Chapter 22

Carmella

Muntik pa nyang malagla ang hawak na cellphone ng makita ang lalaking nakatayo sa may pintuan ng kubo. Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa kanya. Napalunok sya habang titig na titig sa lalakeng  ang buhok ay aabot sa batok na nito na may pagka wavy at magulo. Nakasuot ito ng itim ng t-shirt at maong na halos punit na sa magkabilang tuhod. Wala itong sapin sa mga paa. May hawak itong malaking baril na ginagamit sa panghuhuli ng mga ibon. Matapos nyang masuri ang kabuuan nito, bumalik ang mga mata nya sa mukha nito. Napalunok sya muli ng mapagmasdan mabuti ang gwapong mukha nito. Iniisip nya kung sino ito at bakit tila ngayon lang nya ito nakita sa San Miguel. Well, nasa dulo na nga pala sya ng San Miguel malayo mula sa kanila.

"Anong ginagawa mo rito?" Kunot noong tanong nito na Umagaw ng atensyon nya at mabilis nyang iniwas ang mga mata dahil baka mahalata nito ang pagsuri nya rito.

"Ah... eh..." hindi nya alam ang isasagot. Pasimple nyang liningon ang kubo. Naghahanap ng ibang malalabasang pinto, pero wala ng ibang pintuan ang kubo, tanging bintana nalang ang pwede nyang labasan kung hindi sya makadaan sa pintuan dahil nakatayo roon ang lalaki.

"Don't be scared, I'm just asking who you are and what are you doing here?" Tanong nito na wala naman syang mahimigan na galit oh ano pa man sa tono nito. Marahil napansin nito ang pagkabalisa nya at paghahanap ng ibang pwedeng daanan palabas.

"Ah.. eh.. I'm Carmella, at... hmm..."

"What Carmella doing here anyway?" Kalmadong tanong nito at pumasok sa loob ng kubo, naupo sa papag at may kinuhang pampunas ng paa. Nakasunod lang sya ng tingin sa bawat galaw nito. Possible kayang dito sa kubo nakatira ang lalake? Pero wala sa itsura nito ang isang caretaker lang, ang itsura nito ay gwapo at may dating, isa pa mukha pa itong bata wala pa marahil itong trente o kaya bentw syete, marahil hindi naman nalalayo edad nito sa edad nya. Mula sa ilalim ng papag hinila nito ang tsinelas at sinuot ang mga yon.

"Naliligaw ka ba Carmella?" Tanong nito at sinulyapan sya at tumayo mula sa papag, sinabit ang baril sa may dingding.

"Hindi... hindi naman... actually sinadya kong pumunta rito" sagot nya habang nakasunod parin ng tingin sa lalaki.

"Turista?" Tanong nito at sinuklay sa mga daliri nito may kahabaang buhok.

"Hinde, taga rito ako sa San Miguel" sagot nya at may napansin syang kakaiba sa likod nito ng tumalikod para maglakad palapit sa maliit na lababo ng kubo. Napatitig sya sa likuran nito at kung hindi sya nagkakamali tattoo ang sumisilip sa may batok nito.

"Water?" Halok nito at uminom ng tubig.

"No thanks" sagot nya. At muling tinignan ang likod nito. Tila nais nyang malaman kung tattoo nga ang naaaninag at kung anong klaseng tattoo yon. Sa bayan nila malimit lang syang makakita ng mga may tattoo at kung minsa mga dayuhan pa.

"Anyway.. mauna na ko" paalam nya at umatras malapit sa pinto.

"Did you enjoy the view?" Tanong nito. Tanong nito at nahinto sa paghakbang.

"Yes" nakangiting sagot nya at liningon ito.

"Dito ka ba nakatira?" Hindi nya mapigilang itanong.

"Yeah"

"Ang swerte mo dahil ang ganda ng view sa paligid mo, nakakawala ng problema" sabi nya. At muling nagpaalam rito.

"Ihahatid na kita sa labas" prisinta nito na kinagulat pa nya at liningon ito mula sa labas ng pinto. Alanganin syang ngumiti. Wala syang nararamdaman ano mang panganib sa lalaki at umaasa syang hindi sya kilala nito kung sino sya sa bayan nila. Tutal nasa dulo na rin naman sya ng San Miguel baka pwedeng hindi na abot hanggang dito ang tungkol sa pamilya nya.

