PROLOGUE
"Wala man lang akong mahanap na pogi." Humikab ako at ipinatong ang noo sa lamesa. Kasama ko ang kaibigan ko na si May na naghahanap din ng gwapo sa paligid.
Puro magagandang babae lang ang nakikita ko. Iyong mga lalaki ay hindi ko gusto. Marami raw gwapo sabi ni May pero hindi kasi sila gwapo sa paningin ko, e. Iba ang hinahanap ng mata ko.
Isang linggo na simula noong nagsimula ang klase. Para tuloy akong nawawalan ng ganang pumasok—charot. Baka sabunutan ako ng nanay ko.
Bago lang kami ng kaibigan ko sa school na 'to. Ngayong taon lang kami pumasok dito kaya hindi pa namin masyadong kabisado ang lugar. Dito namin balak magtapos ng high school dahil madali raw makapasok ng college kapag dito ka galing.
I wiped the table using my wet wipes so I can place my cheek there. Maarte kasi talaga ako pagdating sa katawan, lalo na sa mukha. Sayang ang ganda kung hindi aalagaan. Tinitignan ko ang mga lalaking pumapasok ng cafeteria.
May tatlong lalaking pumasok at agad na nahawi ang mga tao. The guy in the middle caught my attention.
Parang tumigil ang tibok ng puso ko nang magkatinginan kami. I stared at him in awe. He looks... unreal.
He has those mysterious eyes na parang hindi nakakasawang titigan. Bumaba naman ang tingin ko sa kaniyang matangos na ilong. I forced myself not to look at his lips but my own eyes betrayed me. My lips parted as I stared at his naturally red lips.
Naputol ang pagtitig ko sa lalaki dahil bigla akong sinabunutan ng kaibigan ko. Mabilis ko itong sinamaan ng tingin.
Epal.
"Baka matunaw 'yan. Kumain ka na." Utos niya sa akin.
Kumunot ang noo ko nang makitang may mga pagkain na sa lamesa namin. Bumili na siya? Bakit hindi ko napansin? Ni hindi ko naramdaman ang pag-alis niya sa upuan.
Namili muna ako kung anong unang kakainin dahil madaming binili itong kaibigan ko. Galante kasi.
Habang kumakain ay sinusundan ko ng tingin ang lalaki. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya. Tumingin ako sa paligid at nakitang halos lahat ng babae ay pinapanood din ang bawat galaw niya.
Ang tibay naman ng lalaking 'to. Hindi naiilang. Sanay na siguro?
"Ano kayang pangalan niya?" Bulong ko habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kaniya. Diretso lang ang tingin niya sa harap, hindi pinapansin ang paligid niya. Bakit pati ang simpleng paglakad niya ay nakakamangha na para sa akin?
He doesn't look like an affable person. Paano ko siya kakausapin niyan? Baka hindi pa bumubuka ang bibig ko ay sungitan na niya agad ako.
Habang umiinom ng tubig ay iniisip ko kung bakit sa isang linggong pag-iikot ko sa school ay ngayon ko lang siya nakita.
Napansin kong minsan lang siya magsalita. Hindi ko pa siya nakikitang ngumiti. Huwag sana akong mabibigla kapag ngumiti siya dahil baka mahimatay ako.
Bagay sa kaniya ang uniform na suot, he wears it correctly and neatly.
I noticed that in his circle, isa lang ang madaldal. Siya at iyong isa ay minsan lang nagsasalita. Magkapatid siguro sila, pareho silang hindi palasalita.
Bigla naman akong nakarinig ng usapan sa likod ko.
"Kilala mo ba 'yun?"
"Oo."
"Bakit ngayon ko lang siya nakita?"
"Ngayon lang pumasok dahil alam niyang walang ginagawa kapag first week ng school."
So, matagal na siyang nag-aaral dito kaya alam niya? Sabagay, kung alam ko rin naman na wala pala kaming gagawin noong nakaraang linggo ay hindi rin talaga ako papasok.
Pinakinggan ko pa ang usapan ng tatlong babae sa likod ng table namin. Baka alam nung isa ang pangalan niya, e.
"Kilala mo siya? Anong pangalan?!"
"Huwag kangmaingay! Chase ang pangalan niya. ChaseVillegas."
Chase Villegas. Ang pogi naman ng pangalan.
