Chapter 25

Carmella

Mabigat ang katawan nyang bumalik sa Del Castillo matapos ang nangyari ng isang araw. At alam nyang marami pang ganoong eksenang mangyayari kung hindi pa sya aalis sa Del Castillo Resorts. Pero hinde, pinangako nya sa sarili na tatapusin nya ang sinimulan sa Del Castillo Resorts at tulad ng plano aalamin parin nya ang katotohanan na nais nyang malaman. May dalawang linggo pa sya para manatili sa Del Castillo Resorts at kung matapos ang panahon na yon at wala paring sagot na makita, susubukan nyang itanong muli sa kapatid ang nangyari noon. Lalo na ngayon dahil na iinvolve ang damdamin nya kay Aiden na pinipilit nyang iwaksi pero sa tuwing nakikita nya ito ay hindi maiwasan ang sariling damdamin. Alam nyang mali at hindi sya pwedeng magkaroon ng ano mang damdamin kay Aiden. dahil masasaktan lang sya huli. walang pag-asa ang ano mang nararamdaman nya, hindi ang isang tulad lang nya ang nababagay kay Aiden.

Pagdating nya sa Del Castillo Resorts agad syang sinabihan sa HR na mula bukas gabi na sya mag du-duty. Hindi na sya nagtanong pa, alam naman nyang dahil sa nangyari noong isang araw kaya ililipat sya ng nightshift para marahil hindi na nya makita pa si Aiden at yung si Ivy. Alam naman nyang wala syang kapangyarian tulad ni Ivy na sa isang kumpas lang nakukuha na ang gusto.

Paglabas nya ng HR naglakad-lakad muna sya sa tabing dagat para makalanghap ng hangin at hayaan na itangay ng hangin ang ano mang gumugulo sa isip nya. nais nyang kahit panandalian lang mawala ang mga problemang nasa isip nya, nais nyang pagpahingain muna anh sariling isip sa kakaisip sa mga problemang wala namang solusyon.

"Iba ka talaga Mella" tinig ni Liza ng makasalubong ito. Nakangisi ito sa kanya. Sinulyapan lang nya ito, naka two piece nanaman ito gaya ng dati, tila ito bakasyunista at namamasyal lang sa loob ng Del Castillo at hindi nagtatrabaho. puro pagpapa cute at pagpapaganda lang ang alam gawin.

"Sinampal mo daw si Ivy" natatawang sabi nito.

"Well, thank you about that, I hate Ivy too, but you I hate the most in town" patuloy nito kasabay ng pagtaas ng kilay at matalim na tumingin sa kanya. Nagkibit balikat sya, alam nyang kung papatol sya kay Liza ngayon ay baka hindi na sya papasukin pa bukas sa Del Castillo.

"Alam mo Liza wala akong panahon sa mga tantrums mo" kibit balikat na sagot nya at linagpasan na si Liza. Pinagpasalamat nyang hindi na sya sinundan pa ni Liza dahil baka pagsimulan nanaman ng gulo. Nais na muna nyang makaiwas sa gulo dahil baka ang natitirang dalawang linggo nya ay masayang lang, kailangan na nyang kumilos kung nais talaga nyang makahanap ng mga sagot sa mga tanong.

Patapos na ang duty nya hindi parin nya nakikita si Aiden at aaminin nyang hinahanap-hanap ng mga mata si Aiden, tila ba hindi ito sanay na hindi nasisilayan ang gwapong mukha ni Aiden. Bumuntong hininga sya at naupo sa sofa sa may kubo kung saan sya hinalikan ni Aiden.

"Umalis nanaman kaya sya?" Tanong nya sa sarili at dumungaw sa maliit na bintana.

Mula sa maliit na bintana nasisilayan nya ang mga guest ng Resorts na ibat-ibang lahi. Kung ikukumpara ang Del Castillo sa karagatan sa dulo ng San Miguel ay tila mas malawak at malaki ang public beach sa dulo ng San Miguel. Pero maayos lang ang Resorts dahil maraming pang atrak ito sa mga dayuhan. Hindi tulad ng public beach na tila masasabi nyang natural beauty walang kung anu-ano pero malakas ang hatak. isa pa bukas ang dagat sa dulo ng San Miguel para sa mga tao sa Bayan nila.

Matapos ang duty nya ayaw pa nyang umuwi kaya naglibot-libot muna sya kung hindi nga lang sya gagabihin pupunta sya sa dulo ng San Miguel eh. Nais kasi nyang masilayan muli ang tahimik na karagatan. Papalabas na sana sya ng Resorts ng mamataan ang pamilyar na lalaking pasakay sa magarang sasakyan. Si Mr. Del Castillo ang Papa ni Aiden. Matagal-tagal na rin mula ng huli nya itong makita at masasbi nyang hindi nagbago ang itsura at pangangatawan nito. Kahit may edad na ito mukhang alagang-alaga parin nito ang katawan. Pasimple syang nagtago sa pader at sinundan lang ng tingin si Mr. Del Castillo na mag-isa lang sumakay sa sasakyan. Marahil dumalaw lang ito sa Resorts kasi wala si Aiden, asaan naman kaya si Aiden? Tanong nya sa sarili. Nang makalabas na ng gate ang sasakyan ni Mr. Del Castillo mabilis na rin syang lumabas ng Resorts para umuwi na.

Malayo-layo na rin sya sa Del Castillo Resorts ng biglang mahagip ng mata nya ang sasakyang sinasakyan ni Mr. Del Castillo na nakatabi sa ilalim ng puno ng niyog sa gilid ng mahabang kalsada. Kumunot ang noo nya at nagmasid ng bahagya. Naisip na baka nasiraan ito kaya itinabi roon ang sasakyan. Maya-maya pa may nakita syang babaeng sumakay sa passenger seat ng sasakyan ni Mr. Del Castillo. At hindi sya pwedeng magkamali hindi si Mrs. Del Castillo ang sumakay. Ilang beses na rin nyang nakita si Mrs. Del Castillo. Hindi nya kilala ang babae at tila ngayon lang nya ito nakita sa San Miguel. Sa tingin nya hindi nalalayo ang edad nito sa edad ni Mr. Del Castillo. Nanatili syang nakatingin hanggang sa umandar na ang sasakyan ng mga ito.

"Sino kaya sya?" Bulong nya at nagtuloy na sa ba-bike. Kapatid? Kamag-anak? Patuloy na tanong nya sa sarili habang binabaybay ang kalsada pauwi. Kung kamag-anak bakit kailangan sa gitna ng kalsada pa magkikita ang mga ito, kung saan halos wala namang tao? Hindi naman siguro babae ni Mr. Del Castillo dahil sa pagkakaalam nya mga bata ang tipo nito tulad ng Ate Grace nya noon. Eh bakit ba nya kailangan isipin pa ang bagay na nakita nya kay Mr. Del Castillo hindi ba't ang dapat nyang isipin eh kung paano malalaman ang nangyari noon sa pagitan ng Ate Grace nya at Mr. Del Castillo.