap mo na ba ang nurse na incharge? Baka naman mayroon silang pampakalma na pwedeng ibigay para tumino sila kahit sandali lang."

Inisa-isa ko ang file. Hindi ko maintindihan masyado ang laman nito. Tanging diagnosis lang ang tinandaan ko.

RICAFRENTE GARY NEIL ORLAN 304

BIRTHDAY: January 13, 1994 28 MALE

Diagnosis: ASD

Diagnosis: Paranoid Schizophrenia

Diagnosis: Catatonic Schizophrenia

BALBEGOSO JAMES HERMOSO 325

BIRTHDAY: August 17, 1990 32 MALE

Diagnosis: ASD

Diagnosis: Paranoid Schizophrenia

Diagnosis: Catatonic Schizophrenia

"Natanong ko na po. Sabi po ng nurse na incharge si Balbegoso lang po ang maaaring makausap ngayon. Pero ilang minutes lang po natin siya pwedeng kausapin dahil maaaring bigla siyang magseizure kapag may natrigger tayo."

Ibinalik ko ang file sa kamay ni Mikee. "Okay sige. Mag-iingat ako."

ROOM 325

BALBEGOSO JAMES HERMOSO

Nakita kong nakahiga ito habang nakatingin sa tv monitor na nakasabit sa dingding. Marahan akong lumapit kasunod si Mikee. May ilang mga nurse na naroon para rumespond kung sakaling magkaroon ng emergency.

Sinubukan kong kuhanin ang atensyon niya. "Mr. Balbegoso," una kong subok.

Gaya ng inaasahan hindi madaling makuha ang atensyon niya. Pero kapag nakuha mo naman na mahihirapan ka namang iwan siya ayon sa nurse na nakausap ko.

"Mr. James Balbegoso," pangalawa kong subok.

Hindi pa rin siya lumilingon. Tinignan ko ang monitor na pinapanood niya. Live broadcast pala ito nang magaganap na event. Kita sa monitor na wala pang laman ang stage. Tanging mike at mga nagdadatingang tao ang nakikita rito.

"Mr. Putol."

Nagulat ako nang biglang magsalita si Mikee. "A-Anong! Bakit mo tinawag na putol! Baka mamaya-"

Nagulat ako nang bigla itong lumingon sa akin. Bigla akong nablangko nang makita ang namumutla nitong mukha at mga mata nitong nanghihina.

"Ah sir. May itatanong lang sana akong ilang katanungan sa inyo. Kung maaari ay sagutin mo po ako ng mahinahon."

Napangiwi ako sa sinabi ko. Bakit ko inaasahang magiging mahinahon ang isang kagaya niya. Kumurap siya ng ilang ulit. Sign iyon para sa akin para magsimula ng mag-interrogate.

"Sir, natatandaan niyo pa po ba ang itsura ng gumawa sa inyo niyan?"

Ilang buwan na siyang nakaconfine rito. Ayon sa report mula sa medical hospital kung saan siya inoperahan, maswerteng nabuhay ito at walang nadaling sensitive nerve ang shaft-cutter. Siya ang ikatlong victim, pangalawa naman si Ricafrente. After nang operasyon dala ng matinding trauma at labis na pagkamuhi sa sarili niya, nauwi siya sa mental illness. Nagdecide ang pamilya niya na iconfine siya rito para sa kapakanan nilang mag-anak.

Dahan-dahan kong nginusuan ang ibabang bahagi niya. Dahan-dahan din naman niya itong sinundan. Pagbalik niya ng tingin sa akin bigla itong bumurihit ng iyak. Napaatras kami ni Mikee. Mabuti na lamang at may tali ang mga kamay nito. Kung kaya't hindi kami nito masasaktan.

"M-Mahaba ang buhok niya. M-Matangkad siya. M-Maganda ang katawan niya. S-Sabi niya a-aano kami. M-Mag-aano kami. P-Pero a-ang nangyari-"

Naputol ang sinasabi niya dahil sa labis na iyak. Binigyan muna namin siya ni Mikee ng pagkakataon para ibuhos lahat ng sakit na nararamdaman niya. Ilang saglit ang lumipas bigla itong tumigil. Nagmistula itong hinimatay pero nakadilat. Wala kang makikitang hikbi mula sa balikat nito. Tila ba hindi ito umiyak ng sobra kanina.

