Chapter 36
Carmella
He pushed her against the wall, his face inches on her, she can't even breath.
"Aiden" She whispered. He grabbed both her wrist and pushed them on the top of her head.
"Please" she whispered again. Asking to stop or asking to kiss her.
"Why Carmella?" He asked breathlessly
"I don't know what you are talking about Aiden. Shawn is a nice guy and he-"
"His married damn you!" Mariing putol nito sa sasabihin pa sana nya.
"I know that"
"And what? Ah! Nakuha mong matulog sa bahay ng lalaking may asawa! Tapos sasabihin mo walang namamagitan sa inyo?"
"Dahil yon ang totoo, natulog ako sa kanila dahil sa Mama ni Shawn, hindi dahil kay Shawn" nakagawa nyang isagot sa pagitan ng kaba at takot na nararamdaman kay Aiden. Ilang beses na ba nyang nakita si Aiden na ganito kagalit sa kanya. At aaminin nyang natatakot sya rito.
"I know Shawn, he is richer than me, dahil isa syang Alvarez sumusunod sa mga Tragora sa bayan na ito, he can give you more than what I can" seryosong sabi nito habang nakatingin sa mga mata nya, hindi sya sigurado pero tila may inanakit syang nakita sa mga mata nito. Bakit? Tanong nya sa sarili habang nanatiling nakatingin sa mga mata ni Aiden.
"He is married for god sake Carmella" patuloy nito.
"Kung pera ang issue rito, I'm willing to compete"
"This is not about money Aiden. he is just a friend" mariing sagot nya.
"I wasn't born yesterday Carmella, natulog ka sa bahay ng lalake anong iisipin ko? Nag-usap lang kayo?" Galit na tanong nito at pinaglandas ang mga mata sa mukha nya pababa sa dibdib. Naramdaman nya ang kilabot sa buong katawan sa uri ng pag suring ginawa ni Aiden sa kanya.
"Why Carmella?" Tanong nito ng magbalik sa mga mata nya ang mga mata nito.
"Wala kaming ginawang masama ni Shawn!" Pagdidiin nya.
"Hell!" Sagot nito at marahas syang hinila papasok sa nag-iisang silid ng condo unit nito.
"Aiden ano ba!" Pilit syang nanlaban dahil baka kung saan umabot ang galit ni Aiden sa kanya.
"Bakit kay Shawn?" Tanong nito at marahas syang tinulak sa malaking kama.
"Aiden" tili nya at nagtangka syang bumangon pero napigilan sya ni Aiden.
"Let me go Aiden!" Tili nya dahil natatakot na talaga sya. Hindi sya handa sa ganitong bagay, hindi sya handa na sa ganitong paraan sya makukuha ni Aiden.
"No Carmella, you can't fool me, you're not innocent the way I think, I thought you were different, but I was wrong" Mariing litanya nito. Habang nagpupumiglas sya, at alam nyang sa ginagawa nyang pagpupumiglas eh lalo lang nabubuhayan ng pagnanasa si Aiden sa kanya, dahil sa bawat galaw nya tumataas ang suot na bestida at ramdam na nyang halos litaw na ang undies nya dahil nararamdaman nya sa mga hita ang maong ni Aiden.
"Let me... explain Aiden, please... listen to me" halos pangapusan sa hiningang sabi nya.
"After this" sagot nito at marahas syang hinalikan sa mga labi, puno yon ng galit, pagpaparusa. Natilian sya at sinubukan manlaban. Pero halos wala man panama ang lakas nya sa lakas ni Aiden. This can't be happening, hindi pwede, this is illegal, this is rape. Sigaw ng isip nya at naramdaman ang magaspang na pagdama ni Aiden sa dibdib nya. No! Tanging sigaw ng isip nya dahil nasa mga labi parin ni Aiden ang mga labi nya. Sinubukan nyang itulak si Aiden, tadyakan, kagatin. Pero lahat yon hindi umobra, at tila sya unti-unting nawawalan ng lakas sa panlalaban. Naramdaman nalang nyang tumutulo na pala ang mga luha sa takot sa posibleng mangyari sa kanya sa kamay ni Aiden. Aaminin nyang may damdamin sya kay Aiden at handa nyang ibigay ang sarili kay Aiden ng walang pag aalinlangan, pero hindi sa ganitong paraan, hindi sa marahas na paraan na tila sya nire-rape.
