Chapter 18

Aiden

"Aiden! We need to talk!" Bungad ng Mama nya ng makapasok na sya ng bahay. Wala talaga syang balak umuwi ng bahay, nais nyang sa cottage magpalipas ng gabi dahil maraming trabaho at marami syang iniisip kasama na roon ang paghalik nya kay Carmella na buong araw na gumulo sa isip nya. Ewan nya kung bakit nya hinalikan si Carmella, kung dahil ba naaawa sya rito dahil nahihirapan na ito sa buhay, dahil nakita nya itong umiiyak at aaminin nyang tears make him weak, oh dahil baka naman nais talaga nyang mahalikan ang mga labi ni Carmella.

"Good evening Ma" bati nya sa Mama at humalik sa pisngi. Nakataas ang kilay nito at alam nya ang dahilan. Kung hindi lang sya nito pinilit na umuwi hindi talaga sya uuwi ng bahay. Mula ng bumalik sya ng San Miguel bihira syang umuwi sa bahay nila, madalas sa Resorts sya nag iistay o di naman kaya sa condo unit nya sa Tragora Condo ilang kilomentro lang ang layo mula sa Resorts.

"We need to talk right now Aiden and this is serious!" Matigas na sabi ng Mama at naglakad papuntang library. Bumuntong hininga nalang sya at sumunod rito.

"Why you let that girl na makapasok sa Resorts! Alam mo ba ang maaaring mangyari pag nakita sya ng Papa mo" simula ng Mama nya na hindi mapakali.

"Ma, she's not that dangerous at beside wala syang kasalanan sa mga nangyari noon"

"Aiden! Kapatid nya ang babaing yon! At sapat ng kasalanan yon para sa tulad nya!" Galit na sagot ng Mama nya. Alam nyang mangyayari ang bagay na ito, kaya lalo syang na iistress sa bahay.

"I've tried to rid of her, pero nagpupumilit syang tapusin ang isa buwan na OJT. And estudyante sya Mama, hindi ko sya pwedeng paalisin ng ganun-ganon nalang dahil sa pesornal na alitan natin sa kanya"

"Hindi parin sya dapat manatili sa Resorts! Paano kung makita sya ng Papa mo?"

"Ma, hindi ba kayo na rin ang nagsabi na nagbago na si Papa"

"Pero Aiden, natatakot parin ako na baka magsimula muli ang kumunikasyon ng Papa mo at sa babaing yon"

"Never Mama, hinding hindi mangyayari yan" mabilis na sagot nya. Dahil yon ang totoo hindi na muling mahuhugnay ang Papa nya sa pamilya Perez. Kung noon masyado pa syang bata kaya hindi nya naprotektahan ang pamilya, ngayon kayang-kaya na nyang protektahan ang mga ito lalo na ang Mama nya.

"Calm down Ma" halo nya sa Ina at lumapit rito.

"I won't let that happen, andito na ko, hindi ko na hahayaang masaktan pa kayo"

"Ano bang dahilan mo at hindi mo sya mapaalis?" Tanong nito at tinignan sya sa mga mata. Bumuntong hininga sya at naglakad sa malaking library.

"Wala akong dahilan Mama, ayoko lang na paalisin sya sa Resorts ng walang sapat na dahilan, at ayokong idahilan ang nangyari limang taon na ang nakakalipas. Ayokong mapuna ang Resorts pag ginawa ko yon" paliwanag nya. Nanatiling nakatingin sa kanya ang Mama nya na tila ba tinatanya kung nagsasabi sya ng totoo.

"Idahilan mo ang pakikipag away nya sa kapwa nya estudyante" nagulat sya sa sinabi nito.

"What?" Kunot noong tanong nya.

"Hindi ba nila ne report sa iyo na nakipag away sya sa isang OJT?"

"No, I mean walang  nakarating na balita sa akin tungkol dyan" sagot nya dahil wala namang nasabi sa mga tauhan ng Resorts sa nangyari. Kaya ba nasa may batuhan si Carmella kanina? Kaya ba ito umiyak dahil may nakaaway ito? Pero anong dahilan? Mga tanong nya sa sarili. Sa sobrang busy nya sa kakaisip sa ginawa nyang paghalik kay Carmella hindi nya namalayan na may gulo na palang nangyari.

"Tumawag sa akin ang isa sa mga tauhan at sinabi na nakipag away daw ito, kung anong dahilan hindi ko alam. So that's it! May idadahilan ka na para palayasin sya sa Resorts" taas kilay na sagot ng Mama nya.

"Ma, baka hindi naman away na-"

"Enough Aiden! Paalisin mo ang babaing yon"

"Like what I said, hindi ko sya mapapaalis ng walang sapat na dahilan"

"Yan lang ba ang dahilan mo? Oh baka naman natitipuan mo ang babaing yon" may pag aakusa sa tono nito.

