Chapter12 The Anniversary

Ngayon ang anniversary namin ni seokmin nakakakilig huhu

Nandito ngayon sila hannie, uji, seungkwan, minghao, wonu tapos sumama din si mingyu nag papatulong ako mag luto at mag ayos dito sa bahay. Gusto kasi talaga ni seok ng mga party ey kaso last anniversary namin wala naman sya sa bansa kaya ngayon nalang ako nag handa.

"Dapat pink yung table clothing " sabi ni hannie.

"Gaga ano yan debut? Anniversary to so dapat blue" sabi ni seungkwan.

"Masakit yun sa mata white lang dapat" sabi ni wonu.

"Edi yung blue at pink nalang para makulay ang buhay" sabi ni minghao.

"Hangal kaba? Anniversary to hindi picnic " sabi ni uji. Natatawa nalang ako sa pinag aawayan nila. Ang ending kulay white na table clothe ang nilagay namin, ayaw talaga patalo ni wonwoo ey pero maganda nga sya sa mata.

"Uwi na tayo guys anniversary nila to Hindi ng tropa kaya ibigay na natin sa kanila ang momentum " sabi ni uji.

"Luh? kain muna tayo tsaka gusto ko makita reaksyon ni seokmin hyung" sabi ni seungkwan pero kinaladkad na sya nila minghao at mingyu palabas.

"Thankyou guys I owe you all a lot " sabi ko. Nginitian nila ako.

"Everything for you hyung, enjoy" sabi ni wonu tapos umalis na sila.

Ang saya talaga pag may mga ganyan kang kaibigan ey kahit minsan bwisit sila sa buhay ko haha.

8pm wala parin si seok ey dapat nga 7:30 nandito na yun ey.

9pm wala parin kaya tinawagan ko na sya. Kaso Hindi macontact.

"The number you calling is either unattended or out of coverage areas please try your call later"

"The number you calling is either unattended or out of coverage areas please try your call later"

"The number you calling is either unattended or out of coverage areas please try your call later"

" the number you calling is either unattended or out of coverage areas please try your call later "

Ugh! Nakakainis na bakit ba Hindi kits macontact?

Naiiyak na ko! Napahawak nalang ako sa tyan ko. " Bakit ginaganito tayo bang daddy mo baby?"

Lumabas na ako para abangan ang pag dating nya.

Sakto pag labas ko nakita ko ung kotse nya kakarating lang kaya nag mamadali akong lumabas.

"Seok-" di ko pa natatapos ang sasabihin ko biglang may bumaba na Babae sa kotse nya.

"Sino- Dannah?" Tanong ko nang makita ko kung sino ang babaeng yun.

"Long time no see jisoo-yah" sabi nya sakin

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.

"Nandito ako para bawiin kung ako talaga ang para sakin"sabi nya at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.

" ano pinag sasabi mo? Seok ano to?" Tanong ko pero di ako pinapansin ni seok

"Jisoo stop acting that you don't know what's going on. Alam mong ako talaga ang mahal ni seok! Pinahiram ko lang sya sayo! Sapat na siguro ang dalawang taon para lumigaya ka naman" sabi nya.

"Seok? Ano to mag salita ka naman? " sabi ko sakanya.

"Jisoo-yah tanggapin mo nalang na ako talaga ang mahal ni seok! Dapat nga mag pasalamat ka nalang sakin kasi pinahiram ko sya sayo. Nag tataka ka siguro kung bakit biglang bumait sayo si seok, samantalang galit na galit sya sayo diba?" Sabi nya sakin.

"Sinabi ko kasi sa kanya na iparamdam nya naman sayo kahit minsan na mahal ka nya. Para Hindi naman masyadong lugi para sayo. Pero sapat na yun kaya kukunin ko na sya" , sabi ni dannah.

"Dannah enough " sabi ni seok.

"Looks seokmin nag handa pa sya. Ay oo nga pala anniversary nyo pala- " di pa natatapos yung sinasabi ni dannah nag salita na si seok.

"I said enough! Let's go"sabi ni seok at pinasakay na ulit sa kotse si dannah.

" seok " pag pigil ko sakanya. Tinanggal nya lang ang kamay ko sa braso nya.

"Wag mo kame iwan pls" sabi ko pa pero umalis parin sya

Ang sakit sakit.

"Jihoon's"

➰➰➰

"Tangina mo soonyoung mag hiwalay na tayong inamo ka talagang manyakis ka ey" irat na sabi ko Kay soonyoung sa kabilang Linya. Pano may umuungol ungol habang kinakausap ko sya.

Wag na wag talaga syang uuwi na ko!

Hayts! Bwisit kanya pala yung condo na yun.

Di naman ako pwede umuwi sa bahay dahil masusundan nya din ako dun!

Kanila Jisoo hyung na nga lang!

Kaso anniversary pala nila Baka makastorbo ako.

Pero keber na to si seok lang naman yun,

Papalapit na ung taxi na sinaskyan ko sa kanila ng makita ko si Joshua hyung higa sa labas nila.

"Hyung- ohmygaaad hyung anong nangyari? " tanong ko sakanya..

"Y-yung b-baby k-ko" sabi nya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya tinawagan ko si hannie hyung.

Ilang minuto lang dumating sya .

"Anong- bakit di mo agad dinala sa hospital" sabi nya tapos binuhat namin si hyung papasok ng kotse nya

"Nataranta ako, di ko Alam gagawin hyung Baka mapano sya. " Naiiyak na sabi ko.

"Wag ka umiyak walang mangyayaring masama." Sabi ni hyung tapos nakarating na kame ng hospital.

Sumunod naman si cheol at soons.

"Mahal-" di pa natatapos ni soonyoung ang sasabihin nya binatukan ko sya.

"Wag ngayon soons nasstress ako sa lagay ni Joshua hyung " sabi ko sakanya

"Mahal di pwedeng mag kaaway tayo ng ganito hayaan mo akong mag paliwanag" sabi ni soons pero di ko sya pinansin.

"Yung kanina si noona yun okay? pinapag tripan nya tayo kasi nga daw ang cute mo mag selos hinahampas mo ako ng gitara. Alam ng dyos na ikaw lang mahal ko " sabi nya pa. Actually Naiiyak pa sya parang ewan din to ey.

"Okay, pero si Joshua hyung muna isipin natin ngayon" sabi ko sakanya.

"Kaya nya yan si hyung paba. Lalaban yan para sa baby nya" sabi nga at hinalikan ako sa noo.