Chapter 01

Humalik ako sa pisngi ni mommy bago dali-daling nagtanggal ng sapatos. Kita ko ang pagtataka sa mukha niya kaya mabilis akong ngumiti para mawala ang kung ano mang iniisip niya tungkol sa akin. Kaya lang ay lalong nangunot ang noo niya.

Pinanood ni mommy ang bawat galaw ko hanggang sa makapunta ako sa tapat ng kwarto ko. Sinarado ko agad ang pinto ng kwarto habang iniiwasan ang mapanuring tingin ni Mama. Mukha tuloy akong may tinatagong malaking sikreto dahil sa kilos ko.

Mabilis kong inilapag ang bag ko sa sahig at kumuha ng bond paper. Kumuha rin ako ng ballpen at mabilis na nag-isip kung anong ilalagay ko sa letter na ibibigay ko kay Chase bukas.

"Paano ba gumawa ng letter para sa taong gusto mo?" Wala sa sariling bulong ko habang nakatitig sa bond paper na hanggang ngayon ay malinis pa rin.

Habang nakatitig sa papel ay bigla na lang pumasok sa utak ko ang nangyari kanina. Naalala ko kung paano kami nagkatinginan ni Chase. I bit my lower lip to stop myself from smiling pero hindi talaga kaya. Tumalon ako sa kama at isinubsob ang mukha ko sa unan at saka buong pusong tumili.

Ilang beses din akong nagpa-ikot-ikot sa kama at nang mahulog na ako ay saka lamang ako tumigil. Napahawak ako sa likod ko. "Sakit," daing ko.

Bumalik na ako sa table ko para makapagsulat na. Ngumuso ako habang nag-iisip ng tamang words na gagamitin. Hanggang ngayon ay blangko pa rin ang papel ko.

Kinuha ko ang cellphone ko para humingi ng tulong kay May. Baka may experience siya sa ganito.

Umayos ako ng upo at kinagat ang daliri ko nang pumasok na naman sa utak ko ang eye to eye contact namin ni Chase. Napangiti na naman tuloy ako. Bakit ba hindi mawala-wala sa isip ko 'yon? Gwapo lang naman ang hanap ko pero bakit taong gugulo sa isip ko ang ibinigay sa akin?

Margaux:

hi po

pwede po bang humingi ng tulong?

Seen na ang message ko kaya napairap ako dahil alam kong walang balak mag-reply ang bruha kong kaibigan.

Margaux:

edi don't

Ngumuso ako at bumalik na sa pag-iisip kung paano sisimulan ang letter. Wala pa akong naisusulat pero iniisip ko na agad kung paano ko ibibigay kay Chase ang letter na magagawa ko.

"Paano nga ba? Nakakahiya naman kasi!" Pagkausap ko sa sarili. Mukha lang makapal ang mukha ko pero mahiyain talaga ako.

Huminga ako ng malalim. "Finish the letter first, Margaux. Huwag kang tanga."

Inalala ko ang unang beses na nakita ko siya at kusa na lang gumalaw ang kamay ko para magsulat.

Dear Chase,

Hi! I'm writing this letter for you to know what I feel. You may not read this but at least I tried.

This may be hard to believe but I guess... natamaan ako ng love at first sight. Because the moment you entered the cafeteria and our eyes met, my heart stopped beating and I knew that I'd fallen.

You may not remember me because a lot of pretty girls are looking at you at that time and I may not be the only one who made eye contact with you but I want you to know that I like you. I am one of those girls who admire you.

I like you, Chase. Really.

I noticed that you are not a talkative person but I am still willing to talk to you. (If only I have the courage to do so.)

I've never seen you smile but I know for sure that your smile will be the death of me.

If ever you read this and you remember me, smile when you see me, love!

-M

I smiled heartily as I sighed. I fold the paper into three.

Grabe, ginagawa ko ba talaga 'to? Natawa ako sarili. Hindi naman ako ma-effort sa mga nagiging crush ko noon pero ano nang nangyayari ngayon?

