Chapter 7
“So, you’re saying you don’t bring chicas here? Dito sa condo mo?” usisa ng pinsan ni Byron nang dumating sila sa unit niya. Napatingin pa ito sa masinop na paligid.
Malaki ang espasyo ng condo niya at may dalawang kuwarto ito, maliban sa kusina, sala, at banyo. May ilang paintings na mamahalin ang nakabitin sa dingding. Bigay pa ng arkitektong tito niya iyon nang minsan itong mapabisita sa Pilipinas ilang taon na ang nakalipas. Mahilig kasi ang ama ng pinsan niya sa paintings dahil isang curator ang ina ni Charlie. Rinig niyang sa isang gallery na pinagtatrabahuhan nito noon ang first meeting place nila hanggang sa naging sila at nag-asawahan.
“Well, not regularly if that’s what you mean,” ngising sagot niya sa kasing-edad na pinsan. Ayaw niyang malaman nitong wala siyang nobya at baka kung ano ang maisip nito.
‘But why do I care about my male image? It doesn’t matter,’ salungat naman ng isip niya.
Napangisi si Charlie sa kanya. “Meaning, wala kang girlfriend since college?”
‘Right. Trust him to read between the lines.’
“Bakit, ikaw meron?” pakli niya na may panunudyo na tono.
Umismid naman ito. “As in wala ka ring nililigawan ngayon?” iwas na anito.
Bigla naman siyang napaisip kay Niam at napapilig siya ng ulo.
“Huh! Mukhang may naiisip kang chick, ah,” hula ng pinsan. Tinapik pa ng likod-kamay nito ang matipuno niyang dibdib.
Napangisi siya tuloy rito. “Tigilan mo nga ako! May ipakikilala rin ako sa ‘yo balang araw kaya steady ka lang, Charlie.” Sinuntok niya nang mahina sa braso ang pinsang napatawa.
“Really? Who’s this lucky girl?”
“You’ll see,” sabi niya.
“Which room is mine, by the way?” paglihis nito ng paksa.
Itinuro ni Byron ang kaliwang kuwarto sa isang pasilyo. “There. Knock yourself out, man.”
“I might do that literally, mate. I’m knackered after that flight,” ngising balik ng pinsan na tumawa. Hinila na nito ang bagahe papunta roon.
“It has its own bathroom!” pahabol niya pa.
“Great! Can I bring over some chick then? Your place is ace, by the way!” ang anang pinsan.
Napangiti na lang si Byron sa pinsan. Kahit papaano ay natutuwa siyang feel at home na kaagad ito. Ito ang unang pagkakataong makikitira ito sa kanya. Madalas kasi itong nasa hotel lang dahil sa iba’t ibang panig ng bansa ito pumupunta para maglakwatsa. Pero ngayon, halatang mananatili muna ito sa Manila nang mahaba-haba. Nabanggit nitong baka half year itong mananatili roon. Baka mas tatagal pa ito kung makapagdesisyon na nga itong magtayo ng restoran sa bansa, depende na lang sa ilang mga bagay na titimbangin ng pinsan.
He thought Charlie was truly adulting, if he wanted to put up his own business now. Siguro nga ay tapos na ito sa paglibot sa buong mundo habang nag-aaral ito para magiging isang magaling na chef balang araw.
***
“So, kumusta ang mga penises kahapon? Safe lang ba?” tanong ni Lala kay Niam nang pumasok siya kinabukasan sa shop. Nagpasundo siya kay Mike gamit ang service nila sa shop para maibalik doon ang mga gamit.
Napatawa siya dahil sa tanong nito. “It was quite… embarassing! Seriously, I was mortified!” Namilog pa ang mga mata niyang napatingin sa kaibigan.
Naintriga ang bakla at lumapit din sa kanila si Roda na dala ang isang logbook.
“Ano? Bakit naman?” tanong ni Lala. “Natunaw ‘yong pinakamalaki?”
“Wala naman sigurong ibang nakakakita noon, ano? May cover kaya ‘yong Japanese paper,” sansala ni Roda.
Napuna niyang napangisi si Mike at magiliw ang mga mata nito. “Napunit ni Niam ‘yon at may guwapong lalaki sa elevator na nakitang lumitaw ang gawa mo, Lala,” laglag nito sa kanya.
Napaawang ang mga labi niya. Gusto niya itong batukan. Detalyado pa kasi ang sinabi nito.
Nagkatawanan tuloy ang mga empleyado niya at pinamulahan siya ng mukha. Nag-high five pa sina Roda at Lala.
“O, kitams? Nakakaagaw-pansin pala ‘yong gawa ko?” pang-aalaska ng bakla na bumungisngis nang todo. “So, nakilala mo ang guwapong lalaking ‘yon, Nini?”
“Magkuwento ka naman, Nini,” segundang udyok ni Roda.
Kumislot ang mukha ng dalaga. Binigyan niya ng matalim na tingin si Mike bago pa man ito makabukas ng bibig.
‘Tsismosong ‘to,’ sa loob-loob pa niya. Napakamot ito ng batok at umalis na lang, may hilaw na ngiti sa labing napasulyap sa kanya.
Napakuros siya ng braso. “Well, oo. Pero… mukhang hindi siya interesado sa ‘kin. Hindi hiningi ang number ko, eh. So, the end! Bumalik na kayo sa trabaho n’yo, okay?” Pinandilatan niya ang assistant at ang bakla.
“Hus, hiningi mo sana ang number niya kung hindi niya hiningi ang number mo, Nini! Paano ka ba made-devirginize nito, ha, kung hindi ka gagawa ng paraan? ‘Di ba, gusto mo na ring matikman ang kakaibang heaven on Earth?” Ayaw namang paawat ng bakla.
Napahagikhik siya sa sinabi nito. “Hoy, bakla! Nakaka-offend ka, ah! Hindi lang ‘yon ang goal ko, ano? Siyempre gusto ko ring seryoso ‘yong lalaki at love namin ang isa’t isa kung magpapa-devirginize nga ako. Ikaw naman, jug-jug lang ang alam mo!”
Napatawa pa si Roda samantalang inirapan siya ni Lala.
“Asus! If I know, kung matitikman mo ‘yon, iyon na rin ang palagi mong iisipin. Itaga mo ‘yan sa bato, Nini!” ngising anito.
Napamaang pa siya rito habang nakasimangot pero wala naman siyang maihumang sagot dito. Napaisip na lang siya kung tama nga ba ang bakla kung iyon na nga ang mangyayari.