Tumigil sa paghalik sa kanya si Aiden at naramdaman nya ang paglayo ng katawan nito sa katawan nya. Nanatili syang nakapikit habang impit ang pag-iyak, hindi sya kumikilos, nanatili syang nakahiga sa takot hindi magawang gumalaw.
"Damn!" Narinig nyang mura ni Aiden at gumalaw ang kama, marahil tumayo ito mula sa pagkakaupo. Dahan-dahan nyang binuksan ang mga matang puno ng luha at liningon si Aiden na nakaupo sa sofa sa may gilid ng kama. Sapo ng dalawang kamay ang mukha nito habang nakayuko. Nakahinga sya ng maluwag dahil tila bumalik na sa katinuan si Aiden. Mabilis syang naupo mula sa awkward na pagkakahiga dahil halos wala ng nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan nya, naipon ang bestidang suot sa may bewang nya at nakaantad ang itim na pang-ibaba. Mabilis nyang hinila pababa ang bestida. At hindi napigilang maiyak ng tuluyan sa takot at sama ng loob kay Aiden. Na muntik na syang gawan ng masama.
"I'm sorry" narinig nyang bulong ni Aiden habang umiiyak sya. Nag angat sya ng ulo at pinunasan ang mga luha sa pisngi. Sinulyapan nya si Aiden na nakatingin sa dako nya. Nagtama ang mga mata nila at nakita naman nya ang guilt sa mga mata nito. Marahil totoong nagsisisi ito sa kagaspangang ginawa sa kanya kani-kanina lang.
"I didn't mean to hurt you Carmella" simula nito habang nakatingin sa kanya na hindi mapigilan ang mga luhang dumadaloy sa pisngi.
"I was mad, dahil mas pinipili mo si Shawn na may asawa over me"
"Uulitin ko ang sinabi ko, walang namamagitan sa amin ni Shawn at kung hindi ka parin maniniwala, bahala ka na" sagot nya habang umiiyak.
"Natulog ka sa bahay nya"
"Hindi ko na uulitin pa ang sinabi ko kanina" sagot nya at pinunasan ang mga luha. Hindi sya dapat umiiyak ng ganito sa harapan ni Aiden.
"Then why you keep on resisting me?" Tanong nito at tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. Sinuklay sa mga daliri ang buhok nito in a sexy way. Napalunok sya habang nakasunod ng tingin rito na paroot parito sa tapat nya.
"Bakit tinatanggihan mo ang offer ko? Mas malaki ba ang offer ni Shawn? Well mas mayaman ang pamilya ni Shawn at-"
"Aiden!" Matigas na putol nya sa sasabihin pa nito. Alam naman nya kung bakit tila pera ang issue na iniisip nito tungkol sa kanila, dahil isa syang Perez kilalang namemera ng mga lalake sa bayan nila, kaya hindi nya masisisi si Aiden kung ganoon kababaw ang tingin nito sa kanya.
"Is not about money Aiden" sagot nya at nagtaas ng mukha.
"Kung kaya mo sanang magmahal ng isang tulad ko, baka mas mapapadali sa atin ang lahat, pero dahil isang akong mababang uri ng babae kaya hindi mo ko kailan man mabibigyan ng kahit kaunting damdamin at kahit kailan hindi mo kayang iharap ang isang tulad ko sa bayan na ito" mariing sagot nya. Napahinto sa paglalakad si Aiden at liningon sya.
"Why? I mean bakit kailangan pa ng damdamin kung sa kama lang naman tayo?" Tanong nito. Pakiramdam nyang sinaksak ang dibdib nya, hindi sya makahinga sa sama ng loob sa narinig nya mula kay Aiden. Bakit pa nga ba kailangan ng damdamin kung sa kama lang naman sya ni Aiden kailangan. Samantalang sya higit pa roon ang nararamdaman nya kay Aiden na pilit nyang binubura dahil masasaktan lang sya, alam nyang pag hinayaan pa nyang umusbong ang damdamin nya kay Aiden ay higit pa sa ganitong sakit ang mararamdaman nya, dahil kahit kailan hindi sya mamahalin ni Aiden dahil isa syang Perez malayo sa estado ng buhay ng isang Del Castillo.
"I hate you!"