Chapter 33

Carmella

"I'm Carmella Perez, 20 years of age, from-"

"Skip that part" putol ni Shawn sa sinasabi nya.

"I know who you are, I need to know why you were crying?" Tanong nito habang kumukuha pa ulit ng isaw sa plastik at walang arteng sinawsaw yon sa sukang nasa plastik din.

"Well, sige sige, skip na natin yung part na yan. Ang problema ko talaga ay si Aiden" sabi nya at tumingin sa malayo. Humugot sya ng malalim na paghinga dahil banggitin lang ang pangalan ni Aiden ay may iba na syang nararamdaman.

"Aiden?" Shawn asked.

"Aiden Del Castillo"

"Oh, sounds familiar"

"Pamilya nya ang may-ari sa Del Castillo Resort, kung saan ako nag O-OJT" sagot nya.

"I see, kaya pala pamilyar. So what happened between you and this guy Aiden?" Kunot noong tanong nito habang ngumunguya.

"Well, obviously I like him" sagot nya at alanganing ngumiti.

"I like him that much, and he doesn't want me the way I want him" she said.

"Alam mo yon, yung nagkagusto pa ko sa taong hindi ako gusto"

"How come na hindi ka nya magugustuhan, you are beautiful Carmella inside and out, intelligent, mabait" sagot nito. Habang nakatingin sa kanya na mangiyak-ngiyak na.

"Did he know that you like him? I mean did he know about your feelings for him?" Shawn asked. Iniling nya ang ulo at marahas na pinunasan ang mga luhang nais ng bumagsak. Hindi naman talaga sya iyakin, sadyang si Aiden lang ang napapaiyak sa kanya ng ganito, mula pa noon hanggang ngayon.

"He hates me"

"Why?"

"I can't tell you now" sagot nya dahil baka mawala rin ang pagkakaibigan nila ni Shawn pag nalaman nito kung anong klaseng pamilya meron sya, kahit man lang sa Dulo ng San Miguel eh may mga taong hindi alam ang tungkol sa pamilya nya.

"I won't force you to say the things you want to keep. But I'm willing to help you, if you need anything" assurance nito at inabutan sya ng isaw.

"Shawn, what if I'm inlove with Aiden, kaya ako nagkakaganito sa kanya?" Tanong nya kahit alam na nya ang sagot, nais parin nyang marinig sa iba kung obvious na ba ang damdamin nya kay Aiden.

"Obviously Carmella" sagot ni Shawn.

"You love him, and sa tingin mo hindi ka nya mamahalin dahil galit sya sa iyo. But believe me Carmella, I used to hate someone I love. Dahil ayokong aminin sa sarili ko na mahal ko na sya, that's why I'm keeping to remind myself na I hate her so much, para lang masabi ko sa sarili ko I don't love her, cause I hate her, the fact na ginagamit ko nalang shield ang salitang hate to protect the word love to come out" paliwanag nito na sa malayo nakatingin.

"I hope he is like you" sagot nya at Napakagat labi ng maunawahan ang sinasabi ni Shawn. Posible kayang ginagamit lang ni Aiden ang galit nito sa pamilya nya para kamuihan sya at masabi sa sarili nitong hindi sya kailan man mamahalin nito? Katulad din kaya ni Shawn si Aiden? Tanong nya sa sarili. At liningon si Shawn na nasa malayo parin ang tingin. Naisip nya bigla ang asawa ni Shawn.

"Shawn can I ask you something?"

"What is it?" Tanong nito at liningon sya.

"Actually si Aiden ang nagsabi nito sa akin nung ihatid mo ko sa Resort nakita ka nya and sinabi nya sa aking you are married" alanganing sabi nya. Ngumiti si Shawn at muling binalik sa karagatan ang mga mata.

"Yeah, I'm a married man Carmella. I married the Dela Serna Princess in town" sagot nito. Napakunot sya ng noo ng marinig ang sagot nito. Dela Serna Princess he married a princess?

"Can I ask where she is?" Tanong nya. Sinulyapan sya ni Shawn at ngumiti.

"It's late let's go" yaya nito na hindi sinagot ang tanong nya. Napakagat labi sya at hindi nalang nangulit pa.

"Sige, gabi na rin baka hinahanap na ko sa bahay" sabi nya at tinulungan na itong damputin ang mga kalat.

"Let's get inside, para maka inom ka ng tubig"

"Ah.. huwag na sa bahay nalang" tanggi nya dahil bigla syang nakaramdam ng hiya kay Shawn ng mapansin pumormal ang mukha nito.

"Halikana sa loob para ma meet mo na rin ang Mama ko" yaya nito at hindi na sya nakatanggi pa kaya sumunod na sya papasok sa bakuran ng malaking bahay ng mga ito na puno ng ilaw sa labas.

"Ang ganda ng bahay nyo ah" bulalas nya ng makapasok na sa mala palasyong bahay nito. Ano pa nga ba ang aasahan nya eh isa itong Alvarez pangalawa sa pinaka mayaman sa bayan nila. Kaya siguro hindi na sya magtataka kung isang prinsesa ang asawa ni Shawn.

"Hijo, ginabi ka" tinig na nagmula sa puting hagdan. Napatingala sya at napatitig sa babaing pababa ng hagdan. Nakasuot ito ng magarang bestida at puno ng perlas ang leeg at tenga. Nakaayos din ang buhok nito, tipikal na mayaman ang dating may edad na marahil pero mukha paring bata.

"Good evening Ma" bati ni Shawn sa babaeng kabababa lang ng malaking hagdan.

"Good evening hijo" bati rin ng babae. At nalipat ang tingin sa kanya na titig na titig rito. Tila pamilyar kase ang mukha nito, tila nakita na nya ang babae at pilit inaalala kung saan.

"May bisita ka pala Shawn" sabi ng ginang.

"Kaibigan ko Ma, she's Carmella. Carmella Mama ko" pakilala ni Shawn sa Mama nito.

"Good evening Carmella" nakangiting bati sa kanya ng ginang.

"Good evening po Mam" alanganing bati nya.

"You are so beautiful Carmella" sabi nito at lumapit sa kanya. Napagmasdan nya ng mabuti ang babae at naalala na nya kung saan nya ito nakita kung bakit tila pamilyar sa kanya ang mukha nito.

Hindi sya pwedeng magkamali ito ang babaing kasama ng Papa ni Aiden. Napalunok sya ng makumpirma sa sarili na ito ang kasama ng Papa ni Aiden. Pero bakit kaya magkasama ang dalawa? Kakilala kaya ni Shawn ang Papa ni Aiden? Tanong nya sa sarili habang titig na titig sa Mama ni Shawn.