CHAPTER 1
PO3 LUIS CARLO STEINFORD
a. k. a LUCAS POINT OF VIEW
"CHIEF STEINFORD!" sigaw ni Mikee sa akin.
Hinihingal siyang lumapit sa akin bago inabot ang result mula sa forensic lab. "Ito na po yung result. Wala pa rin pong pinagbago sa mga nauna."
"Bakit mo pa binibigay, nasabi mo na rin naman ang laman." Nakatawa kong sabi bago ko kinuha ang result. "Sige na. Bumalik ka na sa pwesto mo. Tawagan kita mamaya kapag nakakuha ako ng ebidensya sa crime scene."
Sumaludo siya sa akin bago ako nginitian, "Alam ko namang sa Grand Opening ang punta mo chief. Paki-congratulate mo na lang po ako kay Mam Thraizy! Ingat po sila sa inyo chief."
Natatawa akong sumakay ng motor ko. Dumeretso ako sa flower shop para kunin ang inorder kong bouquet ng red roses. Matapos kong maiayos sa likod ng motor ang bulaklak, dumeretso na ako papunta sa T'Zy Restaurant.
"CONGRATULATIONS
CHEF THRAIZY AMBROSIO"
Malaking tarpaulin greetings ang sumalubong sa akin pagdating ko sa restaurant. Maraming tao ang nag-aabang para sa muling pagbubukas ng napakagandang restaurant na ito. Ipinarking ko ng maayos ang motor ko at kinuha ang bouquet of red roses. Tumingin ako sa salamin para ayusin ang buhok ko. Sinuot ko ang shades ko bago ako naglakad papunta sa main door ng restaurant.
Eksakto ang dating ko dahil ilang saglit lang dumating na ang kotse kung saan nakasakay ang pinakamagandang dilag para sa aking mga mata, walang iba kundi ang may-ari ng T'Zy restaurant, ang girlfriend ko, si Chef Thraizy Ambrosio.
Masigabong palakpakan ang umugong sa crowd pagbaba ni Thraizy sa kotse. Kasama nito ang kaibigan niyang si Vienna, ang may-ari ng sasakyang sinakyan niya. Kasunod niya ang kotse nina Mr. Lee, Mr. Park at Mr. Han. Sila ang mga taong tumulong kay Thraizy para maitayo ang T'Zy restaurant, inshort investors slash VIP's.
Lumapad ang ngiti ni Thraizy nang nakita niya ako. Dumeretso sila sa malaking red ribbon na nakaharang sa main door. Nang magsimula na si Thraizy na gupitin ang ribbon mas lumakas ang hiyawan ng mga tao. Matapos magupit ang ribbon mas masigabong palakpakan ang ibinigay nila sa kanila. Tumayo sila ng tuwid para sa picture taking. Magkakatabi ang investors habang nasa gitna si Thraizy, katabi si Vienna at iba pang chef ng restaurant. Matapos ang ilang shot tinawag ako ni Thraiz at pinatabi sa kaniya. Ibinigay ko sa kaniya ang flowers bago ngumiti sa camera. Ilang shots ang naganap bago kami tuluyang pumasok sa restaurant.
"This is so gorgeous Thraiz! This is the result of your generosity. You truly deserve this!" dinig kong sabi ni Vienna.
Nagsimula ng pumasok ang mga customers. May promo ang restaurant na pumatok sa lahat. Simula pa noong simple at maliit pa lang ang restaurant, dinudumog na talaga ito ng mga tao. Pang-masa kasi ang prices nila at masasarap ang lahat ng pagkaing siniserve dito. Many people love this place pero sa laki ng pinagbago nito ngayon, mas makasisiguro akong mas mamahalin nila ang restaurant.
"Look from a 90 sq. m single floor restaurant upto 200 sq. m. two-story restaurant. May parking na siya, may garden at playground din para sa mga bata. This place is so amazing! Give me the names of those who did this. I'm giving them extra credit." Manghang-mangha na sabi ni Mr. Park.
"Yes. Hindi tayo nagkamali sa pag-invest. Mas lumalago ang restaurant, hindi ba Mr. Han?" puri ni Mr. Lee.
"Totoo. I'm planning to invest more then dito ko dadalhin ang mga on-job trainee scholars ko," sabi ni Mr. Han bago umupo.
Narating na namin ang VIP place. Gaya nga ng sinabi ni Mr. Park mas gumanda na ang lugar. Two-story restaurant at may hidden place para sa VIP na naka-locate sa second floor. May sarili itong entrance at exit, via elevator na deretso sa parking area at exclusive lang ito para sa kanila. Instagrammable rin ang bawat lugar. Walang blind spot sa restaurant, perfect para sa kahit na anong shot ang bawat corner.
