Chapter 40
Carmella
"What?" Bulong nya ng paulit-ulit na marinig kay Aiden ang salitang I love you
"God Carmella! I love you, and I can't help it" Sagot nito bigla syang niyakap ng mahigpit.
"God knows I hate this but, there is nothing I can do about it, Pinigilan ko but, I can't, I love you Carmella" Patuloy nito habang nakayakap sa kanya ng mahigpit.
"Aiden" bulong nya
"I will protect you Carmella, I will" Kumalas ito ng yakap sa kanya at hinawakan ang magkabilang balikat at tumingin sa mga mata nyang ramdam nyang magang-maga na sa kakaiyak.
"Carmella, kaya mo ba kong mahalin? dahil ako kayang-kaya na kitang mahalin at ipaglaban.
"Sigurado ka ba dyan?" pag-aalinlangan nya.
"Yes! kaya kitang ipaglaban sa buong San Miguel, kaya kitang iharap sa bayan na ito Carmella!" Sagot nito na lalong nagpaiyak sa kanya.
"Aiden" bulong nya niyakap ito ng mahigpit. ang tagal na nyang nais marinig kay Aiden ang mga salitang yon, at sa wakas narinig na nya. at naniniwala sya kay Aiden, naniniwala syang, kaya sya nitong ipaglaban, na kaya sya nitong iharap sa bayan nila, sa mga taong minamaliit sya at hinuhusgaan ang sya at buong pamilya nito.
"I love you Carmella" bulong nito sa buhok nya.
"I love you too Aiden"
"I will make them pay Carmella, lahat ng involved sa nangyari sa iyo papanagutan ko sa batas, hindi nila ito matatakasan. kahit pa sabihin mong malalagay sa eskandalo ang Del Castillo, ang mahalaga managot ang mga gumawa sa iyo nito.
"Thank you Aiden" Umiiyak na pasamalamat nya at niyakap ito ng mahigpit na mahigpit.
Kinabukasan nagmulat sya na maliwanag na sa buong paligid. kaagad nyang hinanap si Aiden sa paligid pero wala ito.
"Aiden?" tawag nya at dahan-dahang bumangon.
"Aiden!" tawag nya ulit. pero walang sumasagot. Bumangon na sya at nag ayos ng sarili. marahil umuwi si Aiden kagabe nag makatulog sya. bulong ng isip nya habang nag-aayos para umuwi na muna.
Papalabas na sya ng cottage nang makita si Aiden na paparating.
"Carmella" tawag nito.
"Saan ka galing?" tanong nya ng makalapit na
"May inasikaso lang, kumain kana ba?" tanong nito.
"Hindi pa, pero sa bahay na ko kakain"
"Ihahatid na kita, wait here" sabi nito at bago pa sya makatanggi mabilis na itong nakapasok sa cottage. Sumunod sya rito sa loob.
"Huwag mo na ko ihatid, kaya ko naman"
"No" mabilis na tanggi nito at pinatong sa mga balikat nya ang maong jacket nito na kinuha sa cabinet. suot parin nya ang damit nito, dahil nga nasira ang damit nya kagabi sa mga nangyari.
"Let's go' yaya nito at hindi na sya nagprotesta pa.
Habang naglalakad sila papunta sa parking lot, may mga matang nakasunod sa kanila, mga staff na ewan nya kung bakit, pero tila alam ng mga ito kung ano ang nangyari sa kanya.
"Alam ba nila ang nangyari kagabi?" tanong nya habang naglalakad sila ni Aiden.
"Yes, nagpatawag ako ng meeting kanina, at sinabi ko ang mga nangyari"
"Pero Aiden, I'm ok and-"
"This is not just about you Carmella, para na rin ito sa seguridad ng buong resorts, para hindi na maulit pa ang mga nangyari" sagot nito, napakagat labi sya.
"Just trust me Carmella" dagdag pa nito at kinuha ang kamay nya. nailang sya dahil may mga taong nakakakita sa kanila.
