Chapter 38
Carmella
"Pang gabi yata duty mo ngayon Mella?" tanong ni Mang Cesar pagdating nya sa Del Castillo Resort.
"Opo, malapit na rin po ako matapos Mang Cesar" Sagot nya at agad na syang nagpaalam sa matanda. Naglakad na sya papasok sa loob at agad napansin ang kotse ni Aiden sa parking lot.
"Bakit andito pa sya? sana huwag muna kame magkita" bulong nya dahil hindi pa sya handang makita si Shawn matapos ng mga nangyari sa kanila.
"Hi Mella" Bati ni Liza na kinagulat nya dahil nakangiti pa ito ngayon sa kanya. Bumuntong hininga lang sya at nagtuloy na sa pagpasok para mag in.
"Birthday ko nga pala, baka gusto mo pumunta mamaya" Yaya ni Liza na lalong pinagtaka nya dahil hindi sila magkaibigan isa pa galit ito sa kanya dahil kay Aiden.
"Salamat nalang pero-"
"Mella" Nakangiting sabi nito sabay hawak sa kamay nya.
"I know may mga nagawa ako sa iyo before, pero you know malapit nang matapos ang OJT natin dito hindi pa ba tayo magkakasundo?" Malambing na sabi nito.
"Pumunta ka na birthday ko naman isa pa sorry ko na rin sa iyo yon sa lahat ng nagawa ko dati" patuloy nito habang hawak-hawak parin nito ang kamay nya.
"Please Mella, bago man tayo mag hiwalay eh magkaayos na tayo" Patuloy nito. nagkibit balikat sya, wala naman sigurong masama kung pumunta na sya sa birthday nito, isa pa tama naman ito malapit ng matapos ang OJT nila kaya baka nga nais na nitong magkaayos na sila.
"Sige, sige saan ba?" Nakangiting tanong nya.
"Yes, Thank you Mella" masiglang sabi nito at niyakap pa sya.
"After ng duty natin, kumuha ako ng cottage sa beach doon tayo mag paparty after duty" nakangiting sabi nito.
"Ah.. sige sabay nalang tayo mamaya"
"Sure, thank you so much Mella" sabi pa nito bago tuluyang umalis. napangiti sya dahil kahit papano mababawasan ang mga taong galit sa kanya.
Sinimulan na nya ang trabaho at di ilang beses nyang sinilip silip kung andoon parin ang kotse ni Shawn. andoon parin yon pero di parin nya nakikita si Shawn.
"Asaan kaya sya? sarado na ang opisina nito" bulong nya at naupo sa buhanginan ninamnam ang malamig na simoy ng hangin. at naalala ang nangyari kagabi sa kanila ng Ate Grace nya.
Alam nya at sigurado syang pinagtatakpan lang ng Ate Grace nya si Mrs Alvarez kung anong dahilan ay hindi nya alam, marahil dahil sa pagkakaibigan o malaki ang utang na loob ng Ate Grace nya sa mga Alvarez. kahit na kailangan parin maituwid ang mali. Matagal na silang sira sa bayan ng San Miguel dahil sa pag-aakalang ang Ate nya ang kabit ni Mr. Del Castillo paano nga ba nila maitutuwid ang maling akala ng mga tao sa bayan nila. ano bang pwede nyang gawin para malinis ang pangalan nila. nakagat labi sya at malungkot na tumingala sa langit nakita nya ang mga bituin na nagkikislapan roon.
"Hi" Nagulat pa sya ng biglang mag magsalita sa tabi nya. nanlaki ang mga mata nya ng makita si Aiden na nakatayo sa likuran nya. kanina pa ba ito roon.
"Ikaw pala" tanging nasabi nya at pumasok sa isip nya ang eksenang nangyari sa condo nito. na halos gawan na sya nito ng masama. mabilis syang tumayo sa kinauupuan at pinagpag ang maong na suot.
"Can we talk?"
"Naka duty pa ko" Sagot nya at akmang tatalikod na.
"I'm your boss remember?" Matigas na sabi nito. Huminto sya sa pag akbang at hinarap ito.
"What?" inis na sabi nya at napatitig sa gwapong mukha nito at hindi nakaligtas sa kanyan ang pangingitim ng mga mata nito. kumunot ang noo nya. dahil tila tulad nya hindi rin nakatulog si Aiden sa kakaisip ng mga nangyayari sa kanila.
