Chapter 62
"Nababaliw kana ba Aiden? Dinala mo pa talaga rito ang babaing yan!" Sigaw ni Mrs Del Castillo nang makarating na sila sa bahay ng mga ito. Nakaramdam sya ng takot ng marinig ang mga sigaw ni Mrs. Del Castillo at napaatras ng isang akbang, sinulyapan sya ni Aiden at pinisil ang kamay nyang mahigpit na hawak nito, tila nais nitong iparating na huwag syang matakot dahil andun ito at hindi sya pababayaan.
"Ma, please Carmella is my girlfriend now"
"Girlfriend?! naiibang kana talaga Aiden! ano bang nakita mo sa babaing yan! isa yang Perez!" hiyaw ni Mrs. Del Castillo. At mula sa hagdan bumungad ang Papa ni Aiden at dalawang kapatid na babae ni Aiden, marahil narinig ang mga sigaw ni Mrs. Del Castillo. nakita nyang masamang tingin ang pinukol sa kanya ng Papa ni Aiden habang pababa ito ng mataas na hagdan. Ito ang unang beses na pagtungtong nya ng bahay ng mga Del Castillo at masasabi nyang mayroong marangyang buhay ang mga ito, kung sabagay nabibilang ang mga Del Castillo sa mga mayayamang pamilya sa bayan nila, kaya marahil hindi matanggap ng Mama ni Aiden na sa kanya lang mapupunta ang isang tulad ni Aiden na mataas ang pinag-aralan at may marangyang buhay.
"Anong ginagawa ng babaing yan dito Aiden?" may galit na tanong ng Papa ni Aiden ng tuluyan ng makababa ng hagdan.
"Pa, Ma, please bigyan nyo naman kami ni Carmella ng chance" pakiusap ni Aiden sa mga magulang.
"Pero Aiden hindi sya ang babaing nararapat sa iyo hijo!" hiyaw na sagot ng Mama ni Aiden.
"Isa syang basura at kalad-"
"Ma! stop it!" putol ni Aiden sa mga masasakit na salitang nais bitawan ng Mama nito sa kanya.
"Ma, tama na po" bulong ng isang kapatid ni Aiden nang makalapit sa Mama nito.
"Hindi nyo naman kailangang insultuhin si Carmella, for god sake Ma, Pa! Kailangan pa kayo naging ganyan? Kung makahusga kayo parang ang linis, linis ng pamilya na to ah!" May galit sa himig na sabi ni Aiden.
"Aiden, tama na mga magulang mo sila" bulong nya at hinawakan sa braso si Aiden paramakalamahin.
"No! Carmella, they are treating you like a trash!" Gigil na sagot nito at inalis ang kamay nya sa braso nito. Humakbang ito palapit sa mga magulang ang dalawang kapatid na babae.
"I love her, mahal ko si Carmella, at nasasaktan ako sa tuwing sinasabihan nyo sya ng hindi maganda. Carmella is different, malayo sa nanay at mga kapatid nya. Ako mismo napatunayan ko yon, she is not what you think she is!" May sakit sa himig nito. Napakagat labi sya dahil nais nyang pigilan ang mga luhang nais pumatak. Kitang-kita kase nya ang paghihirap ni Aiden na ipagtanggol sya sa pamilya nito, pero gaya ng sabi nigo kanina, kahit anong mangyari hindi sya nito pababayaan, at naniniwala sya kay Aiden, dahil alam nya at kitang-kita nya ang pagmamahal nito sa kanya.
"Aiden anak, we want the best for you" tinig ng Mama nito.
"Best for me? Why? Did you even bother to ask what I want? Si Ivy? Hindi ba't sya ang gusto nyo para sa akin? Did you ask me if I want her? Ah Ma?"
"But, si Ivy ang nababagay sa iyo dahil pareho ang mundong ginagalawan nyo, unlike her" sabay turo pa Mama ni Aiden sa kanya na tahimik na nakatayo sa isang tabi habang pilit pinipigilan ang maiyak sa sitwasyong kinahaharap nila ni Aiden.
"Ivy is more decent than her!" Tila nandidiri pang dagdag ng ina ni Aiden habang sa kanya nakatingin.
"Still I don't have any feelings for Ivy"
"Kahibangan yan Aiden! Huwag mong sabihin sa amin na mahal mo talaga ang babaing yan!" Sabat ng ama ni Aiden
"Yes, Papa I love her, and no matter what, I will protect her and I will never leave her, kahit ano pang sabihin at gawin nyo ni Mama, hinding-hindi ko hihiwalayan si Carmella" matigas na sagot ni Aiden at lumakad ito palapit sa kinatatayuan nya.
"Kahit tumutol pa kayo pakakasalan ko si Carmella, with or without your blessing" determinadong sabi nito at hinawakan sya sa kamay.
"Oh my god Aiden!" Hiyaw ng ina nito.
"We're leaving" tanging sagot nito at hinila na sya sa kamay.
"I'm sorry, pasensya na po" paumanhin nya at isa-isang tinignan ang pamilya ni Aiden galit ang nakita nya sa mga mata ng magulang nito, at tila awa naman ang nakita nya sa mga mata ng mga kapatid ni Aiden. Marahil naiintindihan ng mga ito ang sitwasyon nila ni Aiden at naaawa ang mga ito sa kapatid.
Pagdating nila sa labas, binawi nya ang kamay kay Aiden.
"I can't do this"
"What?"
"Aiden kahit anong gawin natin hindi ako matatanggap ng mga magulang mo, ayokong dahil sa akin mahirapan ka!"umiiyak na sabi nya.
"What?" Kunot noong tanong nito at kinabig sya payakap.
"Mas lalong ayokong dahil sa akin mahihirapan ka Carmella, kayo ng magiging baby natin"
"Pero Aiden, hindi ako kailan man matatanggap ng pamilya mo" sagot nya at pilit kumakalas rito.
"Carmella, please trust me, I won't let you hurt anymore, just trust me Carmella, ipaglalaban kita and I know, hindi man ngayon but soon, matatanggap tayo ng pamilya ko, but as of now I won't let you go, I'll protect you and our baby" pagsusumamo nito at at hinalikan sya sa buhok. Napahagulgol naman sya ng iyak.
"Stop crying Carmella, makakasama sa bata yan" bulong nito ng kumalas sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan sya sa mukha.
"Carmella, will you marry me? Now?" Seryosong tanong nito habang hawak-hawak nito ang mukha nya na basa na ng mga luha nya. Nanalalaki ang mga matang napatitig sya rito at nakita nyang seryoso ito sa sinasabi, nais nitong magpakasal na sila ngayon, as in ngayon na. At kung papayag sya magiging Mrs. Del Castillo na sya at magkakaroon na ng ama ang anak nila ni Aiden, pero ang mga magulang nito ay mananatiling tutol sa kanila kahit anong mangyari hindi sya matatanggap ng pamilya ni Aiden, pero kung ikakasal na sila ni Aiden mananatili syang asawa ni Aiden kahit pa tutol ang pamilya nito sa kanya. Isa pa mahal nya si Aiden, mahal na mahal at alam nyang ganoon rin sa kanya si Aiden, kung tatanggi sya ngayon ay baka pagsisisihan nya yon, pero pag pumayag sya alam nyang wala syang pagsisisihan, dahil mahal nya si Aiden at nagmamahalan sila at ipaglalaban nila ang pagmamahalan nila sa pamilya ni Aiden at sa buong Bayan ng San Miguel.
"Yes, Aiden I will marry you, now!"