"Don't mind them" bulong nito at mahigpit na hinawakan ng kamay nya. sinulyapan nya ang kamay na mahigpit na hawak ni Aiden. lihim syang natuwa. dahil pakiramdam nya, handa na syang iharap ni Aiden sa buong San Miguel.
"Hindi parin ako nag be-breakfast ok lang ba kumain muna tayo, bago kita ihatid?" tanong ni Aiden nang makasakay na sila sa kotse nito.
"Ah... huwag na busog pa naman ako, isa pa baka may ibang makakita sa atin, baka kung ano pa ang isipin" sagot nya, napansin nya ang pagbuntong hininga ni Aiden.
"Hindi pa ba malinaw sa iyo ang lahat Carmella? kaya kitang iharap sa buong San Miguel, kaya kitang iharap sa buong mundo. kung itatanong mo kung bakit, tulad ng sinabi ko kagabi. I love you Carmella, and I will fight for you, I will protect you" Litanya nito at kinuha ang kamay nya.
"Just trust me Carmella, I need you to trust me" bulong nito at hinalikan ang kamay nya. ngumiti sya rito at tumango.
"Thank you Aiden"
"I love you Carmella" sabi nito at bago pa sya makasagot. nasa mga labi na nya ang mga labi ni Aiden. mapusok at mapanghanap. nagpaubaya sya at gumanti rito ng halik. wala silang pakialam kung may nakakakita man sa kanila sa ginagawa nila sa loob ng kotse. pero mukha wala naman dahil tinted ang salamin non.
"I need you Carmella, you make me hard" bulong ni Aiden sa mga labi nya.
"Aiden" bulong nya at sya na mismo ang muling humalik sa mga labi nito. mas mapusok at mapangangas. naramdaman din nya ang paglalakbay ng malapad na palad ni Aiden sa leeg nya pababa sa damit na suot nya. napahitad sya at di maiwasang mapaungol. sa bagong karanasang nararamdaman sa loob mismo ng kotse ni Aiden, sa ilalim ng maliwanag na araw.
"I want you now Carmella" bulong nito at kinagat ang tenga nya.
"you can have me now" malambing na sagot nya.
"Naughty" sagot ni Aiden at muling hinalikan sa mga labi.
"you will be mine tonight Carmella, I promise"
"I love too" sagot nya at kinagat ang ibabang labi, seducing him.
"Let's go, kumain na muna tayo, baka kung saan tayo mapunta" nakangitiny sabi ni Aiden at inayos na ang sarili sa driver seat. napangiti sya at inayos ang nagulong damit dahil sa mga kamay ni Aiden.
Ito na ba ang simula ng relasyon nila Aiden? mahal ba sya talaga ni Aiden o naaakit lang ito sa kanya? aaminin nyang mahal nya si Aiden, pero nagdadalawang isip sya kung totoo bang mahal sya ni Aiden, at kung kaya nga ba syang iharap sa mga mapanghusgang mga tao sa bayan nila. hanggang saan naman kaya sila aabot ni Aiden? maraming tanong ang pag-aalinlangan ang gumugulo sa isip nya, pero saka na nya iisipin ang lahat nang iyan, ang mahalaga maging masaya sya sa piling ni Aiden, kung panandalihan man ay hindi nya alam, basta she will enjoy every moment, cause she loves him so much. and she will accept everything happen in the future. handa syang masaktan sa ginagawang pagsugal nya sa pagmamahal kay Aiden.
"Mukha mas magaling ang batang yan kesa sa mga kapatid ah, ang batang Del Castillo ang nabingwit nya"
"Oo nga, siguradong jackpot yan at ang pamilya nya, dahil malaking isda ang nahuli, panigurado tiba-tiba ang mga yan"
"iba din ang karisma ng pamilyang yan ano"
Dinig na dinig nyang bulungan ng mga kapitbahay nila habanh nagtatapon sya ng basura sa basuraan.
