Chapter 41

"Ihahatid na kita, gabi na madilim na sa kalsada, isama pa na ang layo kung mag ba-bike ka lang" Sabi ni Shawn matapos silang mag-usap.

"Para naman di ko laging ginagawa yan" natatawang sagot nya sa kaibigan.

Kaibigan na ang turing nya kay Shawn, ito na kasi ang naging takbuhan nya pag malungkot sya at may problema kay Aiden. kaya nga napasugod nanaman sya kay Shawn dahil maghapong hindi nagparamdam sa kanya si Aiden

Dati-rati hinahatid sya nito sa SMU oh di kaya naman sabay silang papasok sa Del Castillo Resorts. pero iba ang araw na ito, mula pagmulat nya wala syang natanggap na message mula kay Aiden, wala din tawag mula rito, ang. natapos ang maghapon na hindi ito nagpakita sa kanya.

"Huwag mo kasing masyadong binibigyan ng big deal ang lahat, just chill wait for him" Sabi ni Shawn at ginulo ang buhok nya na parang bata.

"Aray" natatawang tili nya. At umagaw sa kanila ang mabilis na kotseng paparating. napakunot noo sya nang makilala ang kotseng paparating.

"Kotse ni Aiden" bulong nya. at huminto sa tapat nila ang kotse. mabilis na bumaba si Aiden at kitang-kita nya ang galit sa mukha nito.

"Get in the car Carmella!" hiyaw na utos nito. at mabilis na lumapit sa kanya.

"Aiden, ano bang-"

"Get in!" matigas na utos nito at hinila sya sa braso.

"Pare" sabat ni Shawn na tila hindi na nagugustuhan ang kinikilos ni Aiden.

"Huwag kang makialam rito!" galit na banta ni Aiden at marahas syang itinulak pasakay sa passenger seat.

"Aiden ano ba!" Maktol nya at walang nagawa kaya sumakay nalang.

"F*ck ofd Alvarez!" nagtatagis bagang na sabi ni Aiden kay Shawn bago ito umikot sa driver's seat.

"What's wrong with you? nakakahiya kay Shawn" inis na sabi nya at liningon si Shawn na nakasunod ng tingin sa kotse ni Aiden.

"Nakakahiya kay Shawn? how about me ah Carmella? hindi ba nakakahiya sa akin na makita kasama ang ibang lalake sa ganitong oras ng gabi? isama pa na ikaw ang nagpunta sa bahay ng lalake?" galit na galit na litanya nito. habang sa kalsada nakatuon ang pansin.

"You don't understand, kaibigan ko si Shawn, at-"

"Kaibigan? kailan mo lang sya nakilala naging kaibigan mo na? at kailangan mo pang puntahan kahit gabi! at for god sake Carmella! he is a married man!"

"Ano ba ang iniisip mo sa amin ni Shawn?"

"You are Perez! your family love married man" sagot nito na nagpakirot sa puso nya. napalunok sya dahil tila may bumara sa lalamunan nya at hindi alam kung ano ang sasabihin.

"Ganoon ba ang tingin mo sa akin?" nagawa nyang itanong at pumatak ang luha.

"I don't know, ang hirap-"

"Ihinto mo, bababa ako!" matigas na utos nya.

"What? No Carmella, we need to talk, marami tayong dapat pag-usapan at linawin sa isat-isa"

"Stop the car Aiden!" tili nya. pero hindi sya pinansin ni Aiden.

"We need to talk, Carmella!"

"What's the point here Aiden?!" inis na tanong nya. dahil ito naman ang hindi nagparamdam sa kanya ng isang buong araw, at out of nowhere darating ito at ito pa ang galit, na tila kasalanan pa nya. and worst andyan nanaman ang pagdidikit nya sa pangalan ng pamilya nya. hanggang kailan ba magiging issue sa kanila ang ganito? sa tuwing mag-aaway ba sila kailangan ba kasama ang pamilya nya? pangalang dala nya? ang binabatong mga salita sa kanila sa bayan na ito?

"Please, Aiden stop the car" nanghihinang usal nya, dahil hindi na nya kaya ang sakit, hanggang ngayon wala paring tiwala sa kanya si Aiden, puro duda parin ito sa kanya.

"No! I'm sorry Carmella, but I just I need you to get out of here, kung kailangan ilayo kita kay Shawn gagawin ko-"

"What?" nanlalaking matang tanong nya at liningon ito.

"Saan tayo pupunta?" tanong nya nang mapansin ibang daan ang tinatahak nila.

"Tagaytay sa rest house ko"

"What?! Aiden are you out of your mind? bakit mo ko dadalhin roon?"

"We need to talk Carmella, ang gusto ko pagbalik natin ng San Miguel, ay hindi ka na makipagkita pa kay Shawn! gusto ko kalimutan mo na si Shawn, kung ano man ang kayang ibigay ni Shawn or kaya nyang gawin sa iyo, believe me Carmella I can be better" mahabang litanya nito.

"Shawn is out it, wala syang kinalaman kung ano man ang nangyayari sa atin" sabi nya at sinadal ang likod sa upuuan. wala na syang lakas para makipag away kay Aiden. kung dadalhin sya nito sa Tagaytay hahayaan na nya ito.

