Chapter 26
Aiden
"Anong oras umalis si Papa" tanong nya sa sekretarya ng pagdating nya ng Resorts wala na ang Papa nya. Nagpunta sya ng kabilang bayan para asikasuhin ang pagpa renovate sa ilang mga silid ng Hotel, hapon na sya nakabalik ng Resorts at hindi na nadatna ang Papa nya. Katatawag lang ng Mama nya nagbibilin sa Papa nya dahil hindi nya daw ito ma kontak.
"Kanina pa po Sir" sagot ng sekretarya. Bumuntong hininga nalang sya at pumasok sa loob ng opisina.
Ilang beses na rin nyang napuna na tila may kakaiba sa ikinikilos ng Papa nya. Madalas umaalis ito ng bahay ang paalam lang mag go-golf kasama ang mga kaibigan. At sa tuwing aalis ito laging naka off ang cellphone dahil daw ayaw nitong may maka istorbo sa free time nito. Naiisip nya bigla na hindi kaya nakikipagkita nanaman ang Papa nya kay Grace? Alam nya at ng buong bayan nila na si Grace Perez lamang ang naging babae ng Papa nya, kaya hindi matanggap ng Mama nya ang bagay na yon dahil isang mababang uri lang ang nadikit sa malaking pangalan ng Papa nya sa bayan nila. Imposible kayang nagkikita muli ang dalawa? Tanong nya sa sarili at naisip si Carmella. May alam kaya ito kung nagkikita ang Papa nya at kapatid nito. Binagsak nya ang likod sa upuan at tinawagan ang sekretarya. Inutusan itong kunin ang record ni Carmella para makuha nya ang cellphone number nito. Ayaw na nyang mag-isip ng kung anu-ano itatanong na nya kaagad kay Carmella kung may alam ito. Alam nyang hindi sya kakausapin ni Carmella kaya pinatawagan nya sa sekretarya at sinabing papuntahin ito sa Resorts. Pumayag naman ito.
Alam nyang tulad nya marami ring iniisip si Carmella at alam nyang nagpapakatatag lang ito at nagtatapang-tapangan sa mga taong nang-aapi rito at sa pamilya nito. Alam nyang hindi na makikialam si Ivy kay Carmella dahil binalaan na nya ito at umaasa syang gagawin ni Ivy ang sinabi nya.
Maya-maya pa kumatok na ang sekretarya at kasunod na nito si Carmella. Walang ka ngiti-ngiti ang mga labi nito.
"Kakausapan mo daw ako" walang emosyong sabi nito ng maiwan na silang dalawa sa opisina nya.
"Yeah, I need to ask something" he answered at looked at her, she's wearing a simple above the knee dress and flipflops. Ang buhok nito nakasaboy sa buong mukha nito na halos matakpan na ang magandang mukha nito, marahil dahil nag bike lang ito papunta sa Resorts at mahangin sa kalsada. Napakasimple nito pero ang lakas ng dating na tila ba nanikip ang malaking opisina nya.
"About what?"
"Well, about Grace"
"What about her?" Kunot noong tanong nito.
"Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa" sagot nya at tumayo mula sa pagkakaupo at sumandal sa mesa paharap kay Carmella na tila ba walang kaalam-alam kung gaano ito kaganda habang nakatayo sa harapan nya at nakabuka ng kaunti ang mga labi nito. Aaminin nyang nais nyang halikan ang mga labi nito tulad ng ginawa nya sa kubo at higit pa.
"Hindi ba sila nagkikita ni Papa?" Patuloy nya matapos mapagmasda ang mga labi nito.
"What?!" Gulat na tanong nito.
"That's impossible, ikakasal na ang Ate ko" sagot nito.
"But, it's doesn't mean na hindi na sya nakikipag kita sa Papa ko" may akusang sabi nya. Dahil alam naman nya kung ano ang ugali ng mga kapatid nito.
"Aiden!" Matigas na sabi nito at tumigas ang mukha. Alam nyang ipagtatangol nanaman nito ang kapatid tulad ng lagi nitong ginagawa sa mga kapatid. Pinangtatanggol nito kahit na masaktan pa ito.