Alam naman nyang tila may 24/7 na CCTV sa lugar nila at sa pamilya nila yon nakatutok, at walang pinapalampas na balita ang mga ito.
Ilang beses na kasi nilang nakita si Aiden na inahatid sundo sya nito sa bahay nila. at lumabas na rin ang balita sa bayan nila na iniligtas sya ni Aiden mula sa mga manyakis na yon. kaya yan umaga't gabi sila ang pinag-uusapan sa lugar nila. lahat interesado sa kung ano ang susunod na mangyayari sa kanila ni Aiden.
Bumuntong hininga lang sya at hindi na pinansin ang mga tsismosang kapitbahay, sanay na sya sa mga ito, ngayon pa ba sya magpapaapekto, sanay na syang makarinig ng masasamang salita mula sa mga ito, at lahat ng yan at binabalewala nalang nya.
"Mella, kayo na ba talaga ng Castillo na yon?" tanong ng Ate Lanie nya ng makapasok na sa loob ng bahay.
"Bakit ba?" iritang tanong nya, dahil bakit ba parang napaka imposible sa lahat na isipin na isang Aiden Del Castillo ang nagkagusto sa kanya.
"Wala lang, kung ako sa iyo, hingin mo na lahat ng gusto mo habang nahihibang pa sya sa iyo" sagot ng kapatid. napakunot noo sya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Hoy! Mella huwag kang tatanga-tanga dyan ah. mulat ka naman siguro na kahit anong mangyari hindi kayo magtatagal ng Del Castillo na yon"
"Ano? bakit naman?"
"Anong bakit? Mella isa kang Perez, salot sa bayan na ito, pamilya ng kaladkarin" sagot nito habang sa pinapatuyong kuko nakatingin. at tila ba balewala na rito ang sinasabi.
"Hindi ako katulad ng iniisip nyo" sagot nya rito. nasaktan sya sa sinabi ng kapatid pero wala naman syang magagawa, dahil alam naman nyang ganoon na nga ang nangyayari sa kapatid. iba nanaman kase ang kinakasama nito, de pamilya at may edad, kaya nakukuha nito ang lahat ng luho.
"Turuan kita ah, una mong gawin, pabili ka nang condo mo, para naman malaki-laki ang pundar mo, isa pa siguradong ibibigay nya yon, dahil sya naman ang naka una sa iyo" nanlaki ang mga mata nya sa sinabi ng kapatid.
"Ate Lanie!" saway nya rito. dahil wala pa namang nangyayari sa kanila ni Aiden, oo madalas naghahalikan at naghahawakan pero hindi pa sila umabot sa ganoong sitwasyon. at kung sakali man umabot sila, ibibigay nya ng buong-buo ang sarili at walang hihingin na kapalit.
"Bakit? totoo naman ah! kaya naiibang sa iyo yan dahil sya ang naka una sa iyo, kaya ako sa iyo hingan mo ng malaking kapalit para sulit naman yang virginity mo"
"Tumigil ka nga Ate! kaya ganyan ang sinasabi sa atin ng mga tao eh, laging nyong hinihingan ng kapalit ang pagsiping nyo sa mga nakakasama nyo! hindi ba kayo nahihiya? araw-araw pinag-uusapan ang pamilya natin, sinasabing masasamang babae tayo, namemera ng mga lalake at pumapatol kung kani-kanino, and worst naninira ng pamilya" hiyaw nya dahil sa tinitimping galit.
"Bakit kung makikinig ba ko sa kanila mabibili ko ba lahat ng kailangan ko? kung pakikinggan ko ba sila magkakapera ako? hindi diba?" inis na litanya nito at tumayo mula sa kinauupuan at naglakad palapit sa kanya.
"huwag kang magmalinis dyan, dahil kahit anong gawin mo isa ka paring Perez, pamilya ng kaladkarin" marihing sabi nito.
"Tama na!" sigaw nya at naitulak ang kapatid.
