Chapter 55

Carmella

Nagising sya sa mga yugyog sa balikat. pagmulat ng mga mata ang Nanay nya ang bumungad sa kanya.

"Gumising kana dyan Carmella" malungkot na sabi nito at tumayo lumapit sa cabinet at binuksan yon.

"Ayusin mo na mga gamit mo, aalis ka ng San Miguel" sabi ng ina. nagulat sya at napabalikwas ng bangon.

"Ano po?!"

"Carmella malaking gulo kung mananatili ka rito sa San Miguel" sagot ng ina habang inilalabas ang mga gamit nya sa cabinet at basta nalang sinusuksok sa bag. kumunot ang noo nya sa nakikitang ginagawa ng ina sa mga gamit nya.

"Pero Nay? bakit oh?" Tanong nya, kahit may kutob na sya kung bakit sya pinaalis ng San Miguel.

"Anak, makinig ka. Mahal kita, mahal ka namin ng mga kapatid mo, pero hindi na namin kakayanin kung aalis nanaman kame dito at hahanap ng bagong matitirhan. hindi ko pa nasasabi sa kapatid mo ang nangyayari dahil nasa honeymoon pa sila, kakakasal palang ng Ate Grace mo, ayoko muna syang bigyan ng panibagong poproblemahin" litanyan ng Nanay nya habang panay siksik nito sa mga gamit nya sa bag..

"Bakit oh ako aalis?" naiiyak na tanong nya habang nakasunod sa bawat galaw ng ina. kahit alam na nya kung bakit at kung sino ang dahilan sa pagpapaalis ng Nanay nya sa bahay nila.

"Pinakiusapan ako ni Mr. Del Castillo at sinabi kailangan nating umalis ng San Miguel, kailangan kang ilayo kay Aiden" sagot nito at naupo sa kama katabi sya. hinawakan ang kamay nya. hindi na sya nagulat pa sa sinabi ng ina. alam nya at inaasahan na nyang mangyayari ang bagay na yon. pasimple nyang hinaplos ang singsing na suot sa kamay. tila sya humuhugot doon ng lakas. dahil nanghihina na sya.

"Gaya ng sinabi ko hindi nanamin kaya ng mga kapatid mo ang magsimula ulit sa ibang lugar, wala kaming sapat na pera"

"Kaya po ako nalang ang ilalayo nyo?"

"Carmella anak, alam ko naiintindihan mo ko, may anak ang Ate Joan mo, mahihirapan nanaman ang Kuya mo sa sitwasyon natin" sagot ng ina na bakas ang lungkot sa tinig at pasusumamo sa mga mata. nakaramdam sya ng lungkot. dahil sya ang nagdulot ng panibagong problema sa ina.

"Bakit oh tayo pinaaalis ni Mr. Del Castillo?" tanong nya kahit alam na nya ang sagot.

"Nais ng pamilya ni Aiden na maputol na ang ugnayan nyo"

"Dahil isa akong Perez?" tuya nya. nais nyang maiyak dahil pinilit nyang maging iba at hindi maging tulad ng mga kapatid nya. pero kahit yata anong gawin nya nakadikit na sa kanya ang pagiging Perez nya, pamilya ng mga kabit, kaladkarin mga salot sa bayan na ito.

"Carmella, wala kang kasalanan, sadya ganyan ang mundo, hindi nila matanggap ang mga tulad natin" sagot ng ina.

"Natin?" tuya nya at mabilis na tumayo sa kama.

"Aalis po ako, magpapakalayo at pangakong hindi na magpapakita pa kay Aiden. yan ang sabihin nyo kay Mr. Del Castillo. at kung sakaling bigyan kayo ng kung ano huwag nyong tatangapin Nay, para na rin lang sa akin, para sa kahihiyan ko" umiiyak na sabi nya.

"Alam ko, hindi ko tinanggap ang halok ni Mr. Del Castillo na umalis tayo rito at ito na ang bahala"

"Naghalok si Mr. Del Castillo?" gulat na tanong nya.

"Oo pero hindi ko tinanggap, pero kailangan mong umalis dito kahit pansamantala lang Carmella, para lang matigil ang pagbabanta sa atin ni Mr. Del Castillo" pagsusumamo ng ina. nakaramdam sya ng awa sa ina.

