Chapter 54
Aiden
"I can't believe you Aiden, bakit sa isang Perez pa!" hiyaw ng Mama nya pagdating na pagdating nya sa bahay nila. ilang beses syang tinatawagan ng mga magulang at kapatid, pero hindi nya sinasagot dahil ayaw na muna nyang makausap ang mga ito, dahil alam nyang pagsasabihan lang sya ng mga ito na itigil ang relasyon nya kay Carmella at hindi nya magagawa ang bagay na yon, lalo na ngayong engaged na sila ni Carmella.
"Carmella is different" mabilis na sagot nya sa ina.
"What different you are talking about huh? anak sya paiba-iba ng asawa at ang mga kapatid nya mga kabit! mga lahi sila ng kabit!" hiyaw ng ina.
"Ma" nasa tinig nya ang pagtutol sa sinasabi ng ina. nais nyang ipagtanggol si Carmella at ipagdiinan na iba si Carmella at hindi ito magiging tulad ng mga kapatid nito.
"Layuan mo ang babaing yon! layuan mo sya Aiden! kilala mo ba kung sino ka ah?" galit na galit na sigaw ng Mama nya. liningon nya ang ama na nasa tabi ng ina, nasa mukha din ang galit at lungkot.
"Isa kang Del Castillo! at bakit ka papatol sa isang tulad nyang kaladkarin" patuloy ng ina na nagpantig sa tenga nya. ilang beses na ba nyang narinig ang mga salita yon, at sya man dati'y ganyan ang tingin kay Carmella. Pero napatunayan nyang hindi ganoong klaseng babae si Carmella.
"She's different Ma, she is not what you think she is" ulit na paliwanag nya. ilang beses ba nyang kailangan ulit-ulitin na iba si Carmella.
"What different Aiden? isa syang Perez!" sigaw ng ina na tila diring-diri sa apelido ni Carmella.
"Huwag mong ibaba ang sarili mo dahil lang naiibang ka sa babaing yon" sabi ng Papa nya.
Bumuntong hininga sya ayaw nyang makipagtalo sa mga magulang. ayaw nyang maging problema sa kanila si Carmella. kahit alam nyang sa simula palang magiging malaking problema na sa pamilya nya si Carmella. pero ganoon pa man susundin nya ang damdamin nya para kay Carmella. She love her so much and he will marry her, kahit pa tumutol ang lahat sa kanila. ipaglalaban parin nya ang pagmamahalan nila ni Carmella.
"I've confessed everything to your Mom" sabi ng Papa nya. liningon nya ito. nakita ang lungkot at pagsisisi sa mga mata nito. sinulyapan nya ang ina na may galit na nakatingin sa ama.
"Sinabi ko ang lahat sa kanya, ang panloloko ko sa inyo, ang halos sampung taon kung panloloko sa inyo" patuloy ng ama. sinulyapan nya ang ina. nasa mga mata ang galit.
"Pero nagsisisi na ko, nangako ako sa Mama mo na ititigil ko na ang lahat. tinapos ko na rin ang ano mang ugnayan namin ni Nina, na magsisimula kami ulit, tayo Aiden ng mga kapatid mo" patuloy ng ama. nakatingin lang sya rito at kitang-kita naman nya ang pagsisisi sa mga mata nito.
"Mahal ko ang Mama mo kayo ng mga kapatid mo Aiden" dagdag ng ama.
"Pinatawad ko sya Aiden, dahil mahal ko ang Papa mo, at aaminin kong may naging kasalanan din ako noon" sabat ng ina.
"Maayos na samin ang lahat ng Papa mo, nangako na syang hindi na kailan man makikipag kita sa babaing yon"
"I don't know what to say" sagot nya sa ina dahil yon naman ang totoo hindi nya alam ang isasagot. Oo masaya sya dahil naputol na ang ugnayan ng Ama kay Mrs Alvarez at maayos na ang mga magulang nya. pero bakit tila hindi nya naiiintindihan ang mga nangyayari.
"Pero you Aiden and this woman Carmella is a different story" dramatic na sabi ng ina.
"You are Del Castillo hijo, hindi basta basta ang pangalang taglay mo" patuloy ng ina sa malungkot na tinig.
"But, Ma I can't do that anymore" malungkot na sagot nya na tila ba may mabigat syang pasan sa mga balikat.
"Why not Aiden? andyan si Ivy pwedeng-pwede mo syang pakasalan ano mang oras" sabat ng ama.
"I love her" seryosong sabi nya sa mga magulang at pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa. nakita nya ang pagkagulat sa mga mata ng ina. pero sa ama pagka dismaya ang nakita nya.
"For god sake Aiden! why you let yourself fall in love with that woman?" tila nandidiring sabi ng ina.
"I'm sorry Ma, Pa but-"
"Leave that woman, hiwalayan mo sya Aiden kung gusto mo pa kong makita sa mundo"sabat na sabi ng ina bago pa nya natapos ang sasabihin. at mabilis na umakyat sa mataas na hagdan ng bahay nila. nanlalaki ang mga matang sinundan nya ng tingin ang paakyat na ina.
