Chapter 35
Carmella
"What Aiden Del Castillo doing here?" Tanong ni Shawn ng sabihin ng kasambahay na nasa labas si Aiden at hinahanap sya. Napakagat labi sya ng marinig. Hindi nya inaasahan na makakarating ng ganoong kabilis si Aiden sa bahay ni Shawn.
"Del Castillo?" Kunot noong tanong ni Mrs. Alvarez.
"Sorry po, maybe he was looking for me" nahihiyang sagot nya.
"I see" tanging sagot ni Aiden at inutusan ang kasambahay na papasukin si Aiden.
"Why?" Nagtatakang tanong ni Mrs. Alvarez.
"I'm not sure po" nakayukong sagot nya. Dahil yun naman ang totoo, ano bang malay nya at hinahanap sya ni Aiden at kinailangan pa syang sundan nito sa dulo ng San Miguel.
"Carmella" tinig ni Aiden. Na nagpa angat ng likod nya mula sa pagkakaupo.
"Hey Aiden" walang emosyong bati ni Shawn.
"Shawn, good morning Mrs. Alvarez bati naman ni Aiden kay Mrs. Alavarez. Tumayo sya mula sa pagkakaupo at sinulyapan si Mrs. Alavarez. Hindi nakaligtas sa kanya ang tila pagkailang ni Mrs. Alvarez ng makita si Aiden.
"Have a sit join us" pormal na yaya ni Shawn kay Aiden.
"Thank you, but I need to talk to Carmella" maotoridad na sagot ni Aiden habang masamang nakatingin kay Shawn. Nahiya tuloy sya dahil wala namang ginagawang masama si Shawn sa kanya. Pinatuloy nga sya nito sa bahay.
"Aiden" saway nya kay Aiden.
"Let's go Carmella" yaya nito sabay hila sa kamay nya.
"Ano ba" bulong nya at sinulyapan si Mrs. Alvarez na nakamata lang sa kanila habang nakaupo sa upuan. Ganoon rin si Shawn na pasimple pang tinuloy ang kinakain.
"Finish your breakfast Carmella" si Shawn habang nasa pagkain na ang atensyon.
"No Carmella! We need to go!" Matigas na utos ni Aiden na kay Shawn nakatingin.
"Aiden ano bang ginagawa mo?" Inis na tanong nya at hinila ang bag sa katabing upuan.
"Sorry po Mrs. Alvarez, Shawn" paumanhin nya. At sinulyapan ang mag ina. Nasa mukha parin ni Mrs. Alvarez ang tense habang kay Aiden nakatingin. Kampante namang kumakain na si Shawn.
"Mauna na po ako, salamat po Mrs. Alvarez, Shawn thank you" paalam nya sa mag ina.
"It's ok hija" sagot ni Mrs. Alvarez.
"Let's go!" Matigas na utos ni Aiden at marahas syang hinila sa braso. Wala na syang nagawa kundi sumama kesa sa gumawa pa ng eksena si Aiden sa bahay ng mga Alvarez. Nakakahiya na nga ang pagsugod nito sa bahay ng Alvarez mas nakakahiya na sa mga Alvarez kung lilikha pa ng gulo si Aiden.
"What the hell are you doing Aiden?!" Inis na sita nya habang palabas ng kalsada. Hila-hila parin sya ni Aiden sa braso.
"Aiden ano ba?!" Pero hindi sya pinapansin ni Aiden. Tuloy lang ito sa paghila sa kanya papunta sa kotse nitong nakaparada sa labas.
"Get in the fucking car Carmella!" Hiyaw nito at tinulak pa sya. Nasadsad sya sa pinto ng kotse.
"Get in!" Muling hiyaw nito habang nanlalaki ang mga matang nakatingin lang sya rito. Nanginginig ang mga kamay na kinapa ang pinto at binuksan yon. Dahil sa takot na nakikita nya kay Aiden ay sumunod nalang sya. Kasunod na sumakay si Aiden sa driver seat. At kitang-kita nya ang galit sa pagtaas baba ng dibdib nito.
"Aiden" anas nya at napakagat labi.
