Chapter 24

Aiden

"I told you, na paalisin mo na kasi ang babaing yon! Di sana walang nangyaring ganito! Oh god Aiden you let that bitch hurt me! Nakita mo ba ang ginawa ng babaing yon sa akin ah!" Mag sigaw na sabi ni Ivy habang papasok sila sa opisina nya.

Kanina pa ito putak ng putak at sinisisi si Carmella samantalang ito naman ang nagsimula ng gulo, tapos ngayon natalo ito idadamay pa sya nito kung bakit daw hinayaan nyang saktan ito ni Carmella.

"Damn that whore!"

"Language Ivy!" May bantang sabi nya rito at pumasok sa loob ng opisina

"Magbabayad sya!" Gigil na sabi nito at sumunod papasok sa kanya.

"Ivy, ikaw naman ang nagsimula ng gulo eh, di ka nga kilala nung tao"

"For god sake Aiden! Don't tell me na kinakampian mo ang malanding yon?!"

"Ivy, watch your word!" Muling banta nya dahil kanina pa nito sinasabihan ng kung ano-anong masasamang salita si Carmella at alam nyang hindi deserve ni Carmella na masabihan ng mga ganoong salita.

"Huwag mo ngang kampian ang babaing yon!" Maktol nito at naupo sa sofa.

"Wala akong kinakampian sa inyo, I'm just saying na kung hindi mo sya pinagsalitaan ng masama di wala sanang gulo"

"Hindi masama ang sinabi ko Aiden. What I just said was all true"

"You don't know her"

"Come on Aiden! You know and I know and not just us, but all people in this town knows who she is, and her bunch of whore family"

"Enough Ivy!" Taas boses na sabo nya para tumigil ito dahil alam nyang puro paninisi lang kay Carmella ang gagawin nito.

"Don't tell me Aiden, nahuhulog ka sa malan-"

"Enough! when I say is enough" mabangis na putol nya sa masamang sasabihin namaman nito kay Carmella. Humugot ito ng malalim na paghinga at masamang tingin ang sinagot sa kanya at hindi na nagsalita muli.

Halos buong weekdays syang nasa Maynila dahil sa trabaho sa Resorts at kahit nasa Maynila sya si Carmella ang nasa isip nya. Ang maganda nitong mukha, inosenteng mga mata, mapangakit na mga labing tila nais nyang mahalikan lagi. Ilang beses nyang pinagalitan ang sarili na hindi nya dapat iniisip si Carmella pero tila may sariling isip ang isip nya at ang nais nito'y laging naroon si Carmella.

Pagdating nya ng San Miguel sa Del Castillo Resorts sya kaagad dumerecho at unang nakita nya sa poste ng guard house ang bike ni Carmella. Napangiti sya at tila nabuhayan ng loob na makikita na nya si Carmella na gumugulo sa isip nya. Alam nyang walang duty ang mga OJT ng Resorts pag weekend kaya inakala nyang nasa batuhan si Carmella kung saan nya ito unang nahalikan, pero walang Carmella roon, naglalakad-lakad sya sa beach pero hindi nya ito nakita. Nagbakasali pa sya sa kubo kung saan hinalikan nya muli sa Carmella na lalong nagpagulo sa isip nya. Wala si Carmella sa mga lugar na alam nyang pinupuntahan nito pero nasa labas ang bike nito. Kaya minabuti na nyang itanong kay Mang Cesar kung nasa loob nga si Carmella.

"Hay Ser ang paalam oh sa akin eh pupunta sa dulo ng San Miguel sa may karagatan doon. Iniwan lang ang bike dito para makamura ng pamasahe sa tricycle" sagot ni Mang Cesar na nagpakunot sa noo nya.

"Anong gagawin nya sa dulo ng San Miguel?" Nagtatakang tanong nya.

