Chapter 31

Aiden

"I think I'm going crazy" sabi nya kay Harvey. Habang nasa Vince Bar sila ng VincElla Hotel. Tinawagan nya ang kaibigan dahil tila na sya nababaliw sa kakaisip kay Carmella kung ano bang dapat nyang gawin, ngayon lang sya naibang sa isang babae, wala pang babaeng nagpabaliw sa kanya ng ganito.

"Babae ba?" Tanong ni Harvey habang sinasalinan ng alak ang baso nya.

"Yes, and hindi sya basta basta babae lang, she's different" sagot nya dahil yon ang tingin nya kay Carmella. Para sa kanya kakaiba si Carmella dahil sa dinami-rami na ng babaing dumaan sa kanya ay wala pang nagparamdam sa kanya ng ganito katinding pagnanasa. Pagnanasa nga lang ba? Oh may damdamin na kasama na pilit nyang winawaksi sa isip dahil hindi kailan man sya maaaring magkaroon ng ano mang damdamin sa isang tulad lang ni Carmella. Mataas ang tingin nya sa sarili dahil isa syang Del Castillo at hindi nababagay sa isang tulad nya ang isang Carmella Perez lamang.

"What kind of different? Parang ngayon ko lang narinig sa iyo ang salitang yan ah?" Tanong ni Harvey na nangingiti pa.

"I thought they are all the same" dagdag pa ni Harvey.

Kaibigan nya si Harvey since highschool sa SMU. Madalas kay Harvey rin sya nagsasabi ng mga problema, tulad ngayon pero tila hindi nya magawang sabihin rito ang tungkol kay Carmella pakiramdam kasi nya baka i judge lang sya ng kaibigan o di naman kaya pagtawanan dahil alam nyang alam din ni Harvey kung anong klaseng pamilya meron si Carmella at kung ano ang reputansyon ng pamilya ni Carmella sa bayan ng San Miguel.

"Baka naman kaya different eh dahil may nararamdaman ka na?" Tanong nito.

"That's impossible" mabilis na tanggi nya at inisang lagok ang laman ng baso.

"Walang impossible kung tinamaan ang puso" biro pa nito.

"Who's the lucky girl anyway?" Sinulyapan lang nya ang kaibigan.

"Do I know her?"

"I don't know" tanging sagot nya.

"How come na nagagawa ka nyang guluhin ng ganyan? Look at yourself. Baka naman may damdamin ka na kaya ka nagkakaganyan?" Nakangising tanong nito. Tinignan nya ang kaibigan.

"You think so?" Tila wala sa sariling tanong nya kay Harvey.

"No Idea but, maybe" nakangiting sagot nito. Alam naman nyang tulad rin nya si Harvey na tila ni minsan hindi pa ginamit ang damdamin sa mga babaing nakasama na nila. Tanging init lang ng katawan ang pinakikingan nila, kaya eto sya ngayon walang idea kung ano nga ba ang damdamin nya kay Carmella at kung may damdamin nga anong gagawin nya? Tanong nya sa sarili na hindi ilang beses na nyang naitanong sa sarili ang bagay na yon na magpa hanggang ngayon ay wala paring sagot.

"How's Haina anyway?" Pang-iiba nya ng usapan nais na muna nyang huwag pag-usapan ang tungkol sa kanya.

"She's great, and I think she will be back home soon" sagot ni Harvey.

"That's good to hear" tanging sabi nya dahil mas makabubuti siguro kung babalik na ng San Miguel si Haina para naman hindi na magkaroon ng pagkakataon pa si Shawn na makipag mabutihan kay Carmella. Wala syang masyadong alam tungkol kay Shawn kahit noong kabataan nila ay napaka private person na ni Shawn, hindi nya ito naging barkada dahil tila ibang landas ang tinatahak nito. Pero wala syang narinig na mga babaing nakasama nito tanging si Haina Dela Serna lang. Ang bunsong kapatid ni Harvey Dela Serna na kung tawagin noong kabataan nito ay Dela Serna Princess nag-iisang anak na babae lang kasi ito ng mga Dela Serna. At sa pagkakaalam nya kinasal si Haina kay Shawn noon. Hindi naman nagkukwento ang kaibigan nyang si Harvey tungkol kay Haina at hindi naman din sya nagtatanong pa.

"Mabalik tayo dyan sa pinoproblema mo" sabi ni Harvey at sinalinan ang baso nya.

"Forget it" iwas nya ayaw na nyang pag-usapan pa ang tungkol kay Carmella dahil wala pa syang malinaw na solusyon.

"Fine, basta tawagan mo ko pag handa ka ng sabihin kung sino itong gumugulo sa iyo, at pag kaya mo nang aminin na tumitibok na yang puso mo"  biro nito at tinuro pa ang dibdib nya. Iniling lang nya ang ulo at ininom ang laman ang baso.

Kung sakaling may damdamin nga sya kay Carmella hindi nya yon magagawang ibahagi sa iba dahil mataas ang pride nya. His damn pride.

Malalim na ang gabi ng maghiwalay sila ni Harvey, naisipan nyang sa Resort tumuloy kesa sa condo o bahay nila. Dahil nais nyang mapag-isa at magkapag isip pa kung ano nga ba ang solusyon sa suliranin nya kay Carmella.

Pagdating sa Resort nagtuloy sya sa cottage. Malapit na sya sa cottage ng mamataan ang babaing nakaupo sa buhanginan malapit sa dagat. Nakayakap ito sa mga tuhod nito habang sa tubig nakatuon ang mga mata. Kumunot ang noo nya matapos mapagmasdan ang babae. Liningon nya ang paligid may mga nagkakasiyahan pang mga guest sa ilang cottages at may ilang tao ding naglalakad lakad pa sa tabing dagat. Muli nyang binalik sa babae ang mga mata at humakbang palapit rito.

"Late na bakit andito kapa?" Tanong nya kay Carmella ng huminto sa tabi nito. Tiningala sya nito at kahit sa liwanag lang ng buwan ay nasilayan nya ang magandang mukha nito at mga matang napaka inosente kung tumingin. Napalunok sya at iniwas ang mga mata. Ito ang mga katangihan ni Carmella na nagpapahina sa kanya.

"Gusto ko lang panoorin ang alon pag gabi" sagot nito at binalik sa tubig ang mga mata.

"But, it's late, isa pa delikado na rin baka may lasing nanamang gumagala rito" sagot nya at naupo sa tabi nito.

"Alam kong walang mangyayari sa akin dito sa loob ng Resort mo" sagot nito na hindi man sya linilingon.

"How can you say that?" He asked and looked at her.

"I don't know, it just I know I'm safe in here"

"What if you're not cause I'm here?"

"You hate me Aiden, I know but, alam kong hindi mo ko gagawan ng masama sa loob ng Resort mo" confident na sagot nito at liningon sya.

"Carmella" anas nya at hinawakan ang maamong mukha nito.

"Aiden may mga tao sa paligid, baka may makakita sa atin" sagot nito at inalis ang kamay nya sa pisngi nito.

"Alam ko naman na ayaw mong may makakita sa atin, dahil ayaw mong marumihan ko ang pangalan mo" patuloy nito na nahimigan nya ng inanakit. Isang malaking dahilan kung bakit pilit nyang winawaksi ang ano mang damdamin na umuusbong dahil ayaw nyang mapag usapan sa bayan ng San Miguel na wala syang pinagkaiba sa Papa nya dahil nahuhumaling sya sa isang Perez.

"Alam mo bang pinag-isipan ko ang mga halok mo" patuloy nito ng hindi sya kumibo.

"Naisip kong tanggapin para naman hindi na ko nagpapakahirap pa, easy money ba. Makukuha ko lahat ng gusto ko, matutulungan ko pa ang Nanay ko" litanya nito at sinulyapan sya. Nanatili syang walang kibo. Alam nyang malaking insulto ang ginawa nyang halukin si Carmella ng material na bagay kapalit ang sarili nito. At alam nyang sa ginawa nyang yon pinatunayan nya kay Carmella kung gaano kababa ang tingin nya rito.

"I'm about to say yes, dahil aaminin kong I love what we were doing. Na eexcite ako" amin nito sa kanya.

"But, after I got everything, what will happen to me? I asked myself. What will happen when Aiden doesn't want me anymore? When Aiden doesn't need me anymore to warm his bed? When Aiden found someone worth more than me?" Patuloy nito na puno ng inanakit sa tono nito. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang mga luhang pumatak sa pisngi nito na kaagad naman nitong pinahid sa kamay.

"Aiden tell me, enlighten me about the future" She asked with a sobbed and his heart cut like knives.

Ewan nya kung bakit pero tila sya nasasaktan, dahil nakikita nyang nahihirapan si Carmella dahil sa kanya. Ano bang magagawa nya kung hanggang doon lang kaya nyang ibigay kay Carmella dahil takot sya, takot sya sa mga tao sa San Miguel at hindi nya kayang iharap sa mga tao sa bayan nila ang isang tulad ni Carmella Perez.

"Carmella" he whispered.

"I don't know what will happen in a future, but I need you Carmella. I do really, desperately need you" sagot nya at tinawid ang pagitan ng mga labi nila.