Chapter 37
Carmella
"Mella, saan ka ba galing? Kanina kapa hinahanap ng Ate Grace mo, nag-aalala na sya sa iyo" bungad ng Nanay nya pagdating sa bahay nila.
"Oh?"
"Hindi ka raw nya matawagan. Ano bang nangyayari at paano ka napunta kina Mrs. Alvarez?" Tanong ng Nanay nya ng tuluyan na syang makapasok sa loob ng bahay. Lalay ang balikat na naupo sa sofa. Pagod sya pagod na pagod. Hindi lang ang katawan nya kundi pati ang isip.
"Ano po'ng sabi ni Ate?" Matamlay na tanong nya.
"Gusto ka raw nyang makausap, importante. Kaya tawag sya ng tawag sa iyo eh hindi ka naman daw nya matawagan" sagot ng Nanay nya at inabutan sya ng tubig sa baso.
"Uminom ka muna mukhang pagod na pagod ka" puna nito.
"Salamat po" at ininom ang tubig sa baso.
"Saan ka ba nanggaling anak? At ano bang nangyayari sa iyo? Noong isang araw basta ka nalang umiyak, ngayon naman hindi ka umuwi magdamag, pag-uwi mo ayan, pagod na pagod ka" litanya ng Nanay nya habang hinahawi ang mahabang buhok sa mukha nya.
"Nay" sambit nya at niyakap ang ina. At tulad dati hindi nanaman nya mapigilan ang mapaiyak.
"Mella naman anak" bulong ng Nanay nya.
Hinayaan syang umalis ng Tragora Condo ni Aiden mag-isa matapos ang mga nangyari sa kanila. Ang gulo ng isip nya at lalong nagulo dahil may ibang taong nadadamay. Si Shawn maganda ang pakikitungo sa kanya ni Shawn at alam nya at sigurado syang hindi interesado sa kanya si Shawn pagkakaibigan lang talaga ang namamagitan sa kanila dahil may asawa si Shawn at kung nagkataon na binata ito at nakakasigurado syang hanggang magkaibigan lang sila ni Shawn. At ngayong may Shawn na dumating sa buhay nya ay tila pakiramdam nya nagseselos si Aiden na alam naman nyang imposible dahil walang damdamin sa kanya si Aiden. Kay Aiden na mismo nanggaling pang kama lang sya at hanggang doon lang sya para kay Aiden. Isa pang nagpapagulo sa isip nya ngayon ay si Mrs. Divina Alvarez at ang Papa ni Aiden. Ayaw nyang mag-isip ng masama dahil parehong nasa kilalang pamilya ang mga ito at alam nyang ginagalang ang mga ito lalo na si Mrs. Divina sa bayan nila.
"Ano bang problema anak?" Nag-aalalang tanong ng Nanay nya. Pero gaya ng dati hindi masabi sa ina ang dahilan. Dahil mali at walang patutunguan ang pinoproblema nya. Umiibig sya sa lalaking kailanman ay hindi sya mamahalin at ni hindi sya kayang tanggapin kung ano at sino sya.
"Hindi kita pipilitin Mella kung hindi ka pa handa" sagot ng Nanay nya habang sinusuklay nito ang mahabang buhok nya sa likod.
"Salamat po Nay" sambit nya at niyakap ng mahigpit ang Ina. At tunog ng cellphone ang nagpahiwalay sa kanila.
"Ang Ate Grace mo tumatawag. Ikaw na sumagot para makausap ka nya" sabi ng Nanay nya at iniabot sa kanya ang cellphone nito. Alam naman nya kung bakit balisa ang Ate Grace nya at nais syang makausap kaagad. Marahil nasabi ni Mrs. Alvarez ang pagsugod ni Aiden sa bahay ng mga ito.
"Ate" sagot nya sa kabilang linya.
"Ano ka ba naman Mella! Pinag-aalala mo ko ng usto" malakas na boses na sabi ng Ate nya.
"Huwag ka na munang aalis ng bahay, hintayin mo ko kailangan nating mag-usap" patuloy nito umoo nalang sya para matapos na ang usapan. Matapos nilang mag-usap ng Ate Grace nya nagpaalam muna syang magpapahinga sa taas.
Pagkaakyat nya sa silid. Kaagad syang nahiga sa kama at muling nilabas ang sama ng loob kay Aiden. At lalo pa syang napaiyak ng maalala ang mga nangyari sa kanila ni Aiden sa condo nito. Dahil sa galit nito muntik na syang magawan ng masama ni Aiden. Ganoon na ba ito kagalit sa kanya at kay Shawn kaya umabot sa ganon ang lahat? Ibig bang sabihin nagseselos talaga si Aiden kay Shawn? Pero bakit? Hindi ba't pang kama lang naman sya ni Aiden? Bakit kailangan umasta ng ganun ni Aiden na tila ba isa itong selos na selos na boyfren? Posible kayang may damdamin rin si Aiden sa kanya na pilit nitong tinatago? Napailing sya sa huling tanong sa sarili. Dahil alam nyang hindi hahayaan ni Aiden na mahulog ang loob sa isang tulad lang nya.