"Mamasyal raw oh" sagot nito at bumuntong hininga at lumakad na papasok sa Resorts at ng hindi mapakali nagdesisyon syang puntahan si Carmella sa dulo ng San Miguel, kung saan may malawak na karagatan roon na bukas para sa mga taga San Miguel. Kilala nya ang pamilya Alvarez na may-ari ng Public beach. Sa pagkakaalam nya matalik na kaibigan ng Mama nya noong kabataan nito si Mrs. Divina Alvarez at hindi na nya alam kung anong dahilan at bakit tila naputol ang pagkakaibigan ng mga ito. Hindi narin naman sya nagtatanong pa dahil hindi naman sya interesado na sa naging buhay ng Mama nya noong kabataan nito. Sa pagkakaalam rin nya may nag-iisang anak si Mrs. Alvarez si Shawn Alvarez na naging ka eskwela nya noon sa SMU. At sa mga naririnig nya hindi daw maganda ang reputasyon ni Shawn, hindi nga lang nya alam kung bakit.

Hindi naman sya nabigo sa pagtungo nya sa may dagat at nakita si Samantha na nakaupo sa batong upuan habang nililipad ng hangin ang mahaba nitong buhok. Ilang minuto din nyang pinagsawa ang mga mata kay Carmella bago ito nilapitan. Nakita pa nyang parang bata nitong tinitignan ang mga bato sa plastik na marahil pinulot nito sa tabing dagat. Natutuwa syang pagmasdang masaya ito sa mga simpleng bagay lang.

"Hihintayin mo pa ba kong kaladkarin ang babaing yon palabas ng Resorts Aiden?!" Sigaw ni Ivy na marahil kanina pa sya nito kinakausap. Malayo kasi ang tinatakbo ng isip nya. Sa sinabi nito liningon nya ito at pinukulan ng masamang tingin.

"You can't do that dahil lang galit ka sa kanya! Dahil lang napahiya ka nya" inis na sagot nya at naupo sa swivel chair.

"Pero nangugulo sya rito! Hindi ba't may inaway din syang OJT? Ilan pa ba ang aawayin nya bago mo sya paalisin sa Resorts?!" Litanya nito. Hindi na lang sya kumibo dahil kahit anong sabihin nya ipipilit parin ni Ivy ang mga maling dahilan nito. Hindi naman nya masisisi si Carmella kung lumaban sya sa mga taong nang iinsulto rito, karapatan nitong ipagtanggol ang sarili sa mga tulad ni Ivy at Liza na kung husgaan ito at pamilya nito ay parang ang lilinis ng mga pagkatao.

"Fine! Fine! Aiden ako na ang kikilos para mapatalsik ang babaing yon dito"

"Don't you dare Ivy! Binabalaan kita"

"Ano bang dahilan mo Aiden?"

"Kung ano man ang dahilan ko wala ka na roon. Just leave Carmella alone, huwag na huwag kang gagawa ng bagay na ikapapahamak nya at ikaaalis nya dito sa Del Castillo Resorts! Huwag mo kong sagarin Ivy, alam mo kung paano ako magalit!" Mahabang litanya nya na bawat salita'y binibigyan ng diin para maintindihan ni Ivy ang nais nyang iparating, nanlalaki naman ang mga mata nitong titig na titig sa kanya.

"Oh my god Aiden! Sa sandaling panahon na tinigil mo rito sa San Miguel, nahulog ka na sa bitag ng babaing yon!" Tila nandidiring sabi nito at hindi nya yon nagustuhan. Kung nahulog man sya kay Carmella ay hindi pa nya alam at ayaw nyang malaman dahil sigurado syang iisa lang ang sagot roon. May damdaming namumuho na ayaw nyang bigyan ng pangalan dahil alam nyang hindi pwede dahil aaminin nyang isa syang Del Castillo at pagtatawanan sya ng mga tao sa San Miguel pag nadikit ang pangalan nya sa isang Perez. Bagay na hindi pa nya handang harapin, tama na ang isang Del Castillo na nahugnay sa isang Perez at lumikha ng malaking eskandalo. Hanggang doon nalang yon, at ang tungkol sa kanila ni Carmella ay hindi pa nya alam kung anong dapat gawin.