I was about to get my phone to search for him on Facebook when the girl spoke again.
"Instagram at Facebook?"
"Wala siyang account."
Bumagsak ang balikat ko. Paano siya nabubuhay ng walang account sa facebook? Boring 'yun!
Inubos ko na ang pagkain ko dahil sayang kung hindi mauubos. Libre pa naman.
"Tara na, baka ma-late tayo!" Hinila na ako ni May nang makita niyang hindi ako gumagalaw sa upuan ko. Nag-aalala ako at baka dahil sa lawak ng school na ito ay hindi ko na ulit siya makita.
Hindi ko malaman kung anong year na ang lalaking 'yon dahil pare-pareho kami ng uniform. Bumuntong-hininga ako habang naglalakad.
Kahit saan ako pumunta ay naririnig ko ang pangalan niya. Paano ako matitigil sa kakaisip sa kaniya niyan?
Dumating na ang magtuturo sa amin. Habang kumukuha ako ng notebook ay napatingin ako sa bintana, mahangin kasi at nakabukas iyon. I'm fixing my hair when I unexpectedly saw him again. Kusa akong napaiwas ng tingin nang sumilip sa classroom namin ang dalawa niyang kasama.
"Good morning, Sir. Ito raw po 'yung I. D nung apat na bago," Sabi ng isa sa mga kasama niya at pumasok sa classroom namin dala-dala ang sinasabing I. D. Agad namang nanlaki ang mata ko nang mapagtantong isa sa mga 'yon ang akin.
Yumuko ako at kinulbit si May. "Ikaw na ang kumuha nung akin," bulong ko.
Nahihiya akong pumunta sa unahan dahil pumasok na rin si Chase sa loob. Nag-aalala ako dahil baka nakita niya ang I. D picture ko. Hindi ako sigurado kung anong itsura ko doon! Baka ang pangit ko!
Mabuti na lang at hindi siya lumingon sa kahit saang parte ng classroom. Nakatingin lang siya sa teacher namin at sa kasama niyang nag-uusap. Umalis din naman agad sila.
Nawala ang pag-aalala ko nang makita ko na ang itsura ko sa picture. Mabuti na lang at hindi ako pangit tignan. Maayos pa naman.
"Buti ang ganda mo d'yan! Tignan mo naman 'yung akin." Naiiyak na sabi sa akin ni May habang pinapakita ang I. D niya sa akin.
"Ayos naman, ah?" Tinitigan ko iyon at wala naman akong makitang mali.
"Anong ayos? Para akong natatae d'yan."
"Okay, let's begin." Hindi na ako nakasagot sa kaniya dahil nagsalita na ang teacher sa unahan.
Nakinig ako kahit wala naman akong masyadong maintindihan. Ganoon ako buong klase. May mga naintindihan naman ako pero hindi sa lahat ng subject.
Nag-aayos ako ng mga gamit dahil uwian na. Narinig ko namang nag-uusap ang dalawang babae sa harap ko. Napatingin ako doon.
"May girlfriend ba si Chase?"
"Ang alam ko wala."
"Samahan mo 'ko, ibibigay ko sa kaniya 'to."
Tumaas ang isang kilay ko. Pasimple kong tiningnan kung anong ibibigay niya. Letter? Hindi ba't lumang style na ang mga ganoon?
Mahirap magbigay ng letter sa taong gusto mo dahil malay mo tamad pala magbasa. O baka unang tingin niya pa lang sa handwriting mo ay itapon na. Malay mo rin tawanan lang ang laman nung letter na binigay mo— pero kung para kay Chase? Why not, 'di ba? Ma-try nga 'yon mamayang gabi tapos bukas ko ibibigay sa kaniya. Kaya ko kaya?
Dumaan kaming lahat sa locker area para mag-iwan ng libro. Nakita kong may hinahanap iyong babae kanina. 'Yung babaeng magbibigay ng letter kay Chase. Mabilis na kumunot ang noo ko nang isingit niya ang letter na hawak doon sa isang locker. Kay Chase 'yon? Akala ko ba ibibigay niya? Bakit isiningit niya lang doon? Hindi niya ba kayang ibigay ng harapan? Weak naman pala, e.
Habang naglalakad palabas ay nililibot ko ang tingin ko sa paligid para hanapin siya— tangina. Delikado na 'to. Bakit hinahanap-hanap ko na?