"Matapang ka na ngayon, porket may Aiden kana ah? pinagmamalaki mo sya!" galit na sabi nito at tinulak sya, napasadsad sya sa mesa.
"Sorry Ate" paumanhin nya.
"Huwag kang mayabang Mella, dahil katulad ka lang namin, maniwala ka sa hindi, pag nagsawa na sa iyo ang Del Castillo na yan, iiwanan ka rin, minumulat lang kita"
"Hindi sya tulad ng iniisip mo"
"Pero tulad ko din ang tingin nya sa iyo"
"Ate" bulong nya.
"Buksan mo mga mata mo" sabi nito at muli syang tinulak bago tuluyang umakyat ng hagdan. Napaiyak sya at napaupo sa silya. wala na ba talaga syang pag-asa? wala na ba talagang lalaking pwedeng magmahal sa kanya at tanggapin sya bilang Carmella Perez? tanong nya sa sarili ang napahagulgol ng iyak.
####Chapter 40
Aiden
"Oh my god Aiden! huwag mong sabihin na totoo ang mga naririnig ko, na ikaw at ang bunso ng mga Perez ay nakikitang lumalabas?" Galit na galit na bungad ng Mama nya pagpasok nito sa silid nya.
"Ma, ang aga-aga"
"Don't tell me hijo, naiibang karin sa mga Perez na yon, you know who are they in this town, they are, the are-" Hindi matuloy-tuloy nito ang sinasabi.
"Ma, Carmella si different"
"Hijo, she is living with those wh*re!" Mabilis na sabi nito. kinagulat nya ang masamang salitang lumabas ang bibig ng ina. kilala nya ang ina na takot na takot magbanggit ng masamang salita, pero nagawa nito ngayon.
"Ma! she is not like that, Carmella is different!" pagtatangol nya at tumayo mula sa kama.
"What's make her different huh? she is living with her sisters, her one sister is the new kabit of Mr. Olivar, and her other sister used to be your Dad woman! for god sake Aiden! bigyan mo naman nang kahihiyan ang pamilyang to!" Litanya ng Mama nya. bumutong hininga sya, ayaw nyang makipagaway sa ina. isa pa hindi nila dapat pinag-aawayan si Carmella.
"Just forget what happened in the past Ma" bulong nya at lumapit sa ina.
"Hijo, if you want me to live in peace, please leave that wh*re" Matigas na sagot nito at mabilis na tumalikod palabas.
Nagkibit balikat sya at nagbuga ng hangin. Nagsisimula palang sila ni Carmella, pero eto problema na kaagad.
"Damn!" mura nya at naihagis sa kama ang hawak na damit.
Kinagabihan tinawagan nya si Harvey para makipag kita sa VincBar. kailangan nya ng makakausap at kailangan nya ng alak.
"So, Carmella eh" Sabi ni Harvey nang nakakadalawang kopita na sila ng alak. tumango sya at humingi muli ng isa pang kopita.
"I don't know pare, but ang gulo, ang gulo-gulo" sabi nya at inubos ang laman ng kopita at muling sumenyas na isang kopita pa.
"Enough pare, I need to hear the story first bago ka malasing dyan" pigil ni Harvey.
"Well, there's no story to tell, I know you know everything, sa liit lang ng bayan ng San Miguel for sure nakarating na sa iyo kung ano ang latest" Sagot nya sa kaibigan.
"I didn't came here to judge, I came to listen, so Is this serious now?" He asked. liningon nya ang kaibigan. mula nang makausap nya ang ina kanina, hindi pa nya tinatawagan si Carmella, hindi rin nya ito pinuntahan sa kanila para ihatid sa SMU, tulad ng lagi nyang ginagawa. Sa ilang linggong nakakasama nya si Carmella masasabi nyang masaya sya, masayang-masaya at tila pakiramdam nya sila ni Carmella ang tao sa mundo, na tila ba walang mga taga San Miguel ang huhusga kay Carmella.
