Chapter 39
Aiden
"You should stop Aiden, ang dami-daming babae dyan" bulong nya sa sarili habang umiinom sa veranda ng cottage na tinutuluyan nya sa Resorts.
Ewan nya kung bakit pagdating kay Carmella hindi nya mapigilan ang sarili, hindi na nya alam ang gagawin, dahil aaminin nyang naaakit sya sa batang Perez kahit sabihin pang ilang beses na nyang pinigilan ang sarili na huwag maakit kay Carmella at ilang beses na ba nyang pinaalala sa sarili na hindi sya maaaring umibig sa isang tulad ni Carmella na mababang uri ng babae, dahil sya si Aiden Del Castillo at hindi ang isang tulad lang ni Carmella ang nababagay sa kanya.
"Damn it!" mura nya at muling lumagok sa hawak na alak. at napansin si Carmella at Liza na magkasamang naglalakad sa buhanginan. kumunot ang noo nya dahil alam nyang hindi magkaibigan ang dalawa at alam din nyang ilang beses ng nag away ang mga ito sa Resorts. pero ngayon magkasama ang mga ito na parang magkaibigan. sinundan lang nya ng tingin ang dalawa at tinuloy ang pag inom.
"Saan naman pupunta ang mga yon, hindi ba tapos na ang duty nila?" tanong nya sa sarili at kinuha ang cellphone tumawag sa front desk ng Resorts.
"Ano? party? ni Liza?" kunot noong tanong nya. Nag sabihin na nagpa reserved ng isang cottage si Liza para sa party nito.
"And she invite Carmella?" Bulong nya at bumuntong hininga. Muli'y ininom nya ang alak sa bote hangang sa maubos ang laman. At mabilis na lumabas ng cottage. ewan nya pero may masama syang kutob kay Liza. Alam nyang hindi magkaibigan ang dalawa, at alam nyang mabait si Carmella at madaling ipahamak.
Lumakad sya kung saan sinabing cottage ang pinareserved ni Liza. Medyo malalim na rin ang gabi at karamihan sa mga guest na naroon eh nasa loob na ng kani-kanilang cottage at tila wala naman syang makitang party sa mga cottage na dinadaanan, dahil walang music at maliwanag na ilaw.
"Where are they?" Bulong nya at nagpatuloy sa paglalakad. pero wala talaga syang makitang nagpaparty.
"Liza huwag!"
Narinig nyang tila tili yon ni Carmella sa di kalayuan. at lalong binilisan ang paglalakad. At bigla nyang nakita si Liza na lumabas sa cottage at tila may hinahanap sa mga gamit sa veranda. at muling bumalik sa loob. Sinundan nya ito at di ilang beses nyang narinig ang mga tili ni Carmella at mga tawanan ng ilang mga kalalakihan.
"Tama na bitiwan nyo ko!"
Tinig ni Carmella at mabilis nyang binuksan ang pintuan na naswertihan nyang hindi naka lock.
Nakita nyang gulat na gulat ang mga naroon ng makita sya lalo na si Carmella na hawak-hawak nga dalawang lalake ang magkabilang kamay, habang ang isa naman ay nakahawak sa leeg ni Carmella. naningkit ang mga mata nya ng makitang punit ang blouse na suot ni Carmella na halos sumisilip na ang dibdib nito.
"Aiden" narinig nyang tawag ni Carmella at nalipat ang tingin nito sa kanya. luhaan ito habang magulo ang buhok at mapula ang pisngi na tila ba ilang beses itong sinampal. naikuyom nya ang kamao at nalipat inisa-isang tinignan ang mga lalaking nakapalibot kay Carmella na marahil ay ka edad lang din ni Carmella. Nalipat din ang tingin nya kay Liza na halata ang takot at panginginig habang hawak-hawak ang cellphone, hindi sya maaaring magkamali. kinukuhanan ni Liza ng Video ang kalaswaang ginagawa ng mga lalaking ito kay Carmella.