"Ma!" tawag nya pero hindi man ito lumingon sa kanya.
"Alam kong hindi mo kayang saktan ang Mama mo Aiden" sabi ng Papa nya. sinulyapan nya ang ama at nilamukos ang mukha sa mga palad.
"I can't hurt her of course, but." sagot nya at binagsak ang katawan sa sofa.
"I love Carmella Papa" malungkot na sabi nya.
"I know, but Aiden she's not good for you" sagot ng Ama at hinawakan sya sa balikat.
"Who's good for me then?"
"Find another woman na babagay sa iyo at maipagmamalaki mo, yung walang huhusga sa iyo sa tuwing kasama mo sya, yung hindi ka pagbubulungan sa tuwing maglalakad kayo sa daan" sagot ng ama. alam naman nya ang bagay na yon, pero wala na syang pakialam sa mga mapanghusgang mundo.
"Papa, buong San Miguel na ang humusga kay Carmella. even me, but She's different Papa, hindi sya tulad ng mga kapatid nya, nang Nanay nya" sagot nya sa ama. ilang beses na ba nyang sinabi ang bagay na yon.
"I'm sorry Papa, but I love her, really love her" Malungkot na sabi nya. ayaw nyang masaktan ang mga magulang lalo na ang Mama nya, pero anong magagawa nya mahal nya si Carmella at hindi nya ito kayang iwan. she want's her, she needs her. Ilang oras pa nga lang silang nagkakahiwalay namimiss na nya ito, iniisip nya kung anong nang ginagawa nito ngayon. gusto na nyang makasama si Carmella.
"That's bullshit Aiden!" galit na sabi ng Papa nya.
"Love is bullshit!" dagdag pa ng Papa nya.
"I know Papa, but I can't help it, I can't leave Carmella, she is my everything now, It's seem I can't live without her. I hope you'll understand"
"I'm trying hijo. But you can't hurt you Mama, nasaktan ko na ang Mama mo, huwag mo naman sana syang saktan pa" sagot ng Ama at iniwan syang nakaupo sa sofa. hindi alam ang gagawin. ano bang dapat nyang gawin? paano ba matatanggap ng pamilya nya si Carmella.
Kinagabihan tinawagan nya si Carmella pero hindi ito sumasagot, nagtaka sya kahit sa mga messages nya rito ay hindi ito sumasagot.
"What's happening?" tanong nya sa sarili at mabilis na hinila ang jacket sa may upuan at kinuha ang susi. pupuntahan nya si Carmella. alam nyang maaaring may nangyari kaya hindi ito sumasagot sa mga tawag at text nya rito. kailangan nyang makita at makausap si Carmella.
"Where are you going Aiden?" tanong ng Mama nya ng makita syang nagtatatakbo pababa ng hagdan.
"I need to see Carmella" sagot nya habang sinusuot ang jacket.
"They're gone" seryosong sagot ng ina na nagpahinto sa kanya sa pagbaba ng hagdan.
"What?"
"Pinaalis ko na sila dito sa San Miguel, kasama ang buong pamilya nya"
"What?!" gulat na tanong nya sa ina.
"They need to leave this town for your own good Aiden! para magising kana sa kahibangan mo!"
"No Mama, No!" sagot nya at nagtatakbo pababa ng hagdan.
"Aiden! Aiden!" tawag ng Mama nya pero nagtatakbo sya pababa.
"Don't do this to me hijo" pagsusumamo ng ina. tumigil sya sa paglabas ng pinto at sinulyapan ang ina na mangiyak-iyak na.
"Please Aiden"
"But, I love her Ma" malungkot na sagot nya at nakita ang dalawang kapatid na babae sa may hagdan marahil narinig ang malakas na boses nya at ng ina.
"She's not the one for you anak" sabi ng ina at lumapit sa kanya. hinawakan sya sa mga kamay.
"Magdadala ng kahihiyan sa iyo si Carmella anak, makinig ka naman sa akin, hindi sya nababagay sa iyo, mas may higit pa kay Carmella" pagsusumamo ng ina. kitang-kita nya ang lungkot sa mga mata nito.
"Mahal kita Aiden, kaya ayokong mapunta kalang sa tulad ni Carmella" patuloy nito.
"I love you Ma, but I love her too" sagot nya at binawi ang mga kamay sa ina.
"I hope you'll understand me" sabi nya at sinulyapan ang dalawang kapatid sa may hagdan. nasa mga mata ang lungkot at tila awa sa kanya at sa ina.
"Aiden, hindi mo na sya makikita"
"I will find her" Matigas na sagot nya.
"Kahit saan man sulok nyo sya tinago mahahanap ko sya Mama, and I'm sorry" sabi nya at tumalikod na para lumabas.
"I love you Ma, I really am. But I want to follow my heart" sabi nya bago sya tuluyang lumabas ng pinto.