"I love her" sabi nya habang nilalaro ang walang laman na kopita.
"I know that pare"
"But, it seems the whole San Miguel hate it, they judge her, and nahihirapan ako to be honest"
"Bakit ka naman mahihirapan kung mahal mo sya? bakit ka makikinig sa mga tao sa paligid mo kung mahal mo sya?" Tanong ni Harvey sa kanya.
"Is not that easy"
"Ano bang kinatatakutan mo?"
"What if, she's not different?"
"What different do you mean?"
"I mean, her sisters, well...." Hindi nya matuloy-tuloy dahil hindi nya alam kung ano ang tamang salita sa nais nyang sabihin.
"Her Sisters? what are they? nagdadalawang isip ka ba kay. Carmella dahil sa pamilya nya?"
"I don't know, it just..."
"Alam kung di maganda ang reputasyon ng mga Perez sa bayan na ito, lalo na sa pamilya mo, but what happened in the past is not Carmella's fault or even hindi ginusto ni Carmella ang mga nangyari noon sa pamilya mo at sa pamilya nya"
" I know that, she was young that time"
"And kung mahal mo sya dapat tanggapin mo kung ano man sya noon at ngayon, accept her flaw, kung ang kinatatakutan mo ay maging tulad din sya ng mga kapatid nya, well you need to trust her and believe in her" litanya ng kaibigan.
"I don't know, basta alam ko mahal ko sya, at ipaglalaban ko sya sa buong San Miguel, sa mapanghusgang bayan na ito" sagot nya bago inubos ang laman ng kopita.
Matapos silang mag-usap ni Harvey sinubukan nyang puntahan si Carmella sa bahay ng mga ito. namimiss na nya ito sa maghapon palang na hindi nila pagkikita.
"Wala si Carmella hijo" sagot ng Nanay ni Carmella ng pag buksan sya nito ng gate.
"Saan po sya nagpunta? tanong nya dahil alas otso na ng gabi, sigurado syang tapos na ang duty nito Del Castillo Resorts.
"Nay, si Mar na ba yan?" sigaw ng nasa loob ng bahay. sinulyapan nya ang nagsalita. nakita nya ang isa sa mga kapatid ni Carmella na nakasuot ng maiksing bestida na halos wala namang tinatakpan pa.
"Ay, si Pogi pala" pa cute pang sabi nito na nais nyang ikangiwi.
"Hinahap mo ba si Carmella?" tanong nito, hindi sya sumagot at mabilis na nagpalaam sa Nanay ni Carmell. naiirita syang makita ang kapatid ni Carmella sa ganoong ayos.
"Kung hinahanap mo sya, panigurado nasa Alvarez Beach yon, wala naman ibang pinupuntahan yon eh kundi doon" Sabi nito. napahinto sya sa pagtalikod ng marinig ang Alavarez Beach.
"Andun yun, puntahan mo na" dagdag pa ng kapatid ni Carmella at muling pumasok sa loob. bumuntong hininga sya at bumalik na sa kotse.
"Alvarez Beach? sa ganitong oras? anong ginagawa ni Carmella sa ganitong oras doon? si Shawn ba? nagkikita parin ba ang dalawa? masyado ba syang naging masaya at nawala sa isip si Shawn? masyado ba syang nakampante at nakalimutang maaaring nakikipag kita si Carmella kay Shawn? pero bakit? hindi pa ba maliwanag kay Carmella na may relasyon na sila at kinakailangan pa nitong puntahan si Shawn?
"Damn it!" mura nya at napapalo sa manibela.
May relasyon ba talaga ang dalawa? kung meron man walang pinagkaiba si Carmella sa mga kapatid nito, na pumapatol din sa may asawa. ano nalang ang sasabihin ni Harvey pag nakataon? paano nalang si Hainna kung sakali? ang daming tanong na lalong nagpagulo sa isip nya. habang halos paliparin na nya ang sasakyan para makarating kaagad sa dulo ng San Miguel.