Chaptet 63

Sa malaking simbahan ng San Miguel sila nagtungo ni Aiden, buo na ang desisyon nilang magpakasal kahit tutol ang mga magulang ni Aiden, wala ng makakapaghiwalay sa kanila ni Aiden, mabubuo na ang pamilya nila.

"I  can't believe na sa ganitong kasalan mo ko i-invite" biro ni Harvey ng makapasok na sila sa loob ng simbahan. Tinawagan ito ni Aiden at sinabing kailangan nito ang tulong kaya naman dali-dali itong nagpunta sa simbahan. Gabi na at sarado na ang simbahan pero ang mga pari ay tila mga Doctor yan gising yan para sa serbisyo. Marahil nagpapahinga na ang Pari kaya ginising muna ito, dahil medyo kanina pa sila naghihintay sa loob ng simbahan.

"Don't worry Harvey sa big wedding namin babawi kame" sagot ni Aiden at hinawakan sya sa kamay at ngumiti sa kanya, ngumiti sya kay Aiden alam nyang kayang ibigay ni Aiden ang bonggang kasal tulad ng mga kilalang kinasal sa simbahan ng San Miguel, pero hindi yon ang mahalaga sa kanya, ang mahalaga magkasama sila at masaya ni Aiden.

"Nadala mo ba ang bilin ko sa iyo? Did you bring the ring?" Tanong ni Aiden. Nagulat sya at napalingon kay Aiden.

"Aiden?!" tili nya at nahihiyang sinulyapan si Harvey.

"Of course nagdala ako" sagot ni Harvey at nilabas ang kahon at binukasan yon, tumambad sa kanya ang dalawang singsing na kumikinang.

"Pinalagyan ko na rin ng pangalan nyo yan, para naman makatotothanan ang kasal na ito" biro ni Harvey habang pinapakita ang mga singsing.

"Maasahan ka talaga Dela Serna, don't worry sa kasal mo kami na ang bahala ni Carmella" sabi ni Aiden.

"Tsk... never in my dream na magpapatali ako" mabilis na sagot ni Harvey.

"Never say never Pare" nangingiting sabi ni Aiden at narinig ang tawag sa kanila. Handa na daw ang pari na magkakasal sa kanila, at sa wakas magiging Mrs. Del Castillo na sya.

Hindi naman tumagal ang seremonyas, dahil lima lang naman silang andoon para saksihan ang pag-iisang dibdib nila, sya si Aiden, si Harvey ang Pari at isang sakristan. Wala naman sa  garbo o dami ng bisita ang nagbibigay kulay sa isang kasal, kundi ang wagas na pagmamahalan, hindi man ang kasal nya kay Aiden ang kasal na pinapangarap ng bawat babae, masasabi naman nyang ang kasal nila ni Aiden ay ang syang pinapangarap nya, dahil naikasal sya sa taong mahal nya at mahal sya. Alam  nyang sa ginagawa nila ni Aiden tinatahak na nila ang ikalawang yugto ng kanilang buhay, yon ang buhay may asawa. Bagong buhay kasama si Aiden at ang magiging anak nila. Ito na ang magiging bagong simula sa buhay nya bilang Mrs. Del Castillo.

"Congratulation" bati ni Harvey matapos silang basbasan ng pari bilang bagong mag asawa at tinapos na rin ng Pari ang simple pero may basbas ng panginoon na kasal.

"Next kana nyan" biro ni Aiden habang papalabas silang tatlo sa simbahan. magkahawak kamay sila ni Aiden at pasimple nyanh sinusulyapan ang daliring may suot na dalawang singsing, ang engagement ring at ang wedding ring. napangiti sya at tila nakaramdam ng kakaibang saya na ngayon lang naramdaman sa buong buhay nya, marahil lahat naman ng taong kinakasal sa mahal nila ay ganito ang nararamdaman, na para bang dinuduyan at walang problema sa paligid.

"Hindi pa naipapanganak ang babaing para sa akin"  narinig nyang sagot ni Harvey at nagpaalam na 

sa kanila, masyado na daw itong naistorbo kaya mauuna na daw ito para makapagpahinga.

"Sulitin nyo na ang honeymoon alam ko pre'  matagal mo nang hinihintay yan" pabiro pang habol nito bago sumakay sa kotse nito. Pinamulaan naman sya ng pisngi sa sinabi ni Harvey.