Hinanap ko ang lagayan ko ng mga envelope. Pinili ko 'yung vintage envelope. Mabuti na lang at marami akong ganito.

Nakangiti ako habang inilalagay ko sa bag ang ginawa kong letter. Tinapik ko pa ang bag ko pagkatapos. Kulang na nga lang ay halikan at yakapin ko ang letter na nagawa ko dahil first time kong gumawa ng gano'n.

Habang naglilinis ako ng katawan ay nakangiti ako. Mukha na akong timang. Kahit habang nagbibihis ng pangtulog ay nakangiti pa rin at paminsan-minsan pang napapapadyak dahil sa kilig.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na bumalik sa isip ko ang gwapong mukha ni Chase.

"Baliw ka na." Sinampal ko ang sarili ko at nabalik sa reyalidad nang may pumitik sa noo ko.

Mabilis akong sumimangot at handa na sanang mainis ngunit nakita ko agad ang mapanghusgang mukha ni Mama.

"Bakit po?" I blinked many times when I realized that I am not in my room anymore.

"May nakikita ka bang iba d'yan sa plato mo at nangingiti ka?" Tanong sa akin ni Mama at napatingin ako sa plato kong may lamang pagkain at sa kamay kong may hawak na kutsara.

"Kailan ako napunta dito?" Tanong ko sa sarili kaya pinitik na naman ni Mama ang noo ko.

"Masakit na, Mama!" Reklamo ko habang nakanguso.

"Ikaw ba'y may problema na sa utak, ha?" Itinutok niya sa akin ang tinidor na hawak.

Umiling ako at kumain na. Muntik ko nang iluwa ang pagkain dahil wala iyong lasa.

Kumamot ako sa gilid ng noo, "Ma, walang lasa."

"Paano magkakaroon ng lasa? E' imbis na sabaw ng adobo ang ilagay mo, tubig ang sinandok mo! Nakangiti ka pa!"

Ha? Kailan ko ginawa 'yon? Tinignan ko si Mama, sinusuri kung nagsasabi ba siya ng totoo. Seryoso ang mukha niya kaya alam kong hindi siya nagjo-joke.

"Kanina pa kita naririnig na tumitili sa kwarto mo na parang timang. Tinatawag kita kanina sa kwarto tapos noong pumasok ako ay naabutan kitang nakatitig sa salamin mo habang nagsusuklay at nakangiti pa!" Umiling-iling siya at tumayo para lumapit sa telephone dahil tumunog iyon.

Kumuha ako ng bagong pagkain. Tinikman ko ulit ang pagkain ko kanina. Napangiwi ako. Tubig nga ang sabaw.

"Kasalanan mo 'to, Chase." Iiling-iling na sabi ko.

* * *

Maaga akong pumasok at si Chase na agad ang hinanap ng mga mata ko. Automatic yarn.

Wala pa siya. Anong oras kaya pumapasok ang lalaking 'yon?

Nakita ko ang isang kaibigan ni Chase na may kaakbay na babae. Tumingin ako sa likod niya para tignan kung may kasunod ba siya pero wala. Hindi sila sabay pumasok ni Chase?

"May hinahanap ka?" tanong ng kung sino sa akin.

Nilingon ko iyon. As usual, isa sa magagandang babae na dito pumapasok. Wala pa akong nakikitang panget na babae sa school na 'to.

"Wala," nahihiyang sagot ko. Iiwan ko na sana siya doon pero hinawakan niya ako sa braso. Ang lambot ng kamay niya tapos ang warm pa.

"Pwede ba akong makisuyo sa 'yo?" Kita ko ang paghigpit ng kapit niya sa maliit na envelope na hawak. May design-design pa iyon.

Paano ko siya tatanggihan e' mala-anghel ang boses niya?

"Uh, ano ba 'yon?" Pakiramdam ko isang malaking kasalanan kapag tumanggi ako sa kaniya.

"Pwede mo ba 'tong ibigay kay Chase?" Mahinhing tanong niya sa akin.

Nalaglag naman ang panga ko. Kay Chase pa nga.

