Chapter 21
Carmella
"Wow Ate ang ganda" bulalas nya ng makita ang gown na isusuot ng kapatid sa kasal nito.
"Maganda ba?" Tanong nito at pinatong ang gown ang katawan at inikot-ikot.
"Maganda Ate sobra" sagot nya at mabilis na niyakap ang kapatid. Masaya sya para sa Ate nya dahil natagpuan na nito ang lalaking magmamahal rito at tanggap kung ano mang nakaraan ng kapatid. Nagpapasalamat syang nakatagpo ang kapatid na tunay na magmahal rito. At sana ganoon rin ang Ate Lanie nya at kung papalarin pati sa sana sya makatagpo ng tamang lalaki para sa kanya. Sa naiisip nya biglang pumasok sa isip nya si Aiden mabilis syang napailing ng ulo.
"Pag ikaw kinasal mas maganda pa dito ang gown mo" sabi ng Ate Grace nya habang pinapakita sa mga kapatid ang gown.
"Paano ikakasal yan wala ngang boyfriend" sabat ng Ate Lanie nya habang nakapalupot kay Mike, at pinagpapasalamat na rin nyang nagkabalikan ang kapatid at si Mike, at sinasama nya sa dasal nya na sana si Mike na ang huling lalaking makakasama ng Ate Lanie nya.
"Mella, hindi ka naman namin pinagbabawalang magka boyfriend, basta unahin mo lang ang pag-aaral" sabi ng Ate Grace nya at hinawakan sya sa buhok.
"Wala palang siguro akong nagugustuhan" tipid na sagot nya at lumitaw nanaman sa isip ang gwapong mukha ni Aiden.
Halos mag iisang linggo na mula ng mangyari ang eksena nila ni Aiden sa kubo. At mula noon hindi pa nya nakikita si Aiden sa Resorts. Ewan nya dahil pakiramdam nya iniwasan sya ni Aiden at hindi naman sya tanga para hindi malaman ang dahilan nito, iniiwasan sya ni Aiden dahil isa syang Perez at alam nyang di matanggap ni Aiden sa sarili nito na kahit papano ay hindi ito immune sa charm nya. Nais nyang ikatuwa yon dahil ganoon rin naman sya kay Aiden na aatrak sya rito, hindi pa nga lang nya mabigyan ng mangalan ang atraksyon na nararamdaman kay Aiden at alam nyang simula palang mali na dahil kung hahayaan nya ang sarili uuwi syang luhaan at masasaktan lang.
"Wala pa bang nagpaparamdam sa iyo Mella?" Tanong ng Ate Grace nya.
"Ah... ate?" Gulat na tanong nya dahil malalim ang iniisip.
"May naghatid sa kanyang mamahaling kotse Ate" masigla sabi ng Ate Lanie nya habang sinusubuan ng suman si Mike.
Linggo kaya kumpleto sila sa bahay, isama pa ang pagdalaw ng Ate Grace nya at nobyo nito. Kaya puno nanaman ang bahay at habala ang Nanay nya sa pagluluto.
"Sinong naghatid sa iyo?" Masayang tanong ng Ate Grace nya at kinurot sya sa tagiliran.
"Aray ate!" Tili nya at mabilis na umiwas sa kapatid. Dinampot ang wedding invitation sample sa mesa.
"Sino si Mrs. Alvarez Ate?" Pang-iiba nya ng usapan para maiwasan ang mga tanong nito. habang binabasa ang mga nakasulat sa invitation sample. At nabasa nyang isang Ninang lang ang kinuha ng mga ito at si Mrs. Divina Alvarez. Hindi nya alam kung saan nya narinig ang pangalan pero tila pamilyar sa kanya.
"She's so special to me Mella, maraming naitulong sa akin si Mrs Alvarez" nakangiting sagot ng Ate nya at sinimulang itupi ang gown na isusuot.
"Taga saan sya Ate?" Usisa nya.
"Dito sa San Miguel"
"Talaga, kaya pala parang narinig ko na ang pangalan nya"
"Well, sa pagkakaalam ko ang pamilya ni Mrs. Alvarez ang sumusunod sa pamilya Tragora, sila kase ang nangmamay-ari sa ilang malalaking palaisdaan dito sa San Miguel at may malaking asyenda din ang mga ito, marahil hindi nga lang kasing laki ng sa mga Tragora" litanya ng Ate nya. Marami naman talagang mayayaman sa bayan nila.
"Sa kanila pala yung public beach sa may dulo ng San Miguel" dagdag ng Ate nya nagpakislap sa mga bata nya ng marinig ang beach.
"Public beach?" Tanong nya dahil tila hindi pa nya narinig ang tungkol sa beach sa may dulo ng San Miguel.
"Malayo-layo na kasi yon kaya hindi mo alam, isa pa public beach yon pero iilan lang ang pumupunta dahil mas gusto ng mga taga rito ang Del Castillo Resorts"
"Parang gusto kong puntahan yan Ate" excited na sabi nya.