"About last night, I'm sorry..." Simula nito na seryoso ang mukha.
"Nagawa ko lang yon dahil akala ko kung ano na ang nangyayari sa inyo ni Alvarez"
"Aiden ano man mamagitan sa amin ni Shawn labas ka don, wala tayong relasyon at-"
"Carmella, listen" Putol nito sa sasabihin nya at hinawakan ang magkabilang braso nya para maiharap sya nito sa kanya.
"I like you, It seem mababaliw ako sa kakaisip ng tungkol sa inyo ni Shawn, and I can't even think na you slept with him"
"I slept with him yes, but nothing happened Aiden I can prove you wrong" inis na sagot nya at pilit binabawi ang mga braso.
"Why don't you accept my offer Carmella, be mine, please" pagsusumamo nito.
"Ligawan mo ko ng maayos gaya ng gusto ng mga kaedad ko Del Castillo" taas mukhang sagot nya at mabilis na binawi ang mga braso.
"Kung hindi mo kaya, well I'm sorry" Dagdag nya ng hindi ito kumibo at nagtuloy na sa pag alis. umasa syang hahabulin sya ni Aiden at sasabihin pumapayag na ito pero nabigo sya. walang Aiden na sumunod sa kanya.
"Mella here" tawag ni Liza ng palabas na sya hotel matapos mag out sa time machine.
"Let's go" yaya nito tumango sya at sumunod kay Liza paglakad sa beach.
"I'm sure mag eenjoy ka sa party" Nakangising sabi ni Liza. tumango lang sya rito. habang nasa isip parin nya si Aiden. namataan nya si Aiden sa cottage nito mukhang umiinom nakita sya nito kaya agad syang nag iwas ng tingin at binilisan ang paglalakad kasabay si Liza.
Pagdating sa cottage na inupahan ni Liza nakita nyang maraming tao roon at talagang nag paparty na nagkalat ang mga basyo ng alak at ilang pagkain.
"Look who's here!" sigaw ni Liza ng makapasok na sila cottage na halos di na nya makita ang mga naroon sa usok ng sigarilyo. Nagsigawan ang mga naroon na babae at lalake pero karamihan mga lalake.
"Carmella Perez" Sabi ng isang lalake na agad umakbay sa kanya at binugaan sya ng usok sa mukha. iiwas sana sya pero pinigilan sya ng lalake sa braso.
"Ano ba!" saway nya at sinulyapan si Liza na nakangisi habang kumukuha ng sigarilyo.
"The youngest slut in town guys Carmella" sigaw ng lalaking naka akbay sa kanya. mabilis nyang siniko ang lalake at hakmang tatalikod ng may humila sa buhok nya.
"Ouch!" tili nya at liningon ang may hawak ng buhok nya si Liza.
"Liza?" kunot noong tanong nya.
"You whore" nakangising sabi nito at tinulak sya, sumadsad sya sa isa pang lalaking umuusok ang bibig at hinapit sya nito sa bewang.
"bitiwan mo ko" tili nya at nagpumiglas.
"Boys she's all yours bahala na kayo sa kanya" sabi ni Liza at nagsigawan ang mga naroon.
"Liza anong ibig sabihin nito?" kinakabahang tanong nya habang nagpipilit na kumawala sa lalaking halos amuy na amoy na nya ang alak sa hininga nito.
"You whore son of a bitch you deserve it" nakangising sabi ni Liza.
"Liza anong binabalak mo?" naiiyak na tanong nya dahil tila malinaw na sa kanya ang mangyayari. niyaya sya ni Liza para ilagay sa panganib at tila alam na nya ang gagawin sa kanya ng mga naroong lalake. pag pasa-pasaan sya dudungisan sya oh god help her.
Hindi ito pwedeng mangyari bakit kasi nagtiwala sya kay Liza alam naman nyang sukdulan ang galit sa kanya ni Liza. ano nang gagawin nya paano sya makakatakas sa 4 na malalaking lalaki na to. paano nya magagawang takasan ang mga ito sa panganib.
They going to rape her, litteraly and no one gonna save her, tanging sarili lang nya ang makakapag listas sa kanya ngayon pero paano.
"Aiden" bulong nya at tuluyang tumulo ang mga luha.