"What the fuck!" Galit na sigaw nya.
"Sino naman to?" maangas na tanong ng lalaking nasa harapan ni Carmella habang nanatili parin itong hawak ng dalawa pang lalake.
"Guys let's go!" Utos ni Liza.
"What?"
"Bitiwan nyo sya!" matigas na utos nya.
"Kung gusto mong makitikim, pagkatapos na namin, manood kana muna dyan" Sagot ng lalaking nasa kanan ni Carmella at sinubukan pang halikan si Carmella at buti nalang nakaiwas ito at dumapo ang mga labi ng lalake sa buhok ni Carmella.
"Son of a bitch!" Sigaw nya at mabilis na sinuntok ang mga ito. pa isa isa hanggang sa mabitawan ng mga ito si Carmella. Napatili si Carmella at napasiksik sa sulok.
"Tama na! Aiden tama na!"
Carmella
"Aiden tama na!" umiiyak na sigaw nya habang kitang-kita ng dalawang mata ang galit ni Aiden habang pinagsusuntok ang isang lalake.
Nagsitakbuhan naman ang mga kasamaan nito pati na si Liza na nagsimula ng lahat.
"I'll kill you!" sigaw ni Aiden at muling susuntukin sana ang lalake nang biglang syang tumakbo at payakap na pinigilan si Aiden.
"Tama na" Hagulgol nya.
"Please Aiden tama na" pagsusumamo nya. habang mahigpit na nakayakap kay Aiden at umahagulgol ng iyak, na hindi nya mapigilan na tila lalo nyang ninais na umiyak ng umiyak habang nakayakap kay Aiden.
"Go to hell!" sigaw ni Aiden ng marahil kumaripas na ng takbo ang lalake.
"Are you ok?" tanong nito at gumanti ng yakap sa kanya. na lalong nagpahagulgol ng iyak sa kanya, dahil pakiramdam nya ligtas na sya at wala nang sino mang makakapanakit sa kanya.
"Those bastard! I'll make them pay!" nagtatagis bagang na banta nito. at naramdaman ang paghigpit ng yakap nito sa kanya at mariing paghalik sa buhok nya.
"Your safe now Carmella" Bulong nito at kumalas ng pagkakayakap at hinawakan ang mukha nya na puno na ng mga luha at alam nyang may pasa na rin, dahil di ilang beses syang sinampal ni Liza kanina, at hanggang ngayon ramdam pa nya ang sakit.
"Damn" mura ni Aiden habang tinitignan ang mukha nya. at bumaba yon sa punit nyang damit na halos wala nang natatakpan sa dibdib nya. napapikit si Aiden at di ilang beses nyang narinig ang pagmumura nito. pinagsalikup nya ang mga kamay sa kahubdan at nagyuko ng ulo.
"Shit!" mura nito at mabilis na inalis ang suot nitong damit.
"Medyo basa, pero gamitin mo na, kesa sa lumabas ka ng ganyan" sabi nito at iniabot sa kanya at puting T-shirt. Nahihiya man sya kinuha na rin nya para matakpan ang sarili. mabilis nyang sinuot yon na kahit basa ng pawis naaamoy parin nya ang mabangong pabango nito, na naghatid sa kanya ng kakaibang pakiramdam.
"Doon ka muna sa cottage ko"
"Huwag na uuwi na ko" mabilis na sagot nya habang naglalakad na sila sa buhanginan.
"Hindi!" matigas na sagot nito, liningon nya ito at nakikita nya ang galit sa mga mata nito. galit ba sa kanya o sa mga taong gumawa non sa kanya?
"Hindi ka uuwi sa inyo nang ganyan!"
"Pero Aiden-"
"sa cottage ko, dun ka tutuloy" matigas na utos nito
"I'm ok" pagmamatigas nya. at lumihis ng daan para makauwi na.
"Carmella don't push me" may banta sa tono nito.
"Let's go!" matigas na sabi nito at hinila sya sa braso, napatili sya dahil masakit ang braso nya.
