Chapter 34
Carmella
"Kumain na ba kayo? Magpapahanda ako" magiliw na sabi ni Mrs. Alvarez.
"Ah... huwag na po, gabi na rin po baka hinahanap na po ako sa amin" sagot nya habang hindi parin nya maalis sa ginang ang mga mata.
"Ganoon ba, pero gabi na hija, saan ka ba nakatira?"
"Malapit lang po sa SMU"
"May kalayuan yan mula rito hija, kung gusto mo dito kana magpalipas ng gabi"
"Oh!" Gulat na bulalas nya at liningon si Shawn na napangiti.
"Huwag na po, nakakahiya po" sagot nya at pinaglipat-lipat ang mga mata kay Shawn at sa Mama nito.
"Mama's right gabi na, baka mapano kapa sa daan. Isa pa hindi naman kita ihahatid na" nakangiting sabi ni Shawn.
"See, tawagan mo nalang ang Nanay mo at sabihin mo nasa bahay ka ni Mrs. Divina Alvarez bilang guest ko, sigurado akong kilala ako ng Nanay mo" magiliw na sabi ng ginang at lumapit sa kanya.
"Nakakahiya po" sagot nya na kay Shawn nakatingin. Humihingi ng tulong rito. Pero tila gusto nito ang idea ng Mama nito. Hindi sya pwedeng makitulog rito nakakahiya sa asawa ni Shawn.
"Be my guest Carmella. Dito ka na magpalipas ng gabi" magiliw na sabi ni Mrs. Alvarez.
"Pero-"
"Kung gusto mo ako na tatawag sa Nanay mo"
"Huwag na po ako nalang po" mabilis na sagot nya.
"Halika mag tea muna tayo. Para makapag kwentuhan pa tayo" yaya ni Mrs Alvarez at giniya na sya nito sa komedor. Sinulyapan nya si Shawn na ngingiti-ngiting sumunod sa kanila.
"Ano nga palang surname mo Carmella" tanong ni Mrs. Alvarez ng makaupo na sila sa komedor.
"Perez po" nahihiyang sagot nya.
"Carmella Perez po"
"Perez. May kaibigan akong Perez si Mary Grace Perez"
"Ate ko po sya"
"Wow.. what a small world eh. Kaya pala magaan ang loob ko sa iyo hija" sagot nito. Alanganin syang ngumiti at hindi maalis sa isip ang eksenang nakita nya ang Mama ni Shawn na sumakay sa kotse ng Papa ni Aiden.
Maraming ikunuwento si Mrs. Alvarez kung paano nito naging kaibigan ang ate Grace nya. Kaya naman iniwan na sila ni Shawn nagpaalam ng magpapahinga na ito. Patuloy parin kasi si Mrs. Alvarez sa pagkukwento ng mga kung anu-ano at na intriga naman syang makinig rito dahil tila pakiramdam nya marami pa syang nais malaman tungkol rito at sa ate Grace nya. Dahil sa mga naririnig nya mula kay Mrs Alvarez eh malapit talaga ang Ate Grace nya rito. Walang nababanggit ang kapatid nya tungkol kay Mrs. Alvarez nalaman lang naman nya ang tungkol sa ginang ng mabasa ang invitation ng kasal ng Ate Grace nya dahil nag-iisang Ninang si Mrs. Alvarez.
"I'm so happy para sa Ate mo, she deserved to he happy"
"Oo nga po, buti nalang po nakilala nya si Kuya Ryan at ngayon lalagay na po sila sa tahimik"
"Yes, mabait kasi ang kapatid mo" sagot nito. Ngumiti sya at nang maubos ang tea nilanh pareho ay nagyaya na itong magpahinga. Hindi na sya talaga makakatanggi dahil wala na si Shawn wala ng maghahatid sa kanya pauwi. Kaya dito na sya magpapalipas ng gabi. Nakakahiya man sa asawa ni Shawn na kanina pa nya hindi nakikita. Pero gaya nga ng sabi ni Mrs. Alvarez guesy sya nito.
"Hihahatid na kita sa guest room hija" yaya ni Mrs. Alvarez at naglakad na sila paakyat sa mala palasyong bahay ng mga ito.
"Magpahinga kana muna bukas mag kwentuhan tayo ulit hija"
"Opo Mrs. Alvarez thank you po sa pagpapatuloy"
"Kaibigan ka ng anak ko. At isa pa kaibigan ko ang Ate Grace mo" sagot nito.
