Chapter 19
Carmella
Pagdating nya sa Resorts kaagad nyang ginawa ang report na hindi natapos kahapon dahil sa pag-aaway nila ni Liza.
"Mella, pinapatawag ka sa HR" sabi ni Lyn isa ding OJT pero hindi sya nito pinapansin ngayon lang. Marahil nautusan lang ito na tawagin sya.
"Sige salamat" pasalamat nya at tumayo na mula sa pagkakaupo. Alam nyang ang tungkol sa awayan nila ni Liza ang pag-uusapan at siguradong nagsumbong ito na sinaktan nya ito and no douby humabot na kay Aiden ang nangyari at sigurado syang paaalisin na sya nito dahil sa pagkakalat nya sa Del Castillo Resorts.
Magdamag syang gising kagabi sa dami ng gumugulo sa isip nya at aaminin nyang isang dahilan na roon ang paghalik sa kanya ni Aiden. Nais nyang malaman kung bakit sya hinalikan nito, at kung bakit pagkatapos ay basta nalang syang iniwan nito. Nagsisisi ba ito dahil nahalikan nya ang isang tulad nyang mababang uri ang tingin ng buong San Miguel? Nagsisisi ba ito dahil naakit sya ng mababang uring tulad nya kung tawagin sa bayan nila'y pamilya ng kaladkari at malalandi. At si Aiden anong tawag nito sa pamilya nya? Hindi ba't mga salot na dumudungis sa magandang bayan ng San Miguel. Ganoon pa man ano man ang dahilan ni Aiden aalamin nya. Kagabi pa nya pinag-isipan na aalamin nya kay Aiden kung bakit sya nito hinalikan, alam nyang balewala ang isang halik sa tulad ni Aiden Del Castillo pero isa syang Perez at alam nyang hindi nanaisin ng isang tulad ni Aiden na mahalikan ang isang tulad nya.
"Magandang umaga po" bati nya pagpasok sa HR. Nakasimangot anga sekretarya at ang head nito na naglalagay ng lipstik.
"Alam mo bang sa ginawa mo muntik na kaming matanggalan ng trabaho!" Sita ng sekretarya na marahil ay nasa edad trenta pataas.
"Nagsumbong si Ms. Liza at nais ka nyang mapaalis dito, at buti nalang kinausap sya ni Sir Aiden na huwag ng palakiin ang gulo" litanya nito na halatang inis na inis. Nanatili namang walang kibo ang head nito na nag-aayos naman ngayon ng kilay, tila hindi interesado sa issue nila.
"Pasensya na po" nasabi nya pero hindi nakaligtas ang sinabi nitong kinausap ni Aiden si Liza para huwag ng palakiin ang gulo. At ano naman kaya ang sinabi ni Liza kay Aiden? Hindi na sya magtataka kung puro kasinungalingan at paninira lang sa kanya ang sinabi nito. Una palang ayaw na sa kanya ni Liza dahil may issue daw ito at ang Ate Lanie nya, at ngayon dahil may gusto ito kay Aiden sya naman ang pinagbubuntungan ng inis.
"Mag sorry ka kay Ms. Liza" dagdag nito at hinihagis sa mesa ang folder.
"Oh? Bakit ako magso-sorry wala naman akong kasalanan" nagawa nyang mangatwiran. Dahil yon ang totoo ininsulto ni Liza ang pamilya nya dahil lang sa nagseselos ito sa kanya, dahil nag-iisip ito na inaakit nya si Aiden.
"Haba! ikaw na nga ang binigyan ng pabor ni Sir Aiden" ismid na sagot nito at sinimulan ang pagsusulat sa mesa.
"Mag sorry ka kay Ms. Liza tapos na ang issue" dugtong nito na hindi man sya tinitignan. Ms. Liza? Tanong nya sa sarili at ngumiti ng patuya, ano nga ba naman ang maaasahan nya sa bayan na ito, sya na ang na insulto't lahat lahat sya pa ang magso-sorry. pinagtanggol lang naman nya ang sarili nya, tapos sya pa ang masama ngayon. Hindi na sya magtataka dahil nasa bayan sya ng San Miguel at isa syang Perez.
"I will never do that!" Mataas na boses na sabi nya. Umagaw yon sa atensyon ng sekretarya at sinuglapan sya nito. Natigil naman sa pagpapahid sa mukha ang head nito at liningon sya.