"I'm your boyfriend Carmella"

"I see" bulong nya. Pinikit nya ang mga mata at hiniling na sana makatulog nalang sya sa buong biyahe. ayaw na nyang makipagtalo pa kay Aiden.

Hindi nya namalayan nakatulog nga sya sa biyahe. pagmulat nya mga mata nakahinto na ang sasakyan at wala si Aiden sa driver's seat nito.

"Aiden?" tawag nya at liningon ang paligid. hindi nya masyadong maaninag dahil madilim na sa buong paligid. at nakita si Aiden na pabalik ng sasakyan.

"Buti nalang gising kana. bumaba kana andito na tayo" utos nito at pinatay na ang makina ng sasakyan. at bago pa sya makapagtanong ay naisara na nito ang pinto ng passenger seat. nagkibit balikat sya. nais nya mag matigas at huwag sumunod kay Aiden, pero alam nyang hindi sya mananalo kay Aiden.

Pagbaba nya ng kotse tumambad sa kanya ang isang malaking bahay na dalawang palapag. ito marahil ang sinasabing townhouse ng mga Del Castillo sa Tagaytay.

"Carmella" tawag ni Aiden sa kanya, dahil nanatili lang syang nakamata sa malaking bahay.

"Let's get inside" tawag nito. bumuntong hininga sya at sumunod na sa loob.

Pagpasok sa loob ng malaking bahay, tumambad sa kanya ang engradeng loob non, napaka moderno ng mga kagamitan at talaga naman ginastusan ang buong bahay.

"Ang ganda" usal nya habang nakatingala sa malaking chandelier sa itaas ng kisame. Noong bata sya pangarap nyang magkaroon ng chandelier sa bahay nila, pero syempre hindi nangyari yon.

"Bakit mo ko dito dinala?" tanong nya matapos masuri ang kabuuhan ng bahay.

"Para mailayo ka kay Shawn" mabilis na sagot nito at naupo sa malaking sofa.

"Kaibigan ko lang si Shawn, wala kaming ginagawang masama"

"Bakit kailangan mong makipag kaibigan sa lalaking may asawa ah Carmella?"

"Like what I said wala kaming ginagawang masama, at wala akong nakikitang masama sa pagkakaibigan namin ni Shawn"

"Mag kaibigan lang kayo? pero kahit gabi pinupuntahan mo pa sya sa dulo ng San Miguel ah Carmella?" inis na tanong nito at napatayo mula sa sofa.

"Ano bang iniisip mong ginagawa ko roon?"

"I don't know! but believe me Carmella, hinding-hindi tayo aalis dito hangga't hindi mo nakakalimuta si Shawn!" banta nito at lumapit sa kinatatayuan nya.

"Gagawin ko lahat para makalimutan mo si Shawn! I will satisfied you lust!"

"lust?"

"Yeah, hindi ba sex ang dahilan kung bakit binabalik-balikan mo si Shawn doon sa kanila?"

"Aiden! ano bang pinagsasabi mo?" inis na tanong nya at tumalikod para iwasan na muna ito.

"Tell me Carmella! sigaw nito at hinila sya sa braso.

"Aiden ano ba?!" tili nya at pilir binabawi ang braso rito.

"Ganoon ba kagaling si Shawn at hindi mo sya magawang kalimutan at nagagawa mo syang balik-balikan ah Carmella!" galit na galit na sabi nito na halos magbasagan na ang mga ngipin nito sa galit.

"Mali ang iniisip mo sa amin ni Shawn!" nagawa nyang sabihin habang namimilipit sa sakit, dahil sinasaktan na sya ni Aiden sa mahigpit na pagkakahawak nito sa braso nya.

"I'm not naive Carmella, alam ko naman na mga may asawa ang tipo nyo, tulad ng mga kapatid mong kaladkarin!" sabi nito. nanlaki ang mga mata nya at umigkas ang kamay para sampalin ito, pero nahagip ni Aiden ang kamay nya bago pa ito dumapo sa pisngi nito.

"Don't you dare Carmella, I slap you back!" banta nito at marahas syang tinulak. na out of balance sya at bumagsak sa sahig. napangiwi sya sa sakit, sinulyapan lang sya ni Aiden pero hindi tinulungan para tumayo.

Inis syang tumayo mula sa sahig at naglakad sa may pinto. kailangan nyang makaalis sa bahay na yon bago pa sya tuluyang masaktan ni Aiden. galit syang naglakad sa may pinto. pero naka lock yon.

"Damn!" mura nya at pinalo ang pintuan.

"Open this door Aiden! uuwi ako ng San Miguel! kung kinakailangan lakarin ko, lalakarin ko!" determinadong sabi nya. sinulyapan lang sya nito.

"Hindi ka babalik ng San Miguel hangga't hindi mo nakakalimutan si Shawn! mananatili ka rito sa bahay ko, hangga't gusto ko!

"This is kidnapping!"

"Tignan natin kung hahanapin ka ng pamilya mo Carmella!"

"You can't keep me here! dahil lang gusto mo!"

"Believe me I can Carmella"