Chapter 7 Third Part HATE TO LOVE

Gustong kitusan ni Aaron ang sarili dahil sa sinabi niya sa dalaga. Ano ba ang naisip niya at sinabi niya iyon. Alam niyang nasaktan si Rachelle. Naisip niya ang dalaga at parang may sariling isip ang kaniyang mga paa na bumaba sa kama at tinungo ang kwarto nito. Kumatok siya pero hindi ito sumasagot. Pinihit niya ang doorknob at nagtaka dahil hindi iyon naka-lock. Pumasok siya sa loob.

"Rachelle," tawag niya pero walang sumasagot.

Dim light lamang ang ilaw sa kwarto ng dalaga. Napatingin siya sa sliding door na nag-uugnay sa balkonahe ng kwarto nito. Nakita niya si Rachelle na nakatayo roon at may hawak na wine glass. Naglakad siya patungo roon at tumabi kay Rachelle. Saglit siya nitong sinulyapan at muling ibinalik ang tingin sa kalangitan na punong-puno ng bituin.

"Pasensiya na kung pumasok na ako sa kwarto mo. Wala kasing sumasagot sa labas kaya pumasok na ako," hinging-paumanhin niya. Tumango lamang si Rachelle na labis niyang ipinagtaka.

"Himala, naging mabait ka ngayon san'kin," aniya at napatawa ng mahina. Tiningnan siya nito at tinaasan ng kilay.

"Ayaw mo ba maging mabait ako sa'yo ngayon?" pagtataray nito.

"Syempre gusto," Muling ibinalik nito ang tingin sa kalangitan. "Pasensiya ka na kung nasusungitan kita. Noong mga panahong iyon ay patay na patay pa ako kay Jake kaya kailangan kong dumistansya sa iyo. Ganoon ako ka-loyal sa kaniya," anito na napapailing-iling. Sinulyapan niya ito. Kitang-kita niya sa mukha nito ang sakit. Bumaling ito sa kaniya kaya nakita niya ang luhang dumaosdos sa pisngi nito.

"Ano ba ang wala sa'kin at niloloko ako, Aaron? Kailangan ba talagang ibigay ang sarili para makontento sa iyo ang isang tao? May mali ba sakin?" sunod-sunod nitong tanong.

Mukhang may tama na ito dahil sa alak na nainom. Lumapit siya rito at itinaas ang kanang kamay para tuyuin ang luha nito sa pisngi. Nakatitig lamang sa kaniya ang dalaga.

"Walang mali sa iyo. Ibig sabihin lang nun hindi ka mahal ni Jake. Kung mahal ka niya makokontento siya sa kung ano ang kaya mong ibigay sa kaniya at hindi siya maghahangad ng higit pa roon. Iyon ang tunay na pagmamahal, Rachelle," aniya habang titig na titig sa mata ng dalaga.

Kaytagal niyang pinangarap ang ganitong pagkakataon na mapalapit sa dalaga kaya ng sabihin ng kaniyang Tiyo Leonard na samahan niya ito rito ay agad siyang sumang-ayon. Gusto niyang makasama ang dalaga at masaya siya dahil nakasama niya ito ngayon.

"Kiss me," iyon ang sabi ni Rachelle na naging dahilan para manlalaki ang mga mata niya.

"Rachelle, hindi—" Naputol na iba pa niyang sasabihin na ito na ang kusang humalik sa kaniya. Nalasahan niya ang alak sa labi nito. Wala siyang nagawa kundi hapitin ang dalaga palapit sa kaniyang katawan at tugunin ang halik nito. Mukhang nahimasmasan naman ito dahil bigla itong lumayo.

"Oh my god! Ano itong nagawa ko!" anito at dali-daling naglakad papunta sa kwarto nito. Napabuntong-hininga na lang siya at nagtungo na rin sa kwarto nito. Inaamin niya nagustuhan niya ang halik nito at hindi niya iyon makakalimutan.

Nang marating ni Rachelle ang kaniyang silid ay agad siyang sumampa sa kama at nagtalukbong. Ano ba ang nakain niya at ginawa niya iyon kay Aaron? Nakakakahiya! Nakarinig siya ng mga yabag na papalapit. Yabag iyon ni Aaron. Narinig din niya ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Lumabas siya sa pagkakakubli sa kaniyang kumot at bumuntong-hininga.

"Nakakahiya ka, Rachelle!" aniya sa sarili at mariing napapikit.

Nang umagang iyon ay nadatnan niya si Aaron na nagluluto ng kanilang agahan. Tatalikod na sana siya para bumalik sa kaniyang kwarto dahil hindi pa niya kayang pakiharapan ito dahil sa nangyari kagabi ng tawagin siya nito.

"Rachelle, kain na," paanyaya nito. Parang wala lang rito ang nagyari sa kanila. Ibig bang sabihin hindi nito nagustuhasn ang halik na pinagsaluhan nila? Sa isiping iyong nakaramdam siya ng kirot sa kaniyang dibdib na hindi niya alam kung bakit niya iyon nararamdaman. Humarap siya rito.