"Ngayon lang kita nakita rito, ngayon ka lang ba nagawi rito" tanong nito habang sabay silang naglalakad sa buhanginan.

"Oo first time ko rito, hindi ko nga alam na may ganitong lugar pala dito sa San Miguel" amin nya.

"Malayo-layo na rin kasi ito, kaya iilan lang ang nakakapunta"

"Ano palang pangalan mo?"

"Shawn, Shawn Alvarez" sagot nito at napahinto sya sa paglalakad at liningon ito.

"Alvarez?" Kunot noong tanong nya.

"Yeah, I'm the Alvarez heir I guess" sagot nito ng walang kangiti-ngiti. Ito marahil ang anak ng sinasabi ng Ate Grace nya si Mrs. Divina Alvarez, ang swerte naman nito kung ganoon anak mayaman at taga pag mana pa. Ito marahil ang pumapangalawa kay Joshua Tragora the richest man in town. Ang sarap sigurong maging mayaman. Naisip tuloy nya at liningon ang malaking bahay na nakaharap sa karagatan.

"Yun ba ang bahay mo?" Tanong nya at tinuro ang puting bahay.

"Yeah, that'where I live"

"Grabe ang yaman mo pala" hindi nya pigilan sabihin. Hindi ito kumibo.

"Pwede ba kong bumalik ulit rito?"

"Bukas ang lugar na ito sa mga tao sa bayan na ito" sagot nito.

"Buti na nga lang hinahayaan nyo ang mga taga San Miguel na pumasok magandang lugar na gaya nito. Sabi nya at huminto sa tapat ng sementadong daan papasok sa bakuran ng malaking bahay.

"Shawn, thank you" 

"No problem, you are welcome here Carmella" sagot nito at lumakad na papasok sa malaking bakuran. Sinundan nya ng tingin ito.

"Hay, may mga tao talagang pinanganak na swerte, bakit kasi hindi nalang ako pinanganak na swerte eh" bulong nya habang tinatahak ang daan palabas ng kalsada.

Pagdating sa kalsada naupo sya sa may sementong upuan para maghintay ng tricycle na daraan. Habang naghihintay tinignan nya ang shell at batong pinilut sa tabing dagat kanina.

"Ilalagay ko kayo sa kwarto mamaya" bulong nya at busina ng sasakyan ang umagaw ng atensyon nya mula sa plastik na hawak hawak. Nag angat sya ng mukha at agad na nakita si Aiden. Nakababa ang bintana ng kotse nito kaya ito agad ang nakita nya. Nakatingin ito sa kanya, nanatili syang nakaupo at inilagay sa bagpack ang plastik na hawak-hawak.

"Bakit andito ka?" Tanong nito mula sa sasakyan. Sinulyapan lang nya ito at lininga-linga ang paligid para maghanap ng masasakyan. Pero malinis parin ang kalsada walang dumadaang tricycle o tao man lang. Maya- maya pa'y napansin nyang binuksan ni Aiden ang pinto ng kotse at lumabas ito. Umismid sya at pinilit na huwag lingunin ito.

Halos isang linggo itong hindi nagpakita sa kanya tapos ngayon lalapit-lapit sya. Hindi rin nya minsan maintindihan ang takbo ng isip ng Aiden. Inaakit sya tapos pag bumigay sya aayaw naman ito. Ang gulo eh ang hindi tuloy nya malaman kung ano bang intensyon sa kanya ni Aiden. Lalo na't hinalikan na sya nito ng dalawang beses.

"Carmella, I'm asking you what are you doing here? Alone" tanong nito ng makababa ng kotse at sumandal sa pintuan ng sasakyan nito. Saglit nyang sinulyapan ito at nagsisisi sya sa ginawa dahil nakita nanaman nya kung gaano kagwapo si Aiden. Nakasuot ito ng puting long sleeve na naka rolyo hangang sa braso, brown na short na tinupi sa magkabilang dulo na hindi man umabot sa mga tuhod nito at brown na sapatos. Gwapo nanaman ang kabuuan nito at syempre ang appeal nito na kahit yata sino eh mararamdaman ang malakas nitong dating.