Napakamot ako sa balikat ko dahil sa nakita ko. "Ahm. Mr. Balebegoso kilala niyo po ba siya?" sunod kong tanong.

Hindi ito lumingon. Hindi rin siya umimik. Ayoko siyang tawagin sa petname niya dahil ang awkward para sa akin. Si Mikee na lang ang gumawa nito para sa akin.

"Mr. Putol, tinatanong ka po ni Chief kung alam niyo po ba ang pangalan ng gumawa sa inyo niyan o kung kilala niyo po ba raw siya."

Lumingon na muli ito sa amin. Umiling ito ng ilang ulit bago nagsalita, "H-Hindi ko na matandaan ang pangalan niya. P-Pero namumukhaan ko siya. Kahit na kailan hindi nawala sa isip ko ang mukha niya. S-Sa bawat pagdilat ng mata ko nakikita ko siya. S-Sa bawat pagtulog ko laman siya ng panaginip ko. H-Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha ng gumawa sa akin nito."

Matinding galit ang nakita ko sa mga mata niya. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil hindi na niya matandaan ang pangalan nito. Hindi sapat ang statement niya tungkol sa body built nito.

Nagawi ang tingin ko sa monitor. Nag-akyatan na ang mga ambassadors. Nakita ko ring dumaan si Thraizy kasunod si Vienna at iba pang admin ng ospital. Nagsimulang ifocus at izoom ng camera man sa bawat isa ang camera kung kaya't dahan-dahang nakikita sa monitor sina Thraizy at iba pa.

"Thanks for your cooperation. I'm leaving-"

Naputol ang pamamaalam ko sa kaniya nang biglang nanlaki ang mga mata niya. Nanginig ang katawan niya habang nakatitig sa monitor ng tv. Tinignan ko ang monitor. Nanliit ang mata ko nang makitang kina Vienna at Thraizy nakafocus ang camera.

"S-Siya! A-Anong ginagawa niya rito! S-Siya! S-Siya ang gumawa sa akin nito!"

Nabalik ko ang atensyon ko kay Mr. James. Hinawakan ko siya sa balikat upang matukoy kung sino sa kanila ang tinutukoy niya.

"Sino sa kanila? Ituro mo sa akin! Sino sa kanila-"

Naputol ang salita ko nang bigla siyang sumigaw. "S-Siya! S-Siya ang gumawa sa akin nito! H-Hindi siya dapat-ack!"

Napabitaw ako sa kaniya nang bigla siyang magseizure. Madaling tumakbo ang mga nurse para asikasuhin niya. Sinuot ko ang sumbrero ko bago namin nilisan ni Mikee ang silid. Isang text ang nagpatunog sa cellphone ko. Text iyon mula kay Thraiz. Nanliliit ang mga mata ko habang binabasa ang text niya.

Isa sa kanila ang tinuturo ni Balegoso. Hindi maaaring si Thraizy iyon. Si Vienna, siya kaya? Nakuyom ko ng mahigpit ang kamao ko bago tinahak ang daan patungo sa event.

Hindi pa nagsisimula ang program pero naroon na ang lahat. Umakyat ako sa stage at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Thraizy at admin ng ospital. Ilang minuto lang ang hinintay namin nagsimula ng magsalita ang mga admin at ilang ambassadors. Sumunod na rin si Thraizy.

Habang pinagmamasdan ko si Thraizy, gusto kong paluin ang sarili ko dahil nagsisimulang tumubo ang doubts. Pero nakasisiguro akong hindi niya magagawa iyon. Sapagkat mataas ang tingin ni Thraizy sa usaping sekswal. Marriage before sex is her motto. Kaya sa loob ng anim na taon naming relasyon, never ko siyang natikman. Pero dahil sa nangyari ngayon, nagkaroon ako ng doubts, na baka kaya ayaw niya akong pagamitin ay dahil may itinatago siya akin.

