Chapter 42

"Matulog kana muna Carmella, bukas na tayo mag-usap" utos ni Aiden ng wala na syang magawa pa.

"Bukas na bukas uuwi ako ng San Miguel, at hindi mo ko mapipigilan!" matigas na sabi nya.

"You can't live this house without my permission Carmella!"

"And who are you to say that?"

"I'm your boyfriend!"

"Boyfriend? eh" tuya nya rito.

"Saan ako matutulog?" inis na tanong nya, pagod na sya at gusto na nyang magpahinga.

"Let's go" yaya nito. nauna na itong maglakad paakyat sa limang baitang na hagdan. walang kibo syang sumunod rito. Sa unang pinto ito huminto ay binuksan yon.

"Magpahinga ka na, bukas na tayo mag-usap" sabi nito. wala syang kibong pumasok sa malaking silid.

"Aalis ako bukas at-"

"Get rest Carmella" putol nito sa sasabihin nya. nagkibit balikat lang sya at tuluyan ng pumasok sa silid. narinig nya sinara ni Aiden ang pinto, pero di ito pumasok sa loob. marahil sa kabilang silid ito matutulog.

Ginala nya ang mga mata sa paligid. moderno at mukhang bagong gawa ang buong silid. at masasabi nyang masarap mag relax lalo na malamig-lamig ang klima. naupo sya sa malaking kama at ilang beses pa nyang binagsak ang pang upo dahil natutuwa sya sa sobranh lambot ng kama. di pa sya nakaupo sa ganoong kalambot na kama, tila sya naupo sa bulak sa sobrang lambot. hinila nya ang malaking unan at niyakap yon. pati unan malambot din. alam nyang mamahalin ang mga gamit kaya ganoon kalambot ang mga iyon.

"Ang sarap naman matulog sa ganito" bulong nya at binagsak ang katawan sa malambot na kama.

"Wow" at huminga ng malalim.

"Saan kaya matutulog si Aiden?" tanong nya sa sarili. ang sarap sigurong matulog sa ganitong kama kung katabi nya si Aiden. pero mabilis nyang binura sa isipan yon, dahil baka kung saan umabot ang iniisip nya. isa pa ang dapat nyang isipin ngayon ay kung paano sya makakauwi bukas.

Naalimpungatan syang tila may nakadagan sa may dibdib nya. gumalaw sya at may nakapang malaking braso. nagmulat sya ng mga mata at tumambad sa kanya ang tulog na tulog na si Aiden.

"Aiden" bulong nya at kahit sa malilim na ilaw na hatid ng lamshade at naaaninag nya kung gaano kagwapo si Aiden.

"Aiden" bulong nya habang nakatitig sa gwapong mukha nito na kahibla nalang ang layo sa mukha nya. dahan-dahan nyang hinawakan ang gwapong mukha nito. magaspang yon marahil sa balbas ma nais ng tumubo.

Mula pa noong kabataan ni Aiden gwapo na ito at talaga namang pinagkakaguhan ng mga estudyante noon sa SMU. isa na sya sa mga estudyanteng yon, pero alam nyang suntok sa buwan yon, kaya naman pinilit nyang pigilan ang paghanga nya kay Aiden noon. pero hindi nya nagawa dahil lihim nya itong nagustuhan, at tila lumalim yon sa bawat araw na makita sya nito at pinagagalitan dahil sa Ate Grace nya. isama na pinalayas sila ni Aiden noon sa bahay nila, nakaramdam sya ng takot kay Aiden, pero hindi nagbago ang pagtingin nya rito, makalipas ang halos anim na taon. nanatili ang lihim nyang damdamin rito.

Kung tutuusin hindi naman na lihim, dahil kahit anong tago nya nararamdamam ni Aiden na may damdamin sya rito. at natutuwa syang may damdamin din sa kanya si Aiden, yun nga lang di sya sigurado kung pagnanasa lang ang pagtingin nito sa kanya. pero kung ganoon pa man hahayaan na nya, dahil ang mahalaga makasama nya si Aiden kahit panandalihan lamang.

Gumalaw si Aiden at mabilis nya inalis ang kamay nya sa mukha nito.

"Carmella" he whispered with his sleepy sexy voice.

napalunok sya, dahil naghatid ng bolta-boltaheng kilabot ang simpleng pagtawag nito sa pangalan nya.

"Are you awake?" he asked. at gumalaw ito. inabot ang lampshade at mas pinaliwanag ang ilaw non.

"Sorry, nagising pa kita" paumanhin nya rito at bumangon mula sa pagkakahiga.

"Why?" he asked at sumandal ito sa headboard ng kama.

"Hindi ko alam na dito ka pala matutulog, akala ko sa kabilang kwarto"

"I see, you are already asleep pagpasok ko kanina, hindi na kita ginising pa"

"Yeah" tanging sabi nya at sinuklay ang buhok sa kamay. napansin nyang walang damit pang itaas si Aiden at naisip tuloy nya kung may pangibaba ba ito o wala din. nakatakip kase ng kumot ang ibabang bahagi ng katawan nito.

"Do you want anything? nagugutom ka ba?" tanong nito. hindi nga pala sila nakakain kanina dahil away sila ng away.

"No, nothing" sagot nya at nahihiyang tumingin rito.

"Ok lang bang dito ako matulog o dun nalang ako sa sofa" sabi nito at tinuro ang sofa bed.

"ah... eh... ok lang naman..." nahihiyang sagot nya.

"may gusto ka bang sabihin Carmella?" tanong nito.. marahil napansin nya na tila sya balisa.

"Ah... wa.. la naman.. sige matulog na tayo" sagot nya at hakmang hihiga na ng pigilan sya ni Aiden sa magkabilang balikat.

"are you sure?" paniniyak nito.

"Yeah.. yeah..." tanging sagot nya at di ilang beses syang napatingin sa hubad na katawan nito. naaakit sya sa abs nito. napalunok sya at pilit umiwas.

"just tell me what you want Carmella" nakangiting sabi nito.. na tila nabasa na nito kung ano ang nasa isip nya. nais nya itong halikan, tulad ng ginagawa nila dati, at nais nya itong hawakan at at..

Hindi nya natuloy ang nasa isip, naramdaman nya ang mga labi ni Aiden sa mga labi nya. at hindi na sya nagdalawang isip pa. gumanti sya ng halik kay Aiden na kanina pa nya nais gawin.

They kissed passionately. and Aiden's hands began to travel over her body. he touched her neck down to her chest as their lips remained on each other. she respond more passionately with every warm kiss Aiden gives. Her hands also started to move. she touched Aiden's chest slowly, it seemed she wasn't sure what she was doing. basta ang alam nya, gusto nya ang ginagawa nila ni Aiden. at handa syang ibigay ang sarili kay Aiden ng walang ano mang kapalit. kahit pagkatapos ng gabing ito ay mawalan na ng interes sa kanya si Aiden ay tatanggapin nya, ang mahalaga naibigay nya ang sarili kay Aiden sa lalaking mahal nya mula noon hanggang ngayon.