Hapon na ng magising sya, hindi nya namalayan na nakatulog pala sya, marahil sa dami ng iniisip. Pagbaba nya nasa sala ang Ate Grace nya nag memeryenda kasama ang Nanay nya at Ate Joan nya.
"Gising kana pala Mella, halika at kumain ka muna" yaya ng Nanay nya. Liningon sya ng Ate Grace nya at mabilis na tumayo mula sa sofa at sinalubong sya sa hagdan.
"Buti naman gising kana, kanina pa ko dumating tulog ka kaya hindi na muna kita ginising" sabi ng Ate nya habang paakyat ng hagdan.
"Mag-usap muna tayo Mella" seryosong sabi nito at liningon ang Nanay at Ate Joan nya.
"Sa kwarto tayo mag-usap" at nauna na sa taas. Bumuntong hininga lang sya at sumunod na sa taas. Alam naman nya kung ano ang pag-uusapan nila si Aiden, si Shawn at si Mrs. Alvarez.
"Aminin mo sa akin Mella, may namamagitan ba sa inyo ni Aiden Del Castillo?" Agad na tanong ng Ate nya nang makapasok sa loob ng silid at isara ang pinto.
"Wala" mabilis na sagot nya dahil yun naman ang totoo.
"Mella, kapatid mo ko, hindi ka dapat naglilihim sa akin" at hinawakan sya sa kamay.
"Alam mo naman siguro kung sino si Aiden hindi ba Mella? Alam mo naman siguro na isa syang Del Castillo, at sya mismo ang nagpalayas sa atin noon sa tinitirhan natin
"Alam ko Ate" sagot nya at binawi ang mga kamay.
"Anong namamagitan sa inyo Mella?"
"Wala nga ate" matigas na sagot nya.
"Ang sabi ni Mrs. Alvarez halos kaladkarin ka ni Aiden palabas sa bahay nila dahil doon ka natulog! At anong dahilan ni Aiden para gawin yon sa iyo?"
"Ate wala ok? Wala" inis na sagot nya dahil ito rin naman sa tuwing nagtatanong sya noon tungkol sa gabing hindi umuwi si Mr. Del Castillo sa pamilya nito ay wala at wala din naman ang mga sagot nito.
"Mella ano ba!" At hinila sya sa kamay.
"Sabihin mo sa akin ang totoo, may relasyon ba kayo ni Aiden? Kailangan kong malaman ang totoo Mella para sa ikabubuti mo" pagsusumamo nito. Nagtaas sya ng mukha at humugot ng malalim na paghinga.
"Kung sasabihin mo rin sa akin ang totoo. Anong nangyari noon ng gabing hindi umuuwi si Mr. Del Castillo at kinaladkad kami ni Aiden palabas ng bahay?" Matapang na tanong nya. Alam nyang mali ang ginagawa nya sa kapatid na binibigay ang lahat sa kanya, pero kailangan nyang malaman ang totoo, ang totoong matagal na nyang inuusisa sa kapatid na magpa hanggang ngayon ay wala paring maisagot ang kapatid.
"Mella hindi mo na dapat malaman pa ang nakaraan. Ang mahalaga ay ang ngayon, ayokong mapahamak ka sa mga kamay ni Aiden"
"No, I need to know the truth, lalo na't Aiden is part of it"
"Ano pa bang totoong hinahanap mo? Sumama ako kay Mr. Del Castillo kaya hindi sya umuwi magkasama kame"
"So do you know, na umuwi si Mr. Del Castillo kinabukasan? At ikaw Ate after 1 week? At ang sabi mo you were with him?"
"Mella huwag na-"
"Tell me Ate ikaw ba talaga ang babae ni Mr. Del Castillo oh may pinagtatakpan ka lang?" Nanlaki ang mga mata ng kapatid sa sinabi nya.
"I saw them. Mr. Del Castillo and Mrs. Alvarez together. And Aiden asked me if nagkikita nanaman ba kayo ng Papa nya, dahil pakiramdam nya may kinatatagpo nanaman ang Papa nya. Hindi na sana ako mag-iisip pero sa parehong araw nangyari ang mga bagay na yon" litanya na na lalong kinagulat ng kapatid.
"Gusto ko lang naman malaman ang totoo Ate" patuloy nya.
"Bakit pa? Dahil ba kay Aiden?"
"Yes" sagot nya sabay tango. Dahil tila umaasa syang magbabago ang tingin sa kanya ni Aiden kung sakaling hindi ang Ate Grace nya ang kinatatagpo ng Papa nito. Baka sakaling mabawasan ang poot at galit nito sa kanya at baka sakaling magawa na sya nitong bigyan ng kahit kaunting damdamin.
"May relasyon kayo?"
"Wala, but I think I'm inlove with Aiden Del Castillo"