Chapter 61
Dumaan ang tila mahabang sandaling katahimikan sa kanila ni Aiden matapos nyang sabihin na buntis sya, tila hindi kaagad rumehistro sa isip ni Aiden ang sinabi nya. nanatili lang itong nakatitig sa kanya, pakiramdam tuloy nya tumigil ang ikot ng oras at halos pakiramdam nya sasabog na ang dibdib nya sa kaba. Sa kabang paano kunh hindi tanggapin ni Aiden ang anak nila? Paano kung sabihin ni Aiden na hindi pa ito handa? anong gagawin nya kung sakaling tanggihan ni Aiden ang anak nila.
"Carmella" simula nito na. nanlalaki ang mga mata nyang nakatitig rito habang hinihintay ang sasabihin nito. namimigat na rin ang mga mata nya sa luhang nais ng pumatak kanina pa dahil sa pagsasawalang kibo ni Aiden.
"Oh god Carmella" anas nito at tumayo mula sa kinauupuan at laking gulat nya ng niyakap sya nito sa bewang at binuhat mula sa pakakaupo.
"Daddy na ko, Daddy na ko Carmella, magkaka baby na tayo, magiging isang buong pamilya na tayo" sabi nito habang buhat-buhat sya. sunud-sunod na patak ng luha ang tumulo mula sa mga mata nya dahil sa narinig mula kay Aiden at sa kaligayaang kitang-kita nya sa mga mata nito.
"Daddy na ko Carmella" sabi muli nito ng ibaba na sya at lumuhod sa sahig para mahawakan ang flat nyang tiyan. dinikit ni Aiden ang tenga nito roon na tila ba pinapakinggan nito ang bata sa loob ng tiyan nya kahit pa na nagsisimula palang itong mabuo sa sinapupunan nya.
"Hello Baby, I'm your Daddy" bulong ni sa tiyan nya na lalong nagpahagulgol sa kanya sa iyak, kitang-kita kase nya ang excitement kay Aiden.
"Mabubuo na tayo Carmella, magiging isang pamilya na tayo" sabi nito ng tumayo mula sa pagkakaluhod at hinawakam ang magkabilang pisngi nya.
"I love you Carmella"
"I love you too" umiiyak na sagot nya.
"Will you marry me?" nanlaki ang mata nya sa sinabi nito.
"Well, nag yes kan sa akin sa Tagaytay, O guess kailangan nanating madaliin ang kasal natin dahil paparating na si baby" excited na sabi nito.
"Aiden, marami pa tayong dapat ayusin"
"As long as you are with me Carmella, everything will be alright"
"I know, but Aiden your parents and ang pamilya ko"
"Iuuwi na kita sa bahay ngayon, sasabihin ko na sa kanila ang plano natin, pati na ang baby"
"Pero Aiden" saway nya.
"Just trust me Carmella, hindi ko kayo pababayaan, hindi ko kayo hahayaang masaktan at higit sa lahat hindi mo na ko matatakasan pa dahil dala mo na ang magiging anak natin, hindi na kana mawawala sa paningin ko" litanya nito habang mahigpit ang hawak sa kamay nya.
Yon din naman ang gusto nya, ang huwag na silang maghiwalay pa ni Aiden at mabuo na ang pamilya nila, pero alam nyang hindi ganoon kadali yon, pero may tiwala sya kay Aiden, nakakasigurado syang hindi sila pababayaan ni Aiden. alam nyang ng una inakala nyang hindi pa sila matatanggap ni Aiden dahil sa dami pa ng problemang ikinahaharap nila, pero eto ito mismo ang nagsasabing kaya nila ang ano man basta magkasama sila.
"I love you Aiden" mangiyak-iyak na sabi nya at niyakap ito ng mahigpit. ano man ang kinahaharap nila alam nyang makakaya nila basta't magkasama sila ni Aiden.
Matapos malaman ni Aiden ang tungkol sa pinagbubuntis nya sinabihan sya nitong sabihin na muna sa pamilya nya at pagkatapos ay sa pamilya nito at pinangako ni Aiden na kahit anong mangyari ipaglalaban sya nito at naniniwala sya doon.
Pagdating sa bahay na tinitirhan ng mga magulang at mga kapatid ay gulat na gulat ang Ate Lanie nya pagbuksan sila nito ng gate.
"Carmella?" sambit nito habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa kanila ni Aiden na mahigpit na magkahawak kamay.
"Ate, andyan ba si Nanay?" alanganing tanong nya dahil hindi sya sigurado kung nais pa syang makita ng ina.
"Nasa loob" walang emosyong sagot ng kapatid at pinapasok sila sa loob. Alam nyang kahit papano may tampo o galit sa kanya ang mga kapatid dahil sinisisi sya ng mga ito sa mga nangyayari sa kanila dahil sa pakikipag relasyon nya kay Aiden. pero ganoon pa man ipaglalaban nila ni Aiden ang relasyon nila.
Kanina pa sila nakaupo ni Aiden sa sala ng bahay, andoon rin ang Ate Joan nya at asawa't anak, ang Kuya at Ate Grace lang nya ang wala sa bahay, sa pagkakaalam nya sa Maynila na nanunuluyan ang Ate Grace nya matapos ang kasal nito.
