The End
"Wow" Anas nya ng makita kung gaano kaganda ang ayos ng Del Castillo Resorts para sa kasal nila ni Aiden. Ang mga kapatid ni Aiden ang nag-asikaso sa pag-aayos ng venue, at ang Mama naman ni Aiden ang nag-ayos para sa reception. At ang Papa naman ni Aiden ang nakiusap sa pari para sa kanila. At sila ni Aiden wala namang ibang ginawa kundi i advance ang honeymoon nila sa bahay ng mga Del Castillo.
"Nagustuhan mo ba Ate Mella?" tanong ng bunsong kapatid ni Aiden.
"Oo naman" naiiyak na sabi nya, dahil pakiramdam nya nasa cloudnine sya. Nakakaiyak dahil lahat ng pinapangarap nya ay nakuha na nya. Unang-una si Aiden ang asawa nya at ang magiging anak nila, bonus nalang sa kanya ang mga materyal na bagay at kung ano mang meron si Aiden.
"Mella, hija halika na mag bihis kana" tawag ni Mrs. Del Castillo sa kanya. Agad nyang pinahid ang mga luhang nais pumatak. At ngumiti sa Mama ni Aiden na magiliw na nakangiti sa kanya.
"Tara na ate Mella" magiliw na yaya ni Aiza sa kanya, habang si Ava naman ay excited na kumakaway sa kanila sa may entrance ng hotel ng Resorts.
Natutuwa sya dahil kahit wala ang mga kapatid nya sa pinaka magandang araw ng buhay nya, ay naroon naman ang mga kapatid ni Aiden. Noong una naiilang sya sa mga ito, dahil hindi naman nya katulad ang mga ito. Pero dahil sa pinapakitang kabaitan sa kanya ng mga ito ay gumaan na ang pakiramdam nya sa mga ito. At nakapalagayan na nya ang mga ito ng loob. Masaya sya sa bagong yugto ng buhay nya, kahit pa sabihin wala na ang pamilya na sa San Miguel at sya nalang ang natatanging Perez ang natira sa bayan nila. Nangako naman si Aiden na dadalas-dalasan nila ang pagbisita sa Nanay nya sa Maynila. At sa mga kapatid naman nya mas dadalasan nya ang pangungumusta sa mga ito kahit text o tawag lang.
"Perfect!" anas ni Ava ng makita ang suot nyang gown. Ito kasi ang pumili sa isusuot nyang gown. Designer ito ay may sarilinh botique sa Tragora Mall. Kaya naman tiwala sila ni Aiden ng mag presinta itong ito na ang bahala sa gown nya.
"Salamat" medyo nahihiya nyang sabi. Alam nyang sobrang ganda ng gown na suot suot nya ngayon. Tube wedding gown sya na talaga namang ang haba sa likod, at kailangan pa nya ng tutulong sa kanya pag naglakad sya sa altar.
"Ang galing mo talaga pumili Ava" sambit ni Mrs. Del Castillo.
"Oo nga Ate, sa wedding ko ikaw na din ang mag design ng gown ko" sabat ni Aiza.
"Mauna muna akong ikakasal sa iyo" mabilis na sagot ni Ava. Habang inaayos ang gown nya sa likod. Napangiti sya sa kulitan ng mga ito.
"Tama na yan, ang Ate Mella nyo muna ang asikasuhin nyo" saway ni Mrs. del Castillo.
Paglabas nya ng hotel nakita nya ang kanyang Nanay sa may harapan kausap si Aiden.
"Nay" anas nya at naluluha sya. Alam nyang ayaw pumunta ng Nanay nya sa kasal dahil nahihiya ito sa mga magulang ni Aiden. Pero eto at nakarating ito sa pinakamaganda araw ng buhay nya.
"Aiden called her" bulong ni Mrs. del Castillo. Sinulyapan nya ito at ngumiti.
"Salamat po"
"It's ok huwag kang iiyak, it will ruin your make up" paalala nito. Tumango sya at muling sinulyapan ang ina. Nakaayos ito at nakasuot ng maganda. Napansin sya ni Aiden nakatingin sa mga ito. Kumaway ito sa kanya at binulungan ang Nanay nya. Liningon sya ng ina. Ngumiti ang Nanay nya at kahit may kalayuan ito, pansin nyang tulad nya naiiyak ang ina.