"It's my pleasure to teach and guide them Mr. Han." Nakangiting sabi ni Thraizy.
"Well for me you're more than a professional chef Ms. Ambrosio. Kaya sure akong magiging maganda ang lagay nila rito."
Nagsimula ng kumain ang mga VIP. Nakaupo kami sa tapat nila kasama sina Vienna at iba pang mga chef.
"Thanks for these hon," sabi sa akin ni Thraizy habang inaamoy ang bulaklak na ibinigay ko.
I smiled before pressing my lips to hers, "Kulang pa iyan. Magcelebrate tayo mamaya. Wanna go for a ride?" sabi ko sabay kindat.
Naramdaman ko ang mahihinang kurot niya sa tagiliran ko kaya lihim akong natatawa dahil sa kiliti.
"Sure after natin dito. Let's go for a ride."
Masaya kaming kumakain at nagkukwentuhan ng biglang tumawag si Mikee. "Excuse me."
Lumabas muna ako ng VIP room para sagutin ang tawag, "Hello?"
[Chief sorry po sa abala, pero may bago na naman pong nabiktima ang shaft-cutter.]
Nakuyom ko ang kamao ko dahil sa sinabi ni Mikee. Ngayon pa talaga siya sumabay! "Send me the location. I'm on my way."
Pinilit kong itago kay Thraizy ang report mula kay Mikee. Nagdahilan na lang ako sa kaniya na may importanteng gagawin sa station.
"Hon, I'm sorry pero mukhang mamayang gabi na natin matutuloy yung celebration. May importateng tawag sa station. Kailangan ko ng bumalik. I'll call you later," mahinang bulong ko sa kaniya.
Nakita ko ang pagsimangot niya, pero hindi pwedeng wala ako sa crime scene. Hinalikan ko sa noo si Thraizy bago ako umalis. Nagpaalam na rin ako sa iba pa bago tinungo ang elevator. Mabigat ang mga paa kong tinungo ang elevator. Pagbukas ng pinto nito malalaki ang mga hakbang ko nang tunguhin ko ang motor ko. Nasend na sa akin ni Mikee ang location kaya nagmamadali akong tumungo roon.
11:00 AM | Blk 7 Lot 21,
Vercundi Homes, Jacorta.
Nagkalat ang mga nakiki-usyoso sa tapat ng bahay kung saan naganap ang krimen. Naroon na rin ang forensic team at may nakita na rin akong ambulansya. Agad kong nilapitan ang labi na nakasakay ngayon sa stretcher at nakataklob ng puting kumot. Napangiwi ako nang makitang may-edad na ang nasawi. Nagawi ang tingin ko sa harap ng bahay nang marinig ko ang sigaw ni Mikee.
"Chief!" sigaw ni Mikee habang hawak ang ilang file. Humahangos siyang papalapit sa akin galing sa bahay ng biktima. Sumaludo siya kaagad sa akin at ininabot ang file.
"Anong pangalan ng biktima?" tanong ko matapos kuhanin ang file kay Mikee.
"Vergel F. Dela Pueña chief. 47 years old, business man."
"Anong oras daw namatay? May picture ka?"
Agad na naglabas ng cellphone si Mikee at ipinakita sa akin ang mga litrato. "Heto sir. Heto yung mga picture na kinuha ko. Nagrequest na rin ako ng footage sa lahat ng mga cctv dito sa area at nasa akin na po ang dalawa. Base sa forensic team, past an hour lang binawian ang biktima at ang reason maari raw pong naubusan ito ng dugo. Pero may palagay din silang baka may nahit ang suspect na nerve sa ano nito, pero hindi pa rin sila sigurado."
Tumango ako sa kaniya bago ibinalik ang cellphone niya. "Send me a copy, pati iyong footage ibigay mo sa akin mamaya. Nakausap niyo na ba ang kamag-anak ng biktima? Anong sabi? Pumayag ba sila na ipa-autopsy ang labi?"
"Yes chief. Pumayag sila. Gusto rin daw nilang malaman kung talaga bang ibang tao ang gumawa o hindi siya."
Nataas ko ang kilay ko sa sinabi niya. "May doubts sila na siya ang may gawa nito sa sarili niya?"
"Yes chief. Base sa kanila, MDMA user ang biktima."
"Shit!" Napamura ako dahil sa sinabi niya. Mukhang mahihirapan akong sabihin kaagad kung ano ang ipapataw sa kaniya.
