Chapter 20

Aiden

"Damn it" mura nya matapos mailayo ang sarili kay Carmella. Sinulyapan nya ito na nanatiling nakaupo sa upuang rattan. Nakasaboy ang mahabang buhok nito at ang iba'y tumatakip na sa magandang mukha nito. Ang mga mata nitong puno ng tanong habang nakatingin sa kanya, ang mga labi nito'y nakabuka pa at hindi nya masabi kung anong klaseng pagkokontrol ang ginawa nya para huwag itong hilahin sa upuan at idikit sa dingding at halikan ito hangga't gusto nya. Napapikit sya at tila hinahanap ang sarili dahil aaminin nyang nawala sya sa sarili ng mahalikan ang malalambot na labi ni Carmella na magmula ng mahalikan nya kahapon ay hindi na nawala sa isipan nya.

"Shit" mura nya at mabilis na tumalikod. Naglakad palapit sa pinto.

"You are leaving again" tinig ni Carmella na nagpahinto sa paghakbang nya at liningon ito.

"Gaya ng ginawa mo kahapon, matapos mo kong halikan sa batuhan iniwan mo ko" patuloy nito habang nanatiling nakaupo at nakatingin sa kanya.

"Bakit Aiden? Hindi mo ba masikmura na mahalikan ang isang tulad ko" may inanakit syang nahimigan sa tono nito.

"Hindi mo ba kayang panindigan ang ginawa mo kaya tatakas ka" tuya nito at tumayo mula sa pagkakaupo. Lumakad ito palapit sa kinatatayuan nya.

"I didn't know Aiden Del Castillo is a big coward" mariing sabi nito ng makalapit sa kanya.

"You are a coward Aiden! Duwag ka!" Halos isigaw na nito yon sa harapan nya habang dinuduro-duro nito ang dibdib nya.  Marahas nyang pinigilan ang mga braso nito at sa isang iglap lang naidikit nya ito sa dingding ng kubo.

"You don't know what you are talking about Carmella" tagis bagang na sabi nya at marahas na itinaas ang dalawang kamay nito sa dingding. Nagpumiglas ito, sinubukan mabawi ang mga kamay na mahigpit nyang hawak-hawak. At dahil sa ginagawa nitong pagpupumiglas sumasagi ang magaganda hubog ng dibdib nito sa dibdib nya, at nage-enjoy sya. He felt his own arousal inside his jeans and he knows Carmella's feel it too. Kitang-kita nya sa mga mata nito ang pinaghalong takot, excitement at pagnanasa. Yes lust kitang-kita nya sa mga mata ni Carmella ang pagnanasa. At nakakasigurado syang pareho sila ng nararamdaman sa isat-isa, they both want thier bodies to become one. At alam nyang parehong may pumipigil sa kanilang bigya laya para sa isat-isa ang mga katawan.

"Don't let me out of my mind Carmella, dahil hindi akong magdadalawang isip na angkinin kita sa loob ng kubo, sa ganitong posisyon" litanya nya na sadyang sa mga labi ni Carmella sinabi ang mga salitang yon. At hindi nakaligtas sa kanya ang pagpikit ng mga mata ni Carmella at naramdaman nya ang panginginig ng buong katawan nito. At aaminin nyang gusto nya ang nangyayari sa kanila ni Carmella.

"Just tell me if you want it Carmella and I'll give it to you with all my pleasure, huwag mo lang akong tatawaging duwag, cause I'm not" litanya nya. Nagmulat ng mga mata si Carmella. Nagtama ang mga mata nilang parehong puno ng pagnanasa sa isat-isa.

"Bakit Aiden?" Tanong nito.

"Believe me Carmella, I don't know why either" sagot nya at binitawan ang mga kamay nito. Nakakuha ng pagkakataon si Carmella para maitulak sya nito at mabilis na lumakad sa pinto.

"It was just a kiss, yes! and people kiss all the time, yes!" Sabi nito ng makatayo sa tabi ng pinto.

"But not everyone wants to be kiss to someone like me. right Aiden? Dahil pamilya ako ng kaladkarin, ng mga malalandi!" May pait na sabi nito at kitang-kita nya ang sakit sa mga mata nito. Nais nya itong lapitan at yakapin at sabihin ritong iba ito, hindi ito tulad ng mga kapatid nito. Marami na syang narinig tungkol sa mga kapatid nito at lahat yon ay hindi magaganda, pero kay Carmella? Wala pa syang narinig tulad ng mga narinig nya sa mga kapatid nito. At maaaring iba nga si Carmella sa mga kapatid nito. At umaasa nga syang iba si Carmella sa mga kapatid nito.

"Carmella you are not like them"

"True and I will never be like them!" Hiyaw nito.

"Kaya tigilan mo na ko, I know why you are doing this Aiden, you were trying to seduce me, and I don't know if you are just doing this for fun, curiosity or I don't know Aiden, please stop seducing me" may pagsusumamo sa huling sinabi nito.

"I'm just a human! Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin" patuloy nito.

"I'm not seducing you Carmella"

"Then what?"

"I don't know" tanging sagot nya at sa una-unahang pagkakataon nawalan sya ng tamang isasagot dahil kahit sya hindi nya alam kung ano ang dahilan nya, alam nyang higit sa tawag ng laman ang nakikita nyang dahilan kay Carmella dahil kung yun lang ang habol nya kay Carmella kanina pa nya ito inangkin ng paulit-ulit pero hindi, at hindi rin nya alam kung ano.

"I hate you Aiden for doing this to me" may inanakit na sabi nito at mabilis na lumabas ng kubo.

"Damn it!" Mura nya at sinipa ang upuan na kanina lang ay inuupuan ni Carmella.

Ano bang ginagawa nya? Hindi ang tipo ni Carmella ang tipo nya, dahil mahilig sya sa mga babaing kung manamit ay kapiraso lang, mahilig syang makipag date sa mga babaing kauri nya, matalino, may sinasabi sa buhay at game sa larong gusto nya, at malayong-malayo si Carmella sa mga babaing tinutukoy nya. Pero aaminin nyang naaakit sya kay Carmella na pilit nyang pinipigilan pero hindi nya ma kontrol. Sa tuwing nakikita nya ito nais nya lagi itong halikan, yakapin, at alagaan. Maliban sa pisikal na atraksyon nya kay Carmella napukaw din nito ang damdamin nya na nais nyang itong alagaan, protektahan sa mga taong nagmamaliit rito. Pero paano nya magagawa ang mga bagay na yon kung natatakot syang aminin sa sarili na may ibang damdaming umuusbong na kinatatakutan nyang malaman kung ano.

"What the fuck Aiden! Hindi ka pwedeng mahulog sa isang Perez" paala nya sa sarili at nilamukos ang mukha sa mga palad.