Chapter 23

Carmella

"Pwede ko ba hayaang nakabukas ang bintana?" Paalam nya kay Aiden habang tinatahak na nila ang daan pabalik sa Del Castillo Resorts. Nais kasi nyang masamyo ang malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa mga naglalakihang punong nakatayo sa gilid ng kalsada. Isa pa nais nyang mapagmasdang mabuti ang kapaligiran.

"You love the place?" Tanong nito at sinulyapan sya.

"Yes, pakiramdam ko nasa ibang lugar ako at wala sa San Miguel kung saan maraming nagmamaliit sa akin" amin nya. Pagdating kay Aiden hindi nya maitago ang tunay na saloobin.

"Don't mind them, basta alam mo sa sarili mong hindi ka tulad ng iniisip nila" sagot nito. Ngumiti sya ng bahagya dahil tila hindi si Aiden ang nagsalita, dahil sa pagkakaalam nya galit din ito sa kanya lalo na sa pamilya nya.

"I hope so" bulong nya at pinatong ang braso sa bintana at doon pinatong ang pisngi para makitang mabuti ang magandang kapaligiran. Nililipad ng hangin ang buhok nya at pakiramdam nya sumasama sa hangin ang ano mang problemang dinadala nya.

Pagdating sa Del Castillo Resorts. Agad na syang nagpasalamat kay Aiden at bumaba ng kotse nito. Kasunod ito. Hahakbang na sana sya papunta sa may gate ng isang babae ang humarang sa daraanan nya. Napatingin sya sa babaing nakasuot ng bestidang humabot sa sakong ng paa nito na may hati naman mula sa mga dibdib nitong halos nipples nalang ang natatakpan ng bestida, nasisilaw tuloy sya sa malalaking hinaharap nito na tila nagsusumigaw para makakuha ng atensyon. Matapos masuri ang suot nito nalipat sa mukha nito ang mga mata. Nakataas ang kilay nito at nasa mga mata nito ang pagka disgusto sa kanya na hindi nya mawari kung bakit. Nakilala nya ang babae ito ang nakabunggo noong unang beses nyang makita si Aiden sa San Miguel matapos ang limang taon. Bumuntong hininga sya at nagbaba ng tingin pasimpleng sinulyapan si Aiden na nakalapit na sa kanila, nakatayo ito sa tabi nya kaharap ang babaing humarang sa kanya. At tila alam na nya kung bakit sya nito hinarang. Trouble.

"Ivy, what are you doing here?" Tanong ni Aiden at nilagay sa dalawang bulsa ang mga kamay. Kampanteng nakatayo sa tabi nya.

"Well, Tita told me na dito ka sa Resorts tumuloy after ng meeting mo sa Manila" simula nito na sa kanya nakatingin.

"And I didn't expect to see you with this" patuloy nito at tinuro pa sya ng malantik nitong daliring kulay pula.

"Ivy, let's talk inside" sagot ni Aiden.

"No, Aiden. I think I need to talk to this girl fisrt" sabi nito na nanatiling nakaturo sa kanya ang daliri at masamang tingin ang pinupukol nito sa kanya. Nagkibit balikat sya at pinagsalikop ang mga kamay sa dibdib.

"I don't know who you are" kibit balikat na sabi nya at hindi itinago na hindi sya interesado rito.

"I don't care!" Inis na sagot nito at inalis ang daliri sa pagkakaturo sa kanya.

"But, I know who you are, you belong to the famous whore family in town" matalim na dilang dagdag nito at sinulyapan pa sya mula ulo hanggang paa na puno ng pagmamaliit.

"Yeah" tanging sabi nya at mabilis na umigkas ang kamay nya at malakas na dumapo yon sa mukha ni Ivy. Napatili ito sabay ng pagtagilid ng ulo nito. Napansin nya ang pagsinghap ni Aiden na nakatayo sa tabi nya, marahil nagulat sa ginawa nya.  Mabilis na nakabawi si Ivy at nagtaas ng kamay para gumanti sa kanya ng sampal. Pero mabilis nyang nahuli ang kamay nito sa ere.

"Don't!" Banta nya at tinignan ng masama ang babae. Matagal na syang nagtitimpi sa mga tao sa paligid nya, kaya pasensya ang babaing kaharap nya ngayon kung sakaling rito nya maibunton ang galit nya sa mga taong humuhusga sa pamilya nya.