"Oh eto na po pala ang resulta ng drug test chief." Agad kong kinuha ang result na dala ng isa pang officer. "Positive. Paano na iyan chief? Biktima po na siya o suspect?"
Nakamot ko ang kilay ko sa tanong ni Mikee. "Aish! Panibagong sakit sa ulo!"
Matapos na maisecure ang lugar at makuha lahat ng gamit na maaaring magsilbing ebidensya, tumungo na ako sa station.
Jacorta, Police Station
Habang inaayos ko ang mga files biglang may dumating na buwisita, I mean bisita. Si SPO2 Theodore Ambrosio.
"Good evening Sergeant Ambrosio."
Walang-sabi siyang umupo sa upuan ko matapos niyang sumaludo pabalik. Itinaas niya ang mga paa niya sa table ko at nagbuga ng mabigat na hangin.
"PO3 Luis Carlo Steinford, ano na ang update tungkol sa shaft-cutter?" derekta nitong tanong sa akin.
Napalunok ako at bahagyang pinagpawisan. Kahit kailan talaga ayoko ng natatanong. Knakailangan kong sumagot ng maayos dahil tiyak na manganganib ako kung hindi ko aayusan. Pinilit kong iayos ang sarili ko bago ako sumagot, "The shaft-cutter had another victim, but according to the drug test results, the victim was positive for MDMA. There is a possibility that the victim is also a suspect."
"Didn't I tell you several times not to jump to conclusions until you have the autopsy report?"
Mas lalo akong kinabahan dahil sa sinabi niya. "T-That's what victims relative stated. They had doubts that maybe it's not the shaft-cutter, it's the victim." My voice cracked and it was so embarrassing. Gusto ko ng ialis ang tingin ko sa mga mata niya pero baka maulit na naman ang nangyari noon. Isipin na naman niyang hindi totoo ang mga sinasabi ko.
Ibinaba nito ang paa niya sa lamesa. He intertwined his hands and placed it under his chin. "Okay. Good job. It also good to hear na laging kang spotted sa bawat crime scene at nakakapagreport ka rin ng maayos. Hoping na maresolba niyo na ang kaso. Pang-apat na iyan, hindi mo naman siguro gugustuhing malimahan pa."
Tumayo siya at kumuha ng isang box ng tsaa sa mesa ko. Sign ito na aalis na siya. I give a hand salute. Pero bago siya tuluyang lumabas ng station tinapik niya ang balikat ko at bumulong. "Bawas-bawasan mo na ang pagkakape. Masyado ka ng nerbyoso eh. Pakakasalan mo pa ang anak ko hindi ba? Hindi ka tatanda kung magiging ganiyan ka. Iuwi ko na itong isang kahon ng tsaa. Ayaw mo naman kasing inumin, baka masayang lang."
Nahubad ko ang sumbrero ko at padabog na naipatong sa table ko paglabas niya ng office ko. "Aish! Palagi na lang siyang ganiyan! Kung hindi ko lang talaga mahal ang anak niya! Matagal na akong nagpalipat sa Velacosta!" Gigil kong sabi at pabagsak na inupo ang sarili ko sa office chair.
"Corporal, kape ka po muna. Para naman mabawasan ang umiinit mong ulo."
Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Mang Freddie. Siya ang janitor namin dito sa station. May katandaan na ito pero malakas pa rin ang pangangatawan. Masaya kong tinanggap ang kape kahit pa pinagsabihan na ako ni sarhento na tumigil na. Coffee is life!
Unang higop ko pa lang dito ay parang may kung anong mahika na itong nagbigay buhay sa mga ugat ko. The best talaga ang kape tuwing alas-dos ng hapon. "Maraming salamat po sa kape Mang Fred. Hayaan niyo at pagkasahod ko ililibre ko kayo minsan. Pambawi man lang."
Narinig ko ang mahinang tawa niya habang ipinagpapatuloy niya ang pagma-mop sa sahig. "Chief, hindi niyo pa rin po ba nahahanap ang mamumutol?" tanong niya habang nakatingin sa sahig.
Dahan-dahan kong naibaba ang kape na hawak ko. I gave him a heavy sigh and answer, "Hindi pa. Wala ho kaming makuha kahit fingerprints man lang ng suspect. Maski cctv footage, walang bakas kahit anino. Hindi ko alam kung planado na ba talaga ang lahat o maaaring may tao sa likod ng bawat krimen na kumokontrol sa ebidensya."