"May pinuntahan lang ako malapit rito" ismid na sagot nya at mabilis na iniwas ang tingin, nais nyang iwasang tignan ito dahil baka hindi nya mapigilan ang sarili.

"Andyan ka ba para maghantay ng masasakyan?" Tanong nito at humakbang palapit sa kinauupuan nya.

"Malayo na kasi ito, hindi na kaya ng bike ko" sagot nya na sa malayo nakatingin.

"Bakit ayaw mo kong tignan?" Tanong nito sabay hawak sa mukha nya at hiniharap rito.

"Ano ba?" Inis na sabi nya at mabilis na tinabig ang kamay nito sa mukha nya.

"Hindi mo ba ko na miss Carmella?" Biglang tanong nito at naupo sa tabi nya. Naamoy nanaman nya ang colonge nito na tila nagiging pamilyar na sa kanya ang amoy nito. Kumunot ang noo nya at sinulyapan ito saglit.

"Bakit naman kita mamimiss?"

"Well, isang linggo din kasi akong wala sa San Miguel, marami akong inasikaso sa manila" sagot nito. Kaya pala hindi nya ito nakikita sa Resorts dahil nasa manila ito, akala nya iniiwasan na sya nito dahil sa nangyari sa kanila sa kubo.

"Ano namang paki ko kung umalis ka, hindi ko nga napansin na wala ka" taas noong pagsisinungaling nya. Dahil sa tuwing pupunta sya ng Resorts ay hinahanap-hanap nga mga mata nya si Aiden, tila hindi kumpleto ang araw nya sa Resorts pag hindi nya ito nakikita.

"Liar" nakangising sagot nito.

"What?"

"Don't lie Carmella"

"I'm not!"

"Why don't you look at me?" Hamon nito.

"Ayoko!" Inis na sagot nya at tumayo mula sa pagkakaupo para maiwasan ito. At muling liningon ang magkabilang kalsada pero wala talagang dumadaan.

"Walang tricycle na dumadaan rito, may paradaan sila banda doon, malayo-layo mula rito" sabi nito, sinulyapan nya ito na kampante sa pagkakaupo at naiinis sya sa sarili dahil hindi mapigilan ang pag hanga nya rito.

"Sumabay ka na sa akin, ihahatid na kita sa Resorts"

"Huwag na nakakahiya naman sa iyo"

"Ngayon kapa ba mahihiya sa akin eh hinalikan mo na nga ako" sagot nito at mabilis na napalingon rito. Nakita nya itong nangingiti. Nakaramdam sya ng tuwa dahil sa kauna-unahang pagkakataon nakita nyang ngumiti si Aiden.

"Hindi ko ginusto yon" protesta nya.

"Forget it" nakangiti paring sagot nito at tumayo mula sa kinauupuan. Tiningala nya ito dahil may katangkaran ito tulad ng lalaking nakilala nya kanina si Shawn.

"Lalakarin ko nalang ang paradaan" pagmamatigas nya at humakba na.

"Carmella" pigil nito sa braso nya.

"Hindi ka sanay rito sa lugar na to, malayo-layo ito sa inyo, baka kung ano pang mangyari sa iyo, isa pa mag gagabi na" litanya nito na tila nahimigan nya ng pag-aalala. Pero hindi sya sigurado roon.

Sinulyapan nya ang kamay nitong nakahawak sa braso nya. Mabilis naman syang binitawan ni Aiden.

"Sige na sumakay  ka na" sabi nito at lumapit sa driver seat. Nagdalawang isip sya kung sasabay rito, dahil unang-una ayaw nyang napapalapit kay Aiden dahil may damdamin syang nabubuo na hindi pa nya mabigyan ng pangalan sa ngayon dahil ayaw nya, dahil alam nyang mali at sya ang masasaktan pag pinagpatuloy ang ano mang nais maramdaman kay Aiden Del Castillo. Kung bakit kasi isa syang Carmella Perez at isang Aiden Del Castillo naman ito