"Masaya na ang kapatid ko kay Ryan at ikakasal na sila sa susunod na linggo, kaya imposibleng makipag kita pa ang Ate ko sa Papa mo"
"Kagaano ka kasigurado dyan?"
"Hindi na gagawin ng kapatid ko ang ginawa nya noon" mabilis na sagot nito.
"Anong basehan mo? Ang pagpapakasal nya sa biktima nito?"
"Mahal ng kapatid ko si Ryan kaya nya ito pakakasalan"
"Mahal? O baka naman kaya kayong buhayin kaya ito magpapakasal?"
"Kung ano man ang dahilan nya, labas na ko doon basta nakakasigurado akong hindi ang kapatid ko ang kinakatagpo ng Papa mo"
"Bakit kung magsalita ka siguradong-sigurado ka?" Nagtatakang tanong nya at humakbang palapit rito.
"Dahil alam kong hindi na uulitin ng kapatid ko ang pagkakamali nya noon" taas noong sagot nito. Huminto sya sa mismong harapan nito. Nagtama ang mga mata nila.
"Pinatawag mo ko dahil sa bagay na yan?" Tanong nito. Bumuntong hininga sya at nag-iwas ng mga mata.
"Walang ibang naging babae ang Papa ko maliban sa kapatid mo. Napapansin kong kakaiba ang ikinikilos nya ngayon tulad noong nakikipag kita sya sa kapatid mo"
"Gaano ka kasiguradong ang Ate ko lang ang naging babae nya?"
"Carmella my father is not a womanizer, I know that" paninugurado nya rito.
"I'm sorry" seryosong paumanhin nito.
"Don't you think we are in same boat?" Carmella asked.
"What do you mean?"
"I believe na hindi ang Ate ko ang kasama ng Papa mo noong gabing hindi sya umuwi sa inyo at pinalayas mo kame sa tinitirhan namin" Sabi nito na nahimigan nya ng inanakit.
"Carmella, I know you are trying to clean you sister name here but, we all know, the whole town know na ang kapatid mo ang kabit ng Papa ko noon" matigas na sagot nya dahil hanggang kailan ba ipipilit ni Carmella ang aka-aka lang nito.
"Kabit? Oo kabit ng Papa mo ang Ate ko noon. Pero hindi ibig sabihin na sila na ang magkasama ng gabing yon" sagot nito pinaikot lang nya ang mata nabo-bored na sya. Alam naman nyang ipipilit parin ni Carmella ang gusto nito dahil yon ang paniniwala nito. Hahayaan na nya ito sa kung anong paniniwala nito dahil hindi na rin naman mahalaga pa yon dahil para sa kanya tapos na ang eksenang yon ang trahedyang muntik ng ikamatay ng Mama nya.
"Mapapatunayan ko rin sa iyo yan Aiden" dagdag pa nito.
"Hindi na importante sa akin ang bagay na yan Carmella, ang importante sa akin ngayon ay kung nakikipag kita pa ang kapatid mo sa Papa ko" may talim na sagot nya at sinulyapan ito.
"Like what I just said Aiden. That's impossible" siguradong sagot nito.
"Fine" tanging sagot nya.
"Anyway if that's all, can I go now?" Tanong nito. Tinignan nya ito at nais nyang sabihin na huwag muna itong umalis dahil nais muna nya itong makasama, aaminin nyang isa sa dahilan nya ang nais nyang makita si Carmella kung bakit nya ito pinpunta sa Resorts.
"Carmella" anas nya at humakbang palapit sa kinatatayuan nya. Nanatili namang nakatayo si Carmella at tila hinintay ang paglapit nya. Wala syang sinayang na mga sandali mabilis nyang kinabig ito at hinalikan sa mga labi. At pakiramdam nya nawala ang lahat ng gumugulo sa isip nya ng maramdaman ang mga labi ni Carmella sa mga labi nya. Hindi naman sya nabigo dahil gumanti ng mga halik sa kanya si Carmella.