"Malayo yon Mella, hindi kakayanin ng bike mo"
"Mag ta-tricycle nalang ako ate"
"Ikaw ang bahala, sigurado naman ako magugustuhan mo doon dahil mas tahimik ang dagat"
"Talaga ate" bulalas nya at sumilay ang malawak na ngiti sa mga labi. Sa dami nyang problema ngayon nais nyang mag isip-isip at alam nyang mga alon sa dagat ang nagpapakalma sa kanya, pero dahil na rin kay Aiden kaya hindi sya dapat maglagi sa Del Castillo Resorts at sa tingin nya ang dagat sa dulo ng San Miguel ang bagong magpapakalma sa kanya. Mabilis syang tumayo sa pagkakaupo at nagtatakbo paakyat sa taas.
"Dahan-dahan ka naman Mella" sita ng Ate Lanie nya. Hindi nya ito pinansin mabilis syang pumasok sa silid pagdating sa itaas. Nilabas ang bagpack at nilagay ang mga gamit na kakailanganin. At nilabas na rin nya ang all white na besdita at kulay kremang sandalyas.
"Hahanapin ko ang dagat sa dulo ng San Miguel" sabi nya sa sarili at mabilis na naghanda.
Pagbaba nya kaagad syang nagpaalam sa mga ito na may pupuntahan sandali.
"Saan ka pupunta Mella? Eh andito ang Ate Grace mo" tanong ng Nanay nya na busy sa kakahalo ng niluluto.
"Saglit lang po ako Nay" sagot nya at mabilis ng nagtatakbo palabas.
Naisip nyang dalhin ang bike. Alam nyang malayo ang dulo ng San Miguel sa tinitirhan nila at kung mag babike lang sya baka abutin sya ng gabi. Kaya ang ginawa nya para makamura sa pamasahe nag bike sya hanggang sa Del Castillo Resorts at iniwan kay Mang Cesar ang bike at mula doon sumakay na sya ng tricycle.
Pagbaba nya ng tricycle napanganga sya ng makita ang malinis na buhanginan mula sa may kalsada. Walang gate ang o bakod na humaharang sa dagat mula sa kalsada. Tumakbo sya palapit. Linggo pero wala syang makitang tao roon. Puro nagtataasang mga puno at malinis na buhangin ang nakikita nya. Napangiti sya at naglakad pa palapit.
"Wow! Bakit hindi ko kaagad nalaman ang tungkol sa iyo" bulong nya at para syang batang nagpaikot-ikot.
"This is what I've been looking for" tahimik tanging payapang alon lang ang maririnig nya. Kumpara sa Del Castillo Resorts mas malalakas ang hampas ng alon roon kesa dito at walang mga batuhan na tulad ng sa Resorts na syang madalas puntahan ng mga turista. Tinuloy nya ang paglalakad at ginamit na rin nya ang cellphone para kuhanan ng letrato ang ilang mga magagandang puno. Naaliw sya sa paglalakad ng may mahapakan kung ano. Niyuko nya yon at napangiti sya ng makita ang daming mga bato at nag gagagandahang shell sa buhanginan.
"Wow" bulalas nya at mabilis na inilabas ang plastik na dala mula sa bag at namulot ng mga nagugustuhang bato at shell. Sa Del Castillo Resorts marahil sa dami ng mga guest roon eh iilan nalang ang nakikita nyang nagkalat na mga shell at bato. Nang marating ang gitna ng dagat napansin nya ang malaking bahay na nakatirik sa may itaas. Nag-iisang bahay lang yon doon, at masasabi nyang malaki at maganda ang bahay na tila ginastusan ng usto. Ang daanan nitk pababa sa dagat ay sementado pero bago ka tuluyang makababa ay buhanginan na. May dalawang tinutumbok ang sementadong daan nito ang isa'y marahil patungo sa kalsada dahil sementado lahat pababa. Kulay puti ang malaking bahay na dalawang palapag na tila yari sa salamin, marahil para nasisilip ng mga ito ang magandang karagatan. Maganda ang pagkaka desenyo ng bahay napaka peaceful. Nakangiti syang kinunan ng larawan ang magandang bahay. At nagtuloy na sa paglalakad habang namumulot ng mga shell at bato.
Malayo-layo man ito sa bahay nila pero pipilitan nyang mapadalas ang pagpunta rito, tutal bukas naman ito para sa mga tao sa San Miguel. Marahil sinadyang buksan yon ni Mrs. Alvarez sa mga tao sa San Miguel at hindi ginawang negosyon tulad ng Del Castillo Resorts na bentang-benta sa mga dayuhan. Sa paglalakad nya may namataan syang maliit na kubo sa may malapit sa mga naglalakihang puno sa gilid. Na curious sya at naglakad palapit sa kubo. Hindi ito tulad ng mga kubo sa Del Castillo, ito'y tila gawa sa kawayan at dayami. Nang makalapit kinunan rin nya ito ng larawan. May pagkaluma na ito pero mukhang presko sa loob. Lininga-linga ang paligid baka sakaling may tao sa paligid at bawalan syang pumasok sa loob, pero wala naman syang nakitang tao kaya humakbang palapit sa tatlong baitang. Umakyat sya at sinilip ang loob. Bukas ang pintuan nitong tila sira na rin sa kalumaan. Marahil walang pumupunta rito kaya napapabayaan ang kubo.
"Wow, parang ang sarap namang magpahinga rito" usal nya ng makita ang loob ng kubo. May papag roon katapat ng bintana, may maliit na mesang kahoy at isang malaking bangko. Napangiti sya at kinunan ng larawan ang kubo.
"Sino ka?!"