"Hindi mo ba alam na hindi kami basta-basta nagpapa agrabyado sa mga katulad mong mataas ang tingin sa sarili" tuya nya at ito naman ang sinulyapan mula ulo hanggang paa.

"Kung sa tutuusin wala kang pinagkaiba sa mga pamilyang minamaliit mo" patuloy nya matapos masuri ang kabuuan nito at bumalik sa namumulang mukha nito sa galit. Dahil sa malakas na sampal nya at sa kahihiyan dahil umaagaw na rin sila ng atensyon sa mga naroong guest at mga tauhan na nakasaksi sa mga pangyayari. Nainsulto sya at buong pamilya nya kaya nararapat lang na lumaban sya lalo na't hindi naman nya kilala ang babaing nasa harapan.

"How dare you!" Nanggagalaiting sigaw nito at nagpumiglas pero mas malakas sya rito at hindi binitawan ang kamay nito.

"Tama na yan" si Aiden na nasa tabi parin nya.

"Bitch!" Galit na galit na sabi nito. Inis nyang tinulak ito at napaupo sa semento. Nagtitili ito ay sinulyapan si Aiden na nakatingin lang wala itong balak tulungan marahil dahil sa gulat o ano pa man.

"Nice meeting you" tuyang sabi nya at mabilis na lumakad palayo.

"You son of a bitch!" Narinig nyang sigaw nito. Hindi nalang sya lumingon nagtuloy sya kay Mang Cesar na nakatanga sa pangyayari.

"Pasensya na po Mang Cesar" sabi nya at kinuha ang bike sa poste at nagpaalam na.

Nanginginig ang buong katawan nya habang pinapadyak ang bike at hindi rin nya mapigilan ang umiyak. Dahil lahat nalang ba ng taong matungtong sa bayan nila eh mamaliitin sila nga ganun-ganon nalang, hanggang kailan ba sya kailangan matiis sa pagmamaliit ng mga tao sa bayan na ito? Hanggang kailan ba nya kayang ipagtanggol ang pamilya na kung tutuusin totoo ang mga pinaparatang sa kanila. Tila na sya napapagod, dati hinahayaan lang nya ang mga tao sa paligid nila na kung pag tsismisan sila ay tila yun na ang pang araw-araw na kasiyaan ng mga ito. At ngayon pinagtatanggol na nya ang pamilya at tila mali parin at lalo syang napapasama.

Luhaan syang nakarating sa bahay nila na nagkakasiyahan pa ang mga ito sa videoke. Nagmamadali syang umakyat sa taas.

"Mella! Bakit?" Tanong ng Nanay nya ng makasalubong ito sa hagdan.

"Wala po Nay" sagot nya at mabilis na umakyat sa taas at nagtuloy sa silid. Kaagad nyang binagsak ang katawan sa kama at nag-iiyak.

"Mella?" Tinig ng Nanay nya na sinundan pala sya sa silid.

"Anong nangyari anak?" Nag-aalalang tanong ng Nanay nya na naramdaman nyang naupo sa kama at hinago ang buhok nya. Lalo syang napahagulgol sa iyak ng maramdaman ang haplos ng ina.

"Makikinig si Nanay"

"Nay" tawag nya sa ina at naupo mula sa pagkakahiga at mahigpit na niyakap ang ina. Kailangan nya ang yakap ng Nanay nya para mawala ang ano mang sakit na nararamdaman.

"Ano bang nangyari?" Tanong ng Nanay nya at habang yakap yakap din sya nito.

"May nakaaway po ako sa Del Castillo Resorts" umiiyak na sagot nya at kumalas sa pagkakayakap. Tinignan ang inang malungkot ang mukha.

"Bakit ka nakipag away?" At pinahid nito ang mga luhang nagkalat sa pisngi nya.

Kinuwento nya ang lahat sa Nanay nya, mula pag aaway nila ni Liza hanggang sa babaing kung tignan sya at tila diring-diri ito sa kanya. Tinawag itong Ivy ni Aiden at sa tingin nya may relasyon ang dalawa at kaya sya ininsulto ni Ivy ay dahil tulad din ng rason ni Liza nagseselos ang mga ito sa kanya dahil kay Aiden. Na kung sa tutuusin isa ding nagmamaliit sa kanya.