"Kung kayo insultuhin ang pamilya nyo, hindi kayo lalaban? Hahayaan nyo lang ma insulto ang mga ito?" Taas noong tanong nya sa sekretarya. Inis na binaba nito ang ballpen at tinignan sya ng masama.
"Alam mo Carmella kung ano man ang sinabi sa iyo ni Ms. Liza totoo lang yon kaya huwag kang ma insulto dahil ganon talaga ang pamilya mo" bored na sagot nito at binalik sa ginagawa ang atensyon. Hindi na sya nagulat sa sinagot nito wala naman talagang kakampi sa kanya sa bayan na ito.
"I'll keep that in mind Ms. Secretary!" Taas kilay na sagot nya at mabilis na tumalikod at lumabas ng opisina.
"Sorry? The hell!" Bulong nya at naglakad pabalik sa kubo para tapusin ang ginagawa. Hindi sya mag so-sorry kay Liza dahil wala syang kasalanan.
Pagpasok nya sa kubo hindi inaasahan na makikita roon si Aiden, hawak hawak nito ang report na ginagawa nya. Bumuntong hininga sya at pinaikot ang mga mata at nagtuloy sa loob.
"Andito ka ba para sabihing mag sorry ako kay Liza?" Inis na tanong nya. Sinulyapan sya nito. At tila sumikip ang kubo para sa kanilang dalawa ng mapatingin sa mga labi nito, napalunok sya at mabilis na iniwas ang mga mata sa mga labi nitong humalik sa mga labi nya kahapon.
"Hindi ako mag so-sorry kung yan ang sinadya mo rito, first wala akong dapat iihingi ng sorry sa kanya, second she deserved everything she got and third hindi ako nagsisisi sa ginawa ko sa kanya" matigas na paliwanag nya at pinagsalikop ang mga kamay sa dibdib na abnormal ang tibok dahil kaharap nya si Aiden.
"I won't let you to say sorry to her if it's against your will Carmella, but I want to hear it from you, what happened? Bakit mo sya nasaktan?" Seryosong tanong nito at sumandal sa mesa at pinag krus ang mga paa. And god help her, Aiden Del Castillo is truly breathaking and this is not good for her.
"Kung anong sinumbong nya sa inyo, yun na yon" sagot nya at pinaikot ang mga mata.
"Na nagseselos ka sa kanya dahil you are trying to seduce me?" Tanong nito nanlaki ang mga mata nyang napatitig rito.
"What?" Bulalas nya.
"Yes Carmella, Liza told us na pinagsabihan mo syang layuan ako cause I am yours?" Tanong nito na nahimigan nya ng tuwa.
"The hell Liza!" Inis na sabi nya at napaupo sa rattan na upuan.
"Is that's true?" Tanong ni Aiden at lumapit ito sa kanya.
"Of course not! Bakit ko naman sasabihin sa kanya ang bagay na yon" mabilis na sagot nya.
"Are you sure about that Carmella? Tanong nito at tinungkod ang mga kamay sa magkabilang hawakan ng upuan at tila sya nasukol nito. Napalunok sya at tiningala ang gwapong mukha nitong nakatunghay sa kanya.
"Isn't sabi mo kung anong sinumbong nya eh yun na ang nangyari, so you
threatened her to stay away from me cause you want me for yourself ah Carmella?" Tanong nito habang humahaplos ang mainit na hininga nito sa buong mukha nya at naliliho sya at nadadala. Nais nya itong hilahin at halikan sa mga labi.
"Believe what you want to believe Aiden" bulong nya dahil tila sya pangangapusan ng hininga sa sobrang lapit nito sa kanya.
"Do you want me Carmella?" Seryosong tanong nito at unti-unting lumalapit ang mukha nito sa mukha nya. Hindi sya makaiwas dahil sukol sya nito. At tila wala naman syang balak umiwas, dahil buong gabi nyang pinapantasya ang mahalikan muli ang mga labi ni Aiden.
"What if yes?" Hamon nya rito.
"The feelings is mutual Carmella" he breath and she felt his lips onto her. My lips touch Aiden lips again, and this time Aiden kisses her, a real kiss, his tongue opens her mouth and kiss her more passionately, his tongue runs along her. Her entire body shiver, she never felt like this before and she loves it, she love Aiden kiss.
"Carmella" he breaths and touch her face.
"Aiden" she breaths out and grab Aiden neck and kiss him again. Oh god forgive her, forgive her for kissing Aiden Del Castillo.