"Bakit kayo magkasama?" inis na tanong ni Lanie na tila kanina pa nito gustong itanong yon.
"Lanie!" saway ng Nanay nya na tulad nya nabawasan ng timbang at halatang hindi rin nakakatulog ng maayos, naguguilty sya dahil alam nyang marami ng problema ang Nanay nya sa mga kapatid at dumagdag pa sya.
"Andito po kame ni Carmella para magpaalam" sabi ni Aiden. sinulyapan nya ito at bahagya itong ngumiti sa kanya at pinisil nito ang kamay nya. na tila ba nagsasabing huwag syang matakot at ito na ang bahala, ngumiti sya rito at hinayaan na ito na ang magsabi sa Nanay at mga kapatid nya sa balak nila. Alam nyang papayagan naman sya ng mga ito, halos isang buwan nga syang nawala pero parang wala lang sa mga kapatid nya.
"What?!" sabay-sabay na tili ng mga kapatid nya matapos sabihin ni Aiden ang plano nila. nanatili namang walang kibo ang Nanay nya, marahil nag-aalala na baka hindi sya tanggapin ng pamilya ni Aiden, ganoon din naman sya pero malakas ang loob nya dahil kasama nya si Aiden.
"Hindi ba kayo masyadong nagmamadali" sabi ng Nanay nya matapos ang ilang sandali
"Sigurado na po kame" agad na sagot ni Aiden.
"Eh ang mga magulang mo sigurado na rin ba?" inis na tanong ni Lanie.
"Oo nga, baka kami nanaman ang pag balingan ng pamilya mo Aiden" may pag-aalala sa tinig ng Ate Joan nya. Alam nyang natatakot din ito para sa pamilya nito, dahil wala naman silang ibang mapupuntahan kung paaalisin ang pamilya nya sa San Miguel.
"Ako na ang bahala sa pamilya ko, at hindi ko pababayaan si Carmella"
"Eh kame nga paano? paano kung paalisin kami ng Papa mo rito?"
"Lanie, tama na yan" saway ng Nanay nya sa kapatid na hindi maitago ang inis.
"Ako na po ang bahala kay Papa" paninigurado ni Aiden sa Nanay nya.
"Hindi naman ako tututol sa ano mang relasyon ni Mella, ang akin lang ayokong sa huli masaktan at mahirapan sya" seryosong sabi ng Nanay nya na nais pa nyang maiyak dahil ramdam nya ang pag-aalala ng Nanay nya sa kanya.
"Hindi po mangyayari yon, mahal ko po si Carmella at hindi ko po hahayaang mangayari ang kinatatakutan yon, hindi ko po sya pababayaan and sooner or later po mag papakasal kame" Nanlaki ang mga mata ng Nanay nya at ng Ate Lanie at Ate Joan nya sa sinabi ni Aiden.
"Pakakasalan mo Mella?!" bulalas na sabi ng Ate Lanie nya.
"Yes, and I will protect her" sagot ni Aiden sa Ate nya na tila ba naiinis na rin si Aiden sa kapatid dahil tila lantaran ang pagpapakita nito ng pagka disgusto na pakasalan sya ni Aiden. pasimple nyang pinisil ang kamay ni Aiden, sinulyapan sya nito at ngumiti.
"Pakakasalan ko po si Carmella sa oras na maayos na ang lahat"
"Kayong bahala, nasa edad na kayo at.. at.." hindi maituloy ng Nanay nya ang sasabihi dahil naiiyak ito, marahil naiiyak sa tuwa dahil pakakasalan sya ni Aiden, dahil kitang-kita ng Nanay nya ang nakikita nya kay Aiden na mahal sya nito at hindi sasaktan.
"Nay" halo nya at mabilis na lumapit sa ina at niyakap.
"Mella, alam kong magiging masaya ka, makukuha mo ang lalaking magmamahal sa iyo, napakabait mo sa amin ng mga kapatid mo, kahit na minsan hindi ka nanamin nabibigyan ng pansin" litanya ng Nanay nya habang umiiyak
"Nay, mahal ko po kayo, kayo nila Ate at Kuya" sagot nya liningon ang mga kapatid na tila naiiyak na rin.
"Patawarin nyo po sana ako sa mga nangyari"
"Hindi Mella, kame ang may kasalanan, sarili lang namin ang iniisip namin, hindi namin inisip ang kapakanan mo"
"Nay, tapos na po yon, masaya na tayo, makakapag simula na po ulit tayo" tumango ang Nanay nya at niyakap sya.
"Salamat po"
"Congrats Mella" sabi ng Ate Lanie nya at yumakap din sa kanila. ganoon din ang Ate Joan nya nakiyakap sa kanila.
"Masaya ako para sa iyo Mella" sabi ng Ate Joan nya.
"Salamat" umiiyak na sagot nya dahil sa wakas ayos na sila at tanggap na nila si Aiden. ang susunod na poproblemahin naman nya ngayon ay ang pamilya ni Aiden ang mga Del Castillo. Sinulyapan nya si Aiden, ngumiti ito sa kanya.