"Aalis po ako Nay, huwag po kayong mag-alala at hindi po kayo madadamay" sagot nya at bumutong hininga.

Aalis sya ng San Miguel kung yon ang gusto ng pamilya ni Aiden, lalayuan na nya ito, magsisimula sya ulit, kailangan lang nyang matapos ang pag-aaral at magpapakalayo sya sa San Miguel, pero ngayon paano sya? saan sya pupunta? tanong nya sa sarili habang nagbibihis. may mapupuntahan ba sya? may tatanggap ba sa kanya?

"Saan ka pupunta?" tanong ng ina.

"Hindi ko pa po alam sa ngayon, pero alam kong may mapupuntahan ako" sagot nya kahit alam nyang sya mismo hindi alam kung saan sya pupunta at paano sya magsisimula?

"Magiingat ka Carmella at lagi mo kaming tatawagan. pansamantala lang naman ito anak" sabi ng ina. ewan nya kung mahal sya ng nanay nya dahil madalas nararamdaman nyang wala itong pakialam sa kanya, dahil aminin man nya o hindi wala pa syang napapasok na pera sa bahay nila, hindi tulad ng mga kapatid nya. at masakit man isipin sa pamilyang tulad nila ang may naipapasok na pera ay syang mahalaga sa Nanay nila.

Bitbit ang mga gamit sumakay sya ng tricycle. hindi nya alam kung saan pupunta, wala syang kaibigan na matatakbuhan talaga, hindi naman sya pwedeng humingi ng tulong kay Aiden.

"Bakit kase ganito?"  naiiyak nyang tanong sa sarili ng makasakay na sa tricycle. sinulyapan ang suot na singsing.  kung anu-anong tanong ang pumasok sa isip nya. engaged na sila ni Aiden at papano na sila ngayon? hanggang dito nalang ba talaga ni Aiden?  mga tanong na gumugulo sa isipan nya.

"Saan ka?" tanong ng driver. na pumukaw sa malalim nyang pag-iisip. mabilis nyang pinunasan ang mga luha sa pisngi.

"Sa San Sebastian po Kuya" sagot nya na ewan nya kung bakit yon ang sinagot na lugar. wala naman syang kakilala sa bayan na yon. isa pa hindi naman malayo ang San Sebastian sa San Miguel. isang bayan lang naman ang pagitan ng dalawang bayan. pero ok na yon malayo na rin ng konti kay Aiden. isa pa kailangan parin nyang pumasok sa eskwela kaya hindi pa sya pwedeng lumayo.

Naiiyak sya sa sitwasyon nya dahil unang-una wala syang pera at hindi alam kung kanino hihingi ng tulong. pero kailangan na nyang umalis para sa pamilya nya, para hindi na madamay pa ang mga kapatid at Nanay nya. ang hirap lang dahil tila sya pa ang nagdala ng problema sa pamilya nya. samantalang ang mga ito ang dahilan kung bakit hindi sya maging masaya. kung bakit kahit anong gawin nya ay isa parin syang Perez, hindi naman nya ikinahihiya ang pamilya nya, sadyang mapanghusga lang ang mga tao at tingin sa pamilya nya ay salot at pare-pareho lang sila kahit pa sabihin nyang hindi sya tulad ng mga kapatid nya. lalo na't isang lalake ang mahal nya at yon ay si Aiden.

Pagdating sa San Sebastian isang daan ang siningil ng driver. bumuntong hininga sya at kumuha ng isang daan sa wallet na alam nyang wala ng isang libo ang laman. at saan sya dadalhin ng konting perang hawak nya. naisip nya si Aiden alam nyang hindi sya papabayaan ni Aiden. kinuha nya ang cellphone sa bag naka off yon para maiwasan nya ang tawag ni Aiden.

"Ibebenta nalang kita" bulong nya sa cellphone at liningon ang paligid. mas maraming tao at mga establisemento sa bayan ng San Sebastian kumpara sa San Miguel. Pakiramdam tuloy nya nahihilo sya sa init ng araw at sa dami ng taong paroo't parito sa kalsada.

"Saan ako magsisimula?" tanong nya sa sarili habang nakatingin sa mga taong naglalakad. at tila pakiramdam nya umikot at buong paligid at bago pa sya tuluyang ma blanko may naramdaman syang kamay na humagapay sa kanya. at hindi na nya alam ang mga sumunod na pangyayari.