"Patungkol pala sa halik. Sorry kung nagawa ko iyon sa iyo. Hindi ko sinasadya," hinging paumanhin niya. Kitang-kita niya ang paggalaw ng panga nito.

"Okay lang, huwag mong isipin iyon. Kain na," anito sa matigas na boses.

Lumapit siya sa mesa at nagsimulang kumain. Hindi umiimik si Aaron sa buong panahon ng kanilang agahan. Galit ba ito? Nag-sorry na nga siya eh! Bahala siya.

Nang mga sumunod na araw ay naging iwas sa kaniya si Aaron. Ayaw man niyang aminin sa sarili pero nasasaktan siya sa inaakto ng binata. Kapag nagkakasalubong sila ay hindi man lang siya nito matingnan. Minabuti muna niyang lumabas at magtungo sa pampang para makalanghap ng sariwang hangin at para mabawasan ang bigat na nadarama.

"Kanino pa kita hinahanap nandito ka lang pala. Hindi ka man lang nagpaalam," may galit na wika ni Aaron.

Biglang lumakas ang tibok ng kaniyang puso ng marinig ang baritonong boses na iyon. Hindi siya lumingon. Pagkatapos siya nitong hindi pansinin ng dalawang araw na para bang hindi siya nag-eexist sa mansiyon, ito pa angay ganang magalit?! Buset talaga! Kung pwede nga lang ipalamon ito sa pating ginawa niya na! Natigilan siya. Anong nagyayari sa kaniya? Bakit ba apektadong-apektado siya?

"Rachelle kinakausap kita!" madiin nitong sambit. Lumingon siya at binigyan ito ng masamang tingin.

"So gusto mong pansinin kita pagkatapos mo akong hindi pansinin ng ilang araw? Ano ka sinuswerte?" aniya at inirapan ito. Nakita niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito.

"So apektado ka dahil hindi kita pinapansin?" pang-aasar nito.

"Ewan ko sa iyo! Kausapin mo iyang sarili mo!" sigaw niya dahil sa inis na nararamdaman. Parang siyang-siya pa ito sa galit na nakikita sa kaniyang mukha. Naglakad na siya para bumalik sa mansiyon. Nang nasa tapat na siya nito nagulat siya ng hapitin siya nito sa bewang palapit sa kaniya.

"Aaron!" gulat niyang sambit sa pangalan nito. Natawa ito.

"Aaron bitawan mo nga ako!" sigaw niya rito pero ang totoo kaylakas ng kabog ng kaniyang dibdib ng mga sandaling iyon lalo na ang gahibla na lang ang layo ng labi nila sa isa't-isa. Pinakatitigan siya ng binata.

"Tell me, gusto mo ba ako, Rachelle?" tudyo nitong tanong. Nag-iwas siya ng tingin. Napakagat-labi siya. Gusto na ba niya ito?

"Hindi ko alam kung gusto na kita," sagot niya.

"Pero lumalakas ba ang kabog ng iyong dibdib kapag malapit ako sa iyo?" tanong nito na ikinanlaki ng mga mata niya dahil totoo iyon. Tumango siya. Malawak itong napangiti.

"Ibig sabihin lang nun na may gusto ka sa'kin. Well, gusto rin kita. Ngayon, ako naman ang hahalik sa iyo," anito at bago pa man niya maibuka ang bibig para magsalita ay sinsakop na nito ang kaniyang labi.

Nang mga sandaling iyon ay wala siyang naramdamamg na pagtutol at hinayaan itong halikan siya ng buong ingat. Tinanggap niya ng buong puso ang halik nito. Tama nga ito, gusto na niya si Aaron o baka higit pa roon ang nararamdaman niya para sa binata? Nang putulin ni Aaron ang halik ay pinagdikit nito ang kanilang noo.

"Please tell me that you like me

Gusto ko marinig sa bibig mo ang mga katagang iyon, Rachelle," pakiusap ni Aaron habang titig na titig sa kaniyang mga mata. Pinakatitigan niya ito.

"I like you Aaron," pag-amin niya na ikinangiti ulit nito ng malapad.

"Thanks God dahil nagkagusto ka rin sa'kin sa wakas! Salamat kay Tito Leonard dahil nakisuyo siya na samahan kita dahil kung hindi marahil hanggang ngayon ay hindi mo pa rin ako magugustuhan o mapapansin," anito na may matagumpay na ngiti sa mga labi.

"Hindi ka naman mahirap magustuhan," sagot niya. Biglang pumasok sa isip niya ang hindi nito pagpansin sa kaniya ng dalawang araw. Binigyan niya ito ng masamang tingin.

"Bakit mo nga pala ako hindi pinapansin ng dalawang araw?" pagtataray niya na nakataas pa ang kilay. Pinisil nito ang kaniyang ilong.

"Dahil nasaktan ako sa paghingi mo ng sorry sa paghalik mo sa'kin. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya dahil hinalikan mo ako," anito at kumindat pa. Inirapan niya ito. Sabay silang nagtawanan at bumalik sa mansiyon na may ngiti sa mga labi at nag-uumapaw ang kasiyahan sa puso.