Chapter 32
Carmella
Aiden kissing her passionately, she respond more passionate and closed her eyes. Ayaw na muna nyang isipin ang mga tao sa paligid nila. Nais muna nyang i-enjoy ang mga halik ni Aiden sa kanya.
"Please Carmella be mine" Aiden breathed. Habang pareho nilang habol ang mga hininga nila.
"I can be yours Aiden if you're going to love me and not use me" nakuha nyang isagot sa pagitan ng kanilang mga labi na halos hangin lang ang pagitan.
"If you need me that much, why don't you love me Aiden?" Nakuha nyang itanong at hinaplos ang gwapong mukha nito. Kung sasabihin ni Aiden sa kanyang pwede sya nitong mahalin ay bibigyan nya ng laya ang damdamin nya rito. Basta marinig lang nya mula kay Aiden na possible syang mahalin ni Aiden.
"I want Carmella, but I can't" sagot nito. Ngumiti sya ng mapait.
"I understand" sagot nya at tinawid ang pagitan ng mga labi nila. Hinalikan nya si Aiden ng puno ng damdamin at mabilis na nilayo ang sarili rito.
"Goodbye Aiden" paalam nya at mabilis na tumayo mula sa buhanginan at bago pa sya mapigilan ni Aiden nagtatakbo na sya palayo rito.
Alam naman nyang kahit anong gawin nya ay hindi kailan man sya mamahalin ng isang Aiden Del Castillo dahil isa syang Perez. At hindi kailan man ibaba ni Aiden ang sarili nito para lang sa kanya.
Nag-iiyak sya habang palabas ng Resort at pinagpasalamat na hindi sya sinundan ni Aiden dahil baka hindi na nya mapigilan ang sarili at isuko na nya ang sarili kay Aiden kahit wala itong damdamin para sa kanya.
Sakay na sya ng bike nya hindi parin nya alam kung saan sya pupunta. Ayaw nyang umuwi sa kanila dahil sa tuwing nasa bahay sya lalo lang nyang nakikita ang mga dahilan kung bakit hindi sya kayang bigyan ni Aiden kahit kaunting damdamin.
"Ano ba ka ba Carmella, huwag ka na kasing umasa para di ka nasasaktan" bulong nya sa sarili habang panay tulo ng luha nya.
Sunud-sunod na busina ang nagpagulat sa kanya. Nilingon nya ang sasakyan sa likod. Hindi nya kaagad nakilala ang sasakyan dahil nasilaw sya sa ilaw nito. Tinabi nya sa gilid ang bike para bigyan daan na mauna ang sasakyan na nasa likuran nya.
"Where are you going in the middle of the night?" Tanong ni Shawn habang nakasungaw ito sa bintana ng kotse. Lihim syang napangiti ng makitang si Shawn ang nasa sasakyan at hindi si Aiden. Umasa nanaman syang si Aiden ang laman ng sasakyan at sinusundan sya, mali talaga ang umasa dahil masasaktan ka lang sa huli.
"Shawn" tawag nya at hininto ang pag padyak sa bike. Pasimple rin nyang pinunasan ang mga mata dahil alam nyang puno pa ng luha ang mga yon.
"Hey" bati ni Shawn ng iihinto ang sasakyan sa tabi nya. Gabi na kaya wala ng masyadong sasakyang dumaraan.
"Where are you going?" Tanong nito habang nakadungaw sa bintana.
"Pauwi na, ikaw saan ka pupunta?" Tanong nya rito.
"Ah.. well pauwi na rin ako ng makasalubong kita, hindi mo ko napansin, parang ang lalim kase ng iniisip mo, ayun sinundan nalang kita" paliwanag nito at bumaba ng sasakyan.
"Ganun ba hindi kita napansin" nahihiyang sagot nya.
"Kaya mo pa bang mag bike? Kung gusto mo ihahatid nalang kita sa inyo" presinta ni Shawn.
"Huwag na, sanay na ko, isa pa mapapalayo ka pa"
"It's ok sanay na din naman ako" sagot nito at niyuko sya.
"Sabi ko na nga ba eh" biglang sabi nito.
"Tama ang hula ko, umiiyak ka" dugtong nito at hinawakan ang baba nya para maiangat ang mukha nya.
"Hindi ah" tanggi nya at mabilis na binawi ang baba.
"Hhmmm.. ilan beses palang tayong nagkikita pero parang basang-basa na kita Carmella"
"Ah?"
"Ano ba ang pinoproblema mo?" Tanong nito at sumandal sa wood ng kotse.
"Marami akong free time para makinig sa iyo"
"Bakit mo naman gugustuhing pakinggan ang problema ko?" Kibit balikat na tanong nya.
"Kase sa tingin ko, you need someone to hear your inside voice" nakangiting sagot nito. Sumimangot lang sya at iniling ulo. Ganun siguro sya ka transparent kaya halata ni Shawn na may problema sya.
"And believe it or not Carmella, i know na ang problema mo eh, problema sa pag-ibig" dagdag pa nito.
"Shawn!"