"A-Ano?"

"Sorry, nahihiya kasi akong ibigay sa kaniya 'to, e." Yumuko siya at nilaro ang sariling daliri.

Bakit naman sa akin niya naisipang makisuyo? Ang dami-daming tao sa paligid.

Tumingin ako sa mga tao sa paligid namin para ipasa sa iba ang gusto niyang gawin ko pero hindi approachable ang itsura nila.

"S-Sige na nga." Kinuha ko na ang hawak niya. Bahala na si batman.

Tinignan ko ang envelope na 'yon. Ang cute dahil may mga design. Letter din para kay Chase. Basahin ko kaya ang laman? Nope. Bad 'yon.

"Uso pala dito ang magbigay ng love letter?" I shrugged my shoulders while pursing my lips.

Wala pa rin si May. Maya-maya pa ang start ng klase. Pumunta muna ako sa locker area. Nahagip ng mata ko ang locker ni Chase. Wow, kahapon ko lang nalaman ang number ng locker niya pero saulo ko na agad. Bago rin para sa 'kin 'to dahil mabilis akong makalimot.

Isingit ko na lang kaya 'yung letter nung babae? Tama. Pwede na 'yon. Makikita pa rin naman ni Chase. Ganoon din naman kasi ang ginagawa ng iba.

Tumingin muna ako sa paligid bago gawin ang balak ko. Isiningit ko ang letter sa sobrang liit na siwang sa gilid, pumasok naman iyon agad sa loob. Nakarinig ako ng kaluskos kaya mabilis akong lumayo sa locker ni Chase na para bang wala akong ginawa.

Dumiretso ako sa locker ko at kinuha ang iba kong libro. Isinara ko 'yon agad at mabilis akong napahawak sa dibdib dahil sa gulat nang makita ko ang kaibigan ni Chase na nakatitig sa akin.

"B-Bakit?" Umatras ako.

Ngumiti siya sa akin. "Pwedeng makisuyo?"

Tumango ako agad. Ang creepy niya kasi. Hindi siya pangit pero ang creepy niya talagang tignan. Ang itsura niya ay parang laging may binabalak. Siya 'yung may kaakbay na babae kanina.

"Ibigay mo naman 'to doon sa babaeng kausap mo kanina. Hindi ko kasi siya malapitan dahil natatakot siya sa 'kin." May inabot siya sa aking maliit na paper bag. May post-it note pa na nakalagay. Binasa ko ang nakasulat doon. In fairness, maganda ang sulat-kamay.

Hi!

I hope you like my gifts! Don't forget to eat on time.

Always remember that I like you.

May heart pa iyon sa baba. Sana all. Sana may ganito ring side si Chase.

"Susubukan ko," mahinang sabi ko dahil hanggang ngayon ay malawak pa rin ang ngiti niya. Kaya siguro takot sa kaniya 'yung babaeng mahinhin.

"Kapag... Kapag hindi ko naibigay ay ibabalik ko na lang sa 'yo." Tumakbo na ako palayo sa kaniya.

Gosh. Ang creepy niya talaga. Normal lang na matakot sa kaniya 'yung babae.

"Thank you!" Pahabol na sigaw niya.

Unti-unting bumagal ang takbo ko dahil nakita ko si Chase na naglalakad. Nakakunot ang noo niya at nakatingin... sa akin?

Napatigil siya sa paglalakad dahil tumigil ako sa harap niya. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil ito siya... nasa harap ko.

Nag-iinit na ang katawan ko dahil sa kaba pero inipon ko pa rin ang lahat ng lakas ng loob na meron ako at ngumiti sa kaniya ng matamis.

"Good morning, Chase!" Matapang na sabi ko at tumakbo na ulit bago pa ako makaramdam ng hiya.

Habang naglalakad ay napapahawak ako sa pisngi ko dahil nag-iinit iyon sa tuwing naaalala ko ang ginawa ko. Sabi ko na nga ba at makakaramdam ako ng matinding hiya pagkatapos, e.