"Thank you" she mouthed at Aiden. Tumango ito sa kanya.
Ang Nanay nya ang kasama nyang naglakad ng papunta sa altar kung saan naghihintay sa kanya si Aiden. Halos lahat ng bisita nakatingin sa kanila, nakangiti ang mga ito. At wala syang nakikitang pang-huhusga sa mga mata ng mga ito, habang pinapanood silang mag ina na naglalakad. At sa kauna-unahang pagkakataon wala syang nakitang nagbubulungan. Sinulyapan nya ang ina na halatang ninenerbyos. Hinawakan nya ang kamay nito, at nginitian ito. Gumanti ito ng ngiti. Masaya syang naka attend ang Nanay nya sa kasal nya at masasaksihan nito ang pagpasok nya sa ikalawang yugto ng buhay nya kasama si Aiden. Wala man ang mga kapatid nya at least dumating ang Nanay nya.
Matapos ang seremonyas at sabihin ng pari na sila'y may basbas na ng panginoon ay kaagad syang hinalikan ni Aiden sa mga labi. Tila lagi itong sabik sa kanya, na tila ba laging unang halik ang pinagsasaluan nila.
"I love you Carmella del Castillo" bulong nito sa kanya, matapos maghiwalay ang mga labi nila.
"I love you Aiden del Castillo" malambing nyang sagot rito.
"Tama yan" dinig nyang biro ni Harvey dela Serna. Sa ikalawang pagkakataon si Harvey nanaman ang naging bestman nila sa kasal. At ito ang nagbigay tuloy para tanggapin sya ng mga del Castillo para kay Aiden. Kaya naman malaki ang pasalamat nya kay Harvey.
Sa reception panay bati sa kanya ng mga naroonh bisita. Si Mae na kaibigan at kaklase nya naka attend sa kasal nya, ito lang ang nag-iisang kaibigan nya kaya naman pinapunta nya ito. At hindi naman sya nabigo. Ilang beses syang binulungan ng kaibigan na kung anong gayuma daw ang ginamit nya para makuha ang isang Aiden del Castillo. At tanging mukha at puso lang nya ang tinuro sa kaibigan. Sa susunod na buwan makakagraduate na sya at pinag-usapan na nila ni Aiden na magta-trabaho sya sa Del Castillo Resorts habang hindi pa maselan ang pag bubuntis nya. Pumayag naman si Aiden, dahil makakasama nya ito sa trabaho at mababantayan naman daw sya nito sa pagbubuntis nya.
Matapos ang kasal nila nagpaalam sila ni Aiden na sa Tagatay mag a-honeymoon. At nalaman nyang isang bahay at lupa sa Tragora Subdivision ang niregalo ng mga magulang ni Aiden sa kanila. Tuwang-tuwa sya at magkakaroon na sila ni Aiden ng sariling bahay, kung saan sila bubuo ng pamilya nila. Masaya din ang Nanay nya sa mga blessings na natatanggap nya, at alam nyang bilang isang ina wala kang hahangarin sa anak mo kung di ang mapabuti ito, at magkaroon ng maganda't payapang buhay. At lahat ng yon ang nakuha nya ng dahil kay Aiden. Dahil sa pagmamahal nya ng tapat kay Aiden, mula noon hanggang ngayon.
"I love you Carmella del Castillo" bulong ni Aiden habang nasa biyahe na sila, patungong Tagaytay para sa kanilang honeymoon.
"I love you too, Aiden" agad na sagot nya at hinawakan sa hita ang asawa.
"Woooo" hiyaw nito.
"I'm driving Carmella"
"I want to try here" panunukso nya sa asawa.
"And you think I resist?" sagot nito.
"I know you can't resist me Aiden"
"I can't resist you Carmella" anas nito at naramdamang huminto ang kotse.
"Let's try here then" sabi ni Aiden at sinimulan na syang halikan.
Masasabi nyang ang daming pagsubok na dumating sa buhay nya at ni Aiden, pero nanatili silang matatag at eto nalampasan na nila lahat ng pagsubok at soon makakapiling na nila ang batang bubuo sa kanila ni Aiden.
....... The End......