"Saka pwedeng Titq Divina nalang ang itawag mo sa akin masyado kasing pormal ang Mrs. Alvarez" nakangiting dagdag nito.
"Sige po, Tita Divina" nakangiting sagot nya. Ngumiti ito at nagpaalam na. Iniwan sya sa malaking guest room na kung tutuusin eh tila buong bahay na nila sa lawak.
"Mayaman talaga sila" bulong nya habang ginagala ang mga mata sa malawak na silid. Lumapit sya sa may bintana at hinawi ang kurtina. Napanganga sya ng makita ang magandang view mula sa silid. Tanaw kasi nya mula sa bintana ang karagatan at mga naglalakihang punong nakapalibot sa buong bahay.
"Wow" bulalas nya at pinagsawa ang mga mata sa ganda ng view. Pumasok ulit sa isip nya si Mrs. Alvarez at Mr. Del Castillo.
"Baka magkaibigan sila, oh di kaya mag kamag anak?" Tanong nya sa sarili. Pero walang nabanggit si Shawn na kamaganal ng mga ito ang mga Del Castillo at tila hindi naman nito personal na kilala si Aiden. Nahiwagaan sya bigla kay Mrs. Alvarez. Lalo na't malapit ito sa kapatid nya at kay Mr. Del Castillo.
"Itatanong ko nalang kay Ate Grace" sabi nya sa sarili at lumapit na sa malaking kama para magpahinga.
Kinabukasan nagising sya sa tunog ng cellphone nya sa may unan. Halos ayaw pang dumilat ng mga mata nya. Inis nyang hinila ang cellphone at sinagot yon.
"Hello" inaantok na sabi nya sa kabilang linya.
"Did I wake you?" Tanong ng nasa kabilang linya na agad nyang nabosesan. Mabilis nyang inilayo ang cellphone sa tenga at tinignan ang screen ng cellphone. Number lang ang naka register roon.
"Sino to?" Tanong nya. Kahit tila alam na nya kung sino ang nasa kabilang linya. At naupo mula sa pagkakahiga sinulyapan ang bintana maliwanag na sa labas.
"It's me Aiden" sagot nito. Na lalong nagpagising sa inaantok nyang diwa.
"Why you are calling?" Tanong nya na hindi pinahalat ang gulat at excitement nang marinig ang boses nito.
"Can we have a coffee?"
"Coffee?" Kunot noong tanong nya dahil bakit naman sya niyayayang makape ni Aiden.
"We need to talk Carmella" sagot nito sa seryosong tono. Napalunok sya at sinuklay ang kamay sa magulong buhok. Alam nyang marami pa silang dapat pag-usapan ni Aiden bago maayos ang pareho nilang nararamdaman sa isat-isa. Sya sa puso kay Aiden init lang ng katawan.
"I'll come and pick you up" dagdag nito ng hindi pa man sya sumasagot. Nanlaki ang mga mata nya at mabilis na sumagot.
"Huwag!" Halos tili nya.
"I don't care kung makita ako ng pamilya mo. I really need to talk to you, and I can't wait any longer"
"Pero Aiden kase, wala pa ko sa bahay"
"Where are you anyway?"
"Ah.. ano kase" at may narinig na mga katok sa pinto at maya maya pa ay bumukas na yon. Niluwa non si Mrs. Alvarez.
"Good morning Carmella" magiliw na bati nito.
"Breakfast ready, nasa komedor na rin si Shawn" patuloy nito. Napanganga sya dahil nasa kabilang linya pa si Aiden.
"Are you with Shawn?" May gulat na tanong ni Aiden sa kabilang linya.
"Ah.." tanging nasabi nya at maya maya pa nawala na si Aiden sa kabilang linya.
"Sumunod ka na sa baba" si Mrs Alvarez nang hindi pa sya sumasagot dahil na kay Aiden ang isip nya.
"Good... morning po..." alanganing bati nya.
"Fix yourself, we will wait you downstair" nakangiting sabi nito bago lumabas ng kwarto.
"Si Aiden" bulong nya at sinubukan tawagan ang numero nito nakakailang ring palang ng sagutin na ni Aiden ang cellphone.
"I'll be there in 20 minutes so fix yourself Carmella!" Matigas na bungad nito sa kabilang linya at bago pa sya makapag protesta wala na ito sa kabilang linya.
"What?"