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Gusto kong batukan ang sarili ko. Hindi ko mapagilang hindi mag-overthink. Sinilip ko si Vienna na isang upuan lang ang layo sa akin. Nakangiti siyang nakatingin kay Thraizy. Proud na proud siya sa mga sinasabi nito. Isa siya sa itinuturo ng victim. Pilit ko tuloy inaalala kung papaano ko siya nakilala. Nasa gitna ako ng pag-iisip ng bigla akong tapikin ng kung sino sa balikat ko.

"Chief, ikaw na po ang magsasalita," sabi ng admin ng ospital sa akin.

Napakurap ako ng ilang ulit. Tinignan ko ang crowd at lahat sila ay nakatingin sa akin. Naroon din si Thraizy sa harapan ko at naghihintay na tumayo ako bago niya ibigay ang microphone sa akin.

"Ah I'm sorry," sabi ko sa ambassador.

Masigabong palakpakan ang umugong sa crowd nang ibigay sa akin ni Thraizy ang mike. Nagsimula na akong magsalita. Nahagip ng mata ko si Thraizy na umalis patungo sa cr.

"Magandang umaga sa inyong lahat. PO3 Steinford at your service." Panimula ko. Nagpalakpakan silang muli. "Bilang isa sa protector ng ating minamahal na bansa, nakalulungkot isipin na tumataas ang kaso ng mga kababaihan na naaabuso ng kanilang asawa, nahaharass at nagagahasa. Nababatid ko kung ganoo katinding hirap at trauma ang inabot niyo. Kaya humahanga ako sa inyong lahat na naging matapang at naglakas ng boses upang mabawasan ang ganitong kaso. Mayroon akong babanggitin, subalit hindi ito isang pagpupugay. Hindi ko siya binibigyan ng pugay kundi gusto ko lamang siyang gamitin bilang halimbawa." Lumunok muna ako at nagbuga ng mabigat na hangin. "Hindi na marahil bago sa inyo ang tungkol sa kriminal na shaft-cutter."

Biglang nagkaroon ng bulong-bulungan sa crowd. "Siya ang isa sa sumisimbolo ng katapangan. Hindi ko sinasabing gayahin niyo siya, sapagkat alam natin na mali ang ginagawa niyang pagpasalang. Subalit ang nais kong makuha ninyo ngayon ay ang tapang na mayroon siya. Ilan na ang naging biktima ng shaft-cutter." Tumahimik ang lahat sa sinabi ko. "Ang shaft-cutter ang maituturing na nagbibigay ng hustisya sa inyong narape at nagpapataw ng parusa sa mga taong halang ang bituka. Ang shaft-cutter bagaman ay isang kriminal na dapat nang mailagay sa kulungan ang siyang tutulong pa sa amin upang magbigay ng takot at babala sa mga taong nagbabalak na gumawa ng karahasan. Nakakahiya mang aminin subalit-"

Malakas na sigaw mula sa crowd ang nagpahinto sa akin sa pagsasalita. Nalingon ko ang likuran ko at nagulat ako nang makita ko si Vienna na nawalan ng malay. Ilang sandali lang lumabas mula sa cr si Thraizy at gulat na gulat din siya nang makita si Vienna na nawalan ng malay. Mabilis na kumuha ng stretcher ang mga nurse at dinala si Vienna. Nang dahil sa nangyari, hindi ko na tinuloy pa ang speech ko at tinapos ko na ito sa pangakong tutuparin ko ang sinumpaan kong tungkulin at gagawin ang lahat para maging ligtas ang kababaihan.

Agad naming pinuntahan si Vienna nang matapos ang program. Nakita namin siyang namamahinga sa loob ng private ward. Minulat niya ang mata niya nang tapikin siya ni Thraizy.

"You okay? Anong nangyari sayo? You passed out." Nag-aalalang sabi niya kay Vienna.