"Come on, makikinig ako but, huwag dito baka papakin tayo ng mga lamok" yaya nito at lumapit sa kanya, kinuha sa kanya ang hawak nyang bike.
"Teka Shawn" pigil nya pero nagtuloy lang si Shawn sa pagsakay ng bike nya sa likuran ng kotse.
"May alam akong masarap na ihaw-ihaw malapit rito, doon tayo mag-usap para naman mabusog ako" sabi nito matapos mailagay ang bike sa likuran ng kotse.
"Sigurado ka bang gusto mong makinig sa mga problema ko?" Alanganing tanong nya dahil. Aaminin nyang kailangan nya ng isang Shawn na makakausap dahil baka mabaliw na sya sa dinami-rami ng problema nya, wala kasi syang kaibigan na masabihan kaya halos bibit nya lahat sa dibdib ang mga suliranin nya sa pamilya, sa eskwela, at ngayon pati ang suliranin nya sa puso. Baka kung makakapag sabi sya kay Shawn ay luluwag ang dibdib nya at mababawasan ng kaunti ang bitbit na problema.
"Thank you Shawn" pasalamat nya habang binabaybay na nila ang daan papunta sa ihaw-ihaw na sinasabi ni Shawn.
"I know when someone needs someone to talk to" nakangiting sagot nito at sinulyapan sya. Ngumiti sya rito at naalala ang sinabi ni Aiden na may asawa na si Shawn. Asaan kaya ang asawa ni Shawn? Hindi ba kaya mamasamahin ng asawa ni Shawn ang pagkakaibigan nila?
Pagdating nila sa sinasabing ihaw-ihaw ni Shawn. Nakita nyang maraming taong kumakain at ang iba ay umiinom pa. Nag atubili syang bumaba dahil baka bigyan ng hindi magandang kahulugan ang pagsama nya kay Shawn. May asawa ito, at baka pag nakita sya ng mga taong nakakakilala sa kanya o kay Shawn ay sabihing may relasyon sila at baka pagsimulan pa ng tsismiss tungkol sa kanya, bagay na pilit nyang iniiwasan sa bayan nila.
"Let's go" yaya ni Shawn matapos patayin ang makina ng kotse.
"Ah.. Shawn, pwedeng dito nalang tayo kumain?"
"Bakit? Hindi mo ba gusto ang lugar?"
"No, ano lang kase ah... parang mas gusto ko kung dito nalang tayo sa sasakyan" alanganing sagot nya pumayag naman si Shawn at ito nalang ang bumaba para bumili ng pagkain nila. Tinanong nalang nito kung ano ang gusto nya.
Sinilip nya mula sa bintana ang mga taong kumakain at alam nyang ilan sa mga ito ay kilala ang pamilya nya, at kung makikita sya ng mga ito kasama si Shawn sya na ang bagong pag-uusapan ng mga ito, at alam na nya ang unang sasabihin ng mga ito, na wala syang pinagkaiba sa mga kapatid nya na pumapatol sa mga may asawa. Mapait syang napangiti habang nakatingin sa labas. Tinted ang salamin kaya nakakasigurado syang hindi sya nakikita ng mga ito.
"Here" masiglang sabi ni Shawn at tinaas pa ang mga bitbit na pagkain. Nang makabalik sa sasakyan. Ngumiti sya rito.
"Gusto mo bang kumain sa tabing dagat?" Tanong ni Shawn na kinalalim ng mga ngiti nya sa labi.
"Sige" nakangiting sagot nya. Tumango-tango si Shawn at binuhay na ang makina.
Pagdating nila sa tabing dagat kaagad syang bumaba ng sasakyan, nag alis ng sandals at tumakbo sa tabig dagat.
"This is what I need" sabi nya habang nakapikit ang mga mata at nililipad ng hangin ang buhok nya.
"Peace of mind"
"That's what we offer here, a peace of mind" sagot ni Shawn. Tumingin sya rito at ngumiti. Naupo ito sa buhanginan at nilapag ang binili nilang pagkain.
"Join me" yaya nito. Naupo sya sa tabi nito at kumuha ng paa ng manok isa sa paborito nyang ihaw ang paa ng manok.
"Now, tell me what's the problem?" Tanong nito habang kumakain na rin ito ng paa ng manok. Napangiti sya dahil sa pagkakaalam nya isa itong taga pagmana ng malaking negosyo at kung anu-ano pa dahil ang pamilya nito ang pumapangalawa sa pinaka mayaman sa bayan ng San Miguel. Pero kung titignan ito tila pareho lang sila ng katayuan sa buhay kaya naman hindi sya naiilang kay Shawn dahil hindi sya tinuturing ni Shawn na salot sa bayan nila.
"Well, gusto kong maging honest sa iyo, kaya sasabihin ko lahat, isa pa wala naman akong ibang mapagsabihan so sa iyo ko na sasabihin ang lahat ng problema ko, tutal ang sabi mo marami kang free time para makinig sa mga problema ko" mahabang simula nya habang panay kagat sa ihaw na hawak. Patango-tango lang si Shawn habang busy din sa kinakain.
"Ok chapter 1"