"Where do you want to spent our honeymoon?" Tanong ni Aiden at inapit sya sa bewang, bahagya syang napatili.

"Aiden nasa simbahan pa tayo" tutol nya at inalis ang kamay nito sa bewang nya.

"Eh ano ngayon, asawa naman na kita" pilyong sagot nito at hinalikan sya sa mga labi.

"Aiden!" Tili nya.

"Come on, let's go somewhere" yaya nito at hinila sya sa kamay palapit sa kotse nito. Pinagbuksan pa sya nito ng pinto, ngumiti sya at sumakay sa passenger seat. Pag-upo sinundan ng tingin si Aiden na umikot sa Driver seat. Lihim syang napangiti dahil sa wakas asawa na nya si Aiden, may babas na ang kanilang pagsasama at alam nyang ano mang daguk ang darating sa kanila ay makakaya nilang harapin dahil sila ay iisa na ngayon.

Tinahak nila ang daan papunta sa Tagaytay kung saan may Town house roon si Aiden, doon sila namalagi ng isang buwan noon at doon nila nabuo ang magiging anak nila, at doon din nila ngayon gagawin ang honeymoon nila.

"Take a rest para naman pagdating natin may energy kapa" pabirong sabi ni Aiden habang nagmamaneho ito at sya naman nakaupo at nakatitig sa gwapong mukha ni Aiden na asawa na nya ngayon. Alam nyang marami pa silang kahaharapin na problema, pero dahil magkasama na silang haharap ni Aiden sa problema ay hindi na sya natatakot, at makakaya nila ano mang dagok ang darating.

"I love you Aiden" bulong nya.

"Hmmm" si Aiden at nilingon sya.

"Sabi ko I love you" ulit nya at mabilis na hinalikan sa pisngi ang asawa.

"I heard, I just want you to say that again, I want to hear again and again" nakangiting sabi nito.

"I love you, I love you" paulit-ulit na sabi nya at hinawakan ang asawa sa hita, trying to seduce him.

"Wooahh" anas nito na tila nagulat pa sa ginawa nya.

"Do you want to stop for a while, I just want to do something" pilyang tanong nya at  napakagat labi pa.

"Carmella" anas nito na tila ba nahihirapan dahil pataas ng pataas ang kamay nya sa hita nito. Gusto nyang maging masaya sa kanya si Aiden at ibigay ang lahat, lalo na't mag-asawa na sila ngayon, gusto nyang iparamdam rito ang pagmamahal nya kahit saan, kahit kailan at kahit anong oras.

"I need you Aiden" malambing na bulong nya at hinawakan ang gwapong mukha nito.

"Well, fine, fine" sagot nito at naghanap ng lugar na pwede nilang itabi ang sasakyan sa gitna ng kadiliman, nakakita ito ng convenient store at may ilang naka park na mga sasakyan, kaya naman doon ito nag park medyo may kalayuan sa ibang mga sasakyan.

"Why?" he asked her with his seducing tone. she laughed out loud.

"Oh, bakit ka tumatawa?" tanong ni Aiden habang tawa sya ng tawa.

"Nothing, it just you are so cute" pigil tawang sagot nya.

"Carmella, I'm a man cute is not for me, I think I'm hot and resistable" He said with a smirked.

"Anyway ano nga ba ang sabi mo kanina, you need me?' tanong nito at hinawakan sya sa hita. napatili sya

"Actually, nagugutom kase ako kaya ko sinabi yon"

"Hungry? you want to eat me?"

"Aiden!"

"Why?"

"I'm hungry, I want food the real one"

"Real one, not alive one?" he teased

"No, and I think gutom na din si baby"

"Oh.. yeah yeah.. kumain na muna tayo, I guess is that enough?" tanong nito sabay nguso sa convenient store. sunud-sunod na tango ang ginawa nya. paborito kase nya ang sundae doon at siopao.

"Enough na yon samin ni baby, isa pa baka wala na tayong madaanang bukas na fastfood"

"Yeah, let's go" yaya nito at pinatay ang makina ng kotse. sabay silang bumaba ng sasakyan at makaakbay pang naglakad papunta sa convenient store na may malalim na mga ngiti sa labi. 7'11 ang reception sa kasal nila. At alam nya pagdating nila sa Townhouse ni Aiden ay susulitin nanaman nila ang mga bawat sandali na magkasama sila, at natitiyak din nya na pagkatapos ng honeymoon nila ay sasabak nanaman sila sa problema pagbalik sa San Miguel.