Dahan-dahang bumangon si Vienna. Hinawakan niya ang kamay ni Thraizy. Ngumiti ito sa kaniya at marahang nagsalita. "Yeah. I'm okay now. I heard something kanina na nagpatrigger sa akin. After that, I don't know what happened next."

Nakunot ko ang noo ko sa sinagot niya. Natrigger siya sa sinabi kong shaft-cutter? She's suspicious.

Nakita kong hinaplos ni Thraizy si Vienna sa likod. "It's fine. Learn to control that emotion okay? You'll be fine. Hmm?"

Hindi ko na kaya ang doubts na nararamdaman ko. Nagpaalam ako sa kanila para lumabas ng PMH. Naabutan ko si Mikee sa parking habang may kinakausap sa cellphone.

"Yes Sir. Opo, nakakagulat po at nakakapagtaka ang reaksyon niya kanina. Kina Mam Vienna at Mam-Hey! Bakit mo-Chief."

Nagulat si Mikee nang kunin ko ng biglaan ang cellphone niya at putulin ang tawag. "Sinong kinakausap mo? Sa pagkakaalam ko sa akin ka lang dapat na nagrereport. Kaya sino itong kinakausap mo?" Nangingitingit ang mga ngipin kong tanong kay Mikee.

Nabakas ko ang takot sa mukha niya. Hindi ko naman siya masisisi dahil ngayon lang niya ako nakitang nagalit ng ganito. "C-Chief si Sergeant Ambrosio po ang k-kausap ko," pag-amin niya sa akin.

"Darn it! Bakit ka nagrereport sa kaniya? Naisip mo ba ang mararamdaman niya kung malalaman niyang isa si Thraizy sa itinuro ng biktima?"

Natahimik si Mikee sa sinabi ko. Galit kong tinanggal ang sumbero ko at inihampas sa unahan ng kotse. Nagulat ko si Mikee dahil sa ginawa ko.

"I-I'm sorry chief hindi ko naisip ang maaaring maramdaman ni Sergeant. G-Gusto ko lang naman po kasing-"

"Ano? Gusto mong umangat ng mabilisan? Ha? Iyon ang gusto mo? Tama ba!"

Hindi ko na makontrol ang galit na nararamdaman ko. Naghahalo-halo ang emosyong nararamdaman ko ngayon.

"C-Chief. Hindi po sa ganon-"

"Umalis ka na! Dalhin mo na ang file at umalis ka na! Ayaw muna kitang makita." Tumalikod ako sa kaniya. Naglakad siya papasok sa kotse at pinaandar ito. Ngunit bago pa siya makaalis hinarang ko siya at muling pinagsabihan.

"Ang lahat ng nalaman mo at malalaman mo, sa akin mo lang sasabihin maliwanag ba? Wala kang pagsasabihang iba. Kapag may isang impormasyong nakalabas ng walang pahintulot ko, hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa iyo."

Nang makaalis ang police car, kinuha ko ang motor ko at mabilis na pinatakbo papalayo sa ospital. Dinala ko ang sarili ko sa gilid ng dagat. Doon ako sumigaw para mabawasan ang galit na nararamdaman ko.

"Kung bakit kasi hindi ko maalis ang hinala ko kay Thraizy! Aish!" Galit kong sabi habang nagtatayo ng sand castle.

"Pero dahil sa nangyari kay Vienna mukhang kailangan ko na siyang paimbestigahan. Tanging shaft-cutter lang naman ang binanggit ko kanina. Iyon lang ang naiisip kong makakapagpatrigger sa kaniya wala ng iba kaya naman-"

"Didn't I tell you several times not to jump to conclusions?"

Muling bumalik sa ala-ala ko ang sinabi ni SPO2. "Aish! Darn it!"

Nasipa ko ang ginagawa kong castle dahil sa galit. Nagtataka na naman akong tinignan ng ilang bata mula sa malayo na nagtatayo rin ng sand castle.

"Pasalamat kayo bata kayo kung hindi-aish! Ako ang nagmumukhang paslit sa ginagawa ko ngayon eh! Makaalis na nga!"