Halos paliparin na nito ang sasakyan sa bilis ng pagmamaneho nito. Napahawak pa sya dahil pakiramdam nya titilapon sya ano mang oras.
"Aiden slow down" takot na takot na sabi nya at sinulyapan ito. Nasa kalsada ang atensyon at nagtatagis ang mga bagang sa galit.
Ano bang kinagagalit nito sa kanya? Nakitulog sya kina Shawn oo pero wala naman silang masamang ginawa, isa pa dahil kay Mrs. Alvarez kaya sya ng stay sa bahay ng mga Alvarez ng buong gabi at hindi naman dahil kay Shawn. Unang unang magkaibigan lang sila ni Shawn. Pangalawa may asawa si Shawn, kahit pa tila ayaw pag-usapan ni Shawn ang tungkol sa asawa nito, alam nya ay ramdam nya na mahal ni Shawn ang asawa nito.
Napalingon sya sa tinatahak nilang daan. Hindi yon ang daan papunta sa Resort o sa bahay nila. Napakunot noo sya at liningon si Aiden na hindi parin nagbabago ang ekpresyon sa mukha.
"Where are we going?" Nakuha nyang itanong sa kabila ng kaba at takot.
"Ibibigay ko ang gusto mo" sagot nito na hindi man sya linilingon. Kumunot ang noo nya at muling ginala ang mga mata sa paligid. Tinutumbok ng daan ang mga malalaking building sa San Miguel.
"Aiden" tawag nya rito at muling binalik kay Aiden ang mga mata.
"Sa condo ko" sagot nito at sinulyapan sya.
"Bakit sa condo mo?"
"Kay Shawn nakitulog ka, bakit hindi pwede sa condo ko" mabilis na sagot nito at pumasok sila sa basement ng malaking building. Kung hindi sya nagkakamali ang Tragora Condominium ang nag-iisang condominium sa bayan nila na pagmamay-ari ng mga Tragora.
"Aiden ano bang iniisip mong ginawa ko sa bahay ni Shawn?"
"Marami! And I guess you both enjoyed" matalim na sagot nito at pinatay na ang makina ng sasakyan.
"What?!"
"Get off" ustos nito bago ito tuluyang bumaba ng kotse. Inis nyang sinandal ang likod sa upuan.
"Ano bang pinagsasabi mo" bulong nya at malakas na katok sa bintana ang nagpagulat sa kanya.
"Get off!" Galit na hiyaw ni Aiden ng buksan nito ang pintuan ng kotse.
"No!" Inis na sagot nya.
"Huwag mong ubusin ang pasensya ko Carmella"
"Wala kaming ginawa ni Shawn mali ang iniisip mo at isa pa-"
"I said get off!" Nanggagalahiting sabi nito sa kanya at marahas syang hinila pababa ng kotse. Natilihan sya.
"Aiden ano ba? Nasasaktan ako!"
"Masasaktan ka talaga pag hindi ka sumama ng maayos"
"Ano bang gagawin mo sa akin?"
"Kung anong ginawa nyo ni Shawn!" Sagot nito habang hila-hila sya palapit sa elevator. Pinagpasalamat na rin nyang walang tao sa basement kung hindi baka kung ano na ang isipin ng mga makakakita sa ginagawa nila ni Aiden. Tila sila couple na nag-aaway.
"Walang kaming ginawa ni Shawn" nakuha nyang isagot habang nagpupumilit na mabawi ang braso rito. Pero mas malakas sa kanya si Aiden. Ramdam na nga nya ang mga daliri nitong bumabahon sa balat nya. Nasasaktan sya pero wala syang magawa. Nang bumukas ang elevator tinulak sya pasakay ni Aiden. Nasadsad sya sa malamig na bakal. Napangiwi sya dahil nasaktan ang braso nya. Sinulyapan nya si Aiden na nagpipipindot sa elevator. Hindi parin mawala ang galit sa mukha nito.
"Aiden please" bulong nya dahil hindi nya alam kung anong naghihintay sa kanya paglabas nya ng elevator. Kung anong gagawin sa kanya ni Aiden dahil galit na galit ito sa kanya, dahil lang sa maling paratang nito sa kanya at kay Shawn. Napakagat labi sya sa takot.