"Ma, saan mo nanaman nakuha yan kay Ivy?" Tanong nya dahil nakakasigurado syang nagsumbong na si Ivy sa Ina at nasabi rito kung ano ang itsura ni Carmella. Totoo naman ang sinabi ni Ivy na maganda at inosente ang itsura ni Carmella, kaya iniisip nitong yon ang dahilan nya kaya hindi nya ito pinapaalis sa Resorts. Hindi rin nya alam sa sarili kung yon ba ang dahilan kung bakit hanggang ngayon nasa Del Castillo Resorts parin si Carmella.

"Huwag sana pati ikaw Aiden, ikamamatay ko" sagot nito at mabilis na lumabas ng library. Napatitig sya pintong malakas na binagsak ng Mama nya sa galit.

"Damn it!" Mura nya at napasipa sa upuan. At binagsak ang katawan pa upo sinalo ng dalawang palad ang mukha nya.

"Carmella is nothing! She's beautiful right! But she'a nothing!" Paulit-ulit na kumbinsi nya sa sarili, dahil kahit sya mismo hindi nya alam kung ano ba ang dahilan at pinupukaw ni Carmella ang atensyon nya, tulad kanina nadala sya nito sa mga sinabi nito hindi pa ito naging masaya, ni minsan hindi pa nito naranasan ang maging masaya. Nalulungkot syang isipin kung bakit pinagkakait kay Carmella ang maging masaya, at wala raw itong kaibigan na pwedeng masabihan sa nararamdaman nya, what a cruel town para hindi kaibiganin si Carmella dahil lang sa issue ng mga kapatid nito. Ano bang kasalanan ni Carmella? Kasalanan ba nya kung ganoon ang ginagawa ng mga kapatid nito? Ano bang inaayawan ng buong San Miguel sa isang Carmella na all her life she was looking for her own happiness, she wants to be happy, to feel the happy feeling, na pinagkakait ng buong San Miguel, dahil lang sa taglay nitong apelido. Hindi ba't isa din sya sa tinutukoy nyang buong San Miguel na humaharang sa kaligayaang hinahanap ni Carmella?

Kinabukasan maaga syang umalis ng bahay. Wala nga syang balak matulog roon pero tiniis na nya para makasama naman ang dalawang kapatid na babae, dahil kahit papano na miss rin nya ang mga ito.

Habang tinatahak nya ang kalsada papuntang Resorts nakita nya si Carmella sa may karinderia na bumibili. Binagalan nya ang takbo ng kotse para mapag masdan itong mabuti. Napansin nyang tahimik lang itong naghihintay habang binabalot ng tindera ang binili nito. Napansin din nya ang hindi maganda pagtingin ng tindera kay Carmella, at ang masungit na pag abot nito sa plastik ng binili ni Carmella, ganoon pa man nginitian parin ni Carmella ang masungit na tindera at sumakay na ulit sa bike nito. Nakaramdam sya ng pagkainis sa tindera dahil alam nyang minamata nito si Carmella dahil isa itong Perez at dahil sa nasaksihan masasabi nyang malupit nga ang San Miguel kay Carmella. Mabagal nyang pinatakbo ang kotse nakasunod kay Carmella.

Nakasuot ito ng dilaw na t-shirt at puting walking short at puting sneaker. Nakalugay ang mahaba nitong buhok na linilipad ng hangin. Napaka inosente nitong tignan at masasabi nyang maganda at may dating talaga si Carmella, isama pa ang magandang hubog ng katawan nito, may maganda itong hinaharap na talagang malaking atraksyon sa mga sa kanya at kapwa nya lalake. Napahawak sya sa mga labi habang nakasunod parin kay Carmella na binabaybay ang kalsada sakay ng bike nito.

Pagdating sa Resorts kaagad nyang inalam ang sinabi ng Mama nyang pakikipag away ni Carmella.

"Bakit kay Mama ka nagsabi at hindi muna sa akin?" Sita nya sa secretary ng HR na nagsumbong sa Mama nya.

"Pasensya na po Sir, sakto po kasi ng tumawag sya nagsumbong si Ms Liza kaya nasabi ko po na may inaway si Carmella" sagot nito. At hindi nakaligtas ang pagtawag na Ms nito kay Liza samantalang kay Carmella. Carmella lang. Lahat na ba talaga ng tao sa San Miguel minamata si Carmella? Mapa mayaman mapa mahirap iisa ang tingin kay Carmella? Ano bang kasalanan ni Carmella sa mga tao sa San Miguel at kung tratuhin ito ay ganon nalang kababa.

Kanina nakita nyang iniabot ni Carmella kay Mang Cesar ang binili nito sa karinderia, marahil madalas ng gawin ni Carmella yon sa matanda kaya hindi na sya magtataka kung madali kay Carmella ang makapsok sa Resorts kahit noon pa man. Bakit sya sa simpleng pag abot lang ng pagkain ni Carmella kay Mang Cesar nakita na nya kung gaano ito kabait, bakit ang mga tao sa paligid nila hindi? Bakit puro pagmamaliit at pang-huhusga ang mga ito kay Carmella? Tanong nya sa sarili at nakaramdam ng galit sa sarili dahil isa din sya mga taong nagmamaliit at nang-huhusga kay Carmella.