Mabigat na hangin rin ang pinakawalan niya bago muling nagsalita. "Mukhang masyadong malalim at mahirap nga talaga ang kaso. Kung hindi ka parang naghahanap ng ginto sa buhangin, para ka namang gumigising sa taong nagtutulog-tulugan. Hayaan niyo chief dadalhan ko kayo palagi ng kape tuwing ganitong oras, para naman hindi na uminit ang ulo mo at mas mabilis kang makakapag-isip para mahanap ang mamumutol."
Natawa ako sa sinabi ni Mang Fred. "Kayo talaga. Mahal pa ata itong kape na ito. Dapat hindi na kayo nag-aabala. Pero walang biro, maraming salamat po sa kapeng dinadala niyo palagi. Gumagaan po ang pakiramdam ko."
"Mabuti naman po kung ganoon. Masaya po akong makatulong kahit papaano. Paano po tapos na po ako chief. Mamaya na lang po akong gabi babalik."
Iginilid niya ang moppler at sumaludo sa akin. Tumayo ako para saluduhan siya pabalik. Malawak ang mga ngiti niyang lumabas ng office. Mabilis na lumipas ang oras. Alas-sais na ng gabi. Nagchat na rin si Thraizy. Tinatanong niya ako kung tuloy pa ba ang lakad namin.
"Hello honey? Of course. Tuloy ang celebration natin. Are you willing to give-"
[Oopps! I'm willing to give you the earth but not my pearl. Napag-usapan na natin ito diba hon?]
Napasimangot ako sa sinabi niya, but still respect. "Okay fine. I'm sorry. Just wait for me in the Azure restaurant. I'm heading to forensic first before I go there. Is that alright honey?"
[Yes hon. That's fine. Ingat sa pagdadrive ha. See yah!]
Matapos makuha ang ilang result at mag-iwan ulit ng item dumeretso na ako sa Azure restaurant. Lumapad ang ngiti ko nang makita ko kaagad si Thraizy. Suot nito ang pulang dress na niregalo ko sa kaniya noong third anniversary namin at ang kwintas na ibinigay ko pa noong first anniversary namin.
These are the things that I really really like about her. She treasured everything you gave to her, and even little things you did she will remember for the rest of her life.
I kissed her before ko siya paupuin ulit. Pagkaupo ko sumunod na ang waiter at kinuha ang order namin. We share great news and funny moments. After we eat dinner we went to a cruise ship.
"Hon, I'm sorry if I can't give you your needs," she said while staring at the sea.
I smiled, "It's okay. I respect you. I can wait no matter how long it is. I can also wait until your dad bless me as your fiance, and speaking of him he visited me on my office."
Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko. "Really? Why? Did he do something wrong with you?"
Alalang-alala si Thraizy sa akin. She's traumatized because the last time we faced each other, he gave me his fist. He can't accept the fact that I'm his daughter's boyfriend. Well, we had the same feeling because I didn't know that he's Thraiz's father. We know the flaws of each other. We've been together for years, me from PO1 to PO3, him from PO3, to SPO2.
"No. Wala naman siyang ginawa sa akin. Nagtanong lang siya ng update tungkol sa sinasave naming kaso."
Ngumiti siya sa akin at hinalikan ako sa labi. "Glad to hear that hon. Pero ano bang kaso ang sinosolve niyo?"
"Secret. Confidential ang case hon. Baka hindi mo rin kayanin kung sasabihin ko. I'm sorry."
Biglang nagpalabas ng fireworks ang cruise ship at nakuha nito ang atensyon namin. We shared kisses habang patuloy ang display. I can honor myself dahil sa galing kong magpigil. Well, this is me. Naniniwalang hindi kabawasan sa lalaki ang pagbaba at pagrespeto sa babae. Nang matapos ang fireworks display, muling nagsalita si Thraizy.
"Hon. I forgot to tell you. May magaganap na event sa Peters Mental Hospital. Kasama ko ang mga kapwa ko ambassadors at ilang mga members ng club para tumulong sa amin na mamahagi ng mga pagkain at donations doon. Gusto ko sanang sumama ka."
"Peter's Mental Hospital?"
"Yup! Alam kong magiging malaki ang papel mo sa gaganaping event. Prepare some speech tonight. 8am iyon gaganapin. Asahan kita hmm?"
Natawa ako sa haba ng sinabi niya. "Sa haba ng sinabi mo, may magagawa pa ba ako?"
Hinampas niya ako sa braso habang nakanguso. "Naman eh. Ayaw mo ba?"
Hinigit ko siya papalapit sa akin at muling hinalikan ang labi niya. "Malamang gusto. Gagawa na ako ng speech mamaya, but for now stop talking about professionalism please? Let's continue your celebration. Give me a toast honey. This is for your upgraded restaurant."