"Aray"
"I'm sorry" mabilis na paumanhin nito.
"Gagamutin ko lang sugat mo, at magbihis ka nang maayos" Patuloy nito. tumango nalang sya, alam naman nyang ginagawa ni Aiden yon para maiwasan na kumalat ang nangyari sa kanya sa loob ng Del Castillo Resort. syempre pangangalagaan nito ang pangalan ng Resort nila.
Pagdating sa cottage kaagad naghanda nang maipanlilinis sa sugat nya sa labi. pumutok ang labi nya dahil sa malakas na sampal ni Liza kanina, may ilang pasa din sya sa pisngi, isama pa ang ilang galos sa may dibdib nya.
"Ito nalang isuot mo, marumi na yang damit ko"
"ah.. huwag na ito nalang ok na ko dito" sagot nya nang matapos malinis ang sugat nya.
"No, change" utos nito at iniabot ang malinis na puting T-shirt tinanggap nya yon at mabilis na pumasok sa banyo.
Tumingin sya sa salamin at kitang-kita nya ang sugat sa labi at pamumula ng pisngi nya. at mga kalmot sa dibdib, hindi nya maiwasang mapaiyak habang nakatingin sa salamin.
"oh god" usal nya at napaupo sya sa sahig at nagiiyak ng nagiiyak. Anong mangayayari sa kanya kung sakaling hindi dumating si Aiden? Anong gagawin ng mga iyon sa video nya?
"Carmella?" Tinig ni Aiden na di nya namalayang nakapasok na pala sa loob ng banyo.
"Are you ok?" Nag-aalalang tanong nito.
"I'm not ok" umiiyak na sagot nya at lalong lumakas ang iyak nais nyang ilabas ang sama ng loob, nais nyang mag sisigaw at itanong kung bakit kailangan umabot ang lahat sa ganon.
"Sshh.. Don't worry, hindi ka na nila magagawan ng masama, I'm here, I'm going to protect you Carmella" Bulong nito sa kanya at naramdaman nya ang pagyakap nito sa kanya. lalo lang syang nag-iiyak.
Hindi nya alam kung gaano sila katagal sa ganoong sitwasyon, nakayakap sa kanya si Aiden habang inubos lahat ng luha nya.
Naramdaman nya ng dahan-dahan syang buhatin ni Aiden palabas ng banyo at ihiga sa malaking kama nito.
"Magpahinga ka muna" bulong nito ng maihiga na sya sa malambot na kama.
"uuwi na ko" sagot nya at sinubukang bumangon.
"Carmella, kahit ngayon lang makinig ka sa akin"
"Pero hahanapin ako sa bahay"
"Tawagan mo sila, sabihin mong dito ka sa akin matutulog ngayong gabi" sagot nito napa angat sya ng mukha at napatitig sa mga mata ni Aiden na seryoso.
"Bakit ko naman sasabihin yon?"
"Dahil yon ang totoo"
"Pwede naman akong umuwi ngayon, ihatid mo ko kung gusto mo" pamimilit nya at muling sinubukan bumangon at muli'y pinigilan sya ni Aiden
"Aiden"
"Dito ka matutulog tapos!"
"Pero-"
"Carmella, kaya ka napapahamak dahil di ka marunong makinig!" may galit sa tono nito.
"Ano nalang ang sasabihin nila pag may nakaalam na dito ako natulog sa cottage mo, kasama ka?"
" Wala akong pakialam sa sasabihin nila"
"Wala ka rin bang pakialam na madikit ang pangalan mo sa isang tulad ko?"
"Carmella please, kailangan mong magpahinga, bukas na natin pag-usapan yan"
"Aiden, handa ka bang madikit ang pangalan mo sa isang Perez?" panggigihit nya.
"Yes!" Mabilis na sagot nito. Natinag sya pero nagpatuloy parin.
"Hindi ka ba nahihiya na ang isang tulad mo ay makasama ang isang tulad ko?"
"Would you stop!"
"No, Aiden!"
"Yes Carmella! Yes! wala akong pakialam sa sasabihin nila! wala akong pakialam kanino man, ang mahalaga ligtas ka at kasama mo ko!"
"Why?" kunot noong tanong nya habang titig na titig sya sa mga mata nito.
"Kailangan pa ba may dahilan?"
"Why Aiden? Just answer my question"
"Carmella please!"
"Ayaw mo ba kung paalisin dahil nag-aalala ka na baka may makaalam ng nangyari sa akin sa loob ng resort mo? nag-aalala ka ba na mailagay ko sa eskandalo ang Del Castillo Resorts ah Aiden?"
"What?!" kunot noong tanong nito at napamura sa hangin at naglakad sa may bintana.
"Don't worry Aiden kung yon ang inaalala mo, hindi ako magsusumbong, hindi ko ilalagay sa eskandalo ang Del Castillo"
"Yan ba talaga ang iniisip mong dahilan ko ah Carmella? ganyan ba kababaw ang tingin mo sa akin?" May galit sa tonong tanong nito sa kanya at tinapunan sya ng tingin.
"Alam kong sa simula palang ayaw mo na ko dito sa Resorts mo, dahil ano nga ba ang maibibigay ng isang tulad ko na kalat ang baho sa bayan na ito, ni ayaw mo nga-"
"I will make them pay Carmella!" putol nito sa sasabihin pa sana nya.
"I will! ako mismo ang magpapahuli sa kanila sa ginawa nila sa iyo!" tagis bagang na patuloy nito.
"What?!
"Wala akong pakialam kung ma eskandalo man ang Resorts pati na pamilya ko, sanay narin naman kami doon, at wala akong pakialam na sa pangalawang pagkakataon isang Perez nanaman ang naglagay sa eskandalo sa pamilya ko" sagot nito at sinulyapan sya, napakagat labi sya dahil kung itutuloy nga ni Aiden ang pagpapahuli sa mga gumawa sa kanya ng masama, ito ang pangalawang eskandalong binigay ng pamilya nya sa mga Del Castillo.
"You don't have to do that, I'm ok, wala naman masamang nangyari sa akin, You saved me"
"What if, hindi ako dumating? Paano kung wala ako doon para iligtas ka ah Carmella, can you picture it? can you imagine what will happen to you?"
"No! no! no!" mabilis na sagot nya at napaiyak.
"Natatakot akong isipin Aiden, natatakot ako" patuloy nya at napaiyak nanaman.
"Carmella" at lumapit ito sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.
"you are safe now, wala ng makakagawa ng masama sa iyo, I will protect you"
"Will you?" tanong nya at kumalas sa pagkakayap.
"Yes, Carmella, yes" sagot nito at pinunasan ang mga luha sa pisngi nya
"Why?, Aiden bakit kailangan mong gawin ito? bakit kailanganong iparamdam sa akin ang ganito?"
"Kailangan pa bang may dahilan?"
"Dahil ayokong umasa Aiden. Tell me Aiden why you are doing this? bakit mo ko tinutulungan? at bakit mo hahayaang malagay sa eskandalo ang Del Castillo? alam mong mainit ang mga mata ng mga tao sa bayan na ito sa tulad ko, alam mong maaaring walang maniwala pag sinabi ko sa kanila ang nangyari, alam mo at alam ko na maaari nila akong pagkatawanan pag nalaman ang nangyari sa akin at hindi paniwalaan na di ko gusto ang mga nangyari" mahabang litanya nya habang umiiyak.
"Don't think about them, ako, ako ang magsasabi at magpapatunay ng lahat"
"Bakit mo hahayaang madikit ang pangalan mo sa akin Aiden?" tanong nya, dahil may nais syang linawin rito, may nais syang marinig at umaasa syang maririnig nya.
"Carmella, I think I'm fallen in love with you, and I think I'm doing this beacause I love you"