Chapter 30
Carmella
"Eh ano naman ngayon kung may asawa si Shawn? Wala naman kaming masamang ginagawa" inis na sagot nya dahil ewan nya kung anong ikinagagalit ni Aiden sa kanya, hinihatid lang naman sya ni Shawn.
Marami kasi syang iniisip kaya nagpunta sya sa public beach na pag mamay-ari ng pamilya ni Shawn. Nagkataon naman na naroon si Shawn kaya sinamaan na sya nito sa paglalakad-lakad nya sa tabing dagat, at kahit papano may nakausap sya at nakalimutan kahit saglit ang mga problema nya. Buong magdamag nyang iniisip ang mga halok ni Aiden sa kanya. Pero wala syang nakitang solusyon dahil sya ang talo kahit saang angulo dahil may damdamin sya kay Aiden. Kung papayag sya para pagbigyan ang nararamdaman nya kay Aiden ay lalo lang syang masasaktan dahil baka lalong lumalim ang damdamin nya para rito.
"Bakit kayo magkasama?" Tanong nito na medyo umupa na ang galit.
"Isinabay lang nya ko may pupuntahan sya kaya idinaan na nya ko rito sa Resort" inis na sagot nya rito.
"Don't tell me galing ka sa dulo ng San Miguel?"
"Well, yes I want to clear my mind kaya nagpunta ako doon"
"Bakit hindi na ba ang tubig sa Del Castillo Resort ang nagpapagahan ng pakiramdam mo?" Seryosong tanong nito.
"Crowded na para sa akin ang tubig dito" tanging sagot nya at humakbang palapit sa pinto. Pero bago pa sya tuluyang makalapit hinarangan na sya ni Aiden.
"About sa offer ko, did you change your mind?"
"No! And no and no" inis na sagot nya at tinulak ito ng bahagya pero hindi man ito natinag.
"Why?"
"Dahil hinding hindi ako kailaman magpapagamit sa mga katulad mo Aiden na ang tingin sa aming mga babae eh may katumbas na halaga, I know yan ang iniisip mo sa akin dahil isa akong Perez. But I'm sorry Aiden maling Perez ang hinalukan mo sa pera mo" taas noong litanya nya. Habang nakatingin sa mga mata nito na tila ba tulad rin nya ay hindi ito nakatulog kagabi dahil nangingitim ang ilalim ng mga mata nito. Buong magdamag rin ba syang iniisip nito tulad nya rito? Asa pa ba sya?
"If not money, what Carmella Perez wants from me? Just to accept my offer?" He asked.
"Love" mabilis na sagot nya. Nakita nya ang gulat sa mga mata ni Aiden ng banggitin nya ang salitang love alam kaya ni Aiden kung ano ang ibig sabihin ng sagot nya. Sa tingin nya kay Aiden ay ni minsan hindi pa ito umibig, marahil marami ng dumaan na mga babae rito pero hanggang kama lang lahat ang mga yon, dahil tila hindi marunong magmahal ang isang katulad ni Aiden.
"Love?" He asked like an acid in his mouth.
"Sa panahon ngayon may love ka pa bang nakikita sa mga nakakasalumuha mo ah Carmella?"
"I don't care about them. What I just saying is, if you want me to your bed you should love me" taas noong sagot nya rito. Ewan nya kung saan sya kumuha ng lakas ng loob para sabihin kay Aiden ang bagay na yon. Nakita nyang alanganing ngumiti ito at sinuklay ang mga kamay sa buhok nito.
"Believe me Carmella, I don't do the love you are talking about. But, I'll fuck my woman hard and I satisfy them" napangiwi sya sa sinagot nito at muli'y tila naglandas sa buong katawan nya ang magaspang na salitang ginamit nito. Napalunok sya at umatras ng kaunti para magka distansya rito dahil iba nanaman ang nararamdaman nya. Isama pa na nasa loob sila ng saradong silid na sapat na para sa kanilang dalawa kung sakaling ano man ang mangayari sa kanila.
"That's not what I want"
"It doesn't matter Carmella. Naniniwala akong kung hahalikan kita ngayon ay gaganti ka, and if I'll fuck you on that wall you won't hesitate" nanlaki ang mga mata nyang napatitig rito. Dahil yon na yon ang nararamdaman nya, kung hahalikan sya ni Aiden ngayon ay hindi sya makakatanggi, at kung sakaling ngang angkinin sya nito sa loob ng silid na yon ay hindi nya masasabing tatanggi sya, dahil aaminin nyang malakas ang atraksyon nya kay Aiden, isama pa na lalong nagpapainit sa kanya ang bawat salita nito, tila sya na e-excite sa bawat salitang binibitawan nito.
"Dahil we are in same boat here Carmella, you want me too, you can't deny that" patuloy nito at humakbang palapit sa kanya. Umatras sya para maka iwas, natatakot syang mahulog sa bangin, sa sariling nyang bangin
"Yeah, I can't deny na na aa-trak ako sa iyo, but it doesn't mean na hahayaan ko ng magamit mo sa pansariling pangangailangan"
"My needs and yours are the same Carmella. Do you want proof?" Tanong nito at mabilis syang hinila pakabig nabunggo sya sa katawan nito, tiningala nya ito at halos dumampi na ang mga labi nya sa mga labi nito.
"Accept my offer Carmella" he breathed and closed his eyes.
"No!" Matigas na sagot nya at nagpumiglas. Hindi sya maaring mahulog sa patibong nito, sya ang kawawa sa huli at magiging tulad sya ng mga kapatid nya. Gagamitin lang sya ni Aiden at pagkatapos iiwan. sinisigaw nya sa isip para magawa nyang tumanggi sa pang aakit ni Aiden sa kanya.
"Never!" Pagsisinungaling nya na pilit pinatatatag ang loob at mabilis na kumawala sa mga kamay nito.
"Yes Aiden I want you too, but, hindi ko hahayaan na gamitin mo lang ang katawan ko, hindi ko hahayaan na babuyin mo ang katawan ko at pagkatapos iiwan nalang ng basta basta. If you can't offer the love I'm asking. you can't bed me" mariing sabi nya at mabilis na lumakad palapit sa pinto. Hindi naman na sya pinigilan pa ni Aiden kaya malaya syang nakalabas ng silid.
Taas baba ang dibdib nya sa galit na nararamdaman kay Aiden. Kung bakit ba kase hindi sila pareho ng nararamdaman kung bakit kasi sya lang ang tila may damdamin samantalang si Aiden sex at sex lang ang nasa isip nito. Ganoon nalang ba sya kababaw para rito? wala pa itong kahit katiting na damdamin man